Chapter 16 - Truth Untold

•••

NAGISING na lang ako dahil sa mahinang yugyog na nararamdaman ko. Nang idilat ko ang mga mata ko at tignan ko kung sinong gumising sa akin at nakita ko na lang si Veronica na nakatayo sa labas ng pinto ng kotse.

Doon lang pumasok sa isip ko na nasa sasakyan nga pala kami at ito ako... nagising sa reyalidad at hindi alam kung nasaan na kami. Doon ko lang din nakumpirma na madilim na dahil agad akong tumingin sa paligid. Hanggang sa mapunta kay Veronica ang tingin ko.

She was looking at me like she's waiting to me? Waiting to ask her or to say something?

"B-bakit ganiyan ka makatingin sa akin?" Tanong ko dito.

Hindi nagbago ang expression ng mukha niya. Pero---nanlaki na lang ang mga mata ko ng biglang naging kulay pula ang kulay ng mga mata niya at sa isang iglap lang ay hawak na niya ang leeg ko.

*Shit!*

Agad na dumagundong ang takot at kaba sa sistema ko! Paanong naging ganun ang mga mata niya?! Isa ba siya sa kanila? Pero alam ko ay hindi!

Mabilis kong hinawakan ang kamay niyang nakahawak sa leeg ko dahil ramdam ko ang pahigpit na paghigpit ng hawak niya doon. Ramdam ko ang pamamanhid at tila ba lumulobo ang ulo ko dahil sa ginagawa niya!

"A-ack! V-veronic---ack! B-bitawan---" mas lalong humigpit ang hawak niya sa akin. Ni hindi ko magawang makalanghap ng hangin sa sobrang higpit ng pagkakasakal niya sa akin. Para bang anong mang oras ay magagawa niyang maputol ang ulo ko gamit lang ang dalawa niyang kamay.

Unti-unti akong nawalan ng lakas, wala na akong lakas manlaban sa pagkakahawak niya. So dito na ba matatapos ang lahat? Nang tignan ko siyang muli ay mas lalong nanlaki ang mga mata ko sa gulat.

*Ryouhei?*

"I'm sorry, Yuki. But you need to die."

"YUKI! Punyeta naman gumising ka na!" Kasabay ang biglang pagdilat ng mga mata ko ay siya ring pagdaloy ng takot, kaba at panginginig ng katawan ko sa mga nakita ko.

Napabalikwas ako upo at isang malakas na untog ang naramdaman ko sa ulo ko. Fuck! Shit? Feeling ko umalog utak ko sa lakas ng pagkakauntog ko!

"Ouch!" Narinig ko na lang ang mangiyak-ngiyak na boses ni Veronica sa gilid ko.

*Veronica?*

Kaya agad akong napalingon sa kanan ko habang hawak ang ulo kong nauntog ng ulo niya. At doon sa labas ng pinto ng kotse, nakita ko siyang nakatayo habang himas-himas ang ulo niya.

"Aray... ang sakit..." Rinig kong bulong niya.

"W-wait? Hindi ikaw si Veronica hindi ba?!" Sigaw ko matapos kong mabilis na umalis sa kotse.

Doon ko lang naramdaman ang lamig sa paligid ng makalabas ako. Sandali nasaan kami?

"Anong pinagsasabi mo dyan? Bwiset ka. Ang tigas siguro ng ulo mo, pakiramdam ko sa bato ako nauntog shit yan," pagrereklamo niya habang himas-himas pa rin ang parte ng ulo niya.

Hindi ba gusto niya akong patayin?

"Tutal gising ka na din naman, sumunod ka sa akin." Saad niya at maglalakad na sana ng makita niyang umatras ako palayo sa kaniya. Medyo madilim na pero dahil sa bampira ako ay malinaw kong naaaninagan ang biglang pagbalot ng pagtataka sa mukha niya.

Nangunot pa nga ang noo niya eh.

"Ano yan? Inaano kita? Para sabihin ko sayo, ikaw ang may kasalanan kung bakit ang sakit ng ulo ko ngayon!" Sigaw na nagpagulat sa akin. "Tapos ang lakas mong umatras-atras dyan?" Dagdag niya pa na nagpataka naman sa akin.

Hinawakan niya ulit ang ulo niya at bumulong-bulong na hindi ko naman naiintindihan at naririnig.

"S-so hindi mo ako papatayin?" Tanong ko na bigla niyang ikinatigil at ikinalingon sa akin.

Agad na nanlaki ang mga mata ko dahil ito yung tagpo na bigla na lang magiging pula ang mga mata niya at saka niya ako sasakalin. Kailangan maging handa ako sa kung ano man ang gagawin niya!

"Anong pinagsasasabi mo dyan? Nakatulog ka lang, Yuki. Bangag ka pa ata?" Tanong niya sa akin.

Napalunok ako. "N-nasaan tayo?" Pag-iiba ko ng tanong sa kaniya.

Inalis ko bigla ang tingin kay Veronica at nilingon ang likod ko. Nasa isang madilim na highway pala kami? Pero bigla ko rin ibinalik ang tingin ko sa kaniya na ikinataas ng kilay niya.

"What the hell? What are you looking at me like that?"

"Hindi mo ako papatayin 'di ba?"

"What? Anong papatayin sinasabi mo? Kanina ka pa ah? Nandito ako para gisingin ka kasi kanina ka pa tulog, tapos ngayon sasabihan mo ako na papatayin kita? Ano Yuki? Okay ka pa ba? Ano? Shot pa?"

"Veronica, hindi ako nakikipagbiruan!"

"Me too!" Sigaw niya na nagpatahimik bigla sa akin. "I don't know exactly what you're talking about, Yuki! Hindi kita papatayin dahil lang sa inuntog mo yang matigas mong ulo sa ulo ko! Hello?! Baka iuntog lang kita sa pader!" Inis niyang sagot sa akin.

Napatitig ako sa kaniya. Bigla akong napahawak sa kamay ko na nanginginig pa rin. Ramdam ko pa rin ang lakas ng tibok ng puso ko dahil sa kaba dahil sa nakita kong 'yon. Napapikit ako at napalunok. Ano ba talagang nangyayari?

"You strangle me..." Sa sinabi ko ay doon na siya napatigil at tuluyang tumingin sa akin ng seryoso. "...to death." Agad din akong umiwas ng tingin at pilit pinapakalma ang sarili ko.

"What are you talking about?" Tila naguguluhan niyang tanong sa akin. "Me? Strangle you? To death? I'll never do that to you, Yuki. You know that." Dagdag niya pa.

Lalapitan sana niya ako pero agad rin akong umatras palayo sa kaniya. Hanggang sa mapagtanto niya dahil iyon sa sinabi ko. Narinig ko ang buntong-hininga niya at saka tumingin sa akin.

"Follow me. We need to go and discussed what you're talking about with Hajime." Pagtapos 'nun ay naglakad na siya papasok sa mga nagtataasang talahiban sa likod niya kanina.

Napabuntong-hininga ako at agad na sumunod sa kaniya papunta sa kung saan. Hindi ko alam kung nasaan kami, hindi ko alam kung bakit nandito kami.

Sinusundan ko lang ang bawat yapak ng paa ni Veronica at kung saan humahawi ang mga talahib na nasa harapan namin. Ngayon, nakita ko na ang buwan na nangangalahati na sa langit. Maliwanag ito na nagbibigay ng liwanag sa aming dalawa ni Veronica.

Ilang minuto pa ang nagdaan ng parehas na kaming nakalabas sa talahiban na 'yon, at mula sa harap namin ay nakita ko na lang ang may dalawang palapag na bahay. Walang ilaw ang buong kabahayan pero nagpatuloy si Veronica sa paglalakad kaya sumabay na lang ako sa kaniya.

Nang makapunta kami sa harap nito, hinawakan niya ang sedura ng pinto at ng buksan niya ito, ay isa lang ang nakita ko sa loob.

Si Hajime, nakaupo sa isang silya habang nagbabasa ng libro katapat ang isang kandila. Nang mapunta sa amin ang mga mata niya ay agad itong tumayo at lumapit sa akin. Hinila ako nito at agad na mahigpit na niyakap.

Ilang beses akong napapikit-pikit habang nakayakap siya sa akin. Hindi ko alam ang gagawin ko kaya nanatili ako sa kinatatayuan ko, nanatili lang ako doon ng hindi gumagalaw. Nang tuluyan niya akong bitawan ay tinignan niya ako ng pares niyang mga mata.

"Yuki---"

"Nasaan tayo, Hajime? Hindi ba masyado tayong malayo sa kung saan ako nakatira?" Tanong ko dito.

Bigla naman siyang umiwas ng tingin sa akin, tumingin siya sa likod kung saan nandoon si Veronica at naghihintay sa aming dalawa.

"I'll tell you everything later. For now, please come in." Hindi ko na sinagot ang sinabi niya at agad na pumasok sa loob. Iniwan ko siya doon ng mag-isa.

Nang makapasok ako at makaupo ay siya namang pagsunod sa akin ni Hajime, hindi ko siya pinansin ng makaupo siya sa harap ko. Hindi maliwanag ang bahay, para bang iisang kandila lang ang nagsisilbing liwanag namin sa madilim na bahay na ito.

"Yuki, tell everything..." Hudyat 'yon para sabihin ko kung anong nakita ko kanina... sa panaginip ko.

Bigla akong nagtaka dahil bakit si Veronica ang nakita ko doon at si Ryouhei.

*Si Veronica na sumakal sa akin sa panaginip ko, pero si Ryouhei ang papatay sa akin. Bakit?*

Sinabi ko ang lahat sa kanilang dalawa, kinuwento ko ang mga nakita at nangyari sa akin sa panaginip na 'yon, pero hindi ko sinabi ang tungkol kay Ryouhei. Dahil alam ko na rin naman kung anong mangyayari, gagawa at gagawa ng paraan si Hajime once na malaman niya iyon.

"Nakakapagtaka..." Sambit ni Hajime matapos kong sabihin sa kanila ang lahat. Tinignan ko si Veronica at pati siya ay nagtataka sa mga sinabi ko. Kahit naman ako, nagtataka din.

"Dahil ba sa lumayo tayo kaya ganun ang nakita mo?" Tanong ni Hajime.

"Hindi rin... may iba pang dahilan iyon," sagot ni Veronica at saka umupo sa upuang nasa tabi ni Hajime.

"Paano mo nasabi?" Tanong nito sa isa, lumingon sa akin si Veronica at ngumiti.

"I don't know, pero ang alam ko lang ay hindi iyon ang dahilan kung bakit napanaginipan ni Yuki iyon." Sagot niya na nagpatahimik sa aming dalawa ni Hajime.

Sa pagkakataon na 'yon, naisip ko na baka ay pagod lang ako o hindi kaya ay hindi pa ako nakakainom ng artificial blood matapos ang nangyari sa akin.

"Ah, Veronica?" Tanong ko dito, tinignan niya ako. "May artificial blood ba dito?" Dagdag kong tanong sa kaniya. Ilang segundo siyang napatitig sa akin at agad na tumango.

"Kukunin ko lang. Ilan ang kailangan mo?" Matapos kong sabihin sa kaniya kung ilan ang kailangan ko ay agad na siyang naglakad. Dahil sa dilim na bumabalot sa amin ay mabilis siyang nawala sa paningin ko.

Nang tignan ko naman si Hajime ay nakita kong tila malalim ang iniisip niya. Ito na siguro ang oras para malaman ang sagot sa tanong ko sa kaniya kanina.

"Hajime, bakit tayo nandito? Bakit tayo lumayo?"

"Hindi mo maiintindihan---"

"Ilang beses ko bang maririnig sayo ang mga salitang yan? Hindi ko maiintindihan? Paano ko maiintindihan kung hindi mo sasabihin sa akin?" Inis kong tanong dito.

Inilayo niya ako sa lugar kung saan ako namuhay mag-isa, tapos ngayong dumating siya sa buhay ko bigla niya akong ilalayo? Para saan? New environment? Wala man lang akong makuhang tamang eksplenasyon sa mga sinasabi niya? Puro na lang hindi mo maiintindihan?

"Yuki... hindi madali ang nangyayari ngayon. Matapos ang nangyari sayo..." Tinignan niya ako na para bang nag-aalangan siyang sabihin sa akin ang totoo. "...may posibilidad na hindi ka na nila iwan ng buhay, kagaya na lang ng nangyari sayo. Kaya tayo nandito, dahil kailangan namin ni Veronica na maprotektahan ka laban sa kanila. Hindi nila pwedeng malaman ang totoo tungkol sayo, dahil kapag nalaman nila 'yon, hinding-hindi sila magdadalawang isip na hanapin ka at worst ay patayin ka." Mahabang sagot niya na bigla kong ikinalunok.

Hindi ko alam na ito pala ang dahilan kung bakit gusto nila akong dalhin sa lugar na ito. Pero bakit? Hindi ko alam kung bakit parang mas interesado pa akong malaman kung bakit sila nagpapakitang lahat kung kailan matagal kong hinangad na makita ang mga kauri ko?

"Hajime... bakit sila nagsisilabasan? Bakit kung kailan okay na ako bigla kayong nagpapakita sa akin? Bakit kung kailan masaya na akong mag-isa na walang nakikilang mga nilalang na kagaya ko? Bakit... bigla kayo dumating at ginugulo niyo ang buhay ko?" Nakaramdam ako ng sakit sa dibdib ko ng ilabas ko 'yon mula sa kaniya.

Ilang linggo na ang nakakalipas magmula ng dumating siya sa buhay ko, silang dalawa ni Veronica. Pero ng dumating sila, bigla naman nagsimula ang mga hindi magandang nangyayari.

Mas maayos pa ako ng wala sila, nang si Ryouhei pa ang kasama ko.

*Ryouhei.*

"Nagsisisi ka bang dumating kami sa buhay mo, Yuki?" Sa tanong na 'yon ako natigilan.

*Nagsisisi? Nagsisisi nga ba ako?*

Hindi ako nakasagot. Nanatiling nakatingin lang ako sa mga kamay ko, kasi hindi ko alam kung akong isasagot ko sa tanong na niya.

"Darating din ang araw na malalaman mo ang lahat, Yuki. Pero sa ngayon, kailangan mong manatiling ligtas at ito..." Tinignan niya ang madilim na paligid namin. "...dito ka magiging ligtas laban sa kanila." At saka siya napayuko. "At iyon na din ang huling araw ng pagmumuhay mo kasama ang mga tao, Yuki. Sana maintindihan mo kung bakit tayo nandito, kung bakit kita dinala dito malayo sa kanila, sa kaniya."

Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman, ang maging masaya dahil pinoprotektahan ako ni Hajime at Veronica o ang maging malungkot dahil kailangan kong iwanan ang buhay ko na matagal ko ring tinanggap dahil alam ko *noon* ay wala ng babalik para sa akin.

Pero siguro ito na rin ang tamang oras para iwan iyon, gaya ng sabi ni Hajime, kailangan kong manatiling ligtas.

At sa mundo ng mga tao... hinding-hindi ako magiging ligtas.

•••