Chereads / Marrying My Ex-Husband / Chapter 13 - 13

Chapter 13 - 13

NAGPUPUYOS ang damdamin ni Maritoni sa galit habang isa-isang nililigpit ang mga in-order niyang mga pagkain para sa selebrasyon ng pagtatapos ni Kyle sa pag-aaral. Umalis ito kasama ng mga kaibigan at nangakong babalik upang pagsaluhan nilang mag anak ang hinanda niyang mga pagkain. Ngunit malalim na ang gabi ay wala pa rin ito. Malamang ay masyado itong nalibang kasama ng mga barkada at nakalimutan silang mag-ina. Sa galit niya ay binalibag niya ang regalong hinanda para sa asawa. Pinagsisira niya rin ang mga naka display greetings na siya mismo ang gumawa,gigil niya itong pinagpupunit.

Nang mailabas ang galit ay nagpasya na siyang pumasok sa kwarto ng anak para doon matulog. Ngunit hindi siya dalawin ng antok dahil sa sama ng loob para sa asawa. Sa totoo lang ay marami na siyang sama ng loob para sa asawa. Wala na kasi itong time para sa kanila. Subsob ito masyado sa pag-aaral. Ayaw man niya itong sisihin ay hindi niya mapigil ang mainis dito. Lalo na ngayon na kukuha ito ng master's degree para sa kursong engineering ay tiyak nang mawawalan na ito ng oras para sa kanila. Five years ang inabot nito sa pag-aaral at panibagong dalawang taon naman para sa master's degree.Hindi naman sa hinahadlangan niya ang pangarap nito ngunit meron itong pamilya na nangailangan ng atensyon mula rito.

Natigil siya sa pag-iisip ng marinig ang ugong ng motorsiklo nito. Sinipat niya ang wristwatch,pasado alas-onse na. Alam niya'ng didiretso ito sa kwarto ng anak. Nakaugalian na kasi nito na puntahan ang anak na ngayon ay limang taon na upang silipin ito.

Ngunit sinalubong niya na ito. Naabutan niya pa itong tila nagtatakang pinagmamasdan ang paligid dahil sa mga kalat na ginawa niya ng sirain niya ang mga display greetings para sana sa asawa. Nang gumawi ang tingin nito sa kaniya ay agad niyang pinagbabato dito ang regalo pati narin ang mga cards na ibibigay sana sa asawa. Gulat itong sinalag ng kamay ang tumama sa mukha nito.

" Ouch! Hey,hey! Enough!" daing pa nito.

Ngunit hindi niya ito pinakinggan. Nagpatuloy lang siya sa ginagawa saka lang huminto ng wala na siyang madampot na puwedeng ibato. Namataan niya ang mga plato. Kukunin niya sana ito ng pigilan siya ng lalaki.

" Hep,hep! Huwag iyan masakit iyan," pigil nito sa kaniya na agad siyang nilapitan.

May nakasabit pang aluminum foil sa ulo ng lalaki na ibinato niya. Tinaas nito ang kamay bilang pagsuko.

" Okay! I can't take this anymore! Are you,insane?" Lukot ang mukhang bulalas nito.

" Hah! You can't take it anymore? No,Kyle! I can't take this anymore dahil sumusobra ka na!" galit niyang singhal.

" Okay! I'm sorry kung nasira ko 'yung promise ko,but you don't have to do this,masyado kang bayolente! This is too much!"akma itong aalis.

" Saan ka pupunta? Lalayasan mo na naman ako? Hindi pa tayo tapos!"

" We're done! Ayoko nang makipagtalo sa'yo Maritoni. Your even not listening sa mga explanations ko. Dinadaan mo lagi sa paninigaw at pananakit."

" Bakit parang kasalanan ko pa?! Hindi tayo aabot sa ganito kung umuwi ka ng maaga! Mas pinili mo pang kasama ang mga p*ste mo'ng barkada kesa sa amin ng anak mo!"

" Watch your words,Toni!" matalim ang mga matang napatitig ito sa kaniya.

Napatitig siya sa mukha ng asawa na sa tingin niya ay galit na. Aba,hindi ba dapat siya ang magalit? Bakit parang binabaliktad siya nito?

" Okay,i will give you a chance to explain.Go ahead,magpaliwanag ka na," mahinahon na niyang sabi.

" Para ano pa? Paulit-ulit nalang tayo,bukas na tayo mag-usap pag malamig na ulo mo."

Tumalikod na ito. Sisigaw pa sana siya ng biglang bumukas ang pinto ng kuwarto ng anak. Nagising ito sa ingay nila. Nagkukusot pa ito ng mata. Agad itong binuhat ni Kyle at pumasok na sila sa kuwarto. Inis na naiwan si Maritoni at nagpasya nalang na linisin ang mga kalat na ginawa niya.

Gusto niyang maiyak ng mga oras na iyon. Ang pinaghirapan niya para i-sorpresa ito ay nauwi lang sa wala. Pinipilit niyang bumuo ng isang masayang pamilya ngunit tila ang asawa ang pilit na sumisira. Marami silang mga bagay na hindi pinagkakasunduan ni Kyle. Gaya nga ng pagiging mabarkada nito at kawalan ng oras para sa kanilang mag-ina. Ang dating Kyle na asawa niya ay unti-unti ng nagbabago. Ginagawa nito ang lahat na naisin na hindi man lang nila pinag-uusapan. At ang pinaka kainisan niya sa lahat ay ang laging pagbuntot ni Darlene sa asawa. At sa tuwing sinasabi niya ito kay Kyle ay pag-uumpisahan lang ulit ng pagtatalo nila. Ang laging kinakatwiran nito ay magkaibigan lang sila. Ngunit iba ang kilos ng mga ito sa sinasabi ng asawa o napapraning lang siya dahil sa selos?

Ang isa pang ikinasasama niya ng ng loob sa asawa ay ang harap-harapang pang-iinis sa kaniya ni Darlene at wala itong ginawa para ipagtanggol siya.

" Hey,Toni! Calm down,friends lang kami ng asawa mo,promise!" nakangising sabi nito sa kaniya ng minsang mahuli niya itong pinupunasan ang pawis ng lalaki.

Naisipan niya kasing sunduin ang asawa para mamasyal sana kasama ng anak nila. Naningkit ang mata niya sa galit dahil sa nakita. Kung hindi lang kasama ang anak ay malamang kinalbo niya na ito.

" Friends with benefits,char lang!" dagdag pa ni Darlene at nag sign of peace.

" What are you doing here,Toni?" tanong ng asawa sa kaniya.

" Ang sweet mo nama'ng friend Darlene,tagapunas ng pawis ng asawa ng may asawa! Iyan nalang ba lagi ang magiging papel mo sa asawa ko,ha?!" sa halip ay sagot niya kay Darlene.

" Nope! I hope someday,more than that," sagot nito sa nang-iinis na boses.

Sa inis ay gusto niya itong sampalin sa magkabilang pisngi.

" I'm asking you what are you doing here,bakit mo sinama si Angel?" tanong ulit ng asawa.

Tumawa siya ng pagak at matalim na tumingin sa asawa.

" Sosorpresahin ka sana namin,pero mukhang ako ang nasorpresa!"sarkastiko niyang sagot.

" God! Here we go again," tapik ang noo na sagot ng asawa.

Nakamasid lang sa kanila ang mga barkada na tila nakikiramdam lang. Hinawakan na siya sa braso ni Kyle para umalis. Bago umalis ay nasulyapan pa niya si Darlene na nakangisi at nag ba-bye pa sa kaniya.

Nang makauwi ay muli niyang tinalakan ang asawa.

" Ano ka ba naman,Toni! Hindi ka ba nagsasawa? How many times that i've told you na friends lang kami!"madiing sabi ng asawa.

" Friend lang?! Huling huli ko na ang paglalampungan niyo friends pa rin?!" sagot niya na namumula na sa galit.

" Normal na sa amin ni Darlene 'yun! Hindi ka na ba nasanay? Pinapatulan mo pa siya halata naman na iniinis ka lang niya."

" At sinisisi mo pa ako na pinatulan ko siya?" hindi makapaniwalang tanong niya. " Sabihin mo nga sa akin,ano pa ba ang normal sa inyo? Baka naman pagdating sa kama normal na lang para sa inyo na gawin 'yun?!"

" Watch your mouth!Malapit na akong mapikon,Toni!" pagbabanta pa nito.

" At ano'ng gagawin mo,ha?!"

Nilamukos ni Kyle ang mukha at matalim na napatitig sa kaniya. Bumuntong-hininga ito at pumasok sa kuwarto. Nanghihina siyang napaupo sa sofa. Nakita niya ang anak na nakasilip mula sa kuwarto nito.

Maya-maya ay muling lumabas si Kyle na nakapagpalit na ng damit. Kalmado na itong humarap sa kaniya.

" Doon muna ako kina Andrew matutulog ngayong gabi. I really need a peace of mind right now," saad nito sa malumanay ngunit may diin na boses.

Hindi pa siya nakakasagot ay tumalikod na ito. Gusto niya sanang pigilan ito ngunit nakita niya rito na desidido itong umalis.

" Mommy, where's my Dad going?" tanong ng anak niya na nasa harap niya na pala.

" Ahm. He's going in tito Andrew's house?" nakangiti niyang sagot sa anak. " Anyway,ano'ng gusto mo'ng ulam ngayong gabi? Ipagluluto kita."

" I thought we're having a dinner outside with Dad?" inosenteng tanong nito.

" Ahm. Kasi anak,busy si Daddy,eh. Tayo munang dalawa ulit ngayon,ah? Iluluto ko 'yung favorite mo,okay ba 'yun?"

" Okay, Mommy!" masayang tugon ng anak.

Nang gabing iyon ay hindi siya nakatulog. Hindi siya mapakali. Biling-baliktad siya sa higaan. Iniisip niya si Kyle kung sino ang kasama nito ngayon. Kahit sinabi nitong kina Andrew ito pupunta ay hindi pa rin siya mapakali. Sinubukan niyang tawagan ito ngunit hindi ito sumasagot. At dahil hindi nga siya makatulog ay binuksan niya ang messenger nagbabaka sakaling naka-online man lang ang asawa.Napansin niya ang isang messege request mula kay Darlene. Napataas ang kilay niya. Nang buksan niya ang messege nito ay tila naparalisado ang kaniyang katawan sa nakita. Picture ng dalawa na magkatabi sa kama.

Pilit pa niyang tinitigan ang litrato dahil hindi pa rin siya makapaniwala sa nakita. Nang masigurong tama ang nakikita ay natutop niya ang bibig at impit na napaiyak. Hindi niya alam ang gagawin ng mga oras na iyon. Ito na ba ang sinasabi ni Darlene na friends with benefits?

Lumabas siya ng kuwarto dahil ayaw niyang makalikha ng ingay sa hindi mapigilang pag-iyak. Magkahalong galit,takot at pagkabalisa ang naramdaman niya ng mga oras na iyon.

At dahil magulo ang isip namalayan niya nalang ang sarili na lumabas ng bahay. Pupuntahan niya ang mga ito upang masiguro kung tama ba ang nakita niya sa picture o namamalikmata lang ba siya. Agad siyang pumara ng taxi. Hindi niya na napigilan ang pag-iyak habang nasa biyahe. Paano ito nagawa ni Kyle?

Nang makarating sa bahay ni Andrew ay sunod-sunod niyang pinindot ang doorbell. Nanginginig pa ang mga kamay niya dahil sa sobrang kabang nararamdaman. Malalim na ang gabi kaya naman wala ng mga tao sa paligid. Walang nakakakita na pinanggigigilan niya ang doorbell. May naaninag siyang tao sa loob,lumabas itong tila nagtataka pa. Si Andrew na kababakasan ng gulat sa mukha. Bigla itong namutla ng makita siya.

" M-Maritoni? Ano'ng ginagawa mo ng ganitong oras?"

Binuksan nito ang gate at dire-diretso siyang pumasok sa loob. Napansin niya ang ilang bote ng alak sa sala. Naabutan niya ring naghihilik sina Jeero, Micoy at Alex na halatang malalalim ang tulog.

" Ahm,u-uminom lang kami ng konti ni Kyle," kamot-ulo nitong sabi.

Tumingin siya sa hagdan na papunta sa second floor ng bahay. Lalong binundol ng kaba ang dibdib niya. Nanginginig siyang umakyat ng hagdan na tila wala siyang lakas. Natutop niya ang bibig ng makarating sa pintuan. Pinihit niya ang doorknob at dahan-dahang binuksan iyon.

Gusto niyang himatayin s nakita. Nakayakap si Darlene sa asawa na sa tingin niya ay walang saplot sa katawan na natatakpan ng kumot.

" Mga hay*p!" sigaw niya.

Kinuha niya ang unan at pinaghahampas ang dalawa. Nagising ang dalawa,bakas sa mga ito ang labis na pagkagulat na tila kapwa naalimpungatan. Lalong pang bumakas sa mukha ni Kyle ang pagkagulat ng makita si Darlene na nakatapis lang ng kumot.

" Teka,ano'ng?" tanging nasambit ni Kyle.

" Paano mo nagawa sa akin 'to Kyle? Mga baboy!" hilam sa luha niyang sambit.

" Magpapaliwanag ako,mali ka ng-"

Naputol ang pagsasalita nito ng dumapo ang palad ni Maritoni sa pisngi ng asawa. Hindi ito makapaniwalang napatingin sa kaniya.

Nagtatanong ang mga mata niya na hilam sa luha.

" Tatanggi ka pa ba? Huling-huli ko na kayo!"puno ng hinanakit niyang tanong.

Bakas sa mukha ni Kyle ang labis na pagkalito. Nagtatanong ang mga matang napatingin ito kay Darlene. Pati na rin kina Andrew na nagulat din sa naabutan. Gusto niyang sugurin si Darlene na tila kampante lang at walang nararamdamang guilt ng mga oras na iyon.Ngunit nanghihina ang tuhod niya sa galit na nararamdaman.

" Sasabihin mo naman ba sa akin na normal lang 'to na ginagawa niyo,ha?! Normal lang 'to dahil magkaibigan kayo?!"

" Will you just calm down and listen first?" pagpapakalma ng asawa na hawak pa ang namumulang pisngi.

" As i said before,friends with benefits!" nang-uuyam na sagot ni Darlene."

" Darlene,will you shut up? Ano bang ginagawa mo?" paninita ni Andrew sa kaniya.

" You know what Maritoni? Don't be surprised kung bakit kami umabot sa ganito ng asawa mo! Look at you,napaka eskandalosa mo! Ugaling kalye!" nang-iinis pa ring sabi ni Darlene.

Naningkit ang mata niya sa galit. Susugurin niya sana ang loka-loka ngunit agad siyang nahawakan ni Kyle.

" Let's go! Sa bahay na tayo mag-usap, 'wag ka rito magwala, nakakahiya!"

" Bitiwan mo ako,kakalbuhin ko lang ang bruha na iyan!"gigil niyang sabi.

Nagpumiglas siya ngunit malakas ang asawa,kulang na nga lang ay buhatin siya nito. Naiwan namang gulat ang mga barkada at nakita pa niyang nagawa pang mag ba-bye sa kaniya si Darlene na may ngiti sa labi.

" Okay boys,labas na magbibihis na ako." Narinig pa niyang sabi nito.

Nang makarating sila sa bahay ay mag-asawang sampal kaagad ang dumapo sa mukha ni Kyle na labis ikinagulat ng huli.