Nagtuloy tuloy ang sakit ng ulo ko hanggang pangalawang klase. hindi ako makapag concentrate dahil parang binibiyak ito sa sakit, samahan pa sa mga nagpapakitang memorya na hindi malinaw.
Hindi ko alam kung bakit may memoryang pilit na pumapasok sa utak ko, pero isa lang alam ko, hindi sa akin ito.
Maya maya pa ay tumunog na ang bell hudyat na break time na. Narinig ko ang pagpapa alam ni Miss.
"WOOOHHHH KAINAN NA" Sigaw ni Troy.
Ang ingay niya, hindi mo aakalain na galing siya sa Maharlikang pamilya dahil sa bunganga niya.
"Faiyie! Is there something wrong sayo?"
Ini angat ko ulo ko para tignan kung sino yung nagtanong. Nang makitang si Thalia ito ay agad akong umayos ng upo.
"Don't mind me, I'm just hungry" Pagsisinungaling ko.
Hindi ako nagugutom, ang gusto ko lang magpahinga, Dahil hanggang ngayon kumikirot pa din ito.
"Oh! come here na, There's our food na oh" Tinuro niya yung pagkain na dala dala ng mga babae.
Nasa push cart ito, mga tatlo na push cart na malalaki ang dala nila, ang una at pangalawa cart ay naglalaman ng mga pagkain, at ang pangatlo ay naglalaman ng utensils at food tray.
Japanese ang datingan, dahil sa pagkaka alam ko, sa elementary sa japan eh ang mga pagkain mismo dinadala sa bawat room.
"Hoy! Troy patay gutom ka talaga, nangunguna kana naman sa pila." bulyaw ni Ezequiel kay Troy.
Nasa pila na kasi ito at kumukuha ng pagkain. hindi halatang masiba siya sa lagay na yan.
Hindi pinansin ni Troy ang sinabi ni Quiel, dumiretso lang siya sa table niya at nagsimulang kumain.
Tumayo na din ako at pumila. baka sakaling mawala ang sakit ng ulo ko kapag kumain ako.
Napadaan ako sa lamesa ni Troy, nagutom ako bigla ng makita kong may jajangmyeon. Favorite ko yun, mas gusto ko ito kesa sa kimchi.
pumila agad ako at kumuha agad ng Tray.
Jajangmyeon! Jajangmyeon! Jajangmyeon!
Kanta ko sa isip ko, hindi ako mapakali sa pila kaya tinitigan ko ang mga nakukuha ng mga nauna sakin. panghuli ako kaya malayo layo pa.
Nakita kong pabalik na si Nathan sa table niya, napansin ko agad yung nasa tray niya. JAJANGMYEON.
Hindi na ako makapag hintay, ilang minuto pa at ako na ang susunod na kukuha. nang ako na ay agad na hinanap ng mata ko ang Jajangmyeon.
"Ano hinahanap mo iha?" tanong ni manang sakin nang mapansin na may hinahanap ang mata ko.
Nang hindu ko makita ang hinahanap ko ay tumingin ako kayanang, "Ahh! May jajangmyeon pa po?" magalang na tanong ko.
"Ayy! pasensya kana, naubusan kana, dalawa kasi kinuha ni Troy kanina." sabi ni Manang.
Nalungkot agad ako sa narinig ko, gusto ko bigla magsabi ng masasama kay Troy.
"Ahh! sige po ok lang"
Naglagay sila ng rice, soup, kimchi at isang ulam na manok ang putahe.
Nang mailagay na lahat sa tray ko eh bumalik na ako sa pwesto ko, nadaanan ko si Troy kaya sinamaan ko siya ng tingin na kanya namang pinagtaka.
Pag dating ko sa pwesto ko ay nilapag ko na ang tray sa mesa ko at naupo.
Kinuha ko ang chopstick at ready na sanang kumain ng may biglang kumuha ng tray at pinalitan ng Jajangmyeon.
Nanlaki ang mata ko at agad inangat ang ulo ko para makita kung sino yun.
"Eat that, That's your favorite, right?" Si Nathan.
Paano niya nalaman? ganun ba ako kahalata kanina? pero imposible, sa dami ng sineserve dun sa harapan, paano niya malalaman na jajangmyeon ang paborito ko? unless...
Inalis ko ang mga isipan na yun sa ulo ko, dapat ay magpasalamat pa ako sa ginawa niya.
Ngumiti ako, "Thank you" pagpapasalamat ko.
Kita ko ang panlalaki ng mata niya, at parang na estatwa siya.
May mali ba?
"May problema ba?" takang tanong ko.
Bumalik sa normal ang expression niya, yung cold. kasing lamig ng yelo.
"Ahh! nothing, eat it and I will eat this." Sabi niya at tumalikod na.
Bumalik siya sa pwesto niya at sinimulan kainin ng tahimik yung pagkain ko.
Babalik na sana ang tingin ko sa pagkain ng makita kong nakangisi sakin sina Thalia at Quiel.
Tinaasan ko lang sila ng kilay at itinuon ko ang atensyon ko sa pagkain. Masaya kong nilantakan ang Jajangmyeon. kahit kailan hindi talaga ako magsasawa dito. Nang matapos na ako ay binalik ko na ang tray sa cart.
Pagka balik ko sa upuan ay siyang pagpasok ng susunod naming Teacher.
"Go back to your seat, we will start our Lesson." sabi ni Sir.
Ngayon ko lang napansin na nawala na ang sakit ng ulo ko. apat na lesson ang hindi ko na take dahil sa sakit ng ulo ko. nakakainis lang. Manghihiram na lang ako ng notes mamaya.
Kumuha ako ng panibagong notes at nagsimulang magsulat. madalas akong mawala sa focus kaya dapat may notes ako lagi para makasabay.
Natapos ang buong klase ng mapayapa, Nag inat ako dahil sa sakit ng likod ko mula sa maghapong pagkaka upo.
Binasa basa ko muna ang mga sinulat ko para hindi ko makalimutan. Napansin kong may naglapag ng Notebook sa Gilid ng desk ko. agad kong iniangat ang ulo ko para malaman kung sino.
"You didn't take a notes earlier right? copy it." Sabi ni Nathan sakin.
Magsasalita pa laman ako ng may tumawag sa pangalan niya kaya sabay kaming napalingon.
"Nathan, Let's go, Mr. Gran wants to talk to us." Aya Athanasius.
As usual expressionless ang drama niya. ni hindi ata to marunong ngumiti?
"Yeah! coming." Sagot ni Nathan at lumapit siya kay Athanasius at sabay na silang naglakad palabas.
Tumingin lang ako sa notebook na nasa lamesa ko. hindi man lang ako nakapagpa salamat sa kanya.
Sa totoo lang? naguguluhan ako sa pinapakita niya, hindi ko alam kung may meaning ba sa kinikilos niya o sadyang ganun lang siya?
Kung ano man yun? ayoko mag assume, maganda lang ako pero hindi ako assumera no.
Niligpit ko na ang mga notebook ko at pinasok sila sa bag, sandali kong tinitigan ang notes ni Nathan bago napagpasiyahan na ipasook ito sa loob ng bag ko.
Tumayo na ako at naglakad palabas ng may umakbay sa balikat ko.
"Kung ano man yang iniisip mo? tama ka." Si Quiel.
Nagtataka akong tumingin sa kanya, "Anong iniisip?" tanong ko.
Pinagsasabi nito?
"You're so Maingay, Quie" Sabat ni Thalia.
Nasa kaliwa ko si Quiel habang nasa kanan ko si Thalia.
"Wala akong iniisip" sabi ko.
Ano bang iniisip ko? wala naman di ba?
"Alright!" sabay na sabi nila.
pero may kakaiba sa tono nila. para bang napipilitan sila? bahala nga sila. basta ako wala aking iniisip.
Nakarating kami sa Mansyon na walang nagsasalita. oo! pagkatapos nun hindi na sila nagsalita pa. sabay lang kaming umuwi.
pinikit ko na lang ang mga mata ko.