Chereads / Marrying My Ex-Husband / Chapter 22 - 22

Chapter 22 - 22

NILAPITAN niya si Kyle nang makitang hawak na nito ang cellphone pagkalabas galing sa kwarto nito. Malungkot muna siyang pinagmasdan nito habang pinagpatuloy ang ginagawa. Magkahalong kaba at saya ang nararamdaman niya ng mga oras na iyon. Mga magulang ng lalaki ang tinawagan ni Kyle.

" Hi Mom!" anito sa magulang.

" Oh, Kyle? Why did you call in this hour? May problema ba?" narinig niyang wika ng sa tingin niya ay Mommy ni Kyle. Naka video call sila dito.

" I just want to talk to, Angel, Mom."

Gusto niya ng agawin ang cellphone mula dito, habang napapasulyap naman sa kaniya ang lalaki.

" She's in her room, she told me na ayaw niya magpaistorbo."

" Just in a minute, Mom."

Tinampal niya ito sa braso. Bakit yata tila gusto nito na saglit lang makausap ang anak?

" Parang hindi mo kilala ang anak mo, she don't want to be disturb when she's busy."

" Mom, please? This is very important."

Nagtataka siya kung bakit ganoon na lang ang pag-aala ng dati niyang bienan na maistorbo ang apo. Mabait na bata si Angel at siguradong matutuwa ito makausap ang Ama lalo na pag nakita siya. Nag antay pa sila ng ilang saglit matapos ay narinig nila ang pagtawag ng matanda sa kaniyang anak.

Hindi niya maintindihan ang nararamdaman, sabik na siyang makita ang masayang reaksyon ng anak pag nakita siya.

" Open the door, honey! Your Dad wants to talk to you."

Agad siyang tumabi kay Kyle para makita ang anak ngunit napaatras siya ng makitang hawak pa ito ng bienan. Nangingiting tinapunan siya ng tingin ng lalaki.

" What are you afraid of?"

Inirapan niya lang ito at muli itong sumeryoso nang ibinalik sa cellphone ang tingin.

" Hi, baby, are you busy?"

" Seriously, Dad? You just call to ask if i'm busy?" dinig niyang sagot ng anak niya sa naiiritang boses.

Sinenyasan niya ang lalaki na ibigay na sa kaniya ang cellphone para makausap ang anak ngunit tinaas ng lalaki ang kamay senyales na maghintay siya.

" Someone wants to talk to you, baby."

" Dad, please? Can i turn this off? I have lot more to do."

Inagaw niya ang cellphone sa lalaki dahil naiinis na siya sa pa-suspense effect nito para makausap ang anak.

" Hi, Angel, anak ko, ang Mommy mo 'to!" bungad niya rito.

Nabungaran niya na nakasimangot ang anak habang nakaupo ito sa sariling kama. Lumuwag ang ngiti niya nang mapagmasdan ito, hindi man niya gaanong makita ang kabuuan nito ay alam niyang napakaganda at dalagang dalaga na ang anak.

" Anak, ako ito ang Mommy mo, remember? Mis na mis ka na ng Mommy,anak!" naiiyak niyang wika ngunit nanatiling nakatitig lang ang anak sa kaniya na nakasimangot pa rin.

Bahagya siyang naalarma sa blangkong expression ng itsura ng anak. Ni hindi ito kakikitaan ng pagkasorpresa o kasabikan man lang na makita siya.

" Anak, hindi mo na ba ako nakikilala,ako ito ang Mommy mo?" pangungulit niya pa rin ngunit nanatili pa ring walang imik ang anak. Matiim lang itong nakatitig sa kaniya.

Dahan-dahang napawi ang ngiti niya dahil sa kawalan ng kibo nito. Sa ikinikilos nito ay parang hindi na siya naaalala ng anak. Eight years old ito ng magkahiwalay sila, imposibleng hindi na siya nito naalala. Napatingin siya kay Kyle, bakas sa itsura nito ang lungkot. Nagtatanong ang mga mata niya ngunit umiwas lang ng tingin ang lalaki.

" I can't believe that you're wasting my time for this, Dad! Okay, bye!"

Magsasalita pa sana siya ngunit agad na pinatay nito ang connection. Napaawang ang bibig niya dahil doon.Para siyang lantang gulay na napaupo sa katabing upuan.

" A-anong nangyari? Bakit hindi niya na ako kilala?" nalilito niyang tanong sa lalaki.

Malungkot ang mga matang nakatingin lang sa kaniya ang lalaki na tila hindi alam ang isasagot sa kaniya.

" Siguro, hindi niya lang ako namukaan dahil sa itsura ko," natatawa pa niyang sambit. " Baka naman sa personal makilala niya na ako,ano sa tingin mo?" aniya pa.

Pilit niyang pinasigla ang boses ngunit hindi niya maitago ang pagkabahala dahil sa nangyari. Malayo kasi sa iniisip niya ang inaasahan na mangyari. Ang buong akala niya ay ikatutuwa ng anak na makita siya ngunit kabaligtaran.

Naupo sa tapat niya ang lalaki matapos siyang abutan ng tasa na may lamang kape.

" Sabihin mo nga sa akin, anong nangyari sa anak ko?" naluluha niyang tanong dito.

Malamlam ang mga matang napatitig sa kaniya ang lalaki. Humigop muna ito ng kape bago sumagot.

" When you said na gusto mo siyang bawiin hindi na ako kumontra. Bacause i know, she needs you."

" A-ano bang ibig mong sabihin, ano ba talaga nangyari sa kaniya?!" matapos ay humigop na rin siya ng kape dahil sa matinding emosyon.

Gusto niya tuloy pagsisihan ang pagputol niya sa connection sa anak. Dapat pala dati pa ay kinukumusta niya ito. Sana dati pa inalam niya na ang sitwasyon nito sa asawa ngunit hindi niya ginawa dahil sa pride. At ngayon tila ba hindi na siya nakikilala nito.

" She was bullied. That's why she decided to stop going to school. Kumuha na lang si Mommy ng tuitor para maturuan siya."

Lalo siyang nalito sa sinabi ng lalaki. Nakatitig lang ito sa hawak na tasa habang nagsasalita.

" Imposible ang sinasabi mo, mabait na bata si Angel. Magiliw siya at friendly, malabong ma-bully siya sa school!"

Umangat ang tingin sa kaniya ng asawa at matalim siyang tinignan.

" Ano sa tingin mo ang mararamdaman ng isang eight years old na bata na nasira ang pamilya? She was suffer. Nagbago na rin ang ugali niya,lagi siyang tahimik at umiiyak kahit sa school nila!"

Natigilan siya sa sinabi nito. Gusto niyang maiyak dahil sa awa sa anak. Pakiramdam niya ay bumalik ang lahat ng sakit ng magkahiwalay sila ng nito.

" Well i guess, i haven't been good enough para mapunan ang pangungulila niya. She needs a mother."

" Pinagkatiwala ko siya sa'yo Kyle! Sabi mo maaalagaan mo siya kaya naging kampante ako!"

" I did! Pero masyado siyang na trauma dahil sa nangyari kaya nahira-"

" Nahirapan ka? Eh, baka naman kasi busy ka kay Darlene kaya nawalan ka na ng time sa anak ko?!"asik niya rito.

Nangunot ang noo ng lalaki dahil sa tinuran niya na tila hindi nito nagustuhan ang narinig.

" Are you saying na pinabayaan ko ang anak natin?" Naningkit ang mata nito dahil sa inis. " Ginawa ko ang lahat ng paraan para maging okay siya! And wait, you have to thank's to Darlene dahil malaki ang naitulong niya para maka-recover si Angel."

" Para ano? Para agawin din ang anak ko? She act Angel's Mom and you want me to thank her?" sarkastiko niyang sambit saka siya tumawa ng pagak. " Gusto mo mag thank you ako kasi kinalimutan na ako ng anak ko,ganoon? Damn you!" galit niyang singhal.

" Sinasabi ko lang na hindi mo dapat isisi ang pagkakaroon ko ng ugnayan kay Darlene!" matigas nitong sambit.

Tila iyon kutsilyo na tumarak sa kaniyang dibdib. Sa wakas ay inamin na rin nito na may relasyon nga sila ng babae.

" So, kasalanan ko ganon?! Pareho nating ginusto ito, remember?!"aniya.

" Pero ikaw ang may gusto na maghiwalay tayo!"

" At pumayag ka naman kaagad!"

" Bakit? Do i have a choice? What do you expect me to do, begging you na 'wag mo kong hiwalayan,tell me?!" sarkastikong tugon ng lalaki.

Napakagat labi siya. Ayaw man niyang aminin ay iyon talaga ang gusto niyang mangyari, ang suyuin siya nito gaya ng palagi nitong ginagawa, ngunit hindi nito ginawa at hinayaan na lang mawasak ang kanilang pamilya.

" Syempre hindi. After ng kataksilan niyo ni Darlene i don't think you have a nerve to do it!"

Padabog siyang tumayo para lisan ang lugar na iyon. Ayaw niya ng balikan pa ang nakaraan nila dahil lalo lang niyang gustong sisihin ang sarili sa nangyari sa anak nila.

" Saan ka pupunta? Hindi pa tayo tapos mag-usap, Toni!" pahabol na sigaw sa kaniya ng lalaki. " You always accusing me sa mga bagay na hindi ko ginawa!" madiin pang wika nito.

" Yan diyan ka magaling, sa pagsisinungaling! Nagsisisi tuloy ako kung bakit ko nagawang ipagkatiwa sa'yo ang anak natin!" Muli ay tumalikod siya para tunguhin ang pinto ngunit sinundan siya ng lalaki at marahas na hinablot sa braso.

" Sinisisi mo ba ako sa nangyari sa anak natin?" galit nitong tanong. " Tandaan mo, hindi ikaw ang nandoon na araw-araw nadudurog ang puso sa twing nakikitang nagdurusa ang nag-iisa kong anak!"

Hindi na siya umimik pa, bumitiw siya sa pagkakahawak dito at muling tumalikod ngunit pinigilan siya ulit nito at pilit na isinandal sa likod ng pinto kaya na corner siya ng lalaki.

" Huwag mo'ko tatalikuran hindi pa tayo tapos!" anito na halos ilapit na ang mukha sa kaniya.

Nababakas niya sa mukha nito ang tila galit na sinisisi siya sa nangyari sa anak nila. Alam niyang malaki rin ang pagkukulang niya bilang Ina at naiinis siyang isipin na kailangan pa ang isang Darlene para lang punan ang pangungulila ng anak. Bakit kailangan lagi umeksena si Darlene sa buhay nila na tila ipinamumuka pa ito ng lalaki?

" Let me go, wala na tayong pag-uusapan pa! Ipapamukha mo lang naman sa akin na magaling si Darlene dahil nakuha niya ang puso pati ng anak ko!" singhal niya sa lalaki ngunit nanatiling nakaharang ang braso nito kaya hindi siya makawala.

Hinampas niya pa ito sa dibdib para lang umalis sa harap niya ngunit nanatiling nakaharang ang lalaki. Ngunit nagulat siya ng bigla siya nitong niyakap ng mahigpit. Pakiramdam niya ay nanghina ang buong katawan niya ng maramdaman muli ang makulong sa bisig ng lalaking minamahal.

" Huwag ka munang umalis, let's fix this," anito habang mahigpit siyang yakap na tila ayaw siyang pakawalan.