Chapter 5 - Chapter 4

Madilim pa lang pero gising na iyong diwa ko habang nakatanaw sa malawak na bukirin na nasa aking harapan. Ito iyong nagiging hobby ko dito kapag madaling araw na, iyong pag-aabang ng sunrise. Kakatapos ko lang din gumawa ng activities ko na hindi ko magawa these past few days. Alam niyo na, mahirap matambakan ng schoolworks lalo na't busy talaga ngayong semester.

Engineering is really kind of stressful.

Alas tres pa lang ng umaga kaya hindi pa sila gising. Hindi pa rin sumisikat iyong araw kaya matyaga na lang akong naghintay habang sumisimsim ng kape.

Napatingin naman ako sa gallery ko. Puno na pala ng mga pictures dito, buti pa i-post ko na lang ito sa instagram. I pick pictures randomly according to my liking when I notice a certain picture, ito iyong picture na kinuha ko sa gift na binigay ni Jella. Iyong portrait and poems, hindi ko na sinali iyong message para iwas na rin issue. Alam niyo na, mahirap talaga kalaban iyong media lalo na't magaling silang gumawa ng kwentong walang katuturan.

Ayoko ring bigyan ng sakit ng ulo si Sam.

I post almost fifteen pictures. Iyong una ay mga sunsets and sunrise, habang iyong iba ay random selfies ko together with Lloyd and Lia. And lastly, iyong tatlong pictures ng gift ni Jella.

I choose a precise caption for it and posted on my timeline. Umani naman agad ito ng likes from my fans and even different comments. A smile crept on my lips upon reading it.

Wait, I think I need to spoil them a little about the surprise.

I type a message for my fans and posted it. At gaya kanina, agad naman itong nag-bost just a matter of seconds.

@kielvelasco

I will have a surprise for y'all when we have our comeback. Hope you will like it. Love you, PHICCSnation!

__

Ang akala ko ay aabutin pa kami ng hapon bago kami matatapos sa rancho ng mga Castillo pero hindi iyon nangyari. Akala ko talaga kung anong raket na pinagsasabi ni Lloyd, iyon pala ay gusto lang akong makita ni Don Hugo.

Siraulo talaga 'tong si Lloyd kahit kaylan! Gusto lang pala ako kausapin ng matanda.

Inilibot pa ako sa kanilang buong rancho at ipinakilala rin ako ng Don sa mga apo niya na sila Yuan at Yen. Sa totoo, super enjoy ako habang inisa-isa ng matanda iyong mga magiging pamana niya sa mga apo niya. I mean pati na rin iyong mga kwento ng kabataan nila at pati na rin iyong embarrassing experience, ang kulet talaga. Napakasuwerte nga ng mga ito dahil sobrang dami ng kanilang mamanahin. Hindi naman sa naiinggit ako, but I was just touched on how the old man loves his grandchildren very much.

Napag-alaman ko ring mayroon pala silang resort na labas ng rancho, doon may mga rooms na puwede e-occupy at rentahan. Naisip ko rin na doon na lang din mag-stay iyong mga kaibigan ko, agad namang sumang-ayon iyong matanda no'ng malaman na pupunta din dito sa La Trinidad iyong ka-banda ko.

Medyo mahaba-haba rin iyong pag-uusap namin na umabot ng halos tatlong oras. Sa totoo ay nasiyan ako na makipag-kuwento sa kaniya at maging sa apo niya. Mababait din ito at humble, hindi gaya ng ibang anak mayayaman na puro angas at pangit ang ugali. Salungat doon ang ugali ni Yuan at Yen.

Nang dumating kami sa bahay ay hindi namin naabutan si Lia. Hindi pa pala ito nakauwi mula sa pagbisita nito sa mga kaibigan niya, malamang sa malamang ay mahaba-habang kwentuhan iyong nangyari lalo na tungkol sa akin. Alam ko namang itatanong talaga ng mga kaibigan niya.

Bigla naman akong nakatanggap ng mensahe mula kay Sam. Halos mabundol pa ako sa may hagdan dahil sa gulat ko. Paanong hindi ako magugulat e ang sabi sa text ay on the way na raw sila.

"Lloyd?!" sigaw ko at tumakbo papuntang kwarto niya, nagmamadali.

Buong lakas naman itong sumigaw pabalik. "Ano?! Para naman 'tong sira, nagulat tuloy ako!" sumimangot naman ito. Napakamot na lang ako sa ulo.

Teka, paano ko ba ito sasabihin? Hindi kaya masyado na akong abala?

"Ah, eh, samahan mo ulit ako." Aniya ko, nahihiya. Nagsalubong naman iyong kilay niya at nagtanong.

"Bakit? Saan tayo pupunta?" Inabot ko na lang sa kaniya iyong cellphone ko at pinabasa sa kaniya iyong message. Halos lumuwa naman iyong mata niya sa sobrang gulat, tarantang-taranta pa ito.

"Lumabas ka muna tol. Magbibihis lang ako!" excited niyang saad at isinara iyong pinto pabalibag. Maya-maya ay bumukas ulit ito at sumilip naman siya.

"Silang lahat ba pupunta dito?" napatawa na lang ako. Alam kong excited siyang makita si Clevan. Tumango na lang ako at isinara na naman niya ulit iyong pinto. Narinig ko pang nag-yes ito sa loob na parang bata.

O kita niyo na, parang hindi twenty-three.

Bumalik na lang din ako sa kwarto at nagbihis ng brown na t-shirt at white na khaki shorts. Pinaresan ko na lang din ng white shoes at nagsoot ako ng cap, mainit kasi.

Pagkalabas ko ay saktong lumabas din si Lloyd. Daig pang naka-inom ng energy drink dahil sa sobrang energetic niya. Pagkakita niya na nakasoot ako ng cap ay kumaripas ulit siya papasok at kumuha ng cap. Bale iyong soot niya ay hindi nalalayo sa soot ko.

Nakasoot siya ng all black except sa shoes, he wears white sneakers. Pareho nga sila ni Clevan ng taste, mahilig din iyon sa black e! For sure kapag nagkita ang dalawa ay magpi-picture agad ito. Daig pa sila iyong magbestfriend e!

Lumabas na kami habang pormadoong-pormado. Nakita ko naman kung gaano nabali iyong leeg ng mga kapit-bahay habang nakatingin sa amin. Iyong mga dalaga nga ay narinig ko pang napa-tanong kung sino raw iyong kasama ko.

Napatawa na lang ako at umiling.

Ayan, iyan iyong sinasabi ko e! Basta gwapo, matic agad.

Sumakay na lang kami ng tricycle papuntang bayan. Medyo kinakabahan na medyo excited at the same time. Iyong si Lloyd na madaldal ay naging tahimik naman. Nakita ko pang maya't-maya niya chini-check iyong soot niya.

Para naman kung sino iyong sasalubongin namin.

Dumating na kami sa bayan at hinintay lang namin sila sa bus stop ng kaunti dahil sabi nila ay mga thirty minutes pa muna bago makarating dito sa bayan ng La Trinidad. Siguro, na-stranded sila sa traffic kaya ganoon. Nag-ring naman iyong cellphone ko kaya agad ko itong sinagot. Si Lia.

Oo nga pala, wala iyong kamalay-malay na ngayon darating iyong buong banda. Sakto! Pagsasabihan ko na lang sila na e-surprise iyong bata.

"Hello, Lia?"

[Kuya, nasaan kayo? Hindi pa ba kayo naka-uwi? Nasa rancho pa ba kayo?]

Bumaling na lang ako kay Lloyd na nakikinig sa gilid ko bago sinagot ang bata.

"Ah, oo. Siguro mga hapon pa kami uuwi e! Hindi pa kasi kami sa raket ng kuya mo." Pagsisinungaling ko pa.

"Ha? Pinagsasabi mo tol? Uy sabihin mo na—"

"Shhhh." Pinandilatan ko naman ng mata si utol. Pucha, huwag naman niyang sirain surprise ko. Panira!

Tumahimik na lang ito at narinig ko pang nag-okay si Lia, mabuti na lang talaga at hindi nito narinig iyong pinagbulongan namin ng Kuya niya. Kinalaunan ay nagsalita ulit ito.

"Kuya, siguro mamayang alas-sais na lang ako uuwi. Okay lang ba?" Mabilis naman akong um-oo sa bata. Buti na lang talaga at pabor iyong tadhana sa akin. Makakabawi rin ako sa effort ng bata. At saka, sort off surprise gift na rin.

Noong ibinaba ko na iyong tawag ay nakakunot na iyong noo ni Lloyd. "Bakit hindi mo sinabi na nasa bayan tayo tol? Baka mag-sleep over iyon doon sa mga kaibigan niya. May kuya pa naman iyong kaibigan niya tapos paano kapag pag-tripan—"

"Gagi, kalma." Aniya ko. "Hindi iyon pagti-tripan doon okay? At isa pa, hindi naman tayo aabutin ng gabi. Gusto ko lang e-surprise iyong bata," nanahimik naman agad ito at nakinig sa akin. Protective naman masyado 'to!

"Mamaya, kapag dadating na sila sasabihin ko na doon muna sa bahay tutuloy. Hindi ba sa susunod na buwan na iyong birthday ni Lia? Edi ipa-aga na lang natin iyong celebration. E-surprise na lang natin siya sa pagdating nila, alam mo namang fan na fan niya iyong banda namin."

Saglit naman siyang napa-isip, saka ito ngumiti sa akin. "Oo nga 'no! Salamat talaga tol! Labyu!" niyakap naman agad ako nito ng mahigpit. Nagmumukha tuloy kaming tanga at pinagtitinginan na kami ng mga tao.

"Kiel?" saglit muna kaming natigilan nang may tumawag sa pangalan ko. Paglingon pa namin ay bumungad sa amin si Sam.

Agad ko namang binati siya.

"Uy, hi Sam!" niyakap ko siya at tiningnan iyong kasama ko. Tulala pa rin ito habang nakatitig kay Sam.

Hmm, alam ko na iyang ganyang tingin mo Lloyd. Positive.

Malakas ko naman siyang tinapik sa balikat upang bumalik sa huwisyo. Damn! His reaction a while ago is priceless!

Nagkamot naman ito ng ulo at ngumiwi. "Ah, h-hi!" Saka nakipag-hand shake kay Sam.

"Hello! Ikaw ba si Lloyd? It's nice to finally meet you, Lloyd!" mas lalo namang natameme iyong kaibigan ko. Nakita ko pa kung gaano ito namula habang hawak pa rin niya iyong kamay ni Sam.

Ah, talaga lang pre? Nakakita ka ng anghel? Mamaya ka sa akin.

"Ehem! Ang kamay, ehem!" agad naman itong bumitaw dahil sa pagkahiya niya. Kinalaunan ay nagsalita ulit at medyo nasa tamang katinuan na.

"It's nice meeting you too, Sam." Mahinang saad nito. Agad ko namang inilibot iyong paningin ko sa paligid. Teka, nasaan ba sila?

"Where are they, Sam? I thought you came here with them?"

A tap from shoulder taken me back. And when look around, I saw them smiling at me. I hug them one by one when I noticed that Hans and Seven is missing.

Wait, where are those tw—

"Kung hinahanap mo iyong dalawa? Ayon, nasa kotse pa. Kanina pa iyong nagtatalo e! Ano raw iyong nauna, iyong itlog ba or iyong manok."

Napahilot na lang ako sa sintodo at napahugot ng hininga. Hayop tala, hanggang dito ba naman?!

Maya-maya ay nakita ko naman silang naglalakad papunta sa kinaroroonan namin at gusto ko na lang iwan silang dalawa dito sa terminal.

The hell! Hindi pa ba sila tapos?!

Narinig ko naman ang paghahikhik ni Lloyd sa tabi ko. Iyong iba ay tamad lang na nakatitig sa dalawa. Si Hans naman ay kinausap na lang si Lloyd at ayon, pumunta sila sa isang stall at may binili.

Sinenyasan ko naman silang sumunod na lang kila Hans at agad naman naming iniwan iyong dalawa.

"Ang manok nga sabi e!"

"No! Mas nauna iyong chicken!"

"Tangina niyo hindi pa ba kayo tapos??" Buong lakas kong sigaw na siyang ikinalingon nila sa pwesto namin. Ngumiti naman ang awkward iyong dalawa ng mapansin na pati iyong mga tao ay nakatingin sa kanila.

"Hehe."

Pinandilatan ko sila. Sarap pag-umpugin legit. Mga tanga talaga! Sinong matinong magtatalo lang kung ano ang nauna, itlog ba o manok?

Seriously?

__

So far naman ay umayos na iyong dalawa natapos kong binantaan na umayos or papauwiin ko sila pabalik sa city. Nakahanda na lahat at si Lia na lang iyong hinihintay namin na umuwi. Malapit na mag alas-sais kaya alam kung pauwi na iyon. Si Lloyd naman sa gilid ay parang natatae na, kanina pa kasi pabalik-balik ng lakad.

Bakit ba kasi praning na praning siya sa kapatid ng kaibigan ni Lia?

"Kuya—"

"SURPRISE!!!"

Natulala naman iyong bata habang palipat-lipat iyong tingin sa mga tao sa loob. Kinurot pa nito ang kaniyang pisngi para kumpirmahin na totoo ang lahat ng nakikita niya.

Tudo ngiti naman ako habang si Lloyd naman ay priceless din iyong reaction na nakatingin sa kapatid na parang naiiyak sa tuwa.

"Nanaginip yata ako e!" aniya at nagpahid ng luha. Agad namang lumapit si Sam at niyakap siya ng mahigpit.

She wipe Lia's tears and spoke, "You're not dreaming, Lia. It's really happening," sumilay naman sa labi ng bata iyong tuwa at galak. Pati ako ay hindi ko mapigilan na mapa-iyak.

Wish kasi niya na makita sa personal iyong banda. I'm really happy na ako ang tumupad sa wish niya, para ko na ring kapatid iyang batang iyan e.

Nang sundan ko ng tingin iyong mata ni Lia ay nakita ko kung gaano mas lumawak iyong ngiti niya ng makita si Clevan. Nailing na lang ako dahil halatang-halata sa mata nito na crush niya si Clevan.

Pambihira! Awit 'tong dalawa a! Magkapatid nga sila.

"Sana nagustuhan mo ang surprise namin para sa'yo, Lia. Advance happy birthday!"

She smiled at us genuinely then, she spoke. Her eyes twinkled with so much happiness while talking.

"Ito iyong pinaka-dabest na birthday gift na natanggap ko sa buong buhay ko, kuya. Maraming-maraming salamat talaga."