NAGPALIPAT-lipat ng tingin sa kanilang dalawa ang gulat na si Troy. Tumikhim ito para sana kunin ang atensyon ng dalawa.
" So, if it's okay to both of you, can we just continue our meeting?"
Tila natauhan naman ang dalawa nang marinig nila ang sinabing iyon ni Troy.
" Of course!" Agad niyang sagot.
Iniwas niya ang tingin kay Kyle at muling lumagok ng juice para alisin ang tensyon na nararamdaman niya. Naupo ito sa tapat niya at kahit hindi siya nakatingin ng diretso sa dating asawa ay alam niyang nakatitig pa rin ito sa kaniya.
" What a coincidence, i mean, i'm really surprised!" nangingiting turan ni Troy.
" I was surprised too! After three years hindi ko akalaing sa ganitong paraan tayo magkikita ulit." Nakatitig ito ng diretso sa kaniyang mga mata.
Hindi niya alam ang sasabihin sa dating asawa. Habang nakatitig siya sa mga mata nito ay tila isang bahagi ng nakaraan niya nagbabalik.
" Okay, by the way here is the blueprint," bigla ay naalala ni Kyle at iniabot iyon kay Troy.
Tila nagising naman siya sa matagal na pagkakatulog, bigla niyang naalala ang anak. Nasaan si Angel? Bakit hindi nito kasama at kailan pa ito bumalik ng Pilipinas?
Bigla ay nasabik siyang usisain ito ngunit hindi niya magawa. Ni hindi na nga niya naririnig ang discussion ng dalawa. Tila napansin naman ni Troy ang pagkabalisa niya.
" Are you okay, Maritoni?" tanong ni Troy sa kaniya.
Tumango lang siya at muling napatitig sa dating asawa na kunot din ang noo na napatingin sa kaniya.
" If you want we can continue this next time. I know this is really awkward for both of you," ani ni Troy at tinangka ng iligpit ang mga gamit.
Napailing-iling siya bilang pagtutol, nakakahiya naman kasi kung ititigil ang meeting para lang makapag-usap sila ni Kyle.
" No, just continue. We're here for business, we can talk later after this," aniya pa at pinilit na ituon sa business ang isipan.
" Are you sure?" Usisa pa rin ni Troy.
Tumango lang siya bilang pagtugon. Kapansin-pansin naman ang kuryosidad sa mukha ni Kyle na tila sinusuri silang dalawa.
Muling bumalik sa pinag-uusapan ang dalawa ngunit hindi niya na gaano naiintindihan pa. Bumangon kasi ang kasabikan sa kaniyang puso na makita ang anak.
" Whoa! That's good." Narinig pa niyang bulalas ni Troy. " What do you think, Maritoni?" nakangiti nitong baling sa kaniya.
" H-ha?" takang tanong niya.
" God, Maritoni! Are you with us?"
Hindi siya nakaimik, napahiya siya sa lalaki. Pinaghandaan pa naman niya ang araw na ito ngunit mukhang nadismaya ang binata sa inaasal niya. Siguro, pinagsisisihan na nito na ginawa siyang business partner. Napangiti na lang si Troy at niligpit na ang gamit.
" Okay, maybe we can continue this next time? Mukhang wala sa mood ang partner ko, eh. Kung okay lang sa'yo, Mr. Guevarra?" baling nito kay Kyle.
Napakagat labi si Maritoni, hiyang-hiya siya kay Troy. Puro kasi kapalpakan ang naipakita niya ngayong araw na ito.
" Oo, okay lang sa akin," nakangiting pag-sang ayon naman ni Kyle.
Nahihiya siyang tumingin sa lalaki at humingi ng sorry.
" Okay lang, i understand i know the feeling. Anyway, just text me kung nakauwi ka na, pupunta ako sa bahay niyo."
Matapos ay tumalikod na ito na sinundan naman niya ng tanaw. Muli niyang ibinalik ang tingin kay Kyle na ngayon ay walang kangiti-ngiting nakatitig sa kaniya. Nanunuri ito at hindi niya mabasa kung ano ang iniisip.
" Kailan ka pa dumating?" agad niyang tanong dito.
" You really change a lot," sa halip ay sagot nito. " Saan mo nga pala nakilala ang kulot na iyon?"
Napakunot-ang noo niya sa sinabi nito.
" Si Troy ba? Anyway, ako ang unang nagtanong sa'yo, kailan ka pa dumating at nasaan si Angel? Kasama mo ba, nasaan siya?" sunod-sunod na tanong niya dito.
" She's not with me," tipid na sagot nito.
" Ano?!" Lumarawan sa mukha niya ang labis na gulat at inis sa dating asawa. " Nasaan, siya? Bakit hindi mo kasama? Alam mo bang ang tagal kong hinintay ang pagkakataong ito tapos sasabihin mo na hindi mo siya kasama? God, Kyle sa'yo ko ibinilin ang anak ko tapos sasabihin mo-" naputol ito sa pagsasalita ng awatin ng lalaki.
" Wait, wait!" Will you just calm down?" natatawang saway nito sa kaniya. " Okay, babawiin ko na ang sinabi ko, hindi ka pa rin pala nagbabago, ang ingay mo pa rin."
Natahimik siya sa sinabi nito. Naiinis siya sa pagiging pa suspense sa pagsasabi nito tungkol sa kanilang anak.
" Nasa Amerika pa si Angel. Hinihintay ko lang na matapos ang school year niya and we stay here for good."
Nangislap ang mata niya sa narinig. Ngunit nadismaya siya dahil ilang buwan pa ang kailangan niyang hintayin para makita at makasama ito.
" Kumusta na ang anak ko?" sabik niyang tanong.
Matagal ito bago umimik at kapansin-pansin ang biglang paglikot ng mga mata nito at kinabahan siya dahil doon.
" Bakit? Anong nangyari sa kaniya?!" bigla ay tanong niya.
" Don't worry, she is in good hand."
Napahinga siya ng maluwag sa sinabing iyon ng asawa.
" Dalaga na ba ang anak ko? Kasi the last time i checked deactivated na ang account niya, why?"
" You can use my account if you want to see her and you will be surprise, yes dalagang dalaga na siya."
Dinukot nito ang cellphone sa bag at pinakita ang picture ng anak. Natutop niya ang bibig ng makita iyon. Napakaganda ni Angel niya. Stolen shot iyon na nakatingin sa malayo ang anak habang nakangiti at litaw ang dimple sa magkabilang pisngi na namana ng anak sa kaniya.
" How about you?Kumusta ka na?" narinig niyang tanong nito sa kaniya. " Parang ang laki na ng pinagbago ng buhay mo ngayon my business ka na."
Ibinalik niya ang cellphone sa asawa bago nagsalita.
" Yes. Kakagraduate ko lang sa kursong accounting and Troy is my business partner," pagmamalaki niyang tugon dito. " Nakakatawa 'di ba? Akalain mo 'yun, ikaw pala ang engineer sa itatayo naming branch?"lumuwag ang ngiti niya.
Nangingiting napapatango naman ang asawa.
" Business partner lang?"paniniyak pa ng lalaki.
Tumitig siya ng diretso sa mga mata ng asawa. Naasiwa man ay pinilit niyang nilabanan ang malagkit na titig nito. Wala na siyang pagmamahal para rito kaya kaya niya ng gawin iyon.
" As of now, yes?!"tugon niya.
Napansin niya ang bahagyang pagkunot ng noo nito na hindi niya alam kung ano ang ibig sabihin.
" Anyway, as you see naman, maayos na ang buhay ko, babawiin ko na sa'yo ang anak ko," diretsahan niyang wika sa asawa.
Hinintay niya ang pagtutol mula rito ngunit tahimik lang itong nakatitig sa kaniya.
" Did you hear me? Babawiin ko na si Angel sa'yo," ulit pa niya.
Binasa nito ang labi at sunod-sunod na napatango kaya nangislap ang mga mata niya. Hindi siya makapaniwala sa mabilis na pagpayag nito ni hindi na ito nakipagtalo sa kaniya. Sabagay, kahit makipagtalo ito ay wala na rin naman itong magagawa. Siya ang Ina at kayang kaya niya itong ilaban sa korte.
" Siyanga pala binenta ko na ang bahay at iyon ang ginamit ko para sa pag-aaral ko, 'yung iba ginamit kong puhunan para sa franchise business ko."
Napansin niya ang gulat sa mga mata nito nang marinig ang sinabi niyang iyon.
" Why? Eh, di ba binigay mo na sa akin 'yun? Kaysa matengga wala namang titira, kaya binenta ko na!" agad niyang paliwanag.
Narinig niya ang mahinang pagtawa nito .
" I just can't believe na naging madiskarte ka na sa buhay."
Napangiti naman siya sa tinuran nito.
" Natuto lang sa pagkakamali ko noon. Kapag nga naiisip ko 'yung nangyari noon na maaga akong nagpauto sa pag-ibig natatawa na lang ako!" tumatawa niyang sambit.
" Really? Kaya ba nakakita ka na agad ng bago to replace me?" sarkastikong turan nito.
" What are you saying? Si Troy ba ang tinutukoy mo?" saka siya humagalpak ng tawa.
Napansin niya naman ang biglang pagbago ng expression sa mukha nito. Nakasimangot ito na tila hindi nagustuhan ang mga sinabi niya.
" Bakit, nagseselos ka ba?"
Ang lalaki naman ang humagalpak ng tawa at siya naman ang napasimangot.
" Selos? Sorry to offend you but i don't know what's the meaning of that word. Anyway, i have to go. Kailangan kong magreport sa office namin, isa pa baka kanina pa hinihintay ni kulot 'yang text mo!"
Tumalikod na ito sa kaniya at walang lingon-likod na nilisan ang lugar na iyon. Naiwan siyang sunod ng tingin ang papalayong lalaki.
" Sus, napakayabang!" inis niyang turan. Naupo at muling inubos ang natitirang juice na nasa mesa.
Nang makauwi siya ay agad niyang kinuha ang cellphone sa bag para silipin ang acount ni Kyle na matagal niya ng hindi tinangkang tignan. Nasasabik siyang makita ang maraming larawan nito na matagal niya ng hindi nakikita.
Ngunit agad na napalitan ng inis ng mabungaran ang cover photo ni Kyle. Profile picture nito ang anak samantalang ang tatlo kasama ang babaeng sumira sa kanilang pagsasama na walang iba kundi si Darlene. Tila isang masayang family picture ito kung pagmamasdan. Matatamis ang ngiti ng bawat isa pati na rin ng anak niya na nakahawak pa sa braso ni Darlene.
" Bruha ka! Pati anak ko gusto mong agawin,ah!" gigil niyang sabi.
Nakadapa siya sa sariling kama, ni hindi niya na naisipan pang magpalit muna ng damit dahil sa kasabikan. Ngunit nadismaya siya sa nakitang larawan ni Darlene na kasama ng kaniyang mag-ama.