Nakakapagod, tae. sa loob ng 20 mins ngayon pa lang kami nakapasok sa may main building, yung totoo??
Nilibot ko ang paningin ko, pagkapasok mo pa lang para kang nasa Ballroom ng isang palasyo, kung saan pinapakita sa Disney Princess kung saan nagsasayaw ang Prince charming at Prinsesa. ganun na ganun, magarbo.
Nakita kong sinenyasan ako ni kuya na sumunod, papunta ata sila sa ikalawang palapag, sumunod naman ako.
Bawat kwarto akala mo kwarto namin sa Grimoire Palace, pero dito classroom ang bawat kwarto. bawat pader ng katabing room ay naka paskil ang Section. madali mong mahahanap ang section mo.
mga 10 minutes din kaming naglakad bago nakarating sa pinaka dulong kwarto. Huminto kami at pumasok dun.
Opisina ata ito ni Mr. Gran.
Umupo kami ni kuya sa sofa na nandun.
"So Your Father, His Highness, already contacted me about you two transferring here." panimula niya.
May kinuha siyang papers mula sa drawer niya at nilapag niya sa kanyang lamesa.
"As for Miss Fairen..." sabi niya at tumingin sakin.
"You will move into a special class."
Huh? special class?
Nagtaka akong tumingin sa kanya sabay baling kay kuya, Nang hindi man lang lumingon si kuya binalik ko ang tingin ko kay Mister Gran.
"May I know what's a special class?" I asked.
Tumikhim muna siya bago muling magsalita.
"You see, we have a special class here for the students who have a high IQ, where those students receive two to three lessons every day per subject, and of course they have more benefits of being in a special class." pagpapaliwanag niya.
So, in short, mga matatalinong tao ang nandun.
"I know your family so well that I know you're second to the smartest person in your family." Mr. Gran smirked at his statement.
Tumango lang ako, alam ko si Dad ang tinutukoy niya, Matalino talaga si Dad, Nakapag tapos siya in the age of 18, kaya kumuha uli siya ng 2nd course.
Kinuha niya ang papel sa harap niya at inabot sakin na agad ko din tinanggap.
Fairen Kassandra Grimoire
Female
15 years old.
157 IQ
Section: Special Class
"You can now go to your prospective room to meet your classmates, and don't worry, they can assist you regarding your room." Mr. Gran added.
Tumango ako at nag bow. sinulyapan ko si Kuya at tumango lang siya.
Lumabas na ako ng Office at naglakad para hanapin yung room.
Nahihilo na ako sa paghahanap hindi ko pa den makita ang section ko. grabe!
Dumadami na ang mga estudyanteng naglalabasan, sa tingin ko break time nila? Half day lang ang sa dating school ko, pero dito ata whole day?
Pinagmasdan ko ang uniform nila, Mala korean ang uniform, Black coat na abot hanggang skirt, white sleeves, red tie and black skirts.
Nakatingin ang ilan sa kanila sakin, naging uncomfortable ako sa mga titig nila, though hindi naman masama, para bang tinatanong nila kung ano ginagawa ko dito? dahil na din siguro sa uniform na suot ko.
Nagpa tuloy na ako sa paghahanap. nakarating ako sa labas, garden ata to?
Sa may gitna, may waiting shed, may lalaking naka upo, Nagbabasa siya ng libro. lapitan ko kaya?
Hindi na ako nag dalawang isip at agad kong nilapitan.
"H-hi? I want to ask something. "
Ini angat niya ang kanyang ulo at tumingin sakin, Gwapo. Sa Hitsura niya, may lahi siya. nakaramdam ako ng hiya sa ginawa ko.
Gosh! kass asan ang confidence mo?
"Oh! Sure, what is it?" He asked me politely.
Hindi na ako nagdalawang isip pa tutal andito na rin naman na.
"Ahh! Where's the room for special class? " I asked.
Natulala siya saglit, napakurap kurap pa, bigla siyang tumayo at nangiti.
"Wow! Are you the new student?" galak niyang saad.
Tumango lang ako.
Inilahad niya ang kamay niya, pagpapakilala.
"I'm Ezequiel Vasquez, one of your classmates from Special Class." pagpapakilala niya.
Nagulat ako, Gosh! buti na lang galing dun ang napag tanungan ko.
Inabot ko ang kamay niya at nakipag handshake.
"I'm..."
hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang dugtungan niya ang dapat ko sabihin.
"I know you, Fairen Kassandra from the House of Grimoire. Is that right?" he said.
Bakas ang gulat sa mukha ko. Nakita kong natawa siya kaya umayo din agad ako.
"We're expecting you. The Head announced it to us yesterday."
"I see."
yun lang nasagot ko sa dami ng sinabi niya, Gosh! Pwede ba magpalamon? ngayon lang oh.
"Tara? ituturo ko sayo kung nasaan ang classroom natin, though hindi ko alam kung masasabi bang classroom yun. " dagdag niya.
"N-nag tatagalog ka?" gulat na tanong ko.
Ano ba yan? nakaka ilang gulat na ba ako?
Natawa siya kaya napanguso ako. oo na. eh! sa nakaka gulat ns malaman na nagtatagalog siya, straight pa. sabi ko nga, may lahi siya.
"Oo naman, kailangan ko din pag aralan ang lenggwahe ng bansang pupuntahan ko." sagot niya.
Nagsimula na kaming maglakad, tinahak namin ang daan papunta sa dulo ng garden. 5 minutes kaming naglakad bago ko makita ang isang mala mansyon, seryoso ba? Kassandra,parang hindi ka nakatira sa palasyo ah? pero kasi, iba to, oh baka nasanay lang ako sa normal na school.
Tinuro ni Ezequiel yung mala mansyon.
"Doon tayo."
Nagsimula uli kami maglakad, gusto ko na umupo, kanina pa ako napapagod kakalakad ah?
"May kanyang building ang Special Class. ayon na rin ito sa kagustuhan ng Head, marami kasing inggit sa benefits na nakukuha ng mga SC na katulad natin. " paliwanag niya.
Nagiging interesado na ako mag aral dito dahil sa mga nalalaman ko.
Malapit na kami sa may building o mala mansyon nang may nataw akong may tao.
May dalawang tao na nag babangayan sa tabi.
"Wag mo sila pansinin, ganyan talaga sila."
Napansin niya siguro ang pagtataka ko habang nakatingin sa dalawa.
Nahinto ang pagbabangayan nung dalawa nang mapansin na may tao sa harap nila.
"Sa wakas at tumigil din kayo." pagpaparinig ni Ezequiel sa dalawa.
Nanlaki ang mga mata nila habang nakatitig sakin. Umiwas ako. hindi talaga ako sanay na tinititigan ako ng mga tao.
Agad silang lumapit sakin na ikinagulat ko.
"Kyaahh! Ikaw si Fairen tama?" tanung nung babae.
"Woah! may bago na naman tayo." Sabi nung lalaki.
Kung pagmamasdan mo sila, parehas silang may lahi.
Maputi, Matangkad, pink lips at may pagka wavy ang buhok nung babae. Mukha suyang haponesa.
Matangkad, Mestizo, Matangos ang ilong nung lalaki.
"Hi! I'm Fairen Kassandra, a new student. " pagpapakilala ko.
Nilahad nung babae ang kamay niya kaya tinanggap ko.
"Sabrina Yukari Hideaki, nga pala, nice to meet you, Fairen." magiliw niyang pagpapakilala.
Nginitian ko siya, "Nice to meet you too, Sabrina."
Naglahad din ng kamay yung lalaki at bilang respeto tinanggap ko din ito at nakipag hand shake.
"Troy Remus Callisto, nga pala, pwede kitang tawaging Fai?" nakangiting tanong niya.
"Hi! Troy, and yes you can. " sagot ko.
Mukhang mababait sila at madaling pakisamahan. mukhang maganda ang pag stay ko dito.
"Nathan, tara dito." sigaw ni Ezequiel habang naka tingin sa may harap.
Sinundan ko nang tingin yung tinatawag ni Ezequiel, papalapit ito samin.
Siya yung lalaki kanina na nakatitig sakin. yung lalaki sa may unahang building.
Napako ang tingin ko sa kanya,malamig ang ekspresyon niya, pero mababakas mo sa mga mata niya ang saya.
Yung titig niya sakin, para bang may sinasabi.
Iba ang nararamdaman ko sa aura niya, may pagka maangas ito na para bang nagsasabi na pag binangga mo siya eh may kalalagyan ka? seryoso ang mukha niya na para bang bored lagi sa buhay.
Hindi ko namalayan na nasa harapin na namin siya.
"Uyy! Nathan, andito na si Miss Transferee hehehe." bati ni Troy sa kanya.
Tumingin siya kay Ezequiel na para bang nag uusap sila gamit lang ang mata.
Hindi nag tagal eh dumapo naman ang tingin niya sakin.
Naglahad siya ng kamay, agad ko itong tinanggap.
"I'm Nathaniel Cepheus Cifuente. It's nice to meet you, Miss Fairen." pagpapakilala niya.
Kahit napaka uncomfortable sakin makaharap siya? sinubukan kong hindi maging rude.
"Hi! Nathan? It's nice to meet you too." ngumiti ako.
Ngumisi lang siya.
Pakiramdam ko familiar siya sakin, lalo na yung pangalan niya. nagkita na ba kami noon?