Chereads / Marrying My Ex-Husband / Chapter 18 - 18

Chapter 18 - 18

SA kabila ng nararamdamang pagkairita ay natukso pa rin siyang tignan ang iba pang mga pictures ni Kyle.

" Talaga pa lang pinanindigan na ng dalawa ang relasyon nila? Mga manloloko!"himutok pa niya.

Isang picture ng dalawa kung saan may hawak na trophy ang lalaki at nakaakbay pa sa dalaga. Pareho nila 'tong hawak at nakataas.Tingin niya ay nasa event ng motor racing ang dalawa.

" Wow! Supportive girlfriend,ganern? Relationship goals ang peg? Mga bwisit!"

Isa pang natanawan niya ay ang solong pictures ni Darlene kung saan napakasexy ng dalaga. Malaki na rin ang pinagbago nito. Nakapony ang tuwid at hanggang bewang nitong buhok. Napaismid siya

" Tss! Ang haba ng hair, ah. sarap sabunutan!"

Ilan pang masasayang pictures ang nakita niya na kasama si Darlene. Ni hindi yata nawala ang pagmumukha nito sa bawat pictures ng anak. Iniinis ba siya ni Kyle dahil doon? Sinadya kaya nito na ipakita ang account para lang ipamukha sa kaniya ang pagtataksil ng dalawa?

" Hah! Ano, 'yan beauty queen?May pa kaway-kaaway pa ang gaga,oh!"napabuga siya ng hangin at tinapik-tapik ang dibdib.

Isa pang picture ni Kyle ang nakita niya. Napaka kisig nito sa suot na polo na nakasuot ng safety helmet at kasalukuyang nasa isang construction site. Tinitigan niya iyon ng matagal na may panghihinayang.

" In just three years ang dami pa lang nangyari sa buhay niya?"

Marami pa siyang nakita na mga masasayang picture ng dalawa at

bago tuluyang mawala sa sarili dahil sa inis ay pinasya niya na lang na itigil ang ginagawa. Bakit nga ba siya inis na inis? Pilit niyang kinalma ang sarili at nahiga sa kama. Muli niyang naalala ang dating asawa at ang nakakahiyang eksenang ginawa niya kanina. Napapikit siya ng mariin, kahit kailan talaga napaka reckless niya. Hindi tulad ni Darlene, halata sa poise na mataas ang pinag-aralan.

" Sus! Eh, ano naman kung sila ang nagkatuluyan? Wala akong pakialam!"

Binalibag niya ang cellphone at pilit inalis sa isip ang mga nakita. Kailangang sa anak niya lang ituon ang isip, isa pa wala naman na siyang pagmamahal pa para sa dating asawa. Pamaya-maya ay may kumatok sa pinto at bumukas iyon, iniluwa 'nun ang kaniyang Ina.

" Anak, nandyan si Troy, hinahanap ka."

Sambakol ang mukha niyang napatingin sa Ina.

" Oh, bakit ganyan ang mukha mo para kang nalugi?"

Hindi niya alam kung sasabihin ba sa Ina na nagkita sila ni Kyle kanina ngunit pinili niya na lang ang manahimik.

" Pagod lang po, 'Nay," matamlay niyang wika.

" Sasabihin ko ba kay Troy na bumalik na lang siya?"

" Ay, hindi po. Kakausapin ko po siya, magbibihis lang po ako saglit."

Naalala niya, may kasalanan nga pala siya kay Troy. Kailangan niya itong makausap at makahingi ng sorry dahil sa nakakahiyang inasal niya kanina. Nang maayos ang sarili ay lumabas na siya para harapin ang lalaki. Naabutan niya itong seryosong nakatutok sa screen ng laptop.

" So, ano okay ka na?" anito ng bumaling sa kaniya.

" Sorry nga pala sa inasal ko kanina,ah? Nabigla rin kasi ako," nahihiya niyang tinuran.

" Okay lang, i understand naman. But if you want i can cancel dealing with him kung hindi ka komportable, just tell me."

Napailing-iling siya bilang pagtutol.

" No! Promise okay lang talaga sa akin. Tsaka nakakahiya naman sa parents mo, sila pa naman ang nagrecommend 'nun, kaya ayos lang talaga! Tsaka, proffessional yata ako when it comes to business."

Napapangiti naman ang binata na tila diskumpyado sa sinabi niya.

" Kanina kasi nabigla lang talaga ako! Pero ngayon i'm okay na, as in no hurt feelings," pagdadahilan pa niya.

" Okay, okay naniniwala na ako," nangingiti pa ring tugon nito. " So, pwede na ulit ako mag appoint ng meeting sa kaniya?"

" Oo naman!" mabilis niyang tugon.

" Okay! But, ang pogi pala ng ex-husband mo, ah! Paano ba kayo nagkakilala 'nun?"

Tumirik ang kaniyang mata dahil doon.

" Change topic! Ayoko siyang pag-usapan."

" Oh, akala ko ba no hurt feelings? Bakit parang may nalalasahan akong bitterness?" panunudyo pa sa kaniya ng binata.

" Hindi kasi naging maganda ang naging hiwalayan namin, he was cheating on me!"

" Ouch!" Nakangiwi pang bulalas ng binata. " Ikaw naman kasi nag-asawa ka ng pogi!"

" Bata pa kasi ako 'nun,nakakita ng pogi kaya sunggab agad! And kaya ko siya kinailangan kausapin kanina dahil sa anak namin na nasa poder niya."

" Wew! May naging anak kayo? Seriously?"

" Yes. At siya ang dahilan ng lahat ng ito kung bakit nagkaroon ako ng mga bagay na meron ako ngayon."

Napatango-tango na lang ang binata dahil sa sinabi niya. Hindi na ito gaano pang nag-usisa dahil tila napansin nito ang lungkot na naramdaman niya.

Muli niyang pinaghandaan ang araw ng muli nilang pagkikita ng dating asawa. Ipinangako niya sa sarili na magiging pormal na siya pag humarap dito. Patutunayan niyang naka move-on na siya sa lalaki.

Sa pagkakataong iyon ay isang simpleng dress na lang ang isinuot niya baka kasi isipin nitong nag-e-effort siya ng bonggang bongga sa muli nilang pagkikita. Muli niyang sinipat ang sarili sa salamin at napangiti.

" I'm wearing a simple dress pero bakit ganun? I'm still pretty and hot?" Napapailing na sambit." Sorry but it's not my fault anymore," aniya sa sarili.

Sa isang coffee shop nila napiling i-meet-up ang lalaki kung saan may mangilan-ngilan lang na costumer, iwas crowded. Pamaya-maya lang ay mula sa malayo ay natanawan niya ito. Sa hindi malamang dahilan kung bakit bumibilis ang pagtibok ng kaniyang puso. Pinilit niyang magpaka pormal kahit sa kalooban niya ay nagngingit-ngit ang kalooban niya dahil sa nakitang mga pictures nila ni Darlene. Proffessional nga, eh, 'di ba?

" Sorry, i'm late again!" nakangiting bati nito sa kanila ngunit kataka-takang ni hindi man lang siya tinapunan ng tingin nito.

" Tss! Kahit noon pa naman lagi kang late kung umuwi!"

" No, talagang maaga lang kami," sagot naman ni Troy.

May mga ipinakitang mga papers si Troy sa binata habang siya ay tila naumid na naman ang dila. Nakatunghay lang siya sa dalawa.

" I really like your designs. I heard na you are newly graduate and you have your own engineering firm?" humahangang wika ni Troy.

" Huh?! Newly graduate, so wala ka pa gaanong experience, right? Are you sure you can handle this?"

" Actually, it belongs to my parents," sagot nito kay Troy bago siya tinapunan ng malamig na tingin. "We have of course, and as far as i know our client are satisfied to our service," nakangiting tugon nito sa kaniya na ikinairita niya. Biglang binalot ng inis ang dibdib niya.

" Are you sure?! Eh, 'yung marriage life nga natin hindi mo nai-handle ng maayos, eto pa kayang business?!" gigil niyang singhal sa lalaki.

Awtomatikong napatingin sa kaniya ang dalawa na kababakasan ng pagkagulat. Nang makabawi ay agad na napahalakhak si Kyle.

" Miss, Toni, tungkol pa ba sa business ang pinag-uusapan natin o tungkol na sa ating dalawa?"

" H-ha?!" Maski siya ay nagulat sa sarili dahil sa ginawa. Ano ba naman 'tong pinagsasabi niya bat napunta sa kasal nila ang usapan?

" Oh,wait, i want you to meet my architect and she is on the way now!" pag-iiba ni Kyle sa topic ng mapansing namumula siya sa hiya.

" She? So, babae pala ang architect niya? Huh, goodluck sa'yo Darlene,i swear iiyak ka ring tulad ko," aniya pa sarili.

" Well that's good para naman makilala rin namin siya, 'di ba, Maritoni?" baling sa kaniya ni Troy.

" Yes!"maluwag ang mga ngiting sambit niya. " I'm sure she's pretty right?" paniniyak niya sa lalaki.

" Smart, hot and pretty!" tila pang-iinis na sagot naman ni Kyle.

" Of course! Iyon ang mga tipo mo 'di ba?" Gusto niyang humalakhak ng malakas.

" Goodluck na lang talaga sa'yo,Darlene!"

Napapakamot na lang at naiiling si Troy dahil sa pasaringan ng dalawa.

" Oh, there she is!" sa halip ay sagot ni Kyle.

Sinundan niya ang direksyon kung saan ito nakatingin. Pakiramdam niya ay gumuho ang mundo niya ng mapagmasdan ang babae. Kahit na malaki na ang ipinagbago nito ay hindi siya maaaring magkamali. Hinding hindi niya makakalimutan ang taong sumira ng kanilang pamilya. Nag slow motion pa ito sa kaniyang paningin habang nililipad ng hangin ang nakalugay at mahaba nitong buhok na walang iba kundi si Darlene. Kahit simpleng khaki pants at blouse na longsleeve ang suot ng dalaga ay napaka hot pa rin nito pagmasdan. Kahit na si Troy ay napanganga ng makita ang dalaga.

" Sorry, guys dumaan pa kasi ako sa office bago dumiretso dito,am i too late?" turan pa ng dalaga at pumwesto pa mismo sa tapat niya.

Ngunit nabigla din ito ng makita siya.

" Maritoni is that you?"'

Para bang bigla ay bumalik sa alaala niya nang mahuli niya ang dalawa na magkatabi sa isang kama. Ito ang una niyang sinisisi kung bakit sila naghiwalay ni Kyle at nalayo ang anak sa kaniya. Gustong sumabog ng kaniyang dibdib sa galit at dahil doon, kinuha niya ang kape at agad na sinaboy sa mukha ng dalaga. Hinila niya rin ang mahabang buhok nito at nginudngod sa sahig. Naghihiyaw naman ang dalaga na hindi agad na kalaban dahil sa pagkabigla nawala ang magandang poise nito dahil sa ginawa niya.

Ganoon din ang ginawa niya kay Kyle nang tangkain nitong lumapit para pigilan siya, tinuhod niya ito sa maselang parte ng katawan kaya halos tumirik ang mata nito sa sakit na naramdaman. Matapos ay tinulak niya ito kung saan nakalupasay at naghuhumiyaw si Darlene.

" Smart, hot and pretty pala, ha?! Magsama kayong dalawa, bagay nga kayo isang basura at isang basurera!"

Tinapunan pa niya ng tingin ang natulalang si Troy na anumang oras ay tila nais kumaripas ng takbo dahil sa takot sa kaniya.