Chapter 3 - Chapter 2

Halos magdidilim na ng maka-uwi kami sa bahay nina Lloyd at Lia. Sa sobrang pagod ko ay hindi ko namalayan na nakahiga na pala ako sa sofa habang tulala na nakatitig sa kisame. Nagpa-flashback na naman sa utak ko iyong mukha ni Jella. Ewan, parang tanga lang sa totoo. Panay iyong sulyap ko tapos panay din ang ngiti ko, parang tanga talaga at hindi mawala-wala e.

What if sapukin niyo ako para bumalik na sa katawan ko iyong ispiritu ko?

T*ngina, nababaliw na yata ako!

Napansin ko din na kahit iilang oras pa lang ang nilagi ko dito panay tagalog na ako. Sabagay, napaka-oa naman yata iyong nag-e-english ako sa mga tao dito. Iyon, iyon iyong literal na tanga.

Napangiti na naman ako. Haist! Ano ba iyan, Kiel!

Paano ba kasing hindi e ang ganda niya. Teka, hindi ako sa ganda lang bumabase a! Hindi sa tipong iyon lang ang nakaka-attact sa kaniya! Actually, marami kaya. Una, mabait. Pangalawa, hindi suplada, palabiro—ah, basta! Huwag niyo na lang alamin kung paano ko nalaman.

"Uy si Kuya kinikilig!" tukso pa ni Lia sa akin. Tinakpan ko na lang iyong mukha ko at nagkunwaring matutulog. Busy pa rin siya sa pag-aasikaso ng hapunan namin.

"Parang tanga, Lia." Saad ako, nakangisi sa ilalim ng unan. "Bakit naman ako kikiligin?" Bulong ko pa. Wow, deny much Kiel! Obvious na obvious naman!

Mas lalo naman itong nanukso. "Ay weh, Kuya? Alam kong kanina ka pa ngumingiti diyan! As if talaga hindi ko nakita lahat. Iyong pagsulyap mo kay ate Jella, iyong pagngiti, iyong—"

"Oo na! Oo na! Pambihira!" Aniya ko habang nakatago pa rin sa ilalim ng unan. Hindi pa rin mawala iyong ngiti ko. Panigurado, kung nakikita ko lang iyon hitsura ko ngayon ay pulang-pula na ako. Mariin akong napapikit.

Kiel, utang na loob umayos ka! Para kang teen-ager na nakita iyong crush mo! Twenty-three ka na kaya umayos ka!

Sakto namang pumasok si Lloyd na may dalang barbeque. Nice! Miss ko na ring mag barbeque e! Makahingi nga.

"Lloyd, pahingi ako—"

"Isang tingin mo lang bumabagal ang mundo~"

Napatigil naman ako nang kumanta si tarantado habang ginawang mike iyong kamay niya. Feel na feel pa niya na para bang ang ganda ng boses niya. Mas lumawak pa ang ngisi nito nang makitang ngumiti ako. Pucha! Hindi ko mapigilan na mapangiti!

"Isang tingin mo lang kumakabog ang puso~"

"Gag—"

Mas bumirit pa ito at umikot-ikot habang nakahawak sa may bandang puso niya. "Hindi alam kung bakit iyan ang sadyang nagagawa ng, isang tingin mo lang~"

"Tol, tumahimik ka tol." Aniya ko at humiga ulit. Balak na magtago ulit sa ilalim ng unan dahil sa kahihiyan. Tumawa naman ito ng malakas at sinabayan ni Lia iyong pagkanta. Ang ending ay inani ako ng tukso hanggang sa kumain na kami.

Para akong lantang gulay na sumalpak sa higaan ko matapos kong maghugas. Walanghiya, hindi ako tinantanan e! Talagang kinareer nila na ipa-alala sa akin kung ano iyong ginawa kong kahihiyan kanina sa loob ng gym.

"She fell first, but he fell harder." Napa-iling ako. Sira!

Ayan, sa kakabasa ni Lia ng novel pati ako nadamay. Paano bang hindi e para daw ako iyong main character sa binabasa niya. Kaugali ko raw, kasing tangkad, kasing gwapo, kasing talino at engineering din.

Ewan ko sa batang iyon.

Tumitig na naman ulit ako sa kisame.

Iyong buhok niya na straight hanggang beywang, iyong mata niya na nakakalunod titigan, iyong ngiti niya—tulungan niyo ako! T*ngina! Nababaliw na yata ako e!

'Oo, baliw ka na. Baliw ka sa kaniya.'

Mas lalo naman akong namula sa naisip ng utak ko. Itulog ko na lang ito. Tama! Pagod lang ito or spur of the moment. Oo, tama! Masyado lang akong na overwhelmed sa fans.

Saka ko pa naalala na may cellphone pala ako. Kinuha ko mula sa bulsa at tiningnan ang oras.

Alas nuwebe y-medya na.

[Bro, nakarating ka na ba?]

Basa ko sa messages ni Hans na nasundan na naman.

[Hey, ano? Kanina pa ako kinukulit nila Seven dito. Mga asungot! Hindi kasi sila nag-bar ngayon ni Clevan dahil day off daw. Mga gago.]

Napatawa na lang ako ng mahina. Ul*l! Day off-day off! As if those two can stand without chilling in the bar!

[Looks like you're taking a nap. Ge lang bro, update me na lang kung buhay ka pa.]

Nagtipa naman ako ng message sa kaniya. Short lang sana iyon pero dahil masyado akong nasiyahan sa nangyari sa fansigning kanina, kinuwento ko na lang.

Agad naman itong nag-reply sa akin. [I wish I was there too! Sayang, hindi nila makikita ang ka-gwapohan ko.]

"Gago," nasabi ko na lang at hindi na siya nireplayan. In-off ko ang phone at inilagay ito sa may ulo banda katabi ng unan at pumunta sa balconahe. Nakabukas pa rin iyong pinto doon at sumasayaw iyong kurtina dahil sa hangin. Tahimik na iyong paligid at tanging tunog lang ng mga kuliglig iyong maririnig mo.

Kinuha ko iyong gitara ni Lloyd sa may gilid at nagsimulang mag-strum. Parang ang ganda kasi ng mood ko kahit pagod ako e! Gusto ko tuloy mag-compose ng kanta.

Ma-try nga.

Kumuha muna ako ng notebook at ballpen sa bag saka umupo doon sa inuupuan ko kanina sa balconahe. Nagsimula ulit akong mag-strum at nag-isip ng lyrics.

The moment I first ever saw you

I feel alive and complete like it's good to be true

I was in cloud nine for a moment

Nanumbalik na naman sa isip ko iyong scenario sa loob ng bus, iyong nagkatitigan kami, iyong nakita ko kung gaano siya ka-cute mamula. Napa-iling ulit ako.

Tanga, nagmumukha akong adik!

Umayos naman ako ng upo at tumikhim. Nagpatuloy lang ako sa pagstrum at dinugtongan iyong kanta. Maybe, I will include this song once we have our comeback and I was excited just thinking about it.

For sure, magugustohan ito ng mga fans.

The way your hair dance with the wind

The way the sun touches your skin

It feels surreal

And I can stay on your side forever

Your eyes, your lips, so close inch apart

My feelings starts to bloom

Do you know the reason why

__

Nagising na lang ako bandang alas-singko ng umaga. Himala nga dahil hindi naman talaga ako maagang nagigising. Siguro, naninibago ako sa environment dito. Narinig ko naman ang mga tilaok ng manok at huni ng mga ibon. Sobrang refreshing tuloy kapag araw-araw na ganito. Sayang talaga at hindi ko sinama si Hans.

Nag-unat naman ako at humikab saka umupo sa kama ko. Lumingon sa may balkonahe at tumayo na para buksan iyong glass door.

I was beyond enchanted upon seeing the scenery in front of me. Imagine, I was in the second floor of the house looking at those cotton candy skies and the sun was just about to shine. Nasa gitna siya ng dalawang burol at sa harap naman ay mayroong malakong bukirin na puno ng mga puno at mayroong mga bulaklak. Kung tutuosin ay parang siyang isang flower farm.

Sobrang ganda talaga.

Dinukot ko iyong cellphone ko at nagtake ng picture. Dinamihan ko talaga with different angles para makita rin nila iyong ganda ng environment dito. Then, I send it to our gc.

*Ting*

I look at the message and it was Hans.

BASTA GROUP CHAT ITO(PHICCS_APORT)

Hans_igop: Tol, saan bang probinsya iyang sa inyo? Puntahan na kita diyan, ang ganda gagi.

Seven: Hey, bud! I want to come there too! Sama ako sa'yo, @Hans. Send details.

Inigo: Basta ako gusto ko ng fresh dragon fruit.

Clyde: Ul*l mo, @Seven! Send details amp! Mambuburaot lang iyang si @Hans.

#Maniwala_sa_may_experience

Inigo:Kawawa ka naman Seven. Ayaw ka talaga tantanan HAHAHHA.

Seven: Damn you @Clyde.

Napatawa na lang ako sa inasta ng dalawa. Umagang-umaga nag-aasaran na naman sila. Pero hindi naman iyan aabot sa puntong mag-aaway sila. Trip lang talaga ni Clyde na inisin si Seven. Nagsend na lang ako ng voice message at sinend ito. Puro haha naman ang react except kay Seven na naka-sad react.

Bahala nga kayo diyan!

"Good morning Kuya!" masiglang bati sa akin ni Lia na may dalang kape at pandesal. Nakasunod naman si Lloyd na parang bahay ng ibon iyong ulo habang humuhikab pa. Napahagikhik na lang ako sa hitsura niya.

"Morning tol," sabog nitong saad at humiga sa kama ko. At wala pa ngang ilang segundo ang nagdaan ay humihilik na ito. Napa-iling na lang iyong kapatid niya at nameywang.

Bumilang muna ito bago buong lakas na sumigaw.

"LLOYD PATRICK BUMANGON KA NA DIYAN!"

"Ha?! Sunog?! Asan?!" Napahawak na lang ako sa tiyan dahil sa inasta niya. G*go! Ang laugh trip!

Nang ma-realize niyang wala naman sunog ay sinamaan niya ng tingin iyong kapatid niya. "Inaantok pa ako e!" maktol nito.

"E sasamahan mo pa si Kuya Kiel sa talon. Huwag mo sabihin nakalimutan mo?" Pinagtaasan naman ni Lia iyong kapatid niya ng kilay. Saglit namang nag-isip iyong kapatid niya saka tumango-tango.

"Oo nga pala."

Para kaming batang paslit na nagtampisaw sa tubigan habang nagkarera kami ni Lloyd. Nagpaunahan kasi kami at iyong mga batang naliligo iyong mga born of judges namin. Napansin ko namang mas dumami iyong tao na nakapaligid. Hindi lang bata ang nandoon, pati rin mga matatanda, binata at mga dalaga.

Maya-maya ay may sumali rin at naging apat kami. Nagkataon pang iyong lalaki kahapon na tinanong kong sino ako iyong naging kagrupo ko. "Tol!"

"Uy tol! Dan nga pala at pasensya na kahapon." I shook my head on him and smile a little. "Wala iyon, not a big deal."

"Kuya Kiel at Kuya Dan, galingan niyo ah!" Sigaw pa ng mga bata. Tudo cheer ito sa amin at iyong iba sumasayaw pa.

May iilan naman na nasa panig nila Lloyd at tudo ngisi pa sa akin ang loko. Ano na namang trip nito?

"Tol, lingon ka nga sa kanan," sinunod ko naman ngunit wala akong nakita. Minura ko na lang siya at nagsimula na namang mag-count iyong mga bata.

"Go!"

"Go Kuya Kiel!"

"Go Kuya Lloyd!"

Hanggang sa una akong nakaabot sa kabilang banda at mabilis akong lumangoy pabalik. Halos magkasabay pa nga kami ni Dan at mas nauna pa kami kila Lloyd ng ilang segundo lang. Umingay iyong mga bata at nagpalakpakan.

Lumapit sa akin si Lloyd at pabiro akong sinuntok sa braso. "Inspired ah!" Aniya. Napakunot naman noo ko.

"Inspired?" Naisaad ko na lang. May itinuro naman siya sa akin at agad akong dinaga at natameme. Biglang tumigil iyong ikot ng mundo ko at napatulala sa kaniya.

Kanina pa siya dito?

Ngumisi naman sa akin si Lloyd at bumulong. "Nakakita ka ng diyosa natulala ka na. Halatang-halata ka tol." Doon naman ako natauhan at agad umiba ng tingin.

Gago ka talaga Lloyd!

Pagtingin ko ulit kay Jella ay nakangiti na siya sa akin. Pakiramdam ko naman mabibingi na ako sa lakas ng tibok ng puso ko.

T*ngina! Nginitian niya ako!