•••
# Ryouhei's POV
Nagkahiwalay na kami ni Kyla matapos naming makapagpalitan ng numero sa isa't-isa. Nakiusap na rin ako sa kaniya na kung maaari na may malaman siya kung nasaan si Yuki ay sabihin niya agad sa akin.
Dahil gusto kong malaman kung saan siya nagpunta. Bakit siya umalis ng hindi man lang nagpapaalam sa akin o nagsasabi na aalis ito. Sumasakit lang rin ang ulo at ang dibdib ko sa kakaisip sa mga nangyayari ngayon.
At ang gusto ko rin sanang makausap ang babaeng kasama niya... at si Hajime. Hindi ko alam kung tama ang naalala ko pero, alam kong tumawag si Hajime sa babaeng iyon at pagpasok nitong muli sa loob ay sinabihan na niyang magimpake si Yuki ng walang dahilan o ano pa man.
Ano ba talagang nangyari ng gabing hinila niya ako palabas ng apartment ni Yuki? May mga sinabi ba siya sa kaniya dahilan para umalis sila at hindi na bumalik pa o baka dahil lang talaga sa akin? Kaya sila umalis, nakumbinsi siguro siya ng babaeng iyon na umalis at hindi muna bumalik.
Siguro babalik pa siya... hindi lang ngayon?
"Nakita mo na ba 'yung limang tao na namatay sa eskinita kanina lang?"
"Hala, oo! Grabe sobrang butal 'nun!"
"'Di ba? Nakakatakot na dito sa lugar natin!"
"Kaya nga eh!"
Mga eksaktong sinabi ng dalawang babaeng aksidenteng naglalakad lang sa tabi ko. Ramdam ko ang takot at kaba sa mga boses nila ng banggitin nila ang mga iyon.
Sino nga bang hindi matatakot? Lalo na't may tatlong mas nauna pang biktima noon. At tila ba pinahupa muna ng kung sinong malademonyong nilalang ang nangyari sa lugar namin bago siya muling umatake at pumatay.
At ngayon? Limang katao ang agad kinuhaan niya ng buhay.
Napaisip ako... babalik ako sa apartment ni Yuki, baka may naiwan siyang bagay doon na pwede kong magamit para mahanap siya. Ibinigay rin sa akin ni Kyla pabalik sa akin ang cellphone ni Yuki kanina. Sa tingin niya daw kasi ako ang dapat na humawak 'nun kaysa siya, ako lang ang may karapatan na humawak ng kung anong meron si Yuki dahil alam niyang kaya ko itong ingatan.
Naguluhan man ako sa huling sinabi niya ay tumango na lang ako dito. At matapos 'nun, nagpaalam na siya sa akin at hindi na hinintay pa si Yuki dahil alam niyang hindi na ito pupunta pa kung nasaan kami.
Napahinto ako sa paglalakad at huminga ng malalim saka napatingala sa tuluyan ng nagdilim na langit, hinihiling ko na sana agad na bumalik si Yuki, may mga gusto akong itanong sa kaniya na hindi ko naitanong noong gabing iyon.
Naramdaman ko na lang na nag-vibrate ang cellphone ko at si Kyla ang natawag, kaya sinagot ko na lang rin ito agad.
"Hello, Kyla? Kakausap lang natin kanina ah?"
"Oo nga. Pero may nakalimutan akong sabihin sayo eh,"
"Ano 'yon?"
"What if sa apartment ka muna ni Yuki tumuloy ngayon? For sure kapag bumalik siya doon siya sa apartment niya unang pupunta." Suggestion niya.
Napaisip ako, pwede ngang sa apartment ako nu Yuki tumuloy ngayon, may point siya.
"Sige, dederetso na ako doon." Sagot ko at magpapaalam na sana ako dito ng marinig ko ang huling sinabi nito.
"Ryouhei, mag-iingat ka." After 'nun ay siya na ang nagbaba ng tawag.
Napatingin akong muli sa cellphone ko at napahigpit ang hawak ko doon. Alam kong nag-aalala rin siya dahil sa kumosyon na nangyari sa convenience store kanina. Kung paano mag-hesterikal ang lalaking iyon habang ipinapaliwanag niya ang nakita niya kanina.
Takot na takot siya at kitang-kita ko 'yon dahil sa malikot niyang mga mata at nanginginig niyang mga kamay at labi.
Kung ako man ang nasa katayuan alam kong ganun rin ang gagawin ko, matatakot ako dahil nakita mismo ng mga mata ko ang...
*"Mamamatay na tayong lahat..."*
Napahawak akong muli sa cellphone ni Yuki na nasa loob ng bulsa ko. Desidido na ako, sa apartment niya ako tutuloy. Muli akong bumalik doon at ipinakiusapan ang landlady na nakausap ko kanina na hingiin ang susi ng apartment ni Yuki, agad naman nitong ibinigay sa akin iyon.
Nang mabuksan ko ang pinto ay kadiliman ang sumalubong sa akin. Kinapa ko ang switch sa gilid at ng kumalat ang liwanag ay ganun pa rin ang nadtanan ko, katahimikan. Pumasok ako at agad na isinara ang pinto.
Naglakad ako papunta sa sofa at naupo doon. Ibang-iba ang pakiramdaman ko kapag wala dito si Yuki... may kulang. At hindi ko maipahiwatig kung ano 'yon. Napahawak na lang ako sa ulo ko at saka sumandala sa sofa na ikinauupuan ko, nakakaramdam ako ng pagsakit ng ulo ko, gusto ko siyang hanapin, pakiramdam ko kasi ay hindi ito ang dapat kong gawin.
Nakaupo lang dito at naghihintay hanggang sa dumating siyang muli, pero ang problema doon ay hindi ko naman alam kung saan ko siya mahahanap. Para akong naghahanap ng kasagutan kahit wala naman, para akong naghahanap ng pinto sa isang bahay ngunit wala naman.
Ang hirap pala kapag ikaw lang ang nag-aalala sa inyong dalawa—nanlaki bigla ang mga mata ko ng makarinig ako ng katok mula sa labas.
*Yuki...*
Dahil doon ay dali-dali akong pumunta sa pinto para buksan iyon, ramdam na ramdam ko ang kasabikan kong makita muli si Yuki pero sa kasamaang palad...
"Yu— ah, kayo ho pala," nakaramdam ako ng dismaya ng makita kong ang landlady pala ng apartmet na ito ang kumakatok.
Mahina akong natawa—mapaklang tawa. Dinalhan ako nito ng makakain, inimbitahan ko itong pumasok ngunit tumanggi ito. Kaya agad na rin itong nagpaalam, nang mawala na siya sa paningin ko ay isinarado ko ang pinto at tumingin sa pagkaing ibinigay niya.
Nagkibit-balikat na lang ako at dumeretso sa kusina ni Yuki. Pagdating ko doon ay naalala ko na naman ulit ang huling pag-uusap namin ng gabing iyon. Isinantabi ko na lang iyon at nagsimulang kumain na lang.
At ng matapos ako ay agad kong hinugasan ang mga pinagkainan ko at binuksan ang telebisyon, napukaw agad nito ang atensyon ko dahil ang balita doon ay ang nangyari kanina lang. Napakabilis kumalat ng balita at ngayon ay magiimbestiga silang muli, dahil limang buhay ang nawala, may posibilidad na mas marami pang buhay ang mawawala kung hindi sila agad gagawa ng aksyon.
Nasa kalagitnaan ako ng panonood ng maalala ko ang kwarto ni Yuki kanina. Kaya iniwan ko munang nakabukas ang telebisyon bago ako pumasok sa magulong kwarto niya. Ito ang nadatnan ko kaya na akong nagawa kundi ang iligpit ang mga nagkakalat na damit at ang magulong higaan niya.
Bigla kong naalala ang unang beses na ipinunta ko siya dito sa loob ng apartment niya, noong bigla siyang hinimatay sa harap ng convenience store. Iyon ang unang beses na nakatapak ako sa apartment ng taong nagugustuhan ko. I don't know what could possibly happen if I enter his home but that time, all I think is his safety.
That's the first time I saw him so vulnerable. Nang maidala ko siya dito, babalik sana ako doon para komprontahin ang babaeng huli naming nakita, and it turns out na ang babaeng iyon ay ang babaeng nakita kong kasama nila Hajime at Yuki dito.
Nawala ang galit ko at napalitan iyon ng awa dahil sa kalagayan ni Yuki. That time I manage to help him recover soon, hindi ako umalis sa tabi niya hanggang sa magising siya pero hindi ko naman ine-expect na sasabihin niya ang mga salitang 'yon sa akin.
I didn't expect that secretly loving someone is so hard. Ikaw at ikaw lang ang masasaktan at wala lang karapatang magreklamo lalo na't hindi mo naman siya mapipilit na gustuhin ka pabalik, o mahalin ka pabalik.
Pero, bakit nga ba ako patay na patay pa rin ako sa kaniya?
Argh! Ryouhei! Ayusin mo nga buhay mo!
Napatigil na lang ako sa pagsabunot sa sarili kong buhok dahil naramdaman ko ang pag-vibrate ng phone ko. Kinuha ko naman iyon at ang roommate ko ang tumatawag doon.
"Hello?"
"Dude? Anong oras ka ba uuwi?"
"Hindi ako uuwi."
"Huh? Kung hindi ka uuwi, saan ka matutulog?"
"Sleeping over to my friends place. Why? Ay alam ko na yang mga tanungan mo." Narinig ko ang mahina nitong tawa. Napapailing na lang ako habang inaayos ang mga damit na ito.
"Ah, hehe. Papapuntahin ko sana dito girlfriend ko, pero don't worry—"
"Oo na, oo na! Sige na bye." Pinatay ko na ang tawag at ipinatong ito sa kama ni Yuki.
Kumukunot ang noo ko kasi hindi man lang linisin ni Yuki kwarto niya bago umalis. Nasa kalagitnaan ako ng pagtutupi ng may masagi ako sa ilalim ng kama niya, nakasandal kasi ako doon habang itinutupi ang mga damit na iyon. Dahil sa kuryusidad kung ano 'yon ay ikinapa ko ang kamay ko sa ilalim at ng makuha ko iyon ay laking gulat ko ng makita mismo ng mga mata ko 'yon.
"What the heck is this?"
--*
*"That's a blood pack. 'Yung nakikita minsan sa ospital? Siguro naman pati iyon alam mo, hindi ko na kailangang ipaliwanag sayo. By the way, saan mo naman nakuha yan? Don't tell me nangunguha ka ng blood pack sa ospital?"*
*"Kyla, i'm serious."*
*"I am too! That's a blood pack pero nagtataka ako kung bakit mo nakuha yan dyan—ow! Wait I need to go! Bye!"*
Iyon lang ang mga sinabi ni Kyla sa akin matapos kong ipakita sa kaniya iyon kanina. Gulat na gulat ako ng makita ko 'yon kanina, hindi ko alam kung paano napunta ito sa loob ng kwarto niya o baka hindi niya lang sinasadyang maidala iyon dito sa apartment niya.
At nagtataka ako kung saan napunta ang laman ng blood pack na iyon? Hindi naman siguro iinumin ni Yuki iyon? O baka basura lang talaga ito tapos nadala niya dito?
Mas lalo lang sumakit ang ulo ko ngayon. Hindi pa rin umuuwi si Yuki, ang nangyaring kaguluhan kanina, at ang nakita kong bag ng dugo ngayon. May idadag pa kaya ito?
Inilabas kong muli ang cellphone ni Yuki at binuksan ito. Lumabas ang wallpaper nito na nagpangiti sa akin. I hope when he gets back maaya ko siyang pumunta sa sa isang lugar na katabi lang ay dalampasigan, gusto kong makita ang ngiti niya habang nakatitig sa paghampas ng alon sa mga paa niya.
*I hope I can see him like that.*
Napasandal na lang ako sa kinauupuan at napatitig sa kisame. "Sana bukas nandito na si Yuki, sana bukas panaginip lang ang biglaan niyang pag-alis, sana bukas maging maayos na ang lahat at makita ko na siya."
••••