Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

My Boss is My Ex (R-18) TAGALOG

🇵🇭Criptica_Gee
--
chs / week
--
NOT RATINGS
9.6k
Views
Synopsis
Having an arrogant ex is not easy. Kahit saan ka magpunta ay talagang hahanap siya ng paraan upang ipamukha sa 'yo na "YOU LOST." Hi, my name is Seirrah Colt! And this story is about me and my arrogant ex, who happened to be my boss. Ugh. Join me as I face my roller-coaster story, together with my evil Ex and his new girlfriend.
VIEW MORE

Chapter 1 - CHAPTER 1: Last Day is the Worst

SEIRRA'S POINT OF VIEW

"Sei! Sei!" nakaramdam ako ng pag-alog sa aking katawan, "Seirra, wake up!"

"Ughh," napaungol ako sa pag-inat ng katawan ko. Ano bang kailangan niya? Ba't siya nanggigising ng taong natutulog ng mahimbing? "What?" pahabol kong tanong saka humikab.

"It's your ex—"

"What?!" Agad akong napaupo sa kama ko. Marinig ko pa lang ang salitang "ex" ay naaalerto na ako kaagad. "W-w-what about my ex? What a-about him?" dagdag ko. Nawala tuloy ang antok ko sa puntong ito.

"Siya ang bumili ng pre-loved shoes ng kapatid mo!" she rolled her eyes and crossed her arms, "That's so disgusting! Sei, you have to do something."

What the... fvck?!

"Seryoso ka ba?!"

"Hindi ako nagbibiro, tingnan mo oh," she took her phone out of her pocket at pinakita sa akin ang isang FB post ng magaling kong kapatid na kung saan ay nagpapasalamat siya sa bumili ng sapatos niya. "Sei! 'yong dignidad mo!"

Tila nabuhusan ako ng malamig na tubig sa nabasa ko.

He's really messing up with me. Pinapamukha niya talaga na mahirap ako, at isang malaking kawalan ang pakikipaghiwalay ko sa isang mayamang tulad niya!

"He did that on purpose," palihim na nabuo ang kamao ko. Kasabay no'n ay pagtalim ng tingin ko.

"Duh! Obvious naman eh. Sa yaman niyang 'yan, bibili siya ng pre-loved na sapatos?! Aba! Nakakabastos siya!"

"Malilintikan talaga sa 'kin si David!" I stood up and faced the door, "Hindi ko kayang mag-march habang bitbit ang kahihiyan sa araw na 'to, Miley." Bumuntong ako ng hininga.

By the way, she is Miley Cruz. Ang roommate ko since first year at ang tanging best friend ko the whole college year. Are you wondering kung bakit mas naiinis pa siya sa loko kong ex kaysa sa akin? Because she was the one who advised me to break up with Enzo.

And today is our last day in our university. Ngayon ang graduation day namin, and yeah, the last day is the worst. Thanks to my brother!

"Yup, mabuti pang kausapin mo 'yang kapatid mo. Tell your family to cut everything off with Enzo." Naglakad siya patungo sa harapan ko, "Cheer up, huling araw na natin ngayon. You should be glad na nalampasan natin ang apat na taon. Kalimutan mo muna ang tungkol kay Enzo for the mean time," she said.

Bumuntong ako ng hininga, "Hindi ko maiwasang hindi mainis. He did that on purpose! Gusto niyang ma-realize ko na kawalan siya! And he will do everything for that to happen. Ano pa bang gusto niya? Mabaliw ako dahil wala na siya sa piling ko?" I asked sarcastically.

It's been four months since I and Enzo broke up. I don't know kung bakit siya nagkakaganito. Hindi naman halatang broken siya, actually he's always out with his rich friends. At alam ko namang hindi ako mahalaga para iyakan niya (Ni hindi ko naramdaman ang pagmamahal niya). Ni hindi niya nga ako naipakilala sa mga kaibigan niya noon, at sa mismo niyang pamilya. Kinahiya niya ako!

I can't trace the reason why he's messing up with me. Is it because mahirap lang ako at ako pa ang nakipaghiwalay? Nasaktan ko ba ang ego at ang pride niya?

Hay nako! He will never know my reason why I broke up with him, because he never bothered to ask. Wala nga kasi siyang pakealam.

This is not the first that he messed my way. Lagi ko namang nilalayo ang sarili ko sa kanya. Siya lang talaga 'tong naghahanap ng paraan para painisin at sirain ang araw ko. Tsk! Kahit na magkaiba kami ng paaralan na pinapasukan, gumagawa talaga siya ng paraan para mambwiset.

Ugh!

After that chit-chat with Miley ay naghanda na kami for the march. Sabay na rin kaming umalis ng room dahil sabay rin kaming natapos sa paghahanda. As I closed the door ay napansin kong paisa-isa na nagsilabasan ang mga estudyante sa mga rooms nila, suot ang kani-kanilang mga toga. Kita ko ang saya sa mga mata at ngiti nila. How I wish I could have that kind of happiness. Dahil 'yong happiness ko for this day ay sinira ni Enzo.

"Are you okay?" tanong ni Miley nang mapansin niyang nakasimangot na naman ako.

"Yeah," tumango ako as response, "Naalala ko lang si Enzo."

"What?!" napaurong ang kanyang baba at nagiba ang mukha, na para bang nabigla sa sinabi ko.

"What I mean is, naalala ko 'yong ginawa niya. Not him."

"Ah, make it clear kasi."

After that ay nagtungo na kami sa convention hall kung saan gaganapin ang ceremony. Umupo na rin kami sa respective seats, not a problem dahil katabi ko pa rin si Miley. No'ng magsisimula na ang program ay tumingin ako sa area kung saan uupo 'yong mga guardian ng mga ga-graduate. I was looking for my parents... pero si David ang nahagilap ng mga mata ko. Ayun, kumunot agad ang noo ko.

Ngumisi naman siya kaagad nang magtama ang aming tingin. Irap lang ang natanggap niya, as a return. Kala niya ah, lagot siya sa akin mamaya sa pag-uwi ko.

Ilang minuto pa ay nagsimula na nga ang ceremony. Panay tingin pa rin ako kay David, hindi ko mapigilan na hindi tumingin sa nakakainis niyang mukha. Halatang ang saya-saya niya, nako! For sure sobra ang binigay na bayad ni Enzo sa kanya. Ugh! Nakakahiya!

"MAY WE CALL ON, MR. ROBERT WILLIAMS."

Natigilan ako nang tawagin ng emcee ang pangalan ni Mr. Robert Williams bilang isa sa mga contributor ng university na ito. I never met him, subalit alam kong ama siya ni Enzo—my ex. Ngayon ko lang nalaman na isa pala siya sa mga contributor ng university. Iba talaga ang nagagawa ng mga mayayaman.

Ilang segundo naming hinintay si Mr. Robert na umakyat sa entablado, subalit tech-man ang dali-daling umakyat doon. Lumapit ito sa emcee at may binulong.

"APOLOGY. MR. ROBERT CAN'T ATTEND THE CEREMONY DUE TO HIS LOADED SCHEDULE." The emcee cleared her throat, "IN BEHALF OF HIM, MAY WE CALL ON MR. ENZO WILLIAMS, THE SON OF MR. ROBERT WILLIAMS. A ROUND OF APPLAUSE, PLEASE."

w.t.f

----------