Chereads / ROYALTY SERIES #1 : The Only One / Chapter 14 - Chapter 13

Chapter 14 - Chapter 13

Lutang akong bumalik sa classroom. at hindi ko alam paano ako nakabalik sa room na walang aksidenteng nagaganap dahil sa kalutangan ko.

Hanggang ngayon hindi pa din nagsi sink in sakin yung mga sinabi niya at ginawa niya. paano? kaya ba ganun siya makatitig nitong mga nag daan?

Napabuntong hininga na lang ako, tumingin ako sa orasan, 7:00 am na at wala pa din yung unang Teacher namin.

Nagulat ako nang biglang nag silapitan ang mga kaklase ko.

"Uyy! Kass, totoo bang lilipat kana?"

"Hala? lilipat ka?"

"Di nga?"

"Sino pala yung kasama mo kanina?"

Ngumiti lang ako at tumango dahil pinapaulanan nila ako ng tanong nang sabay sabay. Isa lang ako pwede? mahina kalaban.

Isa isa kong sinagot ang mga tanong nila, ayaw ko naman maging rude, isa pa last day ko na dito.

Habang nakikipag usap ako sa kanila ay saktong pagpasok ni Jaxon. Bakit siya natagalan?

"Uyy! pareng jax, di mo ba alam na lilipat na si Kassandra ngayon ng School?" salubong ni Kenth kay Jax.

Ang gago nito, sarap sikmuraan eh.

Hindi ko na inabala makita ang reaction niya, sakto naman ang pag dating ni Mam kaya nag sibalikan sila sa kanilang mga upuan.

Naramdaman ko na din na umupo na si Jax sa tabing upuan.

"Class, get 1/2 length twice, mag Quiz tayo about sa topic natin kahapon."

Badtrip naman, wala ako sa hulog ngayon.

Galing mo dyan Mam, pwede ba kita Mayakap ng mahigpit? biro lang.

Kinuha ko na yung papel at ballpen sa bag ko, pagka patong ko sa lamesa eh saktong pag abot sakin nung nasa harap ko nung test sheet.

Pinaka dulo kami sa row namin kaya ako ang pinaka last. malamang kassandra, dulo nga eh? kelan pa naging first ang last? napa ismid na lang ako sa iniisip ko. baliw na ata ako amp.

Sinulyapan ko yung katabi ko, nagsisimula na siyang magsagot, sana ol may naisasagot.

Tinignan ko na yung test paper, napakurap kurap pa ako dahil hindi ko masagutan. kasalanan to ng katabi ko, pwede ba manipa ng katabi?

thirty minutes na ang nakalipas pero na stuck pa den ako sa unang tanong. great!

Binaba ko ang papel ko sa lamesa, hindi ko na sasagutan. masyado talagang na full utak ko kakaisip dun sa nangyari kanina sa rooftop.

Nagulat ako nang biglang kunin ni Jaxon yung papel ko at mas lalo akong nagulat nung sinimulan niya ito lagyan ng sagot.

"Huyy! anong ginagawa mo?" bulong ko.

Hindi siya sumagot, patuloy lang ang kamay niya sa pag sagot sa papel ko. napakagat na lang ako ng labi.

Ano ba nasa isip niya? gusto ko siya sigawan. top student ako, wala lang sakin ang ma zero sa isang quiz no.

"Ok class, pass your paper"

Sakto at natapos siya, siya na din nag abot ng papel naming dalawa sa unahan.

Tumingin siya sakin kaya iniwas ko ang tingin ko. bumalik na lang ako sa pagtitig sa labas ng bintana.

First kiss ko yun, loko ti ah, kinuha ang first kiss ko.

Hindi naman bago sakin na may nagko confess, hindi lang talaga ako mahilig sa commitment.

Yung samin ni Josh ay tanging laro lang, oo masakit na makita kong ganun, pero kasi crush ko siya talaga, hayst. hirap maging maganda.

Nagpatuloy lang ang klase na walang umiimik saming dalawa. buti na lang, since hindi ko alam ang sasabihin ko pag nagkataon.

Tumunog na ang bell na hudyat na uwian na, sa wakas.

Niligpit ko na ang gamit ko nang mapansin kong may tao sa labas. Si kuya.

Agad akong nagmadali at pinuntahan siya.

"Babye! kass"

"Huwag mo kami kakalimutan ah?"

"Idol pa auto naman oh"

Nag wave lang ako sa kanila, at ngumiti. hindi ko man sila ganun ka close, mabait naman sila.

Napunta ang tingin ko kay Jaxon, hindi lumilingon sakin. seryoso ang kanyang mukha.

Bahala na!

Humarap na ako kay Kuya.

"Tara na?" tanong ko.

Tumango lang siya at kinuha niya ang gamit ko para siya na ang mag bitbit at sabay na kaming naglakad palabas ng school.

Pagkarating namin sa parking, agad ako sumakay sa pasenger's seat. pumasok na din si kuya sa driver's seat.

"Nga pala, mag transfer din ako dun, gusto kong bantayan ka." sabi niya.

Nanlaki ang mata ko, paano na ang trabaho niya sa spain?

"Paano ang position mo sa Spain?" tanong ko.

Bakante na ang akin dahil sa pag aaral ko dito, siya muna ang pumalit sakin at gumawa ng mga trabaho ko bilang substitute.

"Sina papa na ang bahala dun, Isa pa utos din ito ni papa." sagot niya.

Pinaandar na niya ang kotse at bumiyahe na kami.

Hindi na ako nag tanong pa, may tiwala naman ako sa desisyon ni papa, sadyang maraming gawain lang maiiwan sa kanya.

Andun pa nga pala ang masungit kong kapatid, hindi papayag yun na walang gagawa kaya malamang aakuin niya ang trabaho ko.

mula sa dalawang oras na biyahe, nakarating kami sa isang entrance.

'Welcome to Galandriel Academy and University'

Yan mismo ang nakalagay sa mismong entrance.

nagtataka pa ako at tinignan ang paligid, saan dito? eh parang pinaka baba to ng bundok?

"Kuya? dito na ba?" tanong ko.

"Hindi pa, aakyat pa tayo." sagot niya.

Muli niyang pinaandar ang kotse at tinahak ang diretsong kalsada.

"Nasa taas ng bundok?" takang tanong ko.

Tumango siya, " Galandriel is for royalty, nobles, and high-class children of businessmen. The owner of Galandriel built it at the top of the mountain to ensure the safety of every student. Since it's more dangerous for us to go to public places since we're royal blood. Galandriel has both an academy and a university; of course, they're in different building and place to ensure that nothings gonna happen." mahabang paliwanag niya.

"You don't need to worry about where we're going to live. There's a dorm for every student. and it's quite spacious for each student." dagdag niya.

Tumango tango lang ako sa sinabi niya, so ok na pala. mukhang ayos din naman, ang importante lang makapag tapos ako.

Medyo kinakabahan ako at na eexcite at the same time.

Hindi ko na namalayan na huminto na pala ang kotse, nandito na ata kami.

Agad na bumaba si kuya karsen kaya bumaba na din ako.

Mala palasyo ang datingan, hindi naman nakakagulat at hindi naman ako nagulat sa naging kagaraan nito dahil palasyo nga ang tinitirhan ko sa Spain.

Para kang nasa Fairytale dahil pag nakita mo ito, hindi mo aakalain na nag eexist ang gantong lugar. malawak ang lupain na sakop ng Galandriel, mukhang pinag gastusan talaga, lalo na hindi biro ang mga nag aaral dito.

"Good afternoon Ms & Mr. Grimoire, long time no see my child." isang bati ng matandang lalaki.

Agad itong binati at niyakap ni Kuya, tumingin ang matanda sakin at agad lang akong yumuko bilang pagbati. sa tingin ko nasa 60 na siya?

"Hahaha No need to bow iha" magiliw niyang sabi sa akin.

"Siya na ba?" tanong niya kay Kuya.

"Yes Mister Gran, She's the next in line for the House of Grimoire." formal na sabi ni kuya.

Hindi ako komportable, ayoko laging binabanggit ang position ko, kaya sinabi ko kay Dad na huwag ipapa alam sa dati kong school kung ano nga ba ang katayuan ko.

Ang pagkakakilala sakin ng mga dating kaklase ko ay isa lang akong anak ng isang businessman, at mas ok yun.

Hindi naman linggid sa kaalaman ko na may mga taong gusto gumamit sakin dahil nga may mataas na position ako at madali akong maka access sa madaming bagay, at yun ang iniiwasan ko.

Patuloy pa din nag uusap si Kuya at yung Mr. Gran.

"Ahh! Let's go in, I will show you the place. I know you will like it here." Mr. Gran.

Agad lang kaming sumunod ni Kuya sa kanya, nilibot ko lang ang mata ko sa paligid, saktong pag tingin ko sa may 2nd floor ay siyang pagtama nang mata namin ng isang lalaki na nakatanaw mula sa balkonahe ng pangalawang palapag. medyo nagulat pa ako, nakita ko ang pagdaan ng ngiti sa kanyang labi.

Familiar siya...

Naka tukod ang kanyang braso sa may balkonahe at nakahukipkip siya, habang ang kanyang tingin ay naka direkta sakin. Kita ko ang kanyang galak sa kanyang mga mata.

Agad din ako nag iwas ng tingin at nang mapansin na napag iiwanan ako ay tumakbo ako upang makahabol sa kanila.

Sino kaya siya? at bakit siya sakin ganun makatingin?

Nathaniel's POV

We finally met, Fairen.

Like the first time, she's always full of curiosity. Her expression didn't change a bit.

She's beautiful in person. She's tall, with fair skin and red lips that I want to have right now. I smirked.

We finally met, Fairen.

"Is that her?" someone asked.

I glanced at Athanasius, who's currently standing beside me. He's looking at Fairen, who's currently following the old man.

I just nod.

"She's beautiful, right?" I asked him.

"Yeah!" he answered.

He sounded like he didn't care. Well, that's good for me. I don't want anyone to get close to her, except me, of course.

We watched her for a while before we decided to go back to the class.

I look at her for the second time. I can't hide my smile.

Finally!