Chereads / ROYALTY SERIES #1 : The Only One / Chapter 16 - Chapter 15

Chapter 16 - Chapter 15

Naalala ko bigla si Jaxon sa mga titig niya, parehas sila kung tumitig, hindi patago, bulgaran at walang pakielam sa paligid kung makita man siya.

"I will tour her around. You can go back now." Nathaniel said to the three.

He will do what? seryoso ba sya? parang gusto ko umatras sa sinabi niya.

"Ingatan mo yan ah" saad ni Troy.

Kumaway sina Troy at Sabrina sakin tsaka umalis.

"Alright! may gagawin din ako, See yah Kass." paalam ni Ezequiel.

"See you." Sagot ko na may ngiti.

Tinapik ni Ezequiel ang balikat ni Nathaniel na para bang may pinapahiwatig? tumango lang isa habang nakatingin pa rin sa akin.

Naiwan kami dito, gusto ko umalis. 

"Ughm! Saan tayo?" tanong ko.

"Let's go."

Hinawakan niya ang kamay ko at nagsimula kaming maglakad. 

Hindi ako nakapag react sa bilis niya, tanging pag sunod lang ang ginawa ko. 

Hindi ko alam ano iisipin ko? ganito ba talaga siya? kailangan bang hawakan ang kamay kapag ito tour? 

Nakatingin ako sa kamay ko na hawak niya. 

Pumasok kami sa loob ng mala mansyon. kung gaano kaganda ang Main building? ganun din dito. yung hall ng Main ay ganun din dito sa loob, pinaliit lamang dahil na din siguro sa oonti lang naman ang mga student sa Special Class?

"The name of ours is Clausius La Palacio. It is named after Rudolf Clausius, a German physicist and mathematician best known for formulating the second law of thermodynamics." He explained it without looking at me.

I know Clausius. He's one of the smartest person in history.

Nagsimula uli maglakad si Nathaniel kaya sinundan ko siya, kumaliwa kami sa may pasilyo. 

Tinuro niya ang unang kwarto, "That room is our own music room, and beside that room is our dance room."

"We're only nine students in SC, of course kasama kana dun." dugtong niya.

I see, eto pala yung benefits na sinasabi ni Mr. Gran, no wonder na kina iinggitan ang mga SC, may sari sarili na pala.

Siyam lang kami? ang onti ha? talaga bang Gifted lang ang mga nasa SC? kung pagbabasehan siguro sa IQ range? 130 pataas ang tinatanggap nila. 

"Can you dance or play an instrument?" he asked.

Tumango ako, " I can dance and I can play drums and electric guitar." 

Nakita kong umaliwalas ang mukha niya sa sinabi ko.

Tumango lang siya sa sinabi ko.

Muli niyang hinawakan ang kamay ko at bumalik kami sa may hall. uso ba talaga ang pag hawak sa kamay? 

Ngayon naman lumabas kami ng CLP at dumiretso kami sa likod nito?

Isang mala CLP ang nasa likod ng CLP, ngunit mas maliit nga lang ito. hindi ganun kagarbo katulad ng Main Palace at CLP. 

Pumasok kami sa Maliit na Mansyon, mas ok na tawagin kong mansyon kasi pa mansyon talaga ang style niya.

Pagka pasok mo pa lang masisilaw kana sa Kulay puti at ginto na kulay ng loob. feeling ko masisilaw mga masasamang espiritu na papasok dito. eme!

Kita din ang dalawang hagdaan patungo sa pangalawang palapag. 

Aakalain mong nasa Disney Movie ka dahil sa steucture ng Galandriel.

"This will be our house. Your room is on the 2nd floor, beside mine."

Katabi ko siya? pwede bang magpalipat?  

Na putol ang pag iisip ko nung may marinig kaming pababa. yep! rinig mo ang hakbang ng kahit sino dito sa sobrang tahimik ng paligid. 

Isang lalaking nakasimangot at tila bang bugnot sa buong mundo ang bumaba sa hagdan. may aura siya na katulad ni Nathan.

"Hey!" bati ng katabi ko dun sa kaka baba lang.

"Hey!" Bati niya.

Tumingin siya sa direksyon ko kaya agad kong iniwas ang paningin ko. Bakit ganito sila? nakakailang mga pag titig nila ha.

"Is she the new student?" tanong niya kay Nathan.

"Yeah! Her name is Fairen Kassandra, she will be in our section." saad ni Nathan.

Nilahad nung lalaki ang kamay niya, wala akong choice kundi makipag handshake.

"I'm Athanasius Kircher Varcarel, the Student Council President." pagpapakilala niya sakin.

Wow! Student Council.

"Fairen Kassandra Grimoire, new student." formal na pagpapakilala ko.

Binitawan na niya ang kamay ko at tumingin kay Nathan.

"Did you tour her already?" tanong nito sa katabi ko.

Tumango lang si Nathan. 

panget nila kausap, halatang mas ma eenjoy ko kasama si Troy, Sabrina at Ezequiel. etong dalawa halatang snob at cold. pinaglihi pa ata sa sama ng loob? 

Bigla kong naalala si Kuya Luciard dito sa dalawang to, Isa pa yung pinaglihi sa sama ng loob eh. of course hindi niya ako pinagsusungitan, takot yun magalit ako sa kanya eh.

"Alright!" sabi ni Athanasius.

Tumalikod ito samin at biglang umalis.

Napa simangot ako, May pagkabastos ang taong ito.

"Don't mind him, he's just like that, Napagkaitan ata ng mundo." biglang sabi ng katabi ko.

"Pft!" pigil na tawa ko.

Hahahaha parehas pala kami ng iniisip? Ok pala tong isang to. di ko lang trip aura niya.

"Come, let me show you your room." aya niya.

This time hindi na niya hinawakan kamay ko, mabuti naman, nakakailang kasi na hawak niya kamay ko.

Umakyat kami patungo sa ikalawang palapag.  paikot ang pangalawang palapag at makikita mo agad ang mga pinto na sa tingin ko ay mga kwarto ng bawat isa. 

Hinintuan namin ang ikatlong kwarto mula sa kanan, totoo nga magkatabi lang ang kwarto naming dalawa. sinulyapan ko naman ang katabing kwarto, 

"Zephyrine" bulong ko.

Narinig ko ang pag bukas ng pinto sa unahan ko at sinilip ko ang loob.

Ang laki, hindi siya kasing laki ng kwarto ko sa Palace pero mas malaki ito kumpara sa kwarto ko sa bahay ni Mama.

"Get in." aya sakin ni Nathan.

White and Gold ang Tema ng loob, magandang combination. ang mas nakakagulat pa, Queen size ang kama ko. 

Lumingon ako kay Nathan na naka sandal lang sa may pinto.

"Ganito ba lahat ng kwarto?" tanong ko.

"Yes! Every room has the same design. It is in you if you want to redecorate it in your way." sagot niya

Tumango ako at muling nilibot ang paningin sa buong silid. 

May napansin akong pinto kaya agad ko itong nilapitan at binuksan. napakurap pa ako sa nakita ko. 

white theme dressing room. kasing laki nito ang normal na kwarto.

"The room over there is your shower room." singit ni Nathan.

Hindi ko namalayan na nasa tabi ko na pala siya.

Cool! may shower room.

Sinarado ko na ang pinto at umupo sa may kama.

Sinundan lang ako ng tingin ni Nathan.

"Are you ok na?" tanong niya sakin.

"Yes! Thank you for showing me everything. " Sincere na sabi ko.

Ngumiti lang siya, "No worries, I will go na muna." sabi niya at saka lumabas ng kwarto. 

Binagsak ko ang katawan ko sa kama, masyadong nakakapagod ang araw na ito.

Pinikit ko ang mata ko at hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako.