"ANO,ha? Gising ka na ba? Sa tingin ko kasi tulog ka pa dahil diyan sa mga palusot mo! Tingin mo naniniwala ako na hindi mo alam ang nangyari sa inyo?!"
Matagal bago nakaimik si Kyle namumula ang magkabilang pisngi nito dahil sa ginawa niyang pagsampal. Nang makabawi ay malumanay na itong nagsalita.
" Tingin ko hindi tayo magkakaintindihan kung ngayon tayo mag-uusap. Let's just fix this tomorrow," tanging na sabi nito.
Pakiramdam niya ay umakyat ang dugo niya sa galit dahil sa sinabi nito. Mukhang kulang pa ang mag-asawang sampal para tuluyang magising ang asawa
" Lint*k ka,Kyle! This is not just a simple problem na puwede mo'ng tulugan na lang! Nakita ko kayo na magkatabi sa kama tapos ganyan lang ang sasabihin mo? Na hindi mo alam 'yun,tapos gusto mo matulog na tayo na parang walang nangyari?!"
" Eh,ano ba'ng gusto mo'ng sabihin ko? Na may nangyari sa amin? Pagkatapos ano? Hindi ka rin naman naniniwala kahit mag explain ako!" gigil na sagot ng asawa.
" So,may nangyari nga sa inyo ni Darlene?"
Nag-umpisa na namang mamalisbis ang luha sa mga mata niya.
" If i say no,would you believe?"
Napapailing lang siya habang patuloy na lumuluha.
" That's exactly my point! Even i explaine a million times kung sarado naman ang isip mo dahil sa galit,walang patutunguhan ang usapan na 'to!"
" Palagi ka nalang tumatakas sa mga ganitong sitwasyon! Iba na 'to ngayon Kyle, hindi na ito 'yung mga simpleng away natin dati,iba na 'to!" mariin niyang sabi. "You're having a sex with other woman and you act normal na parang walang nangyari? Kailangan ko lang naman ng isang maayos na explanation or even just say sorry? Na kahit papaano puwedeng humupa ng sakit na nararamdaman ko!"
Pagkasabi 'nun ay napayuko na lang si Kyle. Pakiramdam niya ng mga oras na iyon ay walang balak humingi man lang ng sorry ang asawa sa kabila ng nagawa nito. Ang gusto niya lang naman ay makipag-usap para maayos nila ang problema ngunit nanatili itong malamig at parang walang nangyari. Ni hindi kababakasan ng pagsisisi.
" Kung hindi mo kayang ibigay 'yun,mas mabuti pang maghiwalay nalang tayo!"
Agad na napatingin sa kaniya ang asawa. Bakas sa mukha nito ang pagkagulat na tila hindi makapaniwala sa sinabi niya.
" Makikipaghiwalay ka sa akin? Are you serious,Toni?"
" Oo! Dahil sawang-sawa na ako at pagod na pagod sa mga pambabalewala mo sa nararamdaman ko!"
Natawa ng pagak ang lalaki habang pailing-iling.
" Naririnig mo ba ang sarili mo,Toni?" Kuyom nito ang kamao na tila pinipipigil ang galit. "Remember? I prefer to choose you over my dreams! Binigo ko ang mga parents ko to stay with you!"
" Hindi 'yun rason para gawin mo ang mga ginawa mo!" sigaw niya.
" And now you're accusing me that stupid things i never did! Christsake,Toni!" ganting sigaw ng asawa.
Gustong sumabog ng dibdib niya sa sama ng loob sa patuloy na pagtanggi nito sa ginawa.
" Hindi ko na alam kung kelan ka nagsasabi ng totoo,Kyle. Lagi ka nalang tumatanggi! Sabihin mo nga sa akin,kailan niyo pa ginagawa? A year? A month? Saan? Sa school niyo o baka naman sa c.r ng school niyo?!" Pinahid niya ang mukha na tigmak na sa luha.
" Enough!"tugon ni Kyle na namumula na sa galit.
" Saan pa? Baka dito sa bahay naka salisi kayo?! O baka naman pati sa bubong nakarating na kayo para lang maitago ang relasyon niyo?!" humagulhol na siya sa matinding emosyong nararamdaman.
Hindi na nakaimik pa si Kyle. Tila nanghihina itong pinagmamasdan lang siya habang humahagulhol. Nang mga oras na iyon gustong-gusto niyang saktan si Kyle para kahit papaano ay mabawasan ang bigat ng nararamdaman niya. Maya-maya ay nagsalita ito.
" Iyon ba talaga ang gusto mo?" Nangungusap ang mga mata na tanong ng asawa. " Okay, if that's what you want,i will set you free."
Awtomatikong tila natauhan si Maritoni sa sinabi ng asawa. Pakiramdam niya ay biglang huminto ang pag-ikot ng mundo niya sa sinabi nito.
" I will start to find myself kasi mula ng ikasal tayo? I no longer knew myself." Tumawa muna ito ng pagak bago muling nagsalita. "This is not me! But i tried my best para makisama sa'yo,para makibagay sa mundo mo but still,it's not enough!"
Napakagat labi siya sa tinuran ng asawa. Bakas niya sa mukha nito ang labis na pagdaramdam. Napansin niya rin ang pamumula ng mga mata nito na anumang oras ay tila nais umiyak.
" Ni hindi ko na nga rin matandaan kung kelan tayo huling naging masaya." Muling turan nito sa bahagyang panginginig ng boses.
" What happen to us,Toni?"
" Bakit sa akala mo ba masaya ako sa nangyayari sa atin?" Nanginginig ang boses na sambit niya. " Sa araw-araw na wala ka rito sa bahay,kung ano-ano ang tumatakbo sa isip ko! Na baka isang araw iwan mo kami ng anak mo! Na baka isang araw ma-realize mo na hindi dapat ako kundi si Darlene ang pinili mo! Tama ba ako,Kyle?"
" Kaya palalayain na kita to give you a piece of mind," malungkot nitong sabi at tumalikod na.
Hindi namalayan ni Maritoni na tigmak na siya sa luha ng muling maalala ang paghihiwalay nila ng dating asawa. Pakiramdam niya ay muling nagbalik ang matinding sakit na naramdaman. Agad niya'ng
pinunasan ang mukha na basang basa ng luha. Nilingon niya ang mga kaibigan na parehong malalim na ang tulog. Dinig pa niya ang paghilik ni Jona,habang si Carol naman ay nakanganga pa.
" Nawawala rin pala ang ka-sosyalan ng dalawang babaeng 'to kapag tulog?"
Kinabukasan ay maaga pa nagpaalam na ang dalawa.
" Sorry,sis! Gusto man naming mag stay ng matagal kaso maraming naka- sched at naghihintay sa akin sa clinic," sambit ni Jona.
" Oo nga,sayang ang costumer. Malaki-laki rin ang mawawala sa magiging kita namin ngayong araw,ah!"pagsang-ayon naman ni Carol.
" Hayy! O siya sige na,basta sa graduation ko 'wag kayong mawawala,ah,aasahan ko kayo."
" Oo naman kami pa ba mawawala on your important occassion?" sagot ni Carol at yumakap pa sa kaniya bilang pagpapaalam.
Hatid ng tanaw niya ang papalayong bus na sinasakyan ng dalawang kaibigan. Muli siyang nakaramdam ng lungkot dahil alam niyang matatagalan pa bago niya uli maka bonding ang mga ito.
Lumipas ang mga araw at mga buwan naging abala na si Maritoni sa pag-aaral maging sa kaniyang maliit na business. Hindi man ganoon kabilis ang pag-usad ng kaniyang negosyo ay sasapat iyon para makaipon siya lalo't nagbabalak na naman siyang mag bukas ng isa pang branch sa isa pang mall.
Napangiti siya habang tinitignan ang kaniyang passbook. Niyakap niya ito sa tuwa dahil kahit paano ay nakakaipon siya.
" Konting tiis na lang anak ko,magkakasama na rin tayo," bulong niya sa sarili.
Miss na miss niya na ang anak,walang araw na hindi niya ito naiisip. Bagamat nakikita niya naman ang mga post nito sa social media,iba pa rin pag personal kung saan ay mayayakap niya ito. Noong una ay madalas itong magpost ngunit dumalang pag lipas ng mga ilang buwan na labis niyang ipinagtataka. Ganunpaman ay buo pa rin ang pag-asa niya na balang araw ay makamasama na ng tuluyan ang anak.
" Wow ang ganda naman ng apo ko!" bungad na sabi ng Nanay niya ng minsang tinitignan niya sa laptop ang mga pictures ng anak.
" Syempre kanino pa ba magmamana ng ganda,syempre sa lola!" bulalas naman niya.
" Asus,nambola," natatawang sagot ng matanda.
" Hindi yata ako makakapayag 'no? Kamukha iyan ng lolo," pabirong turan naman ng kaniyang Ama na nasa likod na pala nila.
Napuno ng tawanan ang bahay na iyon.
" Naku, hindi nagpatalo ang lolo! Oh, siya sige na ikaw na ang kamukha," natatawang sambit ng Nanay niya.
" Siyanga pala,anak. Iyong picture nga pala ng dati mo'ng asawa,hanggang ngayon hindi mo pa rin naipapakita sa amin," tanong ng Tatay niya.
Bigla ay nawala ang ngiti niya sa tanong ng Ama. Sa totoo lang kasi ay matagal niya ng hindi tinitignan ang picture ng asawa. Matagal na itong block sa kaniya. Hindi niya rin ito nakikita na kasama ni Angel sa bawat post nito.
" Oo nga anak,patingin nga kami," hiling naman ng Nanay niya.
Bantulot siyang kumilos,ayaw niya talagang makita ang asawa. Ngunit sa huli ay pinagbigyan niya na lang ang mga ito. Agad niyang in-unblock ang account ng asawa at sinimulang i-click ang profile nito. Agad na bumilis ang tibok ng puso niya ng makita ang picture nito.
" Ayan na ba,anak? Aba'y gwapings pala talaga,eh!"puri ng Tatay niya.
" Hmp! Halatang babaero,anak!" bulalas ng Ina.
Natawa siya sa sinabi ng Ina,marunong talaga ito kumilatis ng tao. Napakagat labi siya habang tinititigan ang guwapong mukha ng dating asawa. May kung ano'ng kumislot sa kaniyang puso,talagang mahal niya pa ito sa kabila ng ginawang pagtataksil nito sa kaniya. Ano na kaya ang ginagawa nito ngayon? Ganap na engineer na kaya ang dating asawa? Magkasama na kaya sila ni Darlene ngayon?
Natukso siya'ng i-scroll pa ang timeline nito. Ngunit mukhang hindi ito active lagi. Napansin niya rin na wala kahit isang picture niya ang naroon sa mga old photos.
Mukhang katulad niya ay binura na rin nito. Nanghina siya ng maisip na mukhang desidido na ito na burahin na rin siya sa mga alaala ng dating asawa.
" Ano ka ba naman,Toni! Umaasa ka pa ba? Shit!" aniya sa sarili.
Bakit bigla ay nangulila siya sa dating asawa? Ang mga halik at yakap nito ay tila ba nais niya ulit maranasan. Natawa siya sa naisip,agad niya'ng nilisan ang profile ng asawa at binalik sa kaniyang anak.
Nais niya na itong tuluyang kalimutan tulad ng paglimot nito sa kaniya at nangakong iyon na ang huling pagsulyap niya sa dating asawa. Para sa kaniya ay isa na lang itong masalimuot n bahagi ng kaniyang nakaraan na gusto niyang kalimutan.
Para tuluyang malibang at maalis sa isip si Kyle ay nagpasya na lang siyang makinig ng music habang pinagmamasdan pa rin ang larawan ng anak. Ngunit tila lalo lang siyang nalungkot ng mapakinggan ang kantang ' Lason Mo'ng halik' ni Katrina Velarde na tila ba bawat lyrics nito ay nanuot sa kaniyang pagkatao.
" Anak! Ano sasama ka ba sa akin ngayon? Wala kasi si Simang,eh. Nagpaalam na hindi na muna makakatulong sa akin," pukaw ng Ina sa kaniya.
" A-ah,sige po 'Nay. Wala naman na akong gagawin ngayon,eh."
Agad niyang pinatay ang music at naghanda na para sumama sa Ina.
Habang pinagmamasdan ang sarili sa salamin ay pinapagalitan niya ang sarili. Tila kasi sa picture lang ng dating asawa ay nagiging marupok na siya. Kailangan niyang maging matatag,nasa kalagitnaan na siya ng tagumpay at ayaw niya'ng masayang iyon ng dahil lang sa pagmamahal niya pa rin dito. Muli ay pinukaw ulit siya ng boses ng Ina.
" Opo,nariyan na po!" sagot niya rito at ibinalik ang tingin sa salamin. "Fighting!" sambit niya bago tuluyang nilisan ang kuwartong iyon.