Chapter 12 - The Truth

•••

Makalipas ang ilang linggo hindi pa rin nagiging maayos na ang lahat. Naibalita na rin sa radyo at telebisyon ang nangyari sa lugar kung saan nakita ang babaeng wala ng buhay habang nakabulagta sa sahig. Naliligo sa sariling dugo... at ang babaeng iyon lang ang nakita nilang biktima sa lugar na 'yon.

*Kung ganun... ang lalaking bampirang 'yon, buhay pa siya.*

Napakuyom ako, nang araw na nagising si Ruouhei, 'yon din ang araw na dapat ay pupunta ako sa lugar na 'yon para alamin kung ang babaeng 'yon lang ba ang nakaligtas... nagbabakasakaling pati ang lalaking 'yon ay nakita nila.

Pero pinigilan ako ni Hajime, hanggang sa mawala na sa isip ko ang bagay na 'yon. Nakakainis... kung kailan nandoon na, kung kailan malalaman ko na tapos biglang nabulilyaso pa.

At si Ryouhei, nakikita kong naging maayos na rin siya matapos ang nangyari ng gabing 'yon.

Pero kahit na ganun ay nakakaramdam pa rin ako ng lungkot, dahil hindi niya pa rin naaalala ang mga pangyayaring gusto kong maalala niya. Hindi ko alam kung kakalimutan ko na lang ba 'yon at ibabaon sa limot.

Siguro tama si Hajime, na hayaan na lang naming kalimutan ni Ryouhei ang mga nakita niya, na wag ko na siyang usisain tungkol sa bagay na 'yon. Dahil alam kong malaki ang posibilidad na... manganib kami. Hindi lang ako at kay Hajime rin. At pati na rin ang buhay niya.

Napakuyom ako dahil sa mga pinag-iiisip ko, hindi ko namalayan na ganun na pala karami ang mga nangyari sa mga linggo na dumaan, muntik ko ng makalimutan... marami rin pala akong gustong malaman kay Hajime tungkol sa kung paano niya nailigtas si Ryouhei sa nangyari.

Pero dahil sa trabaho ko at pagiging estudyante ay hindi ko man lang magawang makausap muli si Hajime, hindi lang 'yon, dahil palaging umaaligid o hindi kaya'y nakabuntot sa akin si Ryouhei, kagaya na lang ngayon.

"Pwede ba, Ryouhei? Alisin mo nga yang braso mo sa balikat ko dahil ang bigat-bigat mo!" Inis kong sambit dahil halos ibigay na niya sa akin ang buong bigat ng katawan niya.

Bigla naman niya akong tinignan na parang na-amuse siya. Lintek? Hindi ko kailangan ng amusement sa pagmumukha niya dahil bigat na bigat na ako!

"Oh? Sorry." Saka niya tinanggal ang pagkakapatong ng braso niya sa balikat ko.

Mukha ba akong patungan? Patungan ko siya dyan!

Hindi ko na siya pinansin pagtapos 'nun dahil halos maramdaman ko ang pamamanhid ng balikat ko dahil sa kaniya. Nakakainis.

Pero kahit na hindi na ako nakatingin sa kaniya ay ramdam ko ang titig niya sa akin. Kaya bigla rin akong lumingon muli sa kaniya at tinignan siya ng masama.

"Anong tinitingin-tingin mo dyan?"

"U-Uhh? K-Kasi ngayon ko lang napansin na petite pala ang katawan mo." Nabigla ako sa sinabi niya kaya bigla akong napatingin sa katawan ko at sa katawan niya.

Kung pagbabasehan ay mas malaki ang built ng katawan ni Ryouhei kung ikukumpara sa akin at mas matangkad siya sa akin, samantalang ako ay hanggang leeg niya lang at mas payat akong tignan kesa sa kaniya.

Tinignan ko naman siya ng may halong nakakamatay na tingin.

"Bastos ka." Sa sinabi ko ay gulat na gulat siya.

Ang kapal ng mukha niyang magulat. Nakita ko naman na bigla siyang pinamulahan ng mukha, sabi ko na. Ang kapal ng mukha.

"H-Hoy! Hindi! Napansin ko lang kasi sabi mo na nabibigatan ka sa katawan--"

"Wag mo akong kakausapin." Mabilis kong sabi at saktong pumasok na rin ang instructor namin kaya wala na siyang nagawa kundi ang manahimik sa isang tabi.

Sa mga nagdaan na oras ay wala akong maramdaman kundi ang tingin na ibinibigay sa akin ni Ryouhei. Sa mga oras na nagdaan ay wala akong ibang inisip na sana ay makasalubong ko si Hajime para ayaing kausapin tungkol sa mga tanong na kailangan ko na ng kasagutan mula sa kaniya.

Kaso ang problema ko lang... ay si Ryouhei.

"B-Bakit ka ganiyan makatingin?" Para siyang takot na takot habang nakatingin sa akin.

Kakaalis lang ng instructor namin kaya muli nanaman akong sa kaniya. Napansin ko na wala na talaga ang bakas ng kagat ng lalaking 'yon sa leeg niya, at halos hindi ko na rin amoy ang matamis na dugo niya.

Hindi ko alam kung anong nangyari at isa rin 'yon sa gusto kong malaman.

"Y-Yuki? Sabi ko ngang hindi ako b-bastos--" napatigil siya sa pagsasalita niya ng ilapat ko ang dalawang daliri ko sa leeg niya.

Kung saan ang parteng kinagat ng lalaking 'yon. Naiinis ako.

"Guys! Wala daw class sa next class! Pwede na tayong umuwi!" Rinig kong sambit ng isa sa mga kaklase ko.

Tinanggal ko na ang kamay at daliri kong nakalapat sa balat niya. Sinalubong ko naman mga mata niyang halata ang gulat.

*Siguro sa bigla kong ginawa kanina.*

"Ryouhei, pwede bang humingi ng pabor sayo?"

--

Ibinaba ko ang cellphone na hawak ko ng makita ko siyang makalapit na sa akin. Nang mapahinto siya sa harap ko ay saka ko lang siya tiningala at sinalubong ang mga mata niya.

Ngumiti siya sa akin pero hindi ko man lang magawang suklian din 'yon ng ngiti.

Wala akong oras.

"Hajime,"

"So nagawa mo palang makaalis sa tabi ni Ryouhei?" Nakangisi niyang tanong na biglang ikinalaglag ng balikat ko.

Kung alam niya lang kung anong ginawa ko.

"Wag na natin pag-usapan 'yon, wala akong oras para pag-usapan ang mga bagay na 'yon." Sambit ko na ikinataas ng kilay niya.

"Then what do you want from me?"

"I have one question," pagka-tanong ko 'nun ay nakita kong napatigil siya at ilang segundo siyang nakatitig sa akin.

"Okay? What is it?"

Huminga muna ako ng malalim. Humigpit ang hawak ko sa cellphone ko, wala na akong oras, kailangan ko ng malaman ang sagot sa katanungan ko.

"Paano nakaligtas si Ryouhei sa nangyari?" Tanong ko dito.

Umaasa ako na sasagutin niya ang tanong ko ng maayos. Pero... mukhang iba 'yon sa inaasahan ko.

"Hmm... because of my blood."

*His... blood?*

Humalukipkip siya at tumingin sa akin ng mariin.

"Nang sabihin ko sayong ipainom mo ang dugo ko sa kaniya, ang dugo ko ang gumawa ng paraan para mapigilan ang venom na pumasok sa katawan niya na wag mas lalong kumalat. At patayin ito mismo sa loob katawan niya." Bigla siyang ngumiti sa akin.

Biglang nanlaki ang mga mata ko sa isinagot niya sa akin. Nanginig ang mga kamay ko. Paanong...

"At para na rin mabilis siyang gumaling."

"P-Pero... h-hindi ba delikado ang dugo ng mga bampira sa mga tao? Maaari silang mamatay kapag nagkataon!" Sigaw ko.

Dahil sa nalaman ko, hindi ko lubos maisip na inilagay ko nanaman sa kapahamakan ang buhay ni Ryouhei. Bakit ba ganito ako mag-isip?! Hindi pwedeng may mamatay nanaman!

Napayuko ako at nanginginig ang mga kamay kong nakakuyom sa gilid ko. Bakit? Bakit ko nanaman inilagay sa kapahamakan ang buhay niya! Naiinis ako! Naiinis ako sa sarili ko!

"Yuki--"

"Kung hindi ko 'yon ginawa, may posibilidad bang mamatay siya?" Mahina kong tanong dito.

Gusto kong malaman... gusto kong malaman kung tama ba ang ginawa ko o hindi!

"Oo... dahil mas lalong kakalat ang nakakalason na venom ng kumagat sa kaniya."

"Pero mamamatay rin siya sa dugo mo," naiinis ako!

"Hindi Yuki--" nagulat ako ng hawakan niya ako sa balikat ko.

Napaatras ako ng isang hakbang at tinignan siya sa mukha niya. Seryoso siyang nakatingin sa akin, seryoso siyang nakatitig sa mga mata ko.

"Nakita mong hindi siya namatay hindi ba?" Muli niyang tanong.

Pero hindi ako makasagot. Dahil naramdaman ko ang biglang pag-tunog ng hawak ko.

*Wala na akong oras.*

"Nakita mismo ng dalawang mata mo. Kaya walang dahilan para mamatay siya. Sabihin na natin, himalang nabuhay siya."

Binitawan na niya ang balikat ko at lumayo siya sa akin.

"Pero... hindi rin 'yon magtatagal. Dahil... may posibilidad na ang dugo ko naman ang pumatay sa kaniya." Sa sinabi niya ay hindi ko na inabala pang tignan ang kanina pang nag-iingay na bagay na 'yon.

I held his arm.

"W-What will I do? Paano kung mamatay siya? A-Anong gagawin ko?" Nauutal kong tanong dahil ramdam ko ang takot na nagsisimula nanamang lamunin ang utak at katawan ko.

Ayoko ng madamay siya ulit... baka sa pangalawang pagkakataon... bigla na lang kunin sa akin.

And then he smiled.

"Let him know that you're not a human. That you're a Vampire, Yuki."

Pakiramdam ko ng marinig ko 'yon mula sa kaniya ay tumigil ang pag-ikot ng mundo ko. Ang pag-andar ng oras, ang pagsayaw ng mga puno dahil sa hampas ng hangin at ang pagtibok ng puso ko.

Nablangko ako.

*Let him... Know. That I'm a Vampire.*

How... how can I do that?

"Yuki?"

How can I do that?

"Yuki? Okay ka lang ba?"

If he know... he will definitely hate me.

"Wait... Yuki? Naririnig mo ba ako?"

He will definitely hope that I need to... Die.

"Yuki!"

"H-Huh?"

Napapikit-pikit ako habang nakatingin sa lalaking nasa harapan ko. Nakakunot ang kaniyang noo at nakikita kong... nag-aalala siya.

"R-Ryouhei?"

Pagbanggit ko palang sa pangalan niya ay bigla na lang niya akong hinila palapit sa kaniya, para ikulong sa mga bisig niya. Doon, naramdaman ko ang mabilis na pagtibok ng puso niya, na para bang anytime ay sasabog na ito o lalabas sa loob ng katawan niya.

Hahawakan ko sana siya ngunit pinigilan ko ang sarili ko. Napakuyom ako... ano bang nangyayari sa akin?

Bakit pakiramdam ko...

"R-Ryouhei... b-bitaw na, nakakahiya may nakakakita sa atin--"

"Kung may problema ka, please... sabihin mo sa akin. Nandito ako, makikinig ako." Mahinang bulong niya sa akin.

Sa sinabi niyang 'yon ay napabuntong-hininga na lang ako. Paano ko sasabihin sayo kung nakasalalay naman doon ang buhay mo?

"H-Hindi lang maganda ang pakiramdam ko. Kaya bitawa na," pinpilit ko siyang lumayo sa akin pero mas humigpit lang lalo ang pagkakapulupot ng mga bisig niya sa akin. "Hindi ka ba talaga bibitaw?"

Bigla na lang siyang bumitaw at lumayo sa akin.

"Sorry," mahina niyang banggit. "Nag-aalala lang talaga ako. Kasi kanina pa kita tinatawag, pero parang wala kang naririnig. Kaya sorry kung nasigawan kita."

Napayuko ako, hindi ko na dapat pa dinamay si Ryouhei sa mga nangyari. Dahil sa nangyari... maaari pa rin siyang mamatay dahil nasa loob ng katawan niya ang dugo ni Hajime.

Paano na lang kung bigla na lang siyang mag-collapse sa sahig? Paano na lang kung bigla siyang sumuka ng dugo? Paano na lang kung mabangga siya? Paano na lang--

"Yuki!" Sigaw niya at halos mapatalon ako sa gulat dahil doon.

Gulat na gulat akong tumingala sa kaniya at mas lalong kumunot ang kanina pang nakakunot na noo niya. Napalunok ako... kakasabi niya lang na kung may problema ako ay sabihin ko sa kaniya.

Ngayon ay nakita nanaman niya akong nakatulala.

Bumuga siya ng hangin at hinawakan ang braso ko at saka niya akong hinila para maglakad na.

"T-Teka--"

"Manahimik ka muna, ihahatid na kita sa apartment mo." Sagot niya.

Napakagat na lang ako sa sarili kong labi dahil wala na akong masabi pa sa kaniya.

*Bakit ngayon pa...*

Nang makarating kami sa apartment ko ay hinayaan niya akong maupo sa sofa at saka siya dumeretso sa kusina. Nagsisisi pa rin ako dahil sa ipinagawa ko sa kaniya kanina, para lang makausap ko si Hajime.

Nitong mga nagdaan na araw ay hindi kami magka-usap dahil babanggitin ko palang ang pangalan ni Hajime ay para ng isang bulkang sumasabog si Ryouhei.

Nagagalit siya at hindi ko alam kung bakit.

Paano ko malalaman ang mga kasagutan sa tanong ko kung ang huling sinabi niya ang palaging umiikot sa utak ko? Paano ko sasabihin sa taong hindi makaalala ng totoong nangyari sa kaniya na Bampira ako? Paano? Para akong magpapakagat sa ahas na alam ko namang delikado.

Nakita kong inilagay niya ang wallet na ibinigay ko sa kaniya kanina, ngayon sa lamesang nasa harap ko. Napatitig na lang ako doon.

"Aside sa mga pina-utos mo sa akin kanina, wala ka na bang kailangan? Hapunan? Kung kailangan mo ng--"

"Ryouhei," pagpuputol ko sa mga sinasabi niya.

Narinig ko naman na napatigil siya at mukhang hinihintay niya ang sasabihin ko.

"Pasensya ka na pabor na pinagawa ko sayo kanina. Sa totoo lang nahihiya ako."

"Bakit ka naman mahihiya?"

Dahil sa sinagot niya ay napatingala ako at tumingin sa kaniya.

"Huh?"

"Ang tanong ko," lumuhod naman siya sa harap ko at hinawakan ang baba ko. "Bakit ka naman mahihiya?"

"Kasi... inutusan kitang bumili ng mga kailangan ko dito sa apartment?" Nagtataka kong tanong sa kaniya.

Bigla naman siyang tumawa dahil sa sinabi ko. At nakita ko na lang na ipinatong niya ang kamay niya sa ulo ko at ginulo ang buhok ko.

"Hindi, dahil responsibilidad kita. Kaya kahit na anong kailangan mo, sasabihin mo... susundin at maniniwala ako. Hindi ba?" Tanong niyang muli.

*Respondibilidad. Magiging ganun pa rin ba kapag nalaman mo na ang totoo?*

Nakangiti siyang nakatingin sa akin. Hanggang sa makaramdam ako ng biglang pagkirot sa dibdib ko ng marinig ko sa utak ko ang huling sinabi niya.

*Maniniwala ako.*

Hindi ko alam kung maniniwala ka ba talaga... o baka matakot ka lang.

Tinanggal ko naman ang kamay niya sa ulo ko at napasandal na lang ako sa sandalan ng sofa sa likod ko, napapikit na lang ako dahil sa dami ng mga bagay na gumugulo sa akin.

"Kung ano-ano nanamang sinasabi mo. Umuwi ka na, salamat sa tulong. Next time, babawi ako." Sagot ko mula dito.

Tumayo siya sa pagkakaluhod sa harap ko at napansin ko na lang ang bigla niyang paghawak sa kamay ko.

*Teka...*

"Mag-iingat ka palagi. Magpahinga ka at matulog sa tamang oras." Nakangiting sabi niya.

Bigla akong pinamulahan dahil doon.

"Mauna na ako, kita na lang tayo bukas." Sagot niya.

Binitawan niya ang kamay ko at ilang minuto lang... ay muli kong narinig ang katahimikan sa apat na sulok ng apartment ko. Napatingin ako sa kamay kong hinawakan niya.

I really want you to know... but how? Even though you saw it first with your two eyes... Ryouhei.

Please... remember it. Remember how you looked at me that night, and that two words you said to me.

•••

"Why did you... do that." Mahinang bulong ko sa hangin.

Nilingon ko ang apartment niya. Sumilay ang lungkot na ngiti sa labi ko ng muli kong maalala 'yon.

"Why, Yuki..." I heave a sigh.

"Just why." Bulong kong muli. Napatingala ako sa langit na nagkukulay kahel na.

"Just wondering... are you... into him?"

•••