Chereads / Marrying My Ex-Husband / Chapter 12 - 12

Chapter 12 - 12

Marrying 12

NASA huling taon na siya ng kursong engineering. Kaya naman sobrang naging busy na ang naging schedule niya sa klase. Naging subsob siya sa pag-aaral. Mas lalo siyang nagseryoso dahil alam niyang pag nagpa petiks-petiks siya ay babagsak siya. At iyon ang ayaw niyang mangyari dahil ayaw niyang biguin sa ikalawang pagkakataon ang mga magulang. Gabi na siya kung makauwi sa kanila na naging dahilan ng palagi nilang pag-aaway ng kaniyang asawa.

Naabutan niya ito sa labas na nakaabang sa kaniya. Sambakol na naman ang mukha nito.

" Hi,Babe. Bakit ka nasa labas?"

Tinangka niya itong halikan sa pisngi pero umiwas ito.

" Having bad moods again?" nakangiwi ang mukha niyang tanong rito.

Pumasok na siya sa loob at agad na naupo sa sofa. Isinandal niya ang ulo,pumikit at hinilot-hilot ang sentido.

" Tulog na ba si-ouch! What the..?" bulalas niya.

Binato siya ng pillow ni Maritoni

" Sh*t ka!" gigil na singhal ni Maritoni.

" Ano ka ba naman?! Masakit na nga ang ulo ko,binato mo pa ako? Ano ba'ng problema mo?" inis niyang tanong.

" Hindi mo ba alam kung ano'ng oras na,Kyle? Alas diyes na! Do'nt tell me,may pinuntahan na naman kayong birthday party ng mga barkada mo?!" pasinghal na tanong nito.

Napabuntung-hininga siya bago sumagot.

" How many times i've told you ba na magiging busy na ako? May tinapos lang ako'ng research. May mga paperworks pa,project. Is it hard for you to understand?"

" God Kyle! Ilang araw ka ng ganyan,palagi kang busy! Paano naman kami ng anak mo? Para lang kaming tau-tauhan na hindi mo pinapansin!" giit pa nito.

" Ano ka ba naman,Toni! Palagi ka nalang may rants. I'm doing this for us,for our future!" paliwanag pa niya.

" Huwag mo nga akong utuin,Kyle! Ginagawa mo iyan para sa sarili mo para sa kaligayahan mo! Para makatakas ka sa responsibilidad mo sa aming mag-ina!"

" Of course not! Wala ako'ng ginagawang masama!" halos gigil na niyang sagot.

" Lagi nalang ganyan ang dialogue mo! Wala kang ginagawang masama? Ano ka vilmanian?" nanlalaki ang matang singhal parin nito.

Nilamukos ni Kyle ang sariling mukha sa inis. Gusto niyang unawain ang asawa. Sa totoo lang ay tama naman ito. Talagang nawawalan siya ng oras sa kaniyang mag-ina. Pero ano nga ba ang magagawa niya?

" Akala mo ba hindi ko alam? Na may mga babaeng umaaligid sa'yo? Nagulat ka, 'no? Mapatunayan ko lang talaga,kakalbuhin ko ang mga malalanding mga babae na 'yan! At saka iyang wedding ring mo?Siguro hinuhubad mo kaya akala nila binata ka pa."

Halos marindi na siya sa kakabunganga ng asawa. Maya-maya ay binalibag niya ang hawak na pillow.

" Hindi ka titigil,ha?!" singhal niya sa natigilang si Maritoni. Bakas ang pagkagulat nito sa ginawa niya.

Nilapitan niya ito na may matalim na titig. Napalunok naman ng laway ang asawa at halatang nahintakutan sa kilos niya.

" Paano ko kaya patitigilin iyang bunganga mo?"

" S-sige! Subukan mo lang ako'ng saktan! Ano,ha? Mananakit ka?"

hintakot na wika nito. Ipinuwesto pa ang dalawang kamao sa harapan na animo boksingero.

Napangisi siya at agad na binuhat ang asawa.

" Ay! Ano ba'ng ginagawa mo,ha? Ibaba mo nga ako!"

Dinala niya ito sa kuwarto at ibinagsak sa kama. Nagulat ang asawa sa ginawa niya. Bago pa ito nakapagsalita ay agad niya itong pinigil sa pamamagitan ng mapusok niya'ng paghalik dito. Hindi na ito nakapiglas at gumanti nalang din ng halik ang asawa.

" Tulog na ba si baby?" namumungay ang matang tanong niya.

" O-oo. Kanina pa," kiming sagot naman ng asawa.

Muli ay naghinang ang kanilang mga labi. Isang paraan ni Kyle para matigil lang sa pagbubunga ang asawa.

Nagulat pa si Kyle nang biglang may malakas na katok sa pinto. Bigla siyang bumalik sa realidad. Iniluwa noon ang kaniyang ina.

" Ano ba naman,Kyle! Kanina pa ako tawag ng tawag sa'yo!"

" Bakit, Mommy?"

" Nakumbinsi ko na ang anak mo na mamasyal kami. Samahan mo kami," natutuwang tugon nito.

" T-talaga, Mom! How did you convince her?"

" That's not important. But one thing is sure. This is the sign na magstart ng mag move on ang anak mo!"

" That's great news, Mom! Sana nga magtuloy-tuloy na."

Agad siyang tumayo at excited na lumabas ng kwartong iyon. Naabutan niya ang anak na nasa terrace. Nakaupo lang ito at my headset sa tenga. Nilapitan niya ito at binati niya ngunit hindi siya pinansin dahil na rin siguro sa headseat na nakasalpak sa tenga nito. Tinanggal niya ang headseat nito sa tenga.

" Anak,sabi ng lola mo gusto mo raw mamasyal. Saan mo gusto pumunta?" masaya niyang tanong dito.

" Anywhere,Dad." Tipid na sagot nito at binalik na ang headseat sa tenga.

Bahagya siyang napangiti.

" Kyle,ano? Magbihis ka na. Kanina pa kami handa,ikaw nalang hinihintay," hiyaw ng Mommy niya.

" Ah,sige,Mom. Magbibihis lang ako."

Sa pagkakataong iyon ay nakasilip siya ng pag-asa na balang-araw ay makakalimot din ang anak niya at babalik ang dating sigla nito. Ang dating Angel na malambing at masayahin.

*****

SAMANTALA ay abala naman si Maritoni sa paghahanda ng mga kakailanganin niya'ng mga papel para sa muli niyang pag-aaral. Malaki ang napagbentahan niya ng bahay. Gagamitin niya ito sa pag-aaral at ang iba ay para sa maliit na negosyo na gusto niya'ng pasukin.

Accounting ang pinili niyang course. Negosyong buko pie naman ang naisip nilang mag-ina para sa kanilang maliit na negosyo. Ang mama niya mismo ang gagawa ng buko pie. Kukuha sila ng puwesto sa palengke para doon magtinda.

" Inay,excited na po ako sa panibagong yugto ng buhay ko. Sana this time maging successful na ako," wika niya sa nangingislap na mata.

Kasalukuyan silang nasa balkonahe bahay nila ng gabing iyon.

" Oo naman,anak. Nandito naman kami ng tatay mo para gabayan ka," tugon ng kaniyang Ina. " Siyanga pala,okay na ba 'yung mga requirements mo para sa school mo?"

" Opo,naayos ko na," masigla niyang tugon.

" Sigurado ka na ba riyan sa napili mo'ng course? Naaala ko dati, 'di ba gusto mo'ng maging teacher?"

" Hmm. Bata pa ko noon, 'Nay marami ng nangyari kaya nagbago na rin ang hilig ko sa buhay," nangingiti niyang sabi.

" O siya,kung saan ka masaya. Basta anak,ha? Wala munang boyfriend," paalala pa ng Ina.

Napahalakhak siya dahil doon.

" Inay, naman,eh. Syempre naman,from now on,no boys allowed!" Malambing niyang niyakap ang Ina.

Mabilis na lumipas ang mga buwan. Naging maayos ang lahat para kay Maritoni. Muli niyang na-enjoy ang pag-aaral. Ngunit may mga pagkakataong hindi nagiging madali dahil palagi siyang laman ng usap-usapan sa kanilang baryo. Lalo na ng mga dati niyang mga kaklase na ngayon ay naging matagumpay na rin sa buhay. Kumbaga,eh,siya nalang talaga ang napag-iiwanan.

Matindi ang pagnanais niya na magtagumpay rin sa buhay kaya hindi niya nalang binibigyang pansin ang mga ito. Ang naging kabiguan niya sa buhay ang nagsilbing inspirasyon niya para magsikap. Higit sa lahat,ang kaniyang anak na balang araw ay gusto niyang mabawi. Nagmistula siyang stalker sa facebook account ng anak. Kahit doon manlang ay maibsan ang nararamdaman niyang kalungkutan pag nakikita niya ang mga pictures nito. Hindi niya na inabala na kontakin pa ito. Ayaw niya muna itong gambalain hanggat wala pa siyang maipagmamalaki sa anak.

At di nga nagtagal mula sa palengke ay nakalipat sila sa mall. Pinasok na rin niya ang foodcart franchising business sa tulong ng mga kaibigan. At dahil nga nag-aaral pa siya. Isa sa mga kamag-anak nila ipinagkatiwala ito katulong ng kaniyang Ina.

" Shocks,Toni! I miss you," bulalas ni Jona nang minsang dalawin siya ng mga ito para saksihan ang unang pag operate nila sa franchise business.

" Grabe,friend! Ang layo pala ng place niyo,ah! Napagod ako sa biyahe," reklamo naman ni Carol.

" Okay,tara na! Ipinagluto kayo ni Nanay. Sure ako'ng tanggal ang pagod niyo pag natikman niyo ang luto ng Inay ko," pagmamalaki niyang sagot.

Sumakay sila ng motor papunta sa kanilang bahay. Habang nasa tricycle ay walang humpay parin ang kumustahan ng tatlo. Mahigit isang taon na rin kasi ang lumipas mula nung huli silang magkita. Nang makarating ay agad niya namang ipinakilala sa mga magulang ang mga kaibigan.

" Sila po 'yung mga kaibigan kong mga bully, 'Nay. Ang tumulong sa akin,ang nagbigay ng financial nang minsang hindi niyo ako agad napadalhan ng pera?"

" Hello po,Tita," bati ni Jona.

" Loka ka talaga, okay na sana,eh. Bakit may bully pa? Ah, hello po,Tita," nangingiting bati ni Carol.

Natatawa naman siya habang pinagmamasdan ang dalawa. Agad itong nilapitan ng kaniyang Ina at niyakap ang dalawa.

" Palagi kayo kinikwento sa akin ng anak ko,salamat sa inyo,ah!" halos naiiyak na sabi ng kaniyang Nanay.

Napuno naman ng tawanan ng mga oras na iyon.

" Ikaw naman,Sinda mukhang iiyakan mo pa yata sila,eh. Halika na at magsikain na kayo mga bata at siguradong gutom na kayo," wika ng kaniyang Tatay,"

" Natutuwa lang ako, kasi nakatagpo siya ng mga tapat na kaibigan," sagot ng kaniyang Nanay.

" Pasensya na kayo,ah. Iyakin talaga iyan si Nanay," pabirong sagot ni Maritoni.

" Wala po iyon,tita!" nahihiyang sagot ni Jona.

" Tama po,kahit naman maldita po si Maritoni at pabebe,madali naman pakisamahan," sagot naman ni Carol.

Muli silang natawa sa atakeng iyon ni Carol.

" Tignan niyo na,Inay? Bully talaga!" Muli ay pabiro niyang sabi.

NAng matapos kumain ay agad na silang pumunta sa mall para sa opening ng food cart business nila na Angel's Milk Tea and Delicasies. Masayang-masaya si Maritoni ng araw na iyon dahil umaayon sa kaniya ang tadhana. Konting tiis na lang magiging successful na rin siya at mababawi ang anak.

Nang matapos ay nagpaalam na sila mga magulang para ipasyal ang mga kaibigan.

" So,saan tayo mga sis? Let's celebrate naman, ano walwal?" aya ni Jona.

" Ay,ayoko! Ganiyan na nga sa Maynila pati dito ganiyang klaseng celebration pa rin? Umay," nakasimangot na wika ni Carol.

" Don't worry mga sis. Dadalhin ko kayo sa isang refreshing na lugar, 'yung makakalimutan niyo stress niyo sa buhay. So,tara na!" aya niya pa sa mga ito.

Mula sa niyogan papunta sa palayan na pag-aari na nila ipinasyal ang mga kaibigan.

Mula kasi sa napagbentahan niya ng bahay ay natubos na rin nila ang lupang sakahan na matagal ng nakasanla.

" Ang sarap talaga ng hangin dito sa probinsya,nakaka refresh ng isip! Tanggal stress ko sa mga costumer ko'ng maaarte!" wika ni Carol na nilalanghap pa ang hangin at hinihilot ang sentido.

" True! I'm not wonder kung bakit mabilis na naka move on itong friend natin. Look at her Carol,nakakangiti na siya,oh," sagot ni Jona na si Maritoni ang tinutukoy.

" Kinakabahan ako sa ngiti mo'ng iyan,Toni, ah! Baka may boylet ka na ulit?!" si Carol na namimilog ang mata.

" Loka! Boylet ka diyan! Ano akala mo sa akin,matakaw sa lalaki?" nakairap niyang tugon.

" Just kidding! Alam naman namin kung bakit ka masaya, 'no?" nakairap ring tugon ni Carol.

" Basta,sis. We're very happy for your success! Ang bilis ng progress ng business mo,ah,inggit ako!"

Napangiti si Toni sa sinabi ni Jona.

" Para ito kay Angel," aniya na lumarawan ang lungkot ng maalala ang anak na sobrang mis na mis niya na.

Madilim-dilim na nang magpasya silang umuwi. Masyado silang nag-enjoy sa pamamasyal kaya hindi na nila namalayan ang oras.Habang nasa daan ay may nadaanan silang mga kabinataan na nagkakantahan. Nasa harap sila ng pinto ng isang bahay at sa may pintuan naman ay mga kadalagahan ang nakangiting nakatunghay sa mga binatang nagkakantahan. Napatitig siya sa tagpong iyon na napansin naman agad ng dalawa.

" Uy! May naaalala." Tumikhim pa si Carol.

" Akala ko si Kyle lang ang baduy,meron din pala dito sa place niyo?" natatawang wika ni Jona.

" Baduy ka diyan,nakakakilig kaya pag hinaharana, 'diba Toni?" Kiniliti pa ni Carol sa tagiliran si Maritoni.

Napangiti lang siya sa sinabing iyon ng kaibigan. Ayaw man niyang aminin ngunit hinahanap-hanap niya pa rin ang presensya nito at namimis sa kabila ng galit niya para sa dating asawa.