MAHABA ang naging biyahe niya para mapuntahan ang condo unit ng lalaki. Inihanda niya na ang mga sasabihin niya para dito. Hindi na ito makakatakas pa dahil sa ayaw nito at sa gusto kukunin niya ang anak makarating man sila sa korte. Inayos niya muna ang sarili matapos iparada ang kotse at saka bumaba. Pinagmasdan niya ang condominium building na nasa harap niya na tila nakatanaw sa mismong condo ng dating asawa. Sinipat niya ang wristwatch, pasado alas onse na pala. Natagalan kasi sila ni Troy mula sa location ng branch nila, nahihiya naman siyang iwan na lang basta ang lalaki.
Pumasok siya sa building at agad na sumakay ng elevator. Hindi niya maintindihan ang nararamdamang kaba sa kaniyang dibdib. Paano kung naroon din si Darlene at nagsasama na pala ang dalawa, ano kaya ang maaari niyang maramdaman? Pinagalitan niya ang sarili sa naisip, wala naman na siyang pakialam kung nagsasama man ang dalawa.
Pinindot niya ang buzzer ng condo. Nang walang tumugon ay sunod-sunod niya itong pinindot. Nang bumukas ang pinto ay papungas-pungas na lumabas si Kyle. Kinurap-kurap pa nito ang mata nang makita siya na tila hindi makapaniwala. Bahagya pa siyang natigilan ng makita ang itsura nito. Naka shorts at sando lang ito kaya lumantad sa kaniya ang macho at magandang pangangatawan ng lalaki na tila alaga sa gym. Napatitig din siya sa mamula-mula nitong mga labi na dati lang ay nahahagkan niya anumang oras ngunit ngayon ay pagmamay-ari na ng iba.
" Toni?What are you doing here in this hour? At paano mo nalaman kung saan ako nakatira?"
Tila naman siya natauhan ng magsalita ito.
"S-Simple lang, hiningi ko ang address mo kay Troy."
Pasimple siyang sumulyap sa loob inaasahang makikita si Darlene.
" For what?" nalilitong usisa pa rin ng lalaki.
" Baka gusto mong papasukin muna ako?" mataray niyang tugon dito.
Pinatuloy siya ng lalaki sa loob at nang makapasok ay luminga sya sa paligid,hinahanap pa rin ang mga bakas ni Darlene. Maaliwalas at malinis ang loob ng condo ng lalaki na para bang may nag-aasikasi dito. Kaya naman lalo siyang nakumbinsi na nagsasama na nga ang dalawa.
" Anyway, kaya ako pumunta dito para sa anak natin. Kasi tingin ko iniiwasan mo'ko, eh!" aniya na nakapameywang pa.
" Ng ganitong oras talaga?" nangingiting tanong nito.
Sumilay ang pilyong ngiti nito sa mga labi na nagpabilis ng tibok ng kaniyang puso. Talagang napakalakas pa rin ng karisma ng dating asawa. Umiwas siya sa titig nito at kunwa ay nilibot ang tingin sa paligid.
" Ang hirap naman kasi hanapin ng condo mo, 'no? Buti ayos lang kay Darlene na dito tumira?" kunwa ay tanong niya.
Gusto niyang pasimpleng mahuli mula sa bibig nito na talagang nagsasama na nga ang dalawa. Napansin niya ang pagkunot ng noo nito at maya-maya ay mahinang tawa ang lumabas sa bibig nito.
" Si Darlene? Alam mo kung pumunta ka rito para alamin kung nagsasama ba kami, well it's not," anito na nakatitig ng diretso sa mga mata niya.
Hindi niya alam kung bakit ikinatuwa iyon ng kaniyang puso gusto niyang mangiti pero pinigilan niya.
" Hoy, Kyle! Wala akong pakialam kung nagsasama kayo or not, i'm here para kunin ang contact number ng anak ko!" pagtataray pa niya habang namumula ang pisngi.
Naglakad ito papunta sa kwarto kaya pasimple niya itong sinundan baka kasi nagsisinungaling lang ito at naroon talaga si Darlene. Ngunit wala kaya napahinga siya ng maluwag. Nang lumabas ito ay nakasuot na ito ng robe.
" Sinabi ko naman sa'yo 'di ba? Our daughter not interested in any gadgets. Wala siyang number or social media account."
Nangunot ang noo niya sa sinabi nito habang sinusundan ito ng tingin nang pumunta ito sa dining room. Kumuha ito ng alak sa refrigerator at nagsalin sa baso.
" You want to drink?" alok pa nito sa kaniya.
" Alam mo napaka imposible ng mga sinasabi mo,eh!" Inis niyang turan" Okay, ayoko na makipagtalo pa," aniya habang nakataas pa ang dalawang kamay." Tawagan mo na lang ang Mommy or Daddy mo, para makausap ko ang anak ko!"
" I think it's a bad idea," anito na na muling napatitig sa kaniya.
" Yes, it's really a bad idea talaga na inisin ako! At saka bakit ka ba umiinom?!" asik niya rito.
" Nagpapainit!" ngumisi ito ng pilyo.
Gusto niyang matawa sa paraan ng pagngisi nito na parang d*monyo.
" E, kung batuhin kaya kita ng shoulder bag,ha?!"
Tumawa ito ng malakas na ikinainis niya
" Ginising mo'ko ng dis-oras ng gabi do you think makakatulog agad ako?" Tumayo ito at lumapit sa kaniya. " Iyon lang ba talaga ang pinunta mo rito or may iba pa?" nangingiti pa rin nitong turan.
Inilapit nito ang mukha sa kaniya kaya bahagya siyang napapaatras. Hindi niya alam kung anong kapilyuhan ang iniisip nito kaya bahagya niyang tinulak ang mukha nito.
" Hoy, hindi ko gusto iyang iniisip mo, ah? Kaya ako ginabi kasi nahirapan akong hanapin 'tong condo mo,okay? Kung ano man iyang iniisip mo, erase,erase!" Aniya na binubundol na ng kaba sa dibdib
Lalong lumapad ang ngiti ng lalaki sa tinuran niya.
" Bakit,ano bang iniisip ko?" Anito at inabot ang baso sa kaniya na may lamang alak. " I just want us to celebrate, 'yun lang! Unless, may iba ka pang gusto na gawin natin?"pilyong usal nito.
Hindi niya alam kung nagbibiro lang ba ito ngunit naramdaman niyang nag-init ang pisngi niya sa tinuran nito. At isang damdamin ang tila ba ibig kumawala na pilit niyang nilalabanan ng mga sandaling iyon. Nasa harapan niya ang lalaking dati niyang minahal at kinabaliwan na ngayon ay matamang nakatitig sa kaniya na tila nais muling gisingin ang kaniyang naiidlip ng puso. Napatitig siya sa mapanuksong labi nito na para bang gusto niyang matikman ulit. Nakalalasing ang mga titig nito at ang masculine scent na muling bumubuhay sa kaniyang pagkababae. Kaya bago pa siya tuluyang matukso at mawala sa katinuan ay tinulak niya na ito.
" Hoy! Hindi ko iniwan si Troy para lang makipag inuman sa'yo, no!" kunwa ay galit niyang sabi.
Napansin niya ang pagbago ng expression ng mukha nito na tila ba hindi nagustuhan ang kaniyang sinabi.
" That Troy? Shit!"
Narinig niyang bulong nito habang kagat-kagat ang pang ibabang labi. Bumalik ito sa pwesto habang mabilis na tinungga ang laman ng baso na hawak.
" A-ano pang hinihintay mo? Tawagan mo na si Angel!"
Tinapunan siya nito ng matalim na tingin. Hindi niya mabasa ang kinikilos nito na kanina lang ay hindi mawala ang ngiti ngunit ngayon ay tila ba gusto siya nitong lamunin ng buhay.
" Can't you wait for atleast a month to see her?!" tila naiiritang asik nito sa kaniya.
Pakiramdam niya ay umakyat ang dugo niya sa tila pambabalewala nito. Lalo siyang nakumbinsi na talagang iniiwas nito ang anak.
" I don't get it, ako ang Mommy niya pero bakit parang ayaw mo akong makausap siya, why?!' nanggagalaiti na niyang singhal dito.
Ngunit ni hindi man lang siya nito pinansin at patuloy lang sa pagsalin ng alak sa baso. Naiinis siya sa ikinikilos nito na para bang may itinatago tungkol sa anak nila. Simple lang naman ang gusto niya, ang makita o makausap lang ang anak kahit sa cellphone lang. At dahil dedma lang ang lalaki sa mga sinasabi niya ay inis niyang inilibot ang tingin. Isang miniature building design ang namataan niya na pag-aari ng lalaki ang dinampot niya at iniangat.
" Hey! Anong balak mong gawin diyan,ah? !"anang lalaki na napatayo na.
" Ilang araw mo kayang pinagpaguran 'to, mabasag nga?!" aniya na nangingislap ang mata.
Agad na lumapit sa kaniya ang lalaki at tinangkang agawin ang hawak niya ngunit umiwas siya.
" Give it to me, baka masira mo iyan!"
Napayakap na sa kaniya ang lalaki mula sa likuran dahil sa pilit na inaagaw nito ang hawak niya. Bota-botalyeng kuryente ang naramdaman niya sa muling paglalapit nila ng katawan ng lalaki. Napaharap siya sa lalaki at bahagyang natigilan ng magtama ang mga mata nila. Ilang dipa na lang ang layo ng mga mukha nila sa isa't-isa kaya bahagya niya itong naitulak.
" Give it to me or i will kiss you," bulong nito habang nakatitig sa mga labi niya.
Napakurap-kurap siya sa banta nito at makitang seryoso ito sa banta. Mabilis ang tibok ng puso niya na sana lang ay hindi naramdaman ng lalaki sa kabila ng paglalapit ng mga katawan nila.
" Does it mean you will let me to kiss you,right now?" Pilyo ang mga ngiti na tanong nito ng mapansing natigilan siya. Idinikdik niya sa muka ng lalaki ang miniature para takpan ang pamumula ng kaniyang pisngi pati na rin ang damdaming pilit niyang itinatanggi.
" Ouch! That hurts!" anito na pinipigilan ang ginagawa niya.
" Okay, okay, gagawin ko na, just give this to me. Hindi ito laruan okay?"
" Tatawagan mo na ang anak ko?" paniniyak pa niya.
" Yes! Bitawan mo na 'to!"
" Promise,ah? Pag niloloko mo'ko babasagin ko talaga 'to!" banta niya sa lalaki.
" Tss! Kailan ba ako sumira sa promise ko?!"
" Gusto mo sagutin ko iyan?!" namumulagat niyang sagot.
Natawa ang lalaki sa tinuran niya at muli itong sumeryoso. Napatitig sa kaniya ngunit hindi niya mabasa ang iniisip.
" Gusto mo ba pag-usapan natin?"
" No! Para ano pa? Gusto ko lang makausap ang anak ko."
Bitbit ang miniature ay muling ibinalik ng lalaki sa dati nitong pwesto.
" Gaya ka pa rin ng dati hindi ka pa rin marunong makinig," anito habang maayos na nilalagay ang bagay na hawak.
Muli itong pumasok sa kwarto at nang makabalik ay bitbit na nito ang cellphone. Agad na umaliwalas ang mukha niya at naramdaman ang kasabikan na sa wakas ay makakausap na ang anak.