Chereads / ROYALTY SERIES #1 : The Only One / Chapter 17 - Chapter 16

Chapter 17 - Chapter 16

Naalimpungatan ako sa katok sa may pinto. binalewala ko ito at muling sinubukan matulog. 

Nag tuloy tuloy yung pagkatok kaya wala akong choice kung hindi bumangon.

Nag sink in sakin na wala na pala ako sa bahay, andito ako ngayon sa Galandriel. naninibago pa den ako sa bagong environment ko.

Tinignan ko muna ang aking sarili sa salamin, para hindi naman mag mukhang kahiya hiya dun sa kumakatok? 

Baka mamaya eh yung isa sa dalawa ang makaharap ko, magpapakain talaga ako sa lupa.

Nang makita kong ok na eh binuksan ko na ang pinto.

"Hi!" Masiyang bati sakin ng isang babae.

Maputi, may lahing espanyol katulad ko, maikli ang buhok at may suot itong salamin. maputi at may katangkaran.

"Hello, ah! How can I help you?" malambing na tanong ko sa kanya.

Nakakahiya kasi pinag hintay ko siya.

Ngumiti lang siya, "Sorry, naistorbo ba kita?" 

Umiling lang ako, "Hindi naman, may problema ba?" 

"Ahh! ipinabibigay ng Head ang uniform mo. "

Inabot niya sakin ang isang kahon, ngayon ko lang napansin na may dala dala siya nito.

Na guilty much ako. Ayus ayusin mo naman Kassandra. 

"Thank you, nag abala ka pa." nahihiyang sabi ko.

"No worries, 5 sets of uniforms yan, may dalawang set din ng PE uniform. thrice a week ang uniform natin, sadyang may extra lang for emergency purposes, then ang Wednesday at Friday ay ang PE day. " pag papaliwanag niya.

Tumango tango ako.

Inayos niya ang kanyang salamin bago uli siya magsalita, " Nga pala, sabay tayong magdidinner sa baba, celebration na din ng pag-dating mo."

"I will, baba na din ako, maraming salamat pala sa tulong mo." pagpapasalamat ko.

"Nga pala, I'm Zephyrinne Alegria. It's finally nice to meet you." pagpapakilala niya.

Gumanti ako ng ngiti at pinakilala ko din ang sarili ko.

"Fairen Kassandra Grimoire, Nice to meet you too, Zeph."

Sabay kaming napalingon ni Zeph nung may narinig kaming pabukas at pagsara ng pinto mula sa kanan namin.

Isang babaeng maputi, matangkad at blonde ang buhok ang lumabas.

"Thalia, come here." tawag ni Zeph sa babaeng kakalabas lang.

Thalia pala ang pangalan niya. Nice name.

Lumingon samin si Thalia at tumingin siya sa direction ko at agad siyang tumakbo papalapit sakin.

"OMG! ikaw ba si Fairen? Hey! I'm Thalia Eleuia Alarcon. Nice to meet you. " tuloy tuloy na sabi niya.

Nagkatinginan kami ni Zeph at sabay napahagikgik. She's a jolly person.

"Hello! It's nice to meet you too, Thali. " malambing na sabi ko sa kanya.

"OMG! inaabangan ka talaga namin, since hindi naman lagi na may nakakapasok sa SC." 

Nakikinig lang kami ni Zeph sa kanya, ang daldal niya pala. feeling ko hindi talaga ako mabobored dito. 

Ang inaasahan ko, ibubully o susungitan ako ng mga students dito since for royal, nobles and high class ang mga nag aaral dito.

Hindi ko ineexpect na maluwag nila akong tatanggapin, kung alam ko lang sana noon pa ako nagpalipat. 

"Are you going down na ba?" tanong niya samin.

Sabay kaming tumango Zeph. may pagka conyo pala siya.

"Sabay na us hihihi." aya niya samin.

Sinarado ko ang pinto ng kwarto ko at sabay na kaming tatlo bumaba para pumunta sa dining hall. 

Kinakabahan ako, makikita ko na naman siya. pwede bang umatras? matutulog na lang ako. pero hindi pwede, may celebration sila para sakin, ang rude kung hindi ako pupunta di ba? 

Napabuntong hininga ako, hindi ko na lang siya titignan. oo tama.

"Kass! nakilala mo na yung mga boys?" tanong ni Zeph.

"Yup! Why? "

"Who's the most handsome to you?" usisang tanong ni Thali.

Napakurap ako sa tanong nila, ano meron? yung tingin nila parang kakaiba eh. Oh, baka ako lang nag iisip na merong kaka iba?

Sandali ako nag isip. Mas gwapo? parehas silang lahat na gwapo. para di talaga maikakaila na mas lumalamang siya.

"Nathaniel" 

"REALLY?" 

nagulat ako nung sumigaw sila, hala! nasabi ko ba ng malakas? Nakakahiya Kassandra.

"You think Nathaniel is the most handsome in our class?"

kita ko ang ngisi sa labi ni Thali, may iba talaga.

Wala akong magawa kundi tumango na lang. yun naman kasi ang totoo, kahit nakaka ilang ang bawat kilos niya? mas gwapo siya, sumusunod si Athanasius sa kanya. 

Napansin ko ang pagtitinginan nung dalawa, para bang nag uusap gamit ang titig. teka, ganyan din sila Ezequiel at Nathan kanina ha? 

pag ba nasa SC required na marunong ka dapat makipag communicate gamit ang mata? Ang weird ha?

Tumigil kami sa isang malaking pinto, nasa dulo ito ng left wings. samantal nasa right wings yung music room at dance room.

Binuksan na ni Zeph, ang pinto, napapikit ako dahil sa pagtama ng ilaw. nakakasilaw.

pag dilat ko, isang mahabang lamesa ang nasa gitna. kakasya dito ang 20 ka tao. naglalapag na din ng mga pagkain sina Nathan at Athanasius. 

"Oh, andyan na pala sila eh." Si Troy.

Naka upo si Troy sa unang upuan ng kaliwang bahagi ng lamesa sa tabi niya ay isang lalaki na ngayon ko palang nakita. kasunod naman ng lalaking ito ay si Ezequiel, umalis si Thali sa tabi namin at agad pumunta sa may side nila Troy, tinabihan niya si Ezequiel. nagsimula na magkwentuhan ang dalawa.

Samantala sa right side naka upo si Sabrina sa pang apat na upuan. may tatlong bakante sa unahan.

"Halika na Fai, pwesto na tayo." aya ni Zeph.

lumakad na si Zeph at naupo sa tabi ni Sabrina. 

Bukod kina Nathan at Athanasius eh ako na lang ang naiwan na nakatayo. agad akong naglakad sa pwesto nila Zeph at Sabrina. uupo na sana ako sa tabi ni Zeph nang nagsalita si Nathan.

"Don't sit there, this is your seat."

Lumingon ako, naka turo siya sa pangalawang bakanteng upuan. 

"Nathan, wag mo naman takutin si Fai." singit ni Troy.

Dahil nga ayaw ko maging awkward eh sumunod na lang ako sa kanya at umupo sa itinuro niyang bakanteng upuan.

"Good!" 

rinig kong bulong niya sa likod ko. 

Ano yun? mukha ba akog alipin? medyo nainis ako sa naisip ko. 

Naramdaman kong may umupo sa unang upuan na nasa kaliwa ko, pag tingin ko si Athanasius lang pala. katulad nung una,  bored na bored ang mukha niya. 

Naramdaman ko din na may naupo sa kanan ko, si Nathan yan.

Pinilit ko maging komportable kahit na ang totoo ay gusto ko na lumipat sa tabi ni Zeph.

Uncomfortable since may topak at walang pake sa mundo itong nasa kaliwa ko, samantalang weird at cold naman ang nasa kaliwa ko. Great! maganda yan.

Biglang tumayo si Troy at tinaas niya ang kanyang champagne glass.

"Para sa pag-dating ni Fairen." Malakas na sabi niya.

"PARA SA PAGDATING NI FAIREN." 

Sabay sabay at malakas na sigaw nila.

Napa ngiti ko, nakaka touch naman. sa tingin ko hindi ako magsisisi na nagpalipat ako dito.

"Dahil diyan, magbibigay ng speech ang ating bagong kaibigan," sabi ni Troy.

Nanlaki ang mata ko, bakit may pa speech? hindi ako handa para dito.

Dahan dahan ako tumayo at tumikhim. Nakatingin silang lahat sakin. nakaka kaba naman, di ko alam na required ang pa speech?

"Hi? Thank you for welcoming me here. Honestly, I thought that I would be nobody here since I'm a new student, but I'm glad that you'll be my classmate, so I'm really looking forward to our interactions, Thank you." Nahihiya kong sabi.

Dahan dahan ako umupo, feeling ko namumula ang mukha ko.

"Woooohhh!"

Hiyawan at palakpakan ang ginawa nila pagkatapos ang nakakahiya kong speech. 

"Thanks for the lovely and sweet and charming and...." 

Naputol ang sinasabi ni Troy nang magsalita ang katabi niya.

"Manahimik kana Troy, kumain na tayo."

napahagikgik kaming mga babae sa sinabi nung lalaki.

Tumingin ng masama si Troy sa kanya, "Alam mo Gio? kapag makati likod mo? sana hindi mo maabot." halata mo ang inis sa mukha niya.

Nagtawanan kaming lahat sa sinabi ni Troy, nakakaloka.

Naupo na si Troy at nagsandok ng pagkain niya, nainis talaga siya dun sa lalaki.

Tumingin sakin yung lalaki at ngumiti ng matamis, "Fairen right? I'm Giovanni Rui Eleazar, but you can call me Gio. " pagpapakilala nito.

"Hello! nice to meet you." malambing na bati ko.

"Let's eat" biglang sabat nitong nasa kanan ko.

Nakita ko ang pag ngisi ni Gio sa kanya. napansin ko ang pagtingin niya ng masamang tingin kay Gio.

"tsk!" 

problema niya? binalewala ko na lang siya at kumain na din. 

Sa gabing iyon, puro lang kami tawanan at kwentuhan. Masasabi kong si Troy ang joker sa kanila. 

Dis oras na ng gabi nang matapos kami sa celebration. naghihikab na sila nung lumabas kami ng Dining hall. 

Sabay sabay na rin kaming umakyat oara pumunta sa kanya kanya naming kwarto.

"Good night everyone. Thanks for the party." Si Zeph at pumasok na sa kwarto niya.

"Goodnight, guys," Sabrina.

"Sweet dreams everyone." Thalia

"Magandang Gabi" Ezequiel

"Night" Athanasius

" Hoy! Gio ang baho mo." pang aalaska ni Troy

"G*go matulog kana" Gio

Napa iling na lang ako sa kanilang dalawa. Ang kulit ni Troy. hindi ko inaasahan na magmumura ng ganun si Gio. hahaha

Papasok na sana ako sa kwarto ko nung napansin kong may nakataho sa tabi ko at nakatingin sakin.

"Ahh! may kailangan ka?" nagtatakang tanong ko.

Dahan dahan siyang lumapit sakin kaya napa atras ako ng onti. 

Ano gagawin niya? 

Hinawakan niya ang likod ng ulo ko at hinalikan ang ulo ko na ikinagulat ko.

Anong ginagawa niya? shet!

"Buenas noches mi princesa"

pagkatapos niya sabihin yun ay tumalikod na siya at pumasok sa kanyang kwarto.

Samantala ako na iwan dito naka tayo at tulala.

Kumurap kurap muna ako bago nag sink in sakin yung nangyari.

WHAT THE FREAKING F??