NAGULAT pa ang mga kaibigan niya ng marinig ang kuwento niya. Hindi makapaniwala ang mga ito.
" Bakit naman kasi in-off mo ang cellphone mo? Akala niya siguro 'yung racing at si Darlene na ang pinili mo," saad ni Jeero.
" Iniiwasan ko kasi na tawagan niya ko,eh. Besides,i did'nt expect na kaya niya palang gawin 'yun," sagot niya sa nag-aalalang boses.
" Kalma dude,baka naman nag-o-over react ka lang? Baka bumisita lang sa mga friend niya,babalik din iyon," pagpapakalma naman ni Alex.
Kasalukuyan silang nasa bahay ni Andrew. Nag gi-gitara ang mga ito nang maabutan niya.
" Ng ganitong oras? Kilala ko si Toni. Mula nung magsama kami hindi na siya gaanong lumalabas,"paniniguro pa niya.
" Okay, 'di ba may mga kaibigan siya? Try to contact them first baka sa kanila tumuloy," suhestiyon naman ni Andrew.
" Speaking of them,alam ko ang bahay ng mga friend niya pare. Tara puntahan natin?" alok ni Jeero na binitawan na ang gitara at tumayo.
" Talaga? Paano mo nalaman?" tanong naman ni Alex.
" Kapit-bahay sila ni Anya," maikling sagot nito. Ang tinutukoy nitong Anya ay ang girlfriend nito.
" Wow,ayos! Nagkabalikan na pala kayo ni Anya,ah! Iba ka!" si Alex na tinapik tapik pa ang balikat ng kaibigan.
" Okay,let's go?" aya na ni Jeero sa mga kaibigan.
" Wait! How can we sure na nandoon nga siya?" Nag aalangang tanong niya sa mga kaibigan.
" Kaya nga pupuntahan natin 'di ba?" sambit ni Andrew na tumayo na rin.
Hindi na siya nakaimik. Lihim siyang natutuwa dahil sa full support na binibigay ng mga kaibigan. Talagang napakaswerte niya sa mga ito.
" Wait,wait,wait!" ngunit maya-maya ay sigaw ni Alex.
Nagtatakang napalingon dito ang mga kaibigan. Hawak na nito ang gitara.
" Don't tell me,pare pupunta ka sa gyera na walang armas?" tanong pa ni Alex habang kinakalabit ang kwerdas ng gitara.
" What do you mean?" kunot ang noo na tanong niya.
" Haranahin mo ulit siya!" bulalas ni Alex na mukhang na excite pa.
" No need,nagmamadali tayo," matipid niyang sagot na akmang aalis na.
" Tingin ko tama siya pare. Alam mo naman kung gaano kataray ang asawa mo,baka doon pa kayo magsuntukan,eh. Atlis pag inunahan mo ng harana,kikiligin na agad 'yun,wala ng away," natatawang suhestyon ni Micoy.
" Tama! Hindi naman puwedeng dire-diretso na pauuwiin mo siya,away lang ulit 'yun!"pangungumbinsi pa ni Alex.
Napaisip naman siya,tama ang mga ito. Mukhang kailangan niya ulit haranahin ang masungit na asawa.
" This time,sing and dance na ang gagawin mo," seryosong sabi ni Alex na halatang pinipigil ang tawa.
" Shit,Alex seryoso ako,ah! Puro ka kalokohan!" puno ng tensyong sabi niya.
" I'm serius! Think of it,kaya umalis si Toni dahil malalim ang galit sa'yo 'nun. Kung sasayaw ka mapapatawa mo siya,right?"paliwanag ni Alex at kumindat pa.
Muli siyang napaisip. Tutol talaga siya sa suhestyon ng kaibigan dahil alam niyang magiging katawa-tawa lang siya. Ngunit sa kabilang banda ay punto rin naman ang mga kaibigan.
" Do i really have to dance? I think it's too much,i mean,no way!" pagtutol niya pa rin.
" Remember, iyan ang request ni Maritoni,right?" agad na tugon ni Alex.
" Yes, naalala ko rin iyon. I heard na request talaga ni Toni iyon dati," tumatango-tangong hirit ni Micoy.
Sumulyap siya kay Andrew.
" Pare,what do you think?" tanong niya na nagpapasaklolo.
" I guess you have to listen,alam mo naman si Alex diyan siya expert," pagsang-ayon na rin ni Andrew.
Napabuntung-hininga na siya. Tingin niya ay wala na siyang choice,desperado na siya ng gabing iyon.
" Okay,sige. A-ano ba'ng gagawin ko?" nag-aalangan niyang tanong.
" Alright!" hiyaw ni Alex sunod-sunod ang ginawang pagkalabit sa kwerdas ng gitara na animo rakista.
Agad siya nitong nilapitan at tinuro ang mga dapat niyang gawin. Ang kakantahin niya at ang step ng sayaw na dapat niyang gawin. Saglit niya lang natutunan ang lahat ng iyon dahil simpleng kanta at step lang naman ang itinuro ng mga kaibigan sa kaniya. At nang oras nga rin na iyon ay napagpasyahan na nila itong puntahan. Matapos kumpirmahin ni Jeero sa girlfriend kung doon nga ba talaga nakatira ang mga kaibigan ni Maritoni.
Kabado siya ng gabing iyon. Nang huminto ang kotse ni Andrew sa isang magandang bahay. May gate ito ngunit nakikita naman ang loob ng garden kaya makikita kaagad kung sino man ang lumabas.
" Ano ready ka na ba,pare?" tanong ni Alex sa namumutlang si Kyle. Tila gusto pa nitong matawa sa itsura niya.
" Wait! Sigurado ka ba, Jeero na dito sila nakatira? I mean,baka kasi ibang bahay ang napuntahan natin,eh!" paniniguro niya. Pilit niyang inaaninag kung may tao ba sa loob ng bahay.
Nag thumbs-up lang ito sa kaniya bilang tugon sa tanong niya. Pamaya-maya pa ay nag-umpisa nang tumugtog ng gitara si Andrew. Matagal ang ginawang intro ni Andrew dahil hinihintay muna nilang magsilabasan ang nasa loob ng bahay. At hindi nga sila nabigo unang lumabas si Carol. Bakas sa mukha nito ang pagtataka ng makita sila. May tinawag ito sa loob. Si Maritoni,karga-karga nito ang anak nila. Una niyang kinanta ang 'Bumalik ka na sa'kin' ng Silent Sanctuary.
Magaan na ba ang iyong paghinga.
Bumalik ka na sa akin.
Panimulang kanta ni Kyle. Bakas ang pagtataka sa mukha ni Maritoni habang nakatanaw sa kaniya.
Napansin niya ang paglabas ng ilan pang tao sa loob. Nahihiya man ay kailangan niyang ituloy ang pagkanta lalo't napansin niyang nasorpresa talaga ang asawa.
Nang matapos ang unang stanza ng kanta ay si Alex naman ang nagpasikat. Iba ang tinugtog nito. Ang kanta naman ni Bruno Mars na ' Nothing On You' At doon na nga niya sisimulan ang pagsayaw. Back-up dancer pa nito sina Micoy at Jeero na butib na lang ay nakumbinsi niya.
Napansin niya ang pagtawa nina Maritoni sa ginawa nilang pagsayaw. Animo mga macho dancer kasi sila na gumigiling. Halata naman sa kilos ni Maritoni na bagamat natatawa ay kinikilig ito.
Napansin pa niya ang paglabas ng ilang mga tao sa bahay. Nagtataka man ay napilitan siyang ituloy pa rin ang ginagawa.
" Wait, bakit ang daming tao?" tanong ng isip niya habang gumigiling.
Gusto niya ng huminto sa pagsayaw dahil pakiramdam niya ay nagmumukha na silang mga t**ga.Gusto niyang isipin na nagkamali sila ng bahay na napuntahan ngunit naroon si Maritoni at ang mga kaibigan nito. Ngunit bakit ang dami nila? May reunion?
Nagpalakpakan pa ang mga ito ng matapos ang tila concert na ginawa nila. Namumula pa rin siya sa hiya. Nagtatakang inilibot pa rin niya ang tingin.
" Thank you! Thank you,guys," kumakaway na hiyaw ni Alex na feeling idol.
" Wait! Hindi ako na-inform na may pa-concert pa pala dito,ha? But,hindi yata akma 'yung lyrics para sa birthday girl? 'Di ba dapat,about sa birthday 'yung song,happy birthday ,ganern!" usisa ni Carol ng lapitan sila ng mga ito kasama si Maritoni.
" Si-sino'ng may birthday?" tanong niya.
" Si Carol. Oo nga bakit ganun 'yung lyrics?" takang tanong naman ni Jona.
" Hala! Kaya pala ang daming tao! Pero ayos na rin gutom na ako,eh!" sagot naman ni Alex na hinihimas pa ang tiyan.
Napakagat-labi si Kyle. Tama si Andrew,mukhang nag-over react nga siya at inisip na lumayas ang asawa.
" So,kaya ka nandito, Toni kasi birtday ni Carol?" tanong ni Andrew na halatang naguluhan.
" Oo,bakit?" sagot ni Maritoni at nilapitan si Kyle. "Galing mo'ng gumiling Babe,ah!" baling nito sa kaniya.
" Hindi ka naglayas,Toni?" Halos sabay-sabay na tanong nina Alex,Jeero at Micoy.
Agad niyang sinenyasan at pinanlakihan ng mata ang mga kaibigan para tumahimik. Nagtatakang tinignan naman sila ni Toni.
" H-hindi. Bakit naman ako maglalayas?" sagot ni Maritoni.
" Naku! Gets ko na. Kaya pala ganun 'yung kanta,eh! Hindi pala para sa'kin!" mataray na wika ni Carol.
" Iniisip kasi ni Kyle lumayas ka dahil sa pag-aaway niyo. Kaya,ayun! Hinarana niya si Maritoni!" kamot batok na sagot ni Micoy.
" Will you, shut up?!" nahihiyang saway niya sa kaibigan.
" Talaga,Babe? Nag effort ka for me?" nangingislap ang mata na tanong ni Maritoni.
" Hoy, Kyle! Ikaw,ah,sinasanay mo itong kaibigan namin sa pahara-harana mo. Sige ka,lalong magpapa bebe,iyan," natatawang sita ni Jona sa kaniya.
" Babe,ang sweet mo naman! Iniisip mo lumayas ako kaya nag effort ka ng ganito?" malambing na tanong asawa sa kaniya.
" Akala ko kasi naglayas ka at iniwan mo na ako,eh! Puwede ba next time,huwag kang magpapatay ng cellphone? Sobra mo akong pinag-alala!" aniya pa.
" Okay! Ang cheezy na,exit na nga kami!" sambit ni Carol.
" Okay,guys! Let's go,gutom na ako," aya ni Alex sa mga kaibigan.
Naiwan silang dalawa ni Maritoni. Kinuha niya ang anak mula rito. Napansin pa niya ang mahinang pagtawa nito.
" After mo akong pag-alalahanin ngayon pinagtatawanan mo'ko!" naiinis niyang sita sa asawa.
" Eh,kasi Babe ang galing mo pala'ng sumayaw?"
" Sige,asarin mo pa ako. It's all your fault. Nailabas ko tuloy ang hidden talent ko." Natatawa niyang inakbayan ang asawa.
"Akala ko titiisin mo na ako,eh! Kasi hindi ka umuwi kagabi. Iniisip ko,sobrang nagalit ka talaga sa'kin ng wasakin ko ang motor mo," malambing na sabi ni Maritoni.
" So,hindi ka na galit sa'kin? Okay na tayo?"
" Galit pa rin! Hmp,kung hindi ka lang sumayaw,eh!" nangingiti nitong tugon.
" I'm afraid,baka kasi kung ano na naman ang sirain mo sa bahay, eh," pabiro niyang sagot.
Napahagikhik naman si Maritoni sa tinuran niya.
" So,alam mo na kung paano ako magalit,ah?" nangingiti nitong tinuran.
" Yes po,heto na nga,oh,suko na po ako sa inyo. Hayy! For the rest of my life,ngayon lang ako napasuko ng isang babae," sambit niya sabay kindat sa asawa.
"Oh, 'di ba, bagsik ng alindog ko?" humahalahak nitong sabi.
Isa lang iyon sa mga mapait na ala-ala ng pagsasama nilang mag-asawa. Na ang akala niya ay hindi na masusundan pa ngunit nagkamali siya. Ang akala niyang pagsuko sa pangarap ay daan para sa maayos na pagsasama at matutuldukan. Ngunit nagkamali siya. Ang paulit-ulit na panunuyo sa asawa ay naging daan para lalo lang itong maging possessive .