Chapter 4 - Chapter 3

I was expecting a warm welcome from my relatives but I didn't expect to arrive being treated like a trash. Silang lahat, dinaig pa'y kung ituring ako ay para akong may nakakatakot na sakit. Pagkarating ko pa lang doon ay agad rin nila akong pinaalis.

How disrespectful.

Sa buong buhay ko, ang akala ko ay welcome kami pero hindi, ngayon ko lang pala napagtanto. Kaya pala kami umalis sa lugar na ito. It is because of their toxic mindsets, cultures, attitude and most of all their toxic kind of living.

Kahit pala masasabi mong may narating kana sa buhay pero kapag ayaw talaga nila sa'yo, you can't do anything to make them proud and accept you. Kung ano iyong turing nila sa iyo noon ay ganoon lang din ang ito-turing nila sa'yo ngayon.

There's no difference at all.

I stand firm while looking at them one by one. Galit ako, oo. Who wouldn't? When I arrive there minutes ago, nakatanggap agad ako ng mga hindi magandang salita mula sa kanila. I was welcomed of course, but, with insults from them.

"Mauuna na po ako." That's all I said and bow a little to give them some respect. Kahit na man ganoon ang pinakita nila sa akin but doesn't mean that I will disrespect them too. Wala akong pinagkaiba sa kanila kapag ganoon ang ipapakita ko pabalik.

Umirap lang iyong iba kong mga pinsang babae at nagsi-ilingan iyong mga lalaki. Na para bang isa lang akong katatawanan dito.

Mas lalo kong ikiniyom ang aking kamao.

I regretted that I was part of this hypocrite family.

I didn't waste time and march away. Nakita ko naman sina Lloyd at Lia na agad napatayo sa tinamabayang tindahan sa may unahan. Ngiti agad iyong bungad ng dalawa pero ni pekeng ngiti ay hindi ko magawa pabalik. Thier brows frowned with my sudden action. They are looking at me with confused look.

"Kuya?"

"Sa bahay na lang tayo mag-usap." I said with conviction and finality. Sumunod naman agad sila sa akin, nalilito pa rin.

Dumating kami sa bahay na wala pa ring imik. Iyong dalawa ay panay bulongan lang sa likod habang pilit na hinihinaan ang boses para hindi ako makarinig. Sumalampak ako sa sofa at mariing napapikit habang nakahawak sa ulo. Pilit ko pa ring pinapakalma iyong sarili ko dahil sa galit na nararamdaman. Bigla tuloy akong nakonsensya.

Napagtaasan ko tuloy ng boses si Lia. . .

"Sorry Lia," aniya ko sa bata at tumingin sa kaniya. "Pasensya na, hindi lang talaga maganda iyong nangyari doon." Seryoso kong paghingi ng paumanhin.

Lumapit naman sa akin si Lloyd at inakbayan ako. Bahagya pa niyang tinapik iyong balikat ko. Agad naman akong nakatanggap ng sagot mula sa bata, pero ni inis o galit ay hindi ko nahimigan sa boses nito.

"Okay lang Kuya."

Naglakad ito papunta sa akin at umupo, kapugkawan ay niyakap ako ng mahigpit, naglalambing yata. Ang sweet naman ng batang ito. Malayo-layo kay Lloyd na abnormal.

Ngumuso ito at nagsalita ulit. "Naiintindihan ko naman," kumapit ito sa braso ko at ngumiti sa akin.

"Gusto mo bang pag-usapan natin or gusto mo ba na magmovie-marathon na lang tayo para mabawasan ang sama ng loob mo, Kuya?" Napangiti naman ako.

Ang swerte naman ni Lloyd sa kapatid niya. Ang bait na bata at napaka-mauunawain.

Bumuntong-hininga na lang ako at napagdisisyunan na magkuwento. Maybe, I just need to let this out kaysa kimkimin ko 'to. Kabanas talaga.

I sigh, still annoyed. Then, I spoke, "I was mad at them. I was mad and disappointed because they disrespect me. Okay lang sana kung ako lang e, pero damay sina Mama at Papa." Tahimik lang sila habang pinakikinggan akong magsalita.

Umayos naman ako ng upo at nagpatuloy. "Akala ko talaga na pagkarating ko doon ay sasalubongin nila ako ng yakap pero kabaliktaran ang nangyari. When I arrived there, I was welcomed with mocked from my titas,"

"Alam niyo, now I already get it why Mom and Dad decided to leave that place. . ." I shook my head and scoffed, still can't believe of what I just knew.

"It is because of that toxic environment. Well, I was thankful because to be honest, I can't stand to live in that kind of living. Mas pipiliin ko na lang na lumayo sa mga gaya nilang mayroong hipokritong pag-iisip."

Narinig ko na lang na bumuntong-hininga si Lloyd at si Lia naman ay nanatiling tahimik. Maya-maya ay tumayo siya at pumagitna sa amin ng kuya niya. Akala ko kung ano ang gagawin niya pero umusog na lang din kami para maka-upo siya.

Isang mahigpit na yakap ang natanggap namin mula kay Lia. Mas napangiti na lang din ako dahil kahit na bata pa si Lia ay alam niya kung paano magpagaan ng loob.

Ang sweet talaga.

Bumaling ito sa akin at ngumisi. Bigla namang kumabog ang dibdib ko dahil alam kong may something na naman ito. Gaya ng kuya niya, alam kong may naisip na naman 'tong ka-abnormalan.

Pambihira, bakit ba kasi iyan pa iyong namana ni Lia. Okay na sana iyong sweet siya e!

"Kuya, I have a surprise for you," she said then grab something under the sofa, a paperbag. Kuryoso naman akong pinagmasdan siya.

Kapag talaga ito kalokohan na—

Maya-maya ay halos gusto ko ng magpabaon sa lupa dahil sa kilig na nararamdaman. T*ngina! Oo, nakakabakla mang pakinggan pero legit, kinikilig ako.

Ano ba! Sapakin niyo nga ako! Totoo ba 'to? Hindi ba ako nananaginip?

"Yieeeee!"

"Pucha, sana all!"

It was an artwork, a portrait to be specific. Mayroon ding isang mini-scrapbook na puro picture ko iyong nasa loob. Mayroon din itong letters and poems. Napaka-organize ng lahat.

Hi, Kiel! It's such and honor to see you here. I was a big fan of yours! Grabe, swerte ko naman dahil nakita pa kita dito sa La Trinidad. I hope na puwede akong magpa-picture sa iyo.

-Jella

"Pre, pahingi nga ng tubig." Anas ko, tulala.

Narinig ko pang tumawa si Lloyd at malutong na nagmura. Si Lia naman ay tawa pa rin ng tawa habang patuloy na nanunukso sa akin. Damn! Maybe I was too shalow but I was so happy. Puwede na akong humimlay.

Tumayo naman ako at iniwan silang dalawa sa sala.

"Hoy tol! Saan ka pupunta?" sigaw ni Lloyd. Lumingon naman ako sa kaniya at ngumisi.

"Tatapusin ko lang iyong kantang ginawa ko para kay Jella pre." At saka ko sila tuluyang tinalikuran. Mas lalo naman akong natawa nang marinig ko si Lloyd na nagmura lalo.

__

Halos ilang oras din ang ginugol ko para matapos ang kanta. Kaunting revision na lang at puwede ko na siyang kantahin para sa sample, tapos isi-send ko sa tropa ko para mapakinggan nila kung okay ba o hindi.

Sana nga ay pumayag sila na e-release ko iyong kanta sa comeback namin. Sana payagan ako ng manager namin.

Niligpit ko na iyong notes ko at bumaba na para tulungan sila na mag-asikaso ng hapunan. Ang bilis lang, parang ang bilis ng oras habang nandito ako. Kahapon nga lang ako nakarating tapos gabi na ulit, tapos mag-ta-tatlong araw na ako dito.

Hays.

Nakita ko naman agad iyong dalawa na busy sa kusina. So Lloyd may dala-dalang mangkok na may lamang sinigang. Bigla tuloy akong nagutom.

Anong oras pa ba? Hindi ba masyado pang maaga para maghapunan?

"Tol," tawag ko sa kaniya. Lumingon naman agad ito sa akin, nakangisi na naman. Heto na naman tayo, magsisimula na naman 'tong mangdemon—

"I think I'm inlove again~"

Sabi ko na e.

Napa-iling na lang ako at nilapitan si Lia. Nakita ko namang masyado siyang maraming ginagawa kaya tumulong na ako. Hindi porket bisita ako e magpasarap na lang ako sa buhay.

"Tol, pwede ka ba bukas? Samahan mo naman ako sa rancho, may raket kasi ako sa mga Castillo." Agad naman akong um-oo kay Lloyd at nagpatuloy sa ginagawa.

Di bale na lang kung iitim ako dito kakabilad ng araw. Wala namang skin type requirement e at saka parang tanga iyong mag-iinarte ako.

Pagkatapos naming kumain ay ako na naghugas para makapag-pahinga naman iyong dalawa. Ako lang mag-isa sa kusina dahil nasa sala sila at nanonood ng bagong release na palabas. Iyon nga lang, hindi ko alam kung ano ang title ng movie, hindi sinabi e.

Napagdisisyunan ko namang kantahin iyong pre-churos ng kanta. Gusto ko kasi e-ensayo iyong part na iyon dahil hindi ko masyadong kabisado. Madalas talagang hindi ko nakukuha iyong tuno at nawawala ako.

Your eyes, your lips, so close inch apart

My feelings, starts to bloom

Do you know the reason why?

Acting like crazy, yeah

Hey baby, I'm falling with your smile

I want to ask you this question, can you be mine?

Nakarinig naman ako ng proud na palakpak mula sa likuran ko. Medyo nahiya pa nga ako dahil sintunado ako sa last part na sana ay high note pero pinagsawalang-bahala ko na lang. Paglingon ko sa taong nasa likod ko ay si Lloyd pala.

"Iyon na ba tol?" Tanong niya. Tumango naman ako pero hindi pa rin ako humaharap.

"Uy, parinig ng whole version tol—"

Agad namang naputol iyong sasabihin niya nang may nag-ring sa bulsa ko. Agad naman akong huminto at nagpatuyo ng kamay bago sinagot iyong tawag.

Manager Sam calling. . .

"Hello Sam?" Nag-excuse naman si Lloyd sa akin para bigyan ako ng privacy at tumalikod na.

[Tommorow we will go there in your place. Mayroon bang houses diyan na puwedeng rentahan or rooms?]

Nanlaki naman agad ang mata ko sa narinig. Hala gagi! Don't tell me it's because of Seven?

"Bakit biglaan?" Naitanong ko na lang, still shock of the news. "Kinulit ka ba ni Seven?" Nakarinig naman ako ng tawa sa kabilang linya at singhal.

It's probably Seven and Clevan. Sila lang naman iyong maingay sa grupo.

[Dude, grabe ka naman sa akin. Hindi lang kaya basta ako ang may gusto na pumunta diyan and you know, we're so jealous of you. Send ka ng send ng pictures sa group chat. Sinong hindi maiinggit?]

I let out a laughter and slightly shake my head. Yeah, he's right. Maskin naman siguro ako ay maiinggit if ever.

I lean on the sink and answered.

"Magpapatulong na lang ako bukas kay Lloyd para kapag pumunta kayo dito ay may matutuluyan kayo. Nakakahiya naman kung magsisiksikan tayo sa bahay nila. Ang yaman-yaman niyo tas we're going to sardines in one place? No way."

Natuwa naman sila sa sagot ko.

Binaba ko na iyong phone after ko makausap si Sam at ang banda. Nakarinig naman agad ako ng tili kaya mabilis akong napalingon. Si Lia pala.

"Yes! Makikita ko na in personal ang buong PHICCS band!"