Chapter 17 - Painful Answers

•••

Kinaumagahan... isang hindi pamilyar na kisame ang nakita ko. Nang mapagtanto kong wala ako sa sarili kong kwarto ay doon ako napabuntong-hininga, bumangon ako at pinakatitigan ang maliit na bintana na medyo malayo sa akin.

Binigyan nila ako ng isang kwarto na tutulugan, at ngayon ko lang din napagmasdan ang paligid nito. Dahil walang ibang laman ang isip ko kundi ang mga binanggit ni Hajime sa akin kagabi.

Niyakap ko ang sarili ko at ibinaon ang mukha ko mga braso ko. Bakit kailangan pang mangyari ang mga ganito ngayon? Bakit ngayon pa kung alam ko namang okay na ang lahat?

"Yuki?" Napatigil na lang ako sa pag-iisip ng marinig ko ang boses ni Veronica sa labas ng pinto at ang pagkatok nito sa pinto ng tatlong beses.

Hindi ko na inabala pang tumayo para pagbuksan siya dahil siya na rin ang ang nagbukas 'nun. Nang magtagpo ang maot naming dalawa ay agad na sumilay ang ngiti sa labi niya. Pumasok siya sa loob r may hawak siyang tray na may nakapatong na isang puting tasa at dalawang tinapay na hindi ko alam na may meron pala dito.

"Kumain ka na," sambit niya at inilapag ang tray sa gilid ng kama. "Umalis si Hajime kaya tayo muna ang tao sa bahay na ito ngayon." Dagdag niya pa.

Hindi ako makapagsalita. Hindi ko alam kung need ko bang magsalita.

"Ito oh," nakita ko na lang na kinuha niya ang puting tasa at iniabot niya iyon sa akin. "Uminom ka muna. Alam kong hindi swak sayo ang lasa ng artificial blood na ininom mo kagabi, kaya inumin mo muna yan bago ka kumain nitong tinapay."

Dahil doon ay agad ko iyong kinuha mula sa kaniya at ng makita ko ang laman nito ay biglang nanlaki ang mga mata ko?

"A-ano 'to? Dugo?" Tanong ko sa kaniya habang nanlalaki ang mga mata kong tumingin sa kaniya

"Oo, dugo yan." Walang kagatol-gatol niyang sabi sabay upo sa may kama.

"Seryoso ka ba talagang dugo ito ng tao?" Balik kong tanong pero bigla niyang ikinailing iyon.

"Hehe, dugo yan ng isang hayop na nahuli ni Hajime kaninang umaga. Sorry kung natakot kita." Sagot niya sabay kumamot-kamot sa likod niya.

Bigla naman akong huminga ng malalim dahil doon. Akala ko dugo na ng tao itong ipinapainom niya sa akin. Matapos kong matikman iyon ay masasabi kong mas malasa ito kaysa sa artificial blood na ilang taon kong iniinom.

Pwede palang dugo ng isang hayop ang inumin? So pwedeng kahit na anong klaseng hayop?

"Kung iniisip mo na anong klaseng hayop basta may dugo ang pwede mong inumin. 'Yon ang hindi pu-pwede, Yuki." Sagot niya.

Mukhang nabasa niya ang iniisip ko. Nang maubos ko ang pulang likido sa tasang 'yon ay doon ko napansin ang mahabang kuko sa mga kamay ko.

Wait? Anong nangyari?

"Hindi ka pa talaga sanay na may iba kang iniinom malibam sa artificial blood," Sambit niya sabay abot sa akin ng tissue. Kinuha ko yon sa kaniya at pinunasan ang bibig ko.

"S-sorry... Pero, paano ko ba maibabalik ito sa normal?" Tanong ko dito.

Nang tignan ako ni Veronica ay nakatingin lang siya sa akin at nakangiti. Why she's smiling at me? Weird.

"Veronica?"

"You're like your mother." Nang banggitin niya iyon ay agad akong napatigil.

Wait? She know my mother?

Tinitigan ko siya kahit na nagtataka ako kung bakit niya sinabi 'yon. Paano niya nakilala ang...

"Yuki... you don't still remember everything don't you?" Tanong niya sa akin na mas lalo kong ipinagtaka.

"What are you saying?"

"Yuki... your existence is rare." Sagot niya pero hindi ko naiintindihan. Bigla na lang siyang napabuntong-hininga habang nakatitig sa akin. "Hindi ko alam kung bakit hindi pa sinasabi ito sayo ni Hajime, kahit na palagi naman kayong nagkakausap at nagkikitang dalawa."

Umayos ako ng upo at tumingin sa kaniya. Nadagdagan na naman ang mga katanungan sa isip ko matapos kong malaman ang mga ito mula sa kaniya.

"Veronica, alam kong bampira ka. Pero anong kinalaman mo sa buhay ko? Bakit kilala mo sila? Ang mga magulang ko?"

"Yuki, hanggang ngayon ba? Hindi mo pa rin kami nakikilalang dalawa ni Hajime? Wala ka pa rin bang naaalala sa aming dalawa? Hindi mo pa rin ba... naaalala ang lahat?" Mahina niyang tanong habang titig na titig ang mga mat niya sa mga mata kong bumalik na sa normal.

"Hindi ko talaga... naiintindihan?" Mahinang balik ko dito.

Magsasalita sana siya ng binulabog kami ng tatlong katok sa labas. At mukhang iisa kami ng naiisip, si Hajime ito.

"Pasok," pagkasabi ko nito ay bumukas ang pinto at si Hajime nga ang nandoon.

Napatingin siya sa akin at bumaling naman siya kay Veronica na nasa tabi ko.

"May pag-uusapan tayo. Sumunod na lang kayo sa salas." Sambit niya at saka naglakad paalis sa harap ng bukas na pinto.

Nagkatinginan na lang kaming dalawa at saka kami sumunod kay Hajime. Nang makarating kami doon ay nakita ko na lang siyang nakatingin sa isang mapa na nakapatong sa maliit na lamesa sa harap niya. Ngayon ko lang rin napansin ang kabuuan ng salas, maaliwalas at malinis ang lugar at walang kahit na ano mang bahid ng kung ano-ano.

Paano kaya nahanap nila Veronica at Hajime ito?

"Anong... kinalaman ng mapa na yan sa gagawin natin, Hajime? Akala ko ba hindi mo na gagalawin yan?" Mabilis na sambit ni Veronica ng makita niya iyon sa harap ni Hajime.

Napahinto ako ng ilang metro sa kanilang dalawa ng makita kong makalapit si Veronica sa kaniya at hablutin ang mapa na yon at itapon palayo sa harap nito.

"Ano bang tingin mo, Hajime? Na lahat na lang ng bagay nadadaan sa mga gusto mo ha? Lahat na lang madadaan sa isang mabilis na proseso dahil iyon ang gusto mo?!" Sigaw nito.

Natulala ako sa nakikita kong eksena sa harap ko. Ito ang unang beses na marinig kong magtaas ng boses si Veronica, at ito rin ang unang beses na kay Hajime niya iyon ginawa.

"Veronica... simula't-sapul palang alam mo na kung bakit hindi ba? Alam mo kung anong dapat nating gawin, kung anong nararapat gawin kaya tayo nandito."

"At anong gagawin mo? Papaikutin ang lahat sa palad mo? Wala ka bang isip Hajime? Matagal na nating plano ito! Bakit ngayong nanganganib ang buhay---"

"Dahil wala na akong pagpipilian pa!!" Sa sigaw ni Hajime ay doon napatahimik kaming dalawa.

Hindi ko alam kung anong nangyayari, hindi ko alam kung anong pinaguusapan nila, wala akong naiintindihan. Gulong-gulo ako dahil sa pinag-uusapan nila.

Sa sobrang gulo... hindi ko na alam kung ano ba talaga ang totoo.

"Hajime... bakit? Ano bang klaseng pagpipilian ang gusto mo!"

"Kapag hindi ko ginawa 'yon, maaari kang mamatay! Ako o si Yuki! O ang lahat ng tao dito! Alam mo naman 'yon 'di ba? Ngayon ko pa ba ipapaliwanag sayo ang lahat kahit na matagal mo ng alam?!" Sigaw nito pabalik.

Kailangan ko ba silang awatin o hindi... hindi kasi ito yung oras para mag-away silang dalawa. Hindi ko alam ang dahilan ng pag-aaway nila, nang dahil ba sa mapa o sa ibang bagay pa?

"Marami pang paraan! Hindi mo kailangang gawin 'to! Hajime please! Hindi tayo nangako at nagpaubaya para lang mawala ag lahat ng pinagdaanan natin ng ilang taon!" Sigaw ni Veronica at sa pagkakataon na 'yon, doon ko nakita kung paano siya humingi ng pagmamakaawa kay Hajime na ngayon ay nakatitig at nakatingin sa kaniya.

Nakita kong napayuko at napailing ang isa dahilan para lingunin ako ni Veronica. Tinignan niya ako na para bang wala na siyang ibang magagawa pa.

"We need to go back at kapag hindi... hindi magtatagal ay mamamatay tayong tatlo dito ng walang nakaka-alam." Seryosong sambit ni Hajime at kunin ang mapa na nasa sahig sa hindi kalayuan.

"Kailangan nating ibalik si Yuki sa kung saan siya dapat namumuhay. Hindi natin siya pwedeng itago---"

"I'll die for Yuki." Napasinghap ako ng marinig ko mismo iyon sa bibig ni Veronica.

Sasabat sana ako ngunit agad na nagsalita si Hajime na ikinatigil ko.

"What? Are you stupid---"

"Stupid? You? Calling me stupid? Dapat ang sabihan mo ng stupid ay yang sarili mo, Hajime. Are you stupid for thinking only about yourself? Yuki is here, we promise to protect him! Baka nakakalimutan mo na iyon ang isa sa ipinangako mo noon Hajime?" Napalingon ako kay Hajime ng sabihin iyon ni Veronica.

Napatitig ako sa kaniya habang gulong-gulo ako sa mga nangyayari.

Lumingon rin ako kay Veronica pero kahit siya ay nakatitig kay Hajime.

"W-wala akong naiintindihan sa mga nangyayari... anong kinalaman ko sa pinaguusapan niyo? Anong ipinangako? Ano ba talagang nangyayari?" Sunod-sunod kong tanong sa kanila

Hinihintay na magsalita ang isa sa kanila ngunit... hangin lang ang sumagot sa akin.

"Hindi ko maiintindihan ang lahat kung hindi niyo ipapaliwanag sa akin---"

"Yuki, bampira ka." Biglang sabat ni Veronica sa akin.

"Oo alam ko. Kaya nga tayo nagtatago sa mundo ng mga tao hindi ba?"

"At ang mga kagaya natin ay hindi pwedeng manatili sa mundo ng mga tao." Dahil sa sinabi niya ay mas lalo akong naguluhan.

Bigla akong humawak sa ulo ko at naglakad habang iniisip kung ano ba talaga ang nangyayari. Huminto ako at tumingin sa kanila.

"Paanong hindi? Nanatili akong kasama sila---"

"Yuki, may sarili tayong mundo." Si Hajime naman ang sumagot na ikinatigil ko.

Anong mundo? Anong mundo ang sinasabi niya?

"Anong mundo? Hajime, wala tayong mundo! Nandito tayo sa iisang mundo kasama ang mga tao!" Sigaw ko dahil ramdam ko ang sakit ng ulo ko sa mga sinasabi nila.

Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa hanggang sa pumasok sa isip ko ang isang tanong. Napakuyom ako at biglang napalunok.

"Sabihin niyo nga sa akin... may hindi ba kayo sinasabi sa akin na kailangan kong malaman?" At pagtapos 'nun ay parehas silang napatingin sa isa't-isa at sa akin.

Totoo nga? Totoo ngang may itinatago sila sa akin na hindi ko alam? At ano naman iyon? Tungkol sa akin? Dahil kung mag-usap sila kanina ay para bang kilalang-kilala na nila ako eh.

Napabuntong-hininga si Veronica at saka napayuko. "Yuki, hindi lang tayo ang mga bampirang namumuhay sa mundong ito." Pagtapos niyang sabihin 'yon ay tinignan niya ako sa mga mata ko. "May mga kasama tayo. Hindi tayo nag-iisa sa mundong ito. Marami tayo, Yuki. At iyon ang mundong sinasabi ni Hajime, ang mundo kung saan... doon tayo nabibilang at hindi dito."

Sa puntong iyon, tila ba lahat ng mga pinagdaanan ko simula sa umpisa ay isang bangungot, isang masamang panaginip, mga kasinungalingan.

•••