Chereads / Marrying My Ex-Husband / Chapter 15 - 15

Chapter 15 - 15

After 2 years

" Congratulations, graduates! This is not the end but it is the beginning to pursue your dreams. So, enjoy your journey! Again, congratulations!"

Malakas na naghiyawan ang mga estudyante ng naturang unibersidad. Bakas sa mga mukha ang labis na katuwaan dahil sa kanilang pagtatapos. Kaniya-kaniya silang hagis ng kanilang mga cap. May iba naman naman na naluluha dahil sa labis na kagalakan,at isa na roon si Maritoni na agad na niyakap ang mga magulang na naluluha rin.

" Congrats,anak! Sa wakas natupad na ang pangarap natin na makapagtapos ka!" naluluhang sambit ng kaniyang Ina.

" Opo, 'Nay,napakasaya ko po!"

Sambit niya habang yakap ang mga magulang. Mapapansin din ang namumulang mata ng kaniyang Ama na kababakasan rin ng labis na katuwaan.

" Congrats,sis! We're so happy for you,finally!" si Carol na pinahid pa ang luha.

" Umiiyak ka,girl?" untag ni Jona rito na tutop ang bibig na tila natatawa.

" Oo,bakit? Syempre happy ako sa success ng bestfriend natin!" mataray nitong sagot kay Jona.

Nangingiting binalingan ni Maritoni ang mga kaibigan.

" Thanks,mga sis, ah! Nakapunta kayo kahit pareho kayong busy."

" Ofcourse! This is your special occasion kaya dapat nandito rin kami," sagot ni Carol.

" True! Kaya congrats,sis!" Agad na niyakap ni Jona.

" Okay,guys! Tara,picture na!"

Agad na kinuha ni Carol ang camera sa suot nitong shoulder bag. Pumwesto agad sila para sa ilang mga pictures. Unang kinunan ni Carol ang family ni Maritoni bago silang magkakaibigan.

" Oh,siya,tara na mga anak at naghihintay na ang mga bisita sa bahay," aya sa kanila ng Tatay niya.

Humirit pa muna ng isa pang picture para sa kanilang lahat si Carol,bago tuluyang nilisan ang lugar na iyon.

" Maritoni!"

Isang boses ng lalaki ang nagpalingon sa kanila.

" Oh, Troy, bakit ngayon ka lang? Late ka,ah!" turan niya sa lalaki na hinihingal pa.

Awtomatikong napataas ang kilay nina Carol at Jona at kinilatis ang lalaking bigla na lang sumulpot. Matangkad ito at gwapo. Alon-alon ang mahaba nitong buhok na nakapony na dumagdag sa taglay na kakisigan ng lalaki.

" Sorry! Actually, naligaw ako,eh," kamot-ulo nitong turan.

" Ha? Eh, bakit hindi naman mahirap hanapin 'tong school namin,ah?" natatawa na lang niyang turan.

" I don't know, nakalimutan ko lang 'yung binigay mong direction, i'm so reckless," natatawa na nitong sagot.

Kapansin-pansin ang kilos nilang dalawa na tila palagay na ang loob sa isa't-isa na para bang matagal na silang magkakilala. Pati na rin ang mga magulang niya na kaswal lang din kung makipag-usap sa lalaki. Bagay na tila ipinagtaka ng dalawa.

Nag-alok na rin ang lalaki na sa kotse na nito sila sumakay na inayunan naman niya at ng mga magulang. Maraming naghihintay na bisita ng makarating sila ng bahay, mga kamag-anak na sobrang proud na sa kaniya at mga kapit-bahay na dati siyang pinag chi-chismisan ngunit ngayon ay tila isang kagalang-galang na ang tingin sa kaniya. Hinarap naman ito ng mga magulang niya at inasikaso kaya si Troy lang at ang mga kaibigan niya ang binigyan niya ng atensyon. Tila naman nakakuha ng tyempo ang dalawa at agad siyang inusisa tungkol sa isang Adonis na ngayon lang nakita ng mga ito.

" Who's that gorgeous guy na parang ayaw mo yatang ipakilala sa amin? mataray na tanong ni Carol.

Kasalukuyan pang wala ang lalaki dahil inaayos nito ang pag park ng kotse.

" New papa? Mayaman,ah? Who the hell is he?" segunda naman ni Jona.

" Hoy, 'wag nga kayong issue! Si Troy 'yun, dati kong classmates noong elementary days. Ang he's now my franchisor and soon to be my business partner."

" Business partner or soon to be partner in life?" taas ang kilay na muling usisa ni Carol.

" Gaga! Anong akala mo sa akin timawa sa lalaki? Three years pa lang akong annull tapos pag may poging dumating sunggab agad?"

Napahalakhak naman ang dalawa sa tinuran niya.

" E, bakit hindi mo siya naikukwento sa amin?" tanong pa rin ni Jona

" Hindi naman kasi kayo nagtatanong,eh!"

" Ay, pilosopo, sabunutan ko yang kilay mo, eh!" naiinis na turan naman ni Carol.

" Actually kelan lang din kami nag meet. Nagulat pa nga kami sa isa't-isa,eh," natatawa pa niyang kwento.

" After kasi ng graduation namin pumunta na agad siya sa America para doon na mag-aral."

" And then?" pangungulit pa rin ni Carol.

" And then i surprised na siya pala ang franchisor ko!"

" Oh, i see i think it's a destiny.In-fairness,ah, pogi siya," nanunuksong tugon ni Carol.

" So, paano kayo magiging business partner?" usisa pa rin ni Jona.

" He offer me a business kasi napansin niya na successful ang franchising business ko, so decided na makipagpartner sa'kin. We will build a resto, Mikktea, delicasies ang bevarages. Anyway,he also have a coffe shop," mahabang paliwanag niya sa mga kaibigan.

" Whoa! A business-minded,huh?" tugon ni Jona

" Since, accounting graduate naman ako, i think i can handle naman a business like that."

" And soon to be partner in life," panunudyo pa ni Jona na sinang-ayunan naman ni Carol.

Napahalakhak naman si Maritoni dahil doon.

" Alam niyo, napakaimposible ng mga sinasabu niyo!"

" Why? Is he married person?" usisa pa rin ni Carol.

Sasagot pa sana siya ng dumating naman ang lalaki at pawis na pawis pa ito.

" What happen to you, bakit ang tagal mo?" natatawang usisa niya sa binata.

" Nahirapan ako maghanap na pwedeng i-park 'yung kotse,eh" anito na nagpupunas ng pawis.

" Okay, sige na maupo ka na. Kukuha lang ulit ako ng food."

Iniwan niya ang mga ito para kumuha ng pagkain para sa lalaki. Natanawan pa niya sina Carol at Jona na kinakausap ito. Naabutan nila itong tila iniimbestigahan ng dalawa ang lalaki.

Malaki na ang pinagbago ng kalagayan ng buhay nila ngayon, naipa-renovate na nila ito. Two-storey house ang pinagawa niya para na rin sa anak niya pag nabawi niya na ito. Ang mga kamag-anak niyang dati siyang inaalipusta ngunit ngayon ay hindi na magkamayaw sa pagpuri sa kaniya. Para sa kaniya ay malaking blessing ang pagdating ni Troy sa buhay niya dahil tuluyan nang uunlad ang kanilang pamumuhay,may maipagmamalaki na siya sa kaniyang anak.

" Hoy, kung maka-interview kayo diyan. Pagpasensyahan mo na 'yang mga kaibigan ko,ah."

" It's okay," nakangiting turan nito.

" Why? We're just making friends lang naman,ah?" maarteng sagot ni Carol.

Ilang taon na rin ang lumipas ngunit tila hindi pa rin nagbabago ang mga kaibigan.

" Hmm. I love this, what do you call this dish? Let's add this to our menu." Narinig niyang turan ng binata.

" That's beefsteak, are you sure you you like that?" paniniguro niya.

At dahil matagal na nanirahan sa Amerika ang binata ay mukhang nasabik ito sa mga pinoy dishes.

" Hmm. Pati ba namam dito habang kumakain business pa rin?" natatawa niyang wika.

Nakamasid lang sa kanila ang mga kaibigan, maaring napansin ng mga ito ang closeness nila.

" Sorry, i forgot. It's your celebration nga pala, time-out muna tayo sa business," natatawa na ring turan ng binata.

Agad naman siyang sumang-ayon sa sinabi nito. Ilang taon din siyang naghirap sa pag-aaral, ngunit para sa kaniya ay wala siyang sasayanging araw para sa plano nilang negosyo ni Troy. Kinabukasan nga ay wala siyang inaksayang oras agad nilang pinag-usapan ang tungkol sa plano nila ng lalaki. Kasalukuyan silang nasa isang resto para pag-usapan ang planong negosyo.

" Are you sure? Kaka-graduate mo lang ayaw mo ba munang magpahinga or mag unwind somewhere?"

Tumirik ang mata niya sa sinabing iyon ng binata. Para sa kaniya ay wala siyang panahon sa mga ganung bagay.

" I don't want to waste my time for that. Hindi ko mararating ang narating ko ngayon kung marami akong sinayang na araw."

" Okay you're the boss, hindi nga ako nagkamali ng desisyon para makipag negotiate sa'yo," sang-ayon naman ng lalaki.

" So, saan tayo magsisimula?"

" Actually, may ni-refer sa akin ang parents ko na engineering company. I'm doing a research about them and their doing good. By next week we have to meet up with them to file a contract,"

" Bakit nextweek pa? Hindi ba puwedeng bukas or the other day?"

Natawa ang lalaki sa tinuran niya. "Nanggaling pa kasi sila sa Amerika and by next week pa ang dating nila. Sa ngayon aayusin ko na ang contract para masimulan na agad ang construction ng branch natin. Calm down, Maritoni just rest kasi magiging busy na tayo after this."

" Okay, you're the boss, you have my trust anyway."