SEIRRAH'S POINT OF VIEW
Miley breathes heavily, "Ahhh, town."
Ngayon ay naglalakad kami patungo sa bago naming dormitory. Doon muna kami tutuloy hanggang sa makahanap kami ng stable job. Actually, pareho naming hindi alam kung hanggang kailan na lang kami magsasama. Hindi namin hawak ang aming kapalaran. Maaring mapadpad kami sa magkaibang trabaho, at maaari ring magkasama pa rin kami. No one really knows. Pero isa lang ang maisisigurado namin, mananatili pa rin kaming magkaibigan kahit anong mangyari.
Maya-maya'y nakarating na kami sa aming dormitory. Inayos namin ang aming mga gamit at nag-bihis na kaagad. We don't want to waste our first day here in town. Maaga pa naman, may oras pa upang makapagsumite ng resume sa mga hiring companies... sana palarin.
"Okay ka na ba?" tanong sa akin ni Miley nang naka-thumbs up.
"Oo," tumango ako.
"So, alin ang uunahin natin?" binuklat niya ang hawak niyang notebook, kung saan nakalista ang mga hiring companies na aming pupuntahan at ang mga details nito.
"Kung sa'n malapit, 'yon ang uunahin natin."
"Hmm," mainam niyang sinuri ang listahan, "Zams Winery it is."
"Then let's get our butts off."
Ayon sa aking nalalaman, ang Zams Winery ay isang successful winery ng bansa. Their transaction is global, kahit saang panig ng mundo ay nag-iimport sila. Accordingly, it was originated in Germany, and yet it was stated that the owner of the winery is a pure Filipino. Meaning, ang Zams winery ay orihinal na gawang pinoy. Marami na ring awards na natanggap ang winery na ito, dahil sa success nito ay milyo-milyong pilipino na ang natulungan nito. Nakakamangha. That's why, ang mapabilang sa Zams Winery ay isang karangalan.
Agad na kaming nag-byahe patungo sa nasabing winery. Isang oras ang tinagal ng byahe dahil sa traffic. Grabe pala ang traffic dito sa bayan. Pero okay lang, nakarating naman kami nang maayos.
"Kayo ba ang mga aplikante?" Bungad na tanong sa amin ng babaeng may suot na formal attire nang matapat na kami sa office ng winery.
"O-Opo!"
Gosh, my knees are shaking. Ibang-iba ang aura ng babaeng ito. Nakakatakot siya.
"Well," she looked at us from the bottom to the top, "Follow me," aniya at tumalikod sa amin.
Agad kaming nagkatingin ni Miley, for sure we are thinking about the same thing. She is scary! We didn't say a word anymore. Tahimik lang naming sinundan ang babae.
Habang naglalakad ay hindi ko maiwasang mapatingin sa paligid ng office. Everything seems so neat. The walls are so clean, there is no single vandalism at all. Yun nga lang, masyadong plain ito, walang mga designs! Nothing is on the wall except for the warnings and company's mission and vision.
***FEW HOURS LATER***
"Congratulations, you are hired!" Inabot ng manager ang kaniyang kamay at nakipag-shakehands sa amin.
Wait, what?!
I was so shocked habang nakikipag-shakehands sa manager. Hindi ko mai-sink in nang agaran sa aking isipan ang sinabi niya. We are already hired? Just... Like... That?!
Wow. Hanggang ngayon ay loading pa rin ako.
"Thank you so much, Mrs. Isabelle. We are not going to let you down," napaka-lapad ng ngiti ni Miley.
Masaya naman ako, sobrang saya dahil pareho kaming natanggap ni Miley. Nabigla lang talaga ako sa biglaang pagtanggap sa amin. Kaya hindi ko nagawang mag-react kaagad. The manager only read our resume and asked us if we are so sure about this job, and then we said yes. Then that's it. Hired na kami. Would you believe that?
Nauto ba namin siya sa content ng resume namin na puno ng flowery words?
"I'm looking forward to it. Oh, anyway," yumuko ang manager at may kinuha sa kanyang drawer, "This is our contract. Write down your name then kindly affix your signature." Nakangiti niyang inabot sa amin ang contract.
I took my contract and read it. Halos maluha ako habang binabasa ko ito. Totoo ba 'to? Magiging part na ba ako ng Zams Winery industry? I think, this just came so soon. Maraming nangangarap na magkaroon ng magandang trabaho gaya nito, and we got it so easily. We are so blessed.
"The contract is three years and renewable," dagdag ng manager.
"Can we renew this forever?" baliw na tanong ni Miley saka tumawa nang pabebe. "Hehehe!"
Palihim kong kinurot ang tagiliran ni Miley. Minsan talaga hindi niya nilalagay sa tamang lugar ang mga jokes niya. Hindi niya ba naisip na manager ang kaharap namin ngayon?
The manager chuckled, "Of course you can!"
"Uhm, Mrs. Isabelle, I'm done with the contract." I interrupted and placed my contract on top of her desk.
"Me too," Miley did the same.
"Great, thank you ladies." She smiled widely and placed the contract inside of her drawer again. "Your training starts tomorrow. Maswerte kayo, there will be not much work tomorrow because the new Zams Winery president will be with us to celebrate his promotion."
"Uhm, celebration? As in, kainan?" tanong ni Miley na siyang nagpaikot ng mga mata ko. Hay naku talaga!
This time ay natawa na ang manager, "Sort of," she nodded. "But we'll not go anywhere, dito lang tayo. Ang president ang mismong pupunta sa atin."
Parehong nalaglag ang panga namin ni Miley. Grabe naman ang effort at ang down-to-earth attitude ng president. Kaya naman pala successful ang Zams Winery. It is because they tolerate good attitude. Kaya ayan, the Almighty one bless them with blessings.
"Thank you so much, ma'am." I bowed. "I can't wait to meet the president."
"Yeah, maraming humahanga sa kanya. Even no'ng mga panahong hindi pa siya ang president. Alam niyo? I'd like you to meet him, marami kayong matututunan sa kanya. Hindi lang siya basta mayaman sa pera, mayaman din siya sa paggalang, sa disiplina, at sa pangarap." Bumuntong siya ng mahabang hininga, "He inspires many."
After hearing what she said, my eyes went heart! Nakakamangha naman. Parang gusto ko na tuloy ma-meet ang president ngayon mismo. Kung kaedad ko lang siya, baka crush ko na siya hahaha. Charot, may anak ba siya? Pwede 'yong anak niya na lang ang i-crush ko? Charot ulit.
"May anak ba siyang lalake?"
At tumigil ang mundo ko nang magsalita na naman si Miley. Ayaw ko na! hiyang-hiya na ako sa mga pinagsasabi niya! I was thinking the same thing pero hindi ko naman naisipang itanong 'yon. Waaah! Gusto kong lagyan ng packing tape ang bibig niya.
"Anak? No." natawa na naman si Mrs. Isabelle, "He's just at your age."
WHAT?!
Parehong namilog ang mga mata namin ni Miley. Wtf! How come president na siya sa edad na twenty-one, samantalang kami ay nagsisimula pa lang sa zero?
"Oh you look stunned," nagpigil ng tawa si Mrs. Isabelle, "I know, nakakabiglang malaman na president na siya at that age. He is too young to lead. But he's more than you know. He's knowledgeable, wise, and, lahat na nasa kanya. Apart from being over qualified, anak siya ng may-ari ng Zams Winery... he is Enzo Williams."
And that was the most regretful decision I've ever made. Magku-krus na naman ang landas namin ni Enzo.
_______