Hindi ako nakatulog agad dahil sa kakaisip sa sinabi ng Demonyong yun.
Inabot ako ng umaga kakaisip sa dalawang bagay, una, yung halik ni Nathan, at pangalawa ay ang sinabi ni Agares. masakit sa ulo, at hindi nakakatuwa.
"Why don't you ask the person inside you?"
Nagpa ulit ulit yan sa utak ko, Idagdag mo pa yung ginawang pag halik ni Nathan sakin.
"Fai, are you ok?"
Napabalik ako sa realidad at agad na tumingin sa paligid, nandito na pala ako sa Dining hall, sa sobrang pag iisip ko? hindi ko namalayan na nakapagbihis, nakaligo at nakalakad ako ng maayos na ganun.
Tumingin ako sa kanila,lahat sila nakatingin sakin. nahiya ako at agad na tinuon ang paningin ko sa pagkain ko.
Nagulat ako, walang bawas ito at durog durog na, shet, kaya ba tinanong ako ni Zeph?
"a-ahh! yeah! may iniisip lang." nag aalinlangan ako kung sasabihin ko ba.
Hindi sinasadya na napatingin ako sa kaharap ko, Nathan.
Ang mga mata niya, para bang nagtatanong? halata sa kanyang mukha ang pag aalala.
Umiwas ako ng tingin tsaka kumain, mamaya ko na iisipin yung sinabi ni Agares.
Natapos na kami mag agahan at nagpasya kaming sabay sabay na pumasok.
Naglalakad na kami papunta sa CLP, ang iingay nung dalawa, lagi bang nagbabangayan si Sabrina at Troy? parang hindi sila mabubuhay kapag hindi nag tatalo. pero bagay sila ha?
Buti at napapag tiyagaan ng mga to ang ka ingayan nung dalawa? Si zeph naman kausap lang si Gio, tungkol ata sa isang libro ang pinag uusapan nila. while si Ezequiel at Thali? nagbubulungan. Si Athanasius? nauna na daw dun at may aasikasuhin. siya na masipag. Si Nathan naman na sa likod lang, maya maya ay nasa tabi ko na siya.
"Why are you spacing out earlier? is it because what I did last night?" Curious na tanong niya.
Paano ko sasagutin yung tanong niya? ang hirap sagutin, buti sana kung tungkol sa science or any academic thing tinatanong niya baka pasahan ko pa siya ng essay.
Nakarating kami sa CLP na hindi nasasagot ang tanong niya.
Umakyat na kami sa ikalawang palapag kung nasaan ang room namin.
Nasa ikalawang palapag ang classroom at ang Student Council office at may isa pang kwarto na hindi ko alam kung para saan. Samantala nasa unang palapag ang Music room, Dance room, kitchen, Toilet at ang storage room.
Pagkabukas pa lang ng pinto, magugulat ka sa laki nito. japanese style ang classroom, kung saan sa likod ng mga upuan ay may locker, hiwa hiwalay ang seating arrangement, tama lang para masabing madami ang nagkaklase, May malaking TV din sa taas ng board.
Nakita kong nagsi puntahan na sila sa kanya kanya nilang upuan, samantala ako nakatayo dahil hindi ko alam kung saan nga ba ako.
"Fayie! you will seat sa tabi ni Nathan." sabi sakin ni Thali habang tinuturo yung katabing upuan ni Nathan.
Katulad lang ang pwesto ko noon sa dating school. dulong upuan at sa tabi ng bintana, ang pinagka iba nga lang ay iba ang katabi ko.
Hindi namam ganun kalapit ang upuan namin sa isa't isa. Sa tantiya ko? nasa 1 meter ang layo ng upuan ng bawat isa.
"Thank you" pagpapasalamat ko kay thali, ngiti lang ang ginanti niya at bumalik sa pagkausap kay Ezequiel.
Binalik ko ang tingin ko sa upuan na katabi ng kay Nathan, nagulat ako dahil naka tingin siya sakin na para bang hinihintay niya ako.
Uupo ba ako? pwede bang magpalipat? pero ano sasabihin niya kung magpapalit ako ng seating arrangement? maarte ako ganun?
Wala akong nagawa kundi maglakad papunta sa naka assigned na seat sakin at umupo dun. hindi ko na lang siya pinansin at nag ayos lang ng gamit ko.
Maya maya pa ay dumating na ang unang Teacher. tumingin lang siya sakin at nginitian ako.
"Hi! Miss Grimoire right? Welcome to our Academy, I hope you will enjoy your stay here. btw, I'm Miss Fortalejo, your Science Teacher." Mahabang pagbati niya.
"Thank you Miss" malambing na pasalamat ko.
Nagsimula na din siya mag discuss.
"So our lesson for today is all about Earth's interior."
Nag buklat ako ng notes at nagsimulang mag take down ng mga notes. 1st Quarter pa lang naman ng last year namin as a Junior High School.
Kalagitnaan ako ng 1st Quarter nag transfer. kaya hindi mahirap humabol sa Lesson dahil nga bago bago pa lang.
Then next year Senior High na kami, ano ba kukunin kong strand? Siguro between, STEM at HUMSS. pag iisipan ko muna ang kukunin ko sa College.
Maganda ang magkaroon ng Senior High dahil mas malaki magiging tulong nito sa kaalaman mo pag dating ng college.
Balak ko kumuha ng Aviation. feeling ko ang cool ko kapag suot ko ang Pilot uniform. lol pero balak ko talaga kunin ang BS Aviation.
Gustong gusto ko talaga mag travel. kaya mag aaral ako magpalipad ng eroplano tapos pag boring na ang buhay ko eh ibabagsak ko anytime. Joke
Wala pang 1 hour nang natapos kami sa unang Lesson. buti na lang tapos na ako mag take ng notes.
"Before we proceed to our Next Lesson, Do you have any Question?" Miss Fortalejo asked.
Nag taas ng kamay si Troy, "Mam, Ako po may tanong." sabi niya.
"Yes Troy? What's your Question? " tanong niya kay Troy.
Tumayo si Troy, "Mam, anong menu ngayon?" naka ngiting tanong niya.
Lahat kami natawa sa tanong niya, loko loko tong si Troy. akala ko kung anong related itatanong niya dahil seryoso ang Mukha niya.
"Patay gutom ka talaga, Troy HAHAHA" Sigaw ni Ezequiel.
Napa iling na lang si Miss Fortalejo sa kalokohan ni Troy.
"Mister Troy, hindi ako ang Cook kaya hindi ko alam ok? ikalma mo ang tiyan mo." sabi ni Miss.
Naku ngusong bumalik sa pagkaka upo si Troy, umiling na lang ako.
"Ok! back to the topic, You don't have any Question?" Tanong uli ni Miss.
Lahat kami umiling lang, sa totoo lang madali lang naman ang Lesson, ang iba nga sa kanila hindi na nagte take ng notes na para bang kabisado na nila.
Ano pa nga ba ang aasahan mo sa Special Class?
"If You don't have any Question? Let's have a Quiz first." Sabi ni Miss.
May kinuha siyang mga papel sa desk niya. yun ata yung sasagutan? hinati niya ito sa tatlo at pinamigay sa unahan.
bale ganto ang seating arrangement;
Athanasius - Zephyrinne - Thalia
Troy - Ezequiel - Giovanni
Fairen - Nthaniel - Thalia
Onti lang kami kaya malaki ang gap ng upuan ng bawat isa samin. malawak pa ang likuran, pwede kang matulog if inaantok ka hehehe.
Inabot na sakin ni Ezequiel ang huling test paper, agad ko naman ito kinuha at chineck.
Hindi ito ang nilesson kanina, 40 items lahat. Ang mga tanong ay related sa susunod na topic namin mamaya.
Nilibot ko muna ang mga mata ko sa kanila, Nang nakita kong nagsasagot na sila ay agad kong sinagutan lahat ng mga tanong, hindi mahirap mag sagot ng mga gantong Quiz lalo na kung mag aadvance reading ka.
Wala pang sampung minuto ay natapos ko na agad ito sagutan. Napansin ko din na tapos na si Nathan. hindi na nakakagulat
Nang matapos na ang lahat magsagot ay agad na pinapasa ni Miss ang mga test papers tsaka siya nagdiscuss ng panibagong Lesson.
Nakikinig lang ako sa paliwanag ni Mam ng biglang kumirot ang ulo ko, napapikit ako. iniyuko ko ng kaunti ang ulo ko para hindi mahalata at akalain na natutulog ako.
Sobrang sakit, Isang memorya ang pilit na pumapasok.
"Sálvame"