SEIRRA'S POINT OF VIEW
Hinagis ko ang bago kong bili na sapatos sa harapan ng magaling kong kapatid.
"What is this?" confused, he asked.
I crossed my arms and leaned on his room's wall, "Bagong shoes," tinaasan ko siya ng kilay bago nagpatuloy sa pagsasalita. "Kaya mo naman binenta ang luma mong sapatos ay para bumili ng bago, hindi ba? Ayan, binilhan kita ng bago."
It's been two days since the graduation happened. Hindi ko pa nata-topic kay David ang tungkol sa pre-loved shoes niya dahil for sure magsusumbong siya kila mama at baka mapagalitan pa ako for being over-acting. Humahanap lang ako ng tiempo. And now, I see this as a perfect time to bring up the issue dahil last hours ko na lang dito sa bahay, aalis na naman ako at makikipagsapalaran sa bayan. You know, adulting things. Maghahanap ng trabaho.
"huh?" nakunot ang kanyang noo. Inilapag niya ang hawak niyang cellphone sa ibabaw ng mini table niya, saka binuksan ang hinagis ko. "No way!" nalaglag ang panga niya sa bigla. "Ate Sei! No way!" mangha siyang tumingin sa akin.
"Uh-huh," ngumiti naman ako, "Air Jordan Low luka, gusto mo 'yan hindi ba?"
Makailang beses siyang tumango, "Are you kidding? I love it!" abot hanggang tenga ang kanyang ngiti. Kitang-kita na nagustuhan niya ang aking bili.
"Since may bago ka nang shoes, you don't need a new one." I smiled devilishly. "Ibalik mo kay Enzo ang pera niya at kunin mo 'yong binenta mo."
"Ano?"
"Hindi mo ba ako naintindihan?" unti-unting nawala ang ngiti ko sa labi. "Ibalik.mo.kay.Enzo.ang.binayad.niya." paisa-isa kong sambit upang mas maintindihan niya.
"Ate no. Nakakahiya na. The transaction is over. Let's be matured." Sumimangot siya at bumalik sa dati niyang posisyon, at kinuha muli ang cellphone niya.
Pakiramdam ko ay kumulo ang dugo ko sa sinabi niya. Huminga ako nang malalim upang ikalma ang sarili, baka matamaan sa akin ang batang 'to kapag nabwiset ako.
"Are you saying na immature ako?" I put my hands on my sides.
"No," umiling siya, "What I'm saying is kapag isinauli ko kay Kuya Enz—" naputol ang sinasabi niya nang tawagin kami ni Mama.
"SEI, DAVE! BUMABA KAYO MAY BISITA!" sigaw ni Mama.
Marahan na tumayo si David mula sa kanyang kama saka tinalikuran ako, "Hindi ko na magagawang isauli pa ang pera, Ate. It does not work that way." Ito ang huli niyang sinabi bago kumaripas ng takbo pababa sa sala, kung nasaan si Mama.
Hays!
Napabuntong na lamang ako ng hininga dahil sa inis. Kung makapagsalita naman 'tong si David, kala mo ang daming alam! Ugh! Bakit pa kasi kay Enzo binenta?!
Padabog ako na bumaba ng hagdan. Ang sarap manuntok ngayon. Sino ba 'yong bisita? Pwede bang sa kanya ko na lang ibuntong ang inis ko?
"Papirma na lang ho ako rito, sir." Isang delivery man ang naabutan ko sa harap ng pinto namin. 'Yan na ba 'yong bisita?
"Nasaan ang bisita?" tanong ko kay Mama nang makalapit na ako sa kanya.
"Iyan oh," tinuro niya ang delivery man.
Napabuntong ulit ako ng hininga. Hindi naman 'yan bisita eh. Nagde-deliver 'yan. Malamang may order si David sa online shop. Nako naman 'to si Mama, oo.
"Ano na naman 'yan, David?" nakapameywang kong tanong nang makaalis na ang delivery man. "Matuto ka namang mag-ipon. Hindi 'yong gastos ka nang gastos."
"Luh, si Ate mama oh, nanenermon." Nakanguso niyang sumbong saka umupo sa sofa habang hawak ang parcel. Napakasumbungero talaga. "Hindi ko naman 'to binili eh, wala naman akong binili."
"Eh ano 'yan? Nakapangalan pa sa 'yo." Inikutan ko siya ng mata. Nako, I was not born yesterday para utuin niya.
Dahan-dahan niyang binuksan ang parcel, "Edi buksan para malaman." At nagpilosopo pa nga.
"Huh?" kunot-noo niyang binuksan ang liham na nakapatong sa box. Na-curious din ako kaya umupo ako sa tabi niya.
"I know this shoes mean a lot to you. So keep it and keep the money. God bless." Binasa ko ang nakasulat.
"Huh? Hindi ko maintindiha—" naputol ang nais na sabihin ni David nang makita niya ang laman ng box. It is his old shoes!
Napatayo ako sa inis. This is too much already! Masyado nang kawawa ang tingin sa akin ni Enzo. Masyado na niyang pinapamukha sa akin ang kahirapan ko!
Imagine! Nagawa niya pang isauli ang sapatos ni David matapos na bilhin ito, then keep the money na lang daw? Ano ba ang tingin niya sa amin? Uhaw sa pera?!
"Yehey! What a blessing! Mama, look. Ang bait ni Kuya Enzo!"
"No, ibalik mo 'yan David." Sinubukan kong agawin sa kanya ang box subalit naunahan niya ako.
"Ate, you are over reacting. Kung tapos na ang lahat sa inyo ni Kuya Enzo, well sa amin hindi pa. Look, he's still treating me like his little brother."
"Tama nga naman, Seirra. Hayaan mo na si Enzo at David."
What? Pati ba naman si Mama hindi ako kakampihan? What is wrong with this family?
-------