Chapter 9 - 9

DINATNAN siya ni Maritoni sa sala ng kanilang bahay habang nakaharap sa tv at nanonood ng basketball. Sambakol ang mukha nito ng lumapit sa kaniya.

" Bakit mo ako iniwan?!" inis na tanong nito.

" Ayaw niyo kasi magpapigil,so i decided to leave," malamig namang tugon niya habang nakatingin parin sa screen ng tv.

" Hindi ako makapaniwala na iniwan mo ako nang ganun ganun lang. Hindi mo manlang inisip ang kalagayan ko, Kyle?" may hinanakit na sumbat nito. Nakatayo ito sa harap ni Kyle at nakapameywang.

" Exactly! Hindi mo man lang inisip ang kalagayan mo, Toni at pumunta ka pa roon," turan niya dito na nakasimangot na.

" Kung hindi ako pumunta roon,hindi ko makikita ang landian niyo!"gigil na sabi nito.

" For christsake,Toni hindi kami naglalandian! Iniinis ka lang ni Darlene pinatulan mo naman."

Lalo lang nainis si Maritoni sa tinuran niya. Binalibag nito ang hawak na bag sa sofa na ikinagulat niya.

" Wow! Bakit parang kasalanan ko pa? Nagagalit ka ba dahil pinatulan ko siya,sinisisi mo ako?!" nanggagalaiting tanong nito.

Pilit naman pinakalma ni Kyle ang sarili ayaw niya ng galitin pa ang asawa dahil sa kalagayan nito. Marahil ay nagkakaganun lang ang asawa dahil sa pagbubuntis nito. Mahinahon na siyang sumagot dito.

" Okay,enough. Let's forget what happen kanina. Huwag ka na magalit.Makakasama sa baby natin iyan." Tumayo siya at Inakbayan niya ang asawa na sambakol parin ang mukha.

" Para kasing ako pa ang sinisisi mo,eh. Ako nga dapat ang magalit sa'yo dahil sa nakita ko,tapos kasalanan ko pa?" mangiyak-ngiyak nitong tinuran.

" Okay,im sorry if you feel i'm blaming you. That's not what i mean. Nag worry lang talaga ako sa'yo at sa baby natin. Ayokong masyado kang nagagalit sa mga maliliit na bagay lang," pang-aalo niya sa asawa.

" Hindi iyon maliit na bagay para sa akin,Kyle! Kitang-kita ko kayo,ang saya-saya niyo pa!"

" Normal sa amin ni Darlene iyon,it's not a big thing,Babe. Will we please stop this?" paglalambing niya rito at niyakap ang nagtatampo paring asawa.

" Promise me na hindi na ito mauulit?"

" Okay, i promise!" aniya pa.

Iniwasan niya na nga ulit mangyari ang bagay na iyon.Pati ang pinaplano niyang pagsali sa motoracing ay saglit na naudlot. Ayaw niya na kasing makipagtalo pa sa asawa at baka mapaanak ito ng wala sa oras. Pagkatapos nalang nitong manganak ay saka niya na itutuloy pa ang binabalak.

Walang kasingsaya ang naramdaman niya ng makapanganak si Maritoni. Babae ang naging anak nila at pinangalanan nila itong Angel.

" Congrats,pare. Daddy ka na talaga." Bati ni Alex.

Nasa baby ward sila sa isang ospital kung saan nanganak si Maritoni. Nakasilip sila sa salamin ng ward. Hindi naman maalis-alis ang ngiti sa mga labi niya.

" Kamukhang-kamukha ni Toni,ah!" wika naman ni Andrew.

" Hindi,eh. Kamukha ni Kyle," hirit naman ni Micoy na nilalaro ang baby na akala mo naman ay nakikita ito.

" Hi,baby! Ang cute,cute mo naman. I'm your ninong Jeero!"kumakaway naman na wika nito.

Maya-maya lang ay kinuka ito ng nurse at pinabuhat sa kaniya. Hindi niya maipaliwanag ang sayang naramdaman. Sa edad na twenty ay ganap na nga siyang Ama. Tinitigan niya ang maamong mukha ng anak na animo'y isang anghel. Nanatili itong nakapikit ngunit maya-maya ay ngumiti ito na tila nilalaro ng anghel sa panaginip. Lumitaw ang magkabilang dimple nito sa pisngi kung saan ay nakuha nito sa ina.

Pinasya niyang dalhin ito kay Maritoni kasunod ang mga kaibigan ngunit naiwan si Alex na kasalukuyang kinakausap ang isang magandang nurse. Sabik na kinuha ni Maritoni ang bata masayang pinagmasdan.

" Ang ganda niya,Babe!"nagagalak nitong winika.

" Yes,and kamukhang kamukha mo siya." Inakbayan ang asawa at masaya nila itong pinagmasdan.

Mabilis na lumipas ang araw at buwan. Patuloy siya sa pag-aaral. Engineer ang kinuha niyang kurso. Gusto sana ng mga magulang niya na business related course ang kunin niya upang matutunan niya rin i-manage ang Resort and Resto business pati narin ang Clothing Store sa ibang bansa. Ngunit mas pinili niya ang engineer course dahil iyon ang hilig niya.

At gaya nga ng plano niya noon pagkatapos manganak ni Maritoni ay bumalik na siya sa kinahihiligang sport. Ngunit nilihim niya iyon sa asawa dahil alam niya'ng pag-aaawayan nila ang tungkol sa bagay na iyon. At ang paglilihim ngang iyon ay badya pala sa mag uumpisang kaguluhan sa kanilang pagsasama.

Sa gate pa lang ay nakita na niya ang sambakol na mukha ni Maritoni. Hinihintay siya ng asawa. Late na siyang nakauwi dahil nanggaling siya sa practice kasama ng mga kaibigan at ni Darlene.

" Napapansin ko palagi ka yatang nali-late ng uwi?" pang uusisa nito sa kaniya.

Humalik siya sa pisngi ng asawa bago nagsalita.

" Kasama ko sina Andrew,may birthday party kaming pinuntahan." Sagot niya at diretsong pumasok sa bahay. Iniupo niya ang pagod na katawan sa mahaba nilang sofa. Sumunod sa kaniya si Toni at muling nag-usisa.

" Birthday party? Ano kayo mga bata? My God Kyle,baka nakakalimutan mo hindi ka na binata. May asawa at anak ka na naghihintay sa'yo!"

" Please,Toni,not now i'm tired," maikli niyang tugon dito. Sumandal siya sa sofa at pinikit ang mga mata. Talaga kasing napagod siya.Nagulat nalang siya ng may tumamang pillow sa mukha niya. Binato pala siya ni Maritoni.

" God,Toni what the hell are you doing?!" gulat niyang tanong.

" Hindi mo ako pinapansin,Kyle. At ngayon gusto mo pa akong tulugan?!"inis na sagot nito.

" I said i'm tired,is it hard for you to understand? My God,Toni don't do that again!" singhal niya sa asawa.

" You're tired of what? Eh,kumain ka lang naman doon at nakipagtawanan sa mga babaeng makakati riyan na gusto kang landiin!" ganting singhal nito.

Napabuga siya ng hangin dahil sa sinabi ng asawa.

"And now your accusing me? Bakit ka ba nagkakaganiyan?You really change a lot,nagiging selosa ka!"

" Make sure lang na wala kang ginagawang kalokohan,Kyle! I'll warning you. Pag nalaman kong nambababae ka,puputulin ko talaga iyan!"

Natawa naman siya sa tinuran ng asawa. Lumukot naman ang mukha nito dahil doon.

" Whoa! Are you saying that you are willing to give up your happiness,baby?" pilyo ang mga ngiting tanong nniya sa asawa.

Muli ay binato siya nito ng unan na agad naman niyang nasalo.Iniwan siya nito habang humahalakhak siya.

Hindi niya lubos maisip kung bakit nagkakaganoon ang asawa. Marahil ay nako- consious lang ito dahil sa kalagayan. Na sa edad na twenty ay maagang nagka anak. Sa totoo lang ay halos wala namang nagbago sa itsura ng asawa. Maganda parin ito at seksi. Ngunit malaki ang pinagbago nito pagdating sa ugali. Ang dating malambing na Maritoni ngayon ay selosa at magagalitin na. Knowing him as a playboy,marahil ay nahihirapan si Maritoni na magtiwala sa kaniya,lalo't hindi siya nito nakakasama ng buong araw. Expose pa siya sa maraming babaeng nakapaligid sa kaniya sa school.

Patuloy ang paglilihim niya sa asawa ng mga ginagawa niya. Para kasi sa kaniya ay walang makakapigil ng mga nais niyang gawin. Malapit narin ang race kaya naman mas todo practice ang ginagawa niya sa ngayon. Halos mawalan na siya ng oras sa kaniyang pamilya. Kahit ang annivesary nila ng asawa ay nakalimutan niya na sobrang ikinagalit nito. At dahil kasalanan naman niya ay hindi na siya umimik pa sa panggagalaiti nito. Nangakong babawi dahil nakaramdam din naman siya ng guilt sa nagawa niya at sa paglilihim.

Kinasabwat niya ang mga kaibigan para sorpresahin ang asawa. Nais niyang mapaligaya ito dahil alam niya ang stress na dulot ng bagong panganak. Pati narin ang mga sama ng loob na binibigay niya rito. Pinili niyang haranahin ang asawa.

Bumili siya ng maraming bulaklak at inayos nila kasama ng mga barkada. Tinawagan niya ito sa cellphone para palabasin ng bahay. Noong una ay nagmatigas pa ito dahil nga may tampo pa ito sa kaniya. Ngunit nakumbinsi niya rin ang asawa. Nakita niyang binuksan nito ang pinto ng bahay kaya sumenyas siya sa mga kaibigan na gawin na. Palinga-linga si Maritoni at hinahanap siya ngunit natigilan ito ng makitang may mga nahuhulog na mga bulaklak. Bakas dito ang pagtataka ngunit sumilay ang ngiti sa mga labi nito. Napatingin ito sa kaniya ng simulan niyang patutugin ang gitara. Lumapad ang ngiti nito.

Ikaw Lang by Chad Borja ang napili niyang kantahin para sa asawa.

Natutop ni Maritoni ang bibig, na tila hindi makapaniwala sa nasasaksihan.

Ikaw lang ang pag-ibig sa buhay ko..

Napansin niya na nangingilid ang luha nito.

Tuluyan siyang lumapit sa asawa habang kumakanta. At tuluyan na rin itong naiyak.

Nang matapos ang kanta ay napayakap nga sa kaniya ang asawa. Nag thumbs-up namam siya sa mga kaibigan dahil successful ang naging plano nila.

" Sorry nga pala,Babe,i love you," bulong niya rito.

Umiling ang asawa. At siniil siya ng halik sa mga labi niya. Gumanti naman siya ng halik dito. Naging mainit ang halik na iyon na tila sabik na sabik sila sa isa't- isa. Ang mga kaibigan naman niya ay nagpasya naring umalis dahil sa awkward moment ng dalawa.

" So,peace na tayo?" tanong niya sa naluluhang asawa.

" Hmp! Huling-huli mo talaga ang kiliti ko,ah!" kunwa ay umirap pa.

" Aba,hindi madali iyong ginawa ko,ah. Alam mo bang matagal kong pinag-isipan iyon?" Tumikhim pa siya.

Napahagikhik naman si Maritoni sa tinuran niya.Lumitaw ang biloy nito sa magkabilang pisngi.Hindi man siya magaling kumanta ay mukhang napasaya naman niya ang asawa.

Muli niyang nasilayan ang magandang ngiti nito na unang bumihag sa kaniyang puso. Mula ng magsama kasi sila ay bihira niya na itong makita na ngumiti. Laging sambakol ang mukha nito at laging galit na akala mo ay pinaglilihian siya. Hindi man ito palaayos dahil nasa bahay lang naman ito ay nananatili parin ang kagandahan ng asawa. Ang hubog ng katawan na animoy nililok ng pinakamagaling na sculptor. Ang kutis na mala porselana na lalong nagpatingkad sa kagandahan ng asawa.

" Mas happy sana ako,Babe kung sumayaw ka rin,eh,"paglalambing pa nito.

" Okay,i will try next time?" sagot niya na tila nag-isip pa at inakbayan na ang asawa papasok sa loob bahay.

Si Alex talaga ang nagbigay ng idea para gawin ang bagay na iyon. Alam kasi nito ang mga bagay na magpapakilig sa mga babae dahil marami na itong naging girlfriend. Makalumang istilo man ay alam nilang papatok iyon kesa sa flowers and chocolates. Iba pa rin ang may effort.

Nagdalawang isip pa siyang gawin ang bagay na iyon dahil hindi siya magaling kumanta. Guwapo at matalino lang siya pero pagdating sa singing ay aminado naman na kulelat siya.

At mukhang umubra nga ang ganoong istilo kaya masaya narin siya. Nawala ang guilt feelings niya dahil sa patong-patong na kasalanan sa asawa. Ang paglilihim niya sa pagsali sa race at ang pakikipagkita parin niya kay Darlene. Palagi kasi sumasama sa kanila si Darlene sa tuwing may practice sila na hindi niya naman magawang pigilan.

Ngunit tunay ngang walang lihim na hindi nabubunyag. Nagulat na lang siya isang araw. Linggo noon,kasalukuyan niyang binabantayan ang baby nila nang mga oras na iyon. Nakarinig siya ng napakalakas na kalabog na tila may hinahampas. Kasunod noon ay animo gulong na binutas at tinanggalan ng hangin. Binaba niya muna ang baby sa crib at agad na lumabas ng bahay para lang magulat sa makikita niya. Si Maritoni na kasalukuyang pinaghahampas ang motosiklo niya. Binutas pa nito ang gulong ng motorsiklo. Nayupi naman ang tangke nito dahil sa paghampas ng matigas bagay.

Noong una ay hindi siya agad nakakilos dahil sa labis na pagkagulat at pagtataka kung bakit ginagawa iyon ng asawa na tila galit na galit.