Chapter 8 - 8

" Sh*T pare,astig ka talaga. Ang ganda ng motor mo!" humahangang bulalas ni Mikoy habang kinikilatis ang bagong motor ni Kyle.

" New model iyan,galing pang America," pagmamalaking wika naman naman niya.

" Ang cool talaga ng mga ermat at erpat mo, pare! Samantalang sina Mommy,ang higpit. Pagtyagaan ko nalang daw yung motor ko,eh, nung 2000 pa iyon,eh. Badtrip 'di ba?" nagmamaktol naman na wika ni Alex.

Ngingiti-ngiti lang si Kyle sa papuring iyon ng kaibigan.

" Asus! Magtataka ka pa ba? Itong si Kyle varsity ng campus at matalino pa kaya hindi nakakapagtakang palagi siyang bigyan ng gift ng mga parents niya. Eh,ikaw?" natatawang panunukso naman ni Jeero.

" Thank's for the compliment,dude!" wika pa ni Kyle at nakipag-apir kay kay Jeero.

" Ako na naman ang nakita mo,bakit ano ba ako,ha?" inis na tanong ni Alex.

" Gusto mo sagutin ko iyan?" Tatawa-tawang wika naman ni Jeero.

" No,thanks," sagot naman ni Alex.

Nangingiti lang si Kyle sa asaran ng dalawa. Sanay na siya sa mga ito. Elementary pa lang kasi sila ay mga magbestfriend na silang lima.

Si Jeero na alaskador pero cute,si Alex na tinaguriang black sheep of the family na mahilig magbilang at magpaiyak ng babae. Si Mikoy na mabait pero palaging iniiwan ng mga babae. At ang pinaka bestfriend ni Kyle si Andrew na gaya niya ay matalino,guwapo ngunit seryoso sa buhay.

" So,Kyle itutuloy mo pa rin ang pagsali sa race?" tanong sa kaniya ni Andrew.

" Of course,it's my dream. That's why i requested this model to my parents," sagot niya.

" Okay,so how about, Toni? Di ba ayaw niyang sumali ka sa race?" tanong ulit ni Andrew.

" Oo nga,Dude! Alam mo naman 'yung asawa mo,parang dragon pag nagalit," natatawang wika naman ni Alex na nakasakay na sa motor ni Kyle.

" I'll talk to her. I think naman maintindihan niya ako, she's worried only for my safety," kibit-balikat na sagot niya."Since i was a kid dream ko na 'to! I don't want to miss this opportunity,pare!" dagdag pa niya.

" Support kita riyan,pre! Basta palagi mo ako pahihiramin nito,ah?" hirit ni alex.

Natawa lang siya sa hiling na iyon ng kaibigan.

" Naku! Iba't-ibang babae lang ang isasakay mo riyan!" sita ni Mikoy dito.

" Naiinggit ka lang,eh! Halika,dali umangkas ka na habang puwede pa!"aya naman ni Alex.

Sumunod naman ang kaibigan at sumakay nga sa likurang bahagi. Naiiling nalang sina Kyle sa kakulitan ng dalawang kaibigan.

" How about me? Can i have a ride too?"

Napalingon sila sa nagsalitang iyon. Si Darlene,naka cheering outfit pa,mukhang galing sa practice. Cute na cute ito sa suot. Litaw ang mapuputing hita at pusod. Litaw din ang cleavage nito. Naka ponytail ang mahaba nitong buhok. Napasipol naman si Alex na tila nakakita ng pagkaing lalapain. Matamis ang ngiti nitong lumapit kay Kyle.

" So,ano na? Can i have a ride?" ulit na tanong nito sa kaniya.

" Halika na,Darlene! I will tour you all over the campus," nakangising alok ni Alex.

" I'd love to,but no thanks," nakangisi rin nitong sagot sa binata. " I want to ride with, Kyle."

" In that outfit?" tanong ni Kyle sa dalaga.

" Why? Anong problema sa suot ko?" takang tanong ng dalaga.

" Eh,kasi ang ikli ng suot mo,baka masilipan ka pa,magpalit ka muna," utos niya sa dalaga.

" Wow! I'm so flattered. Concern ka? Pero feelings ko about you hindi ka concern,hmp!" tila nagtatampong sagot ng dalaga.

" Yown! Pasimpleng hugot!" hirit naman ni Jeero. Tumingin ang dalaga dito at kumindat.

Natawa na lang si Kyle sa pasimpleng patama sa kaniya ni Darlene. Hanggang ngayon kasi ay pasimple siya nitong sinusumbatan sa pagpili nito kay Maritoni.

" And now,pinagtatawanan mo ako,ah! Kainis ka,pasalamat ka love pa rin kita!"sabay kindat pa nito sa mga kaibigan ng binata.

" Sige na Kyle,pagbigyan mo na si Darlene at sobrang korni na ng mga naririnig namin," hirit naman ni Mikoy. Nag sign of okay naman dito si Darlene.

" Okay,ngayon na ba?"

" Hindi lang ngayon,gusto ko araw-araw mo akong i-ride," nakakalokong sagot ng pilyang dalaga.

"Whoa!" halos sabay- sabay na bulalas ng mga kaibigan ng binata.

Nagtawanan ang mga ito pati si Andrew ay nangingiti na rin. Palibhasa,alam ng mga ito ang malaking pagkakagusto nito sa kaniya. Pumulupot pa ito sa braso niya. Alam di naman niyang hindi ito titigil sa kakakulit sa kaniya kaya pagbibigyan niya na lang ito.

Bumaba si Alex sa motor at binigay iyon kay Kyle. Umangkas agad si Darlene sa likuran ng binata. Marahan niya itong pinaandar.

" Bye,guys! Diyan muna kayo," paalam ng dalaga at nagflying kiss pa.

Napapailing na lang ang mga kaibigang naiwan.

" Ang bangis talaga nito ni Darlene,simple kung humugot,"wika ni Jeero.

" Ngayon pa lang nai-imagine ko na ang itsura ni Maritoni,pag nakita niya ito," sambit ni Andrew.

" Opps! Speaking of Maritoni," wala sa loob na sambit ni Micoy.

Napatingin ang tatlo kay Micoy na tila nagtataka pa,tinignan din ng mga ito ang tinitignan ng binata. Lumarawan ang gulat sa mukha ng mga ito. Si Maritoni,nakapameywang.

" Okay na,puwede na ba tayong bumalik?"tanong ni Kyle.

" Later na lang,let's enjoy this moment. Ngayon nga lang kita masosolo,eh. By nextday,magiging busy ka na sa motoracing mo. Goodluck,ah!"

Nakaramdam siya ng lungkot sa sinabing iyon ng dalaga. Naalala niya si Maritoni. Kung ganito lang sana ka supportive ang asawa ay magiging mas masaya sana siya. Kaso,tutol ito sa kinahihiligang sport. Sa kabilang banda ay nauunawaan niya ang asawa dahil nag-aalala lang naman ito sa kaligtasan niya.

" Thank's," malungkot niyang tugon rito.

" Bakit parang hindi ka naman happy. Matutupad na ang dream mo! I remember our elementary days,lagi tayo nanonood ng racing 'di ba?"

Inihinto ni Kyle ang pagpapatakbo ng motor. Bakas sa mukha niya ang excitement sa sinabing iyon ng dalaga. Naaalala nga niya iyon,ang madalas nilang panonood ng motoracing ng dalaga kasama ang apat niyang mga kaibigan. One of the boys si Darlene. Elementary pa lang ay magkakaibigan na silang anim. May mga kaya rin ang mga pamilya ng mga ito.

" Yes,i remember nga,nagagalit ka nga sa amin kapag naiiwanan ka namin,eh! Kasi naman,ke-babae mong tao ang hilig mong sumama sa aming mga lalaki," pang-aasar niya rito.

" So,what naman? Bawal ba? Hmp! Ang hilig mo kasi akong iwan,eh! Kagaya ngayon," sambit nito na may halong pagtatampo.

Pinariringgan na naman siya ni Darlene. Napatitig siya sa magandang mukha nito. Noon pa man ay kaibigan lang talaga ang tingin niya rito. Bakas sa mukha nito na bagamat nakangiti ay may malalim na lungkot sa mga mata.

" Why you choose her,Kyle? Bakit si Maritoni?" seryosong tanong nito sa kaniya. " I know that you are playboy pero hindi ko inaasahang magpapakasal ka,naging kampante ako."

Hindi kaagad siya nakapagsalita. Hindi niya alam ang isasagot dito. Lumapit ito sa kaniya at siniil siya ng halik sa mga labi ng dalaga. Ikinagulat niya iyon kaya hindi siya kaagad nakakilos. Gusto niyang itulak ang dalaga ngunit hindi niya nagawa. Dama niya ang mainit na labi nito at ramdam niyang hindi pa ito sanay humalik. Bahagya niya itong tinulak ng matauhan siya at naalala ang buntis na asawa. Sa totoo lang ay naninibago siya sa ugali ng kaibigan. Ang dating mahinhin ay tila ba naging wild na ngayon.

" What are you doing? May asawa ako," bulong niya rito.

Napakagat labi naman si Darlene tila napahiya sa ginawa.

" Sorry,it's just a kiss,forget it!" tugon nito habang hawak pa rin ang labi.

" Okay,bumalik na tayo."

Sumakay na ulit sila sa motorsiklo para bumalik sa mga barkada niya. Naramdaman niya ang pagyakap ng dalaga sa kaniya at humilig pa ito sa likuran niya. Napabuntung-hininga nalang siya dahil doon. Sinubukan pa nitong umindayog kaya pagewang-gewang ang motorsiklo ng lalaki.

" Darlene,ano'ng ginagawa mo? Baka madisgrasya tayo!"

" Sinasanay lang kita. Mas matindi pa ang ma-e-experience mo kapag sumali ka na sa race."

Tuwang-tuwa ang dalaga sa ginagawa niya habang iniindayog ang sariling katawan. Sumisigaw pa ito.

"You're acting like a kid!" natatawang namang sagot niya.

" I don't care. Hooh!" sigaw pa ng dalaga.

Bahagyang binilisan ng binata ang pagpapatakbo kaya tuwang-tuwa naman ang dalaga. Para silang mga bata na naglalaro lang. Pakiramdam nila bumalik sila kabataan. Walang mga inaalalang problema.

Napagpasyahan na nilang bumalik sa campus upang balikan ang mga barkada. Inalalayan niya si Darlene sa pagbaba na animo'y prinsipe na inaabot ang kamay ng dalaga. Natawa naman ang dalaga at inabot nga ang kamay,saka sila nagtawanan. Ang mga barkadang naabutan naman ay walang imik. Nakatingin lang sa kanila na tila binibigyan sila ng warning ngunit hindi ito pansin ng dalawa.

" Next time teach me to drive,at ikaw naman ang aangkas,okay?" pilyang sabi ng dalaga.

"Sure, why not?"

Hindi pansin ng dalawa na pinanlalakihan na sila ng mata ng mga barkada.

" Baka naman puwedeng makisali sa angkasan niyong dalawa?"

Napatingin sila sa nagsalitang iyon. Si Maritoni. Pinipigil ang galit na anumang oras ay tila sasabog na.

Namutla naman si Kyle ng makita ang asawa. Kampante namang nakatingin lang din si Darlene. Sumilay pa ang ngiti sa mga labi na tila nasisiyahan sa pagkahuli sa kanila. Malaki narin ang tiyan ni Maritoni ngunit tila hindi nagbabago ang awra nito. Seksing buntis kumbaga.

" Ba-babe ano'ng ginagawa mo rito?" tanong niya.

" Ano'ng ginagawa ko? Ano'ng ginagawa niyo!" galit na sagot ni Maritoni.

Natameme naman ang mga barkadang nakapaligid sa kanila. Gusto nang magpulasan ngunit tila natulos ang mga ito sa pagkakatayo.

" Relax,Toni. Umangkas lang ako sa kaniya,bawal ba?" nakangiting tanong ni Darlene na tila nang-uuyam.

" Ay! Hindi ka ba na inform na everyday,everynight may nakaangkas na sa kaniya,sweetie?" pang-aasar na tugon ni Maritoni.

Pinamulahan naman ng pisngi si Darlene. Tila naintindihan ang ibig sabihin ni Maritoni. Pinipigil naman apat ang pagtawa habang si kyle naman ay naiiling na lang.

" So,gross? Then,if i we're you?Leave my husband alone!" giit pa ni Maritoni.

" And why should i do that,natatakot ka ba?" taas ang kilay na tanong ni Darlene.

" Natatakot saan? Na maagaw mo siya sa akin? Of course not,my dear! Hindi ka nga niya pinatulan noon,eh. Ngayon pa?" mataray nitong sagot.

" That's enough,let's go,Toni!"

Hinawakan niya ang kamay ng asawa ngunit galit itong bumitiw. At muling hinarap si Darlene.

" I'll warning you,layuan mo ang asawa ko!" muling giit ni Maritoni.

" Eh,kung ayoko,ano'ng gagawin mo?" kalmadong tugon ni Darlene.

Tila hindi manlang ininda ang mga sinabi ni Maritoni.

Sumenyas naman si Andrew sa kaniya para iuwi na ang asawa.

" Darlene,please tama na!"saway niya rito.

Ngunit hindi siya pinakikinggan ng dalawa patuloy lang sa patutsadahan ang mga ito.

" We're friends since young and who are you to make bawal na lumapit sa kaniya,ha?"

" I don't care! Kahit since birth pa kayong magkaibigan! From now on,your friendship with him is over!Ako na ngayon ang asawa niya at kaibigan and he don't needs you!" sigaw ni Maritoni.

" Shut up,don't yell at me! And who are you to decide?Crazy bitch!" napipikon ng sagot ni Darlene.

" Dahil sinabi ko?"

Tila sumuko naman siya sa ginagawang pag-awat sa dalawang babae . Ayaw naman siyang pakinggan ng dalawa kaya nagpasya siyang iwan nalang ang mga ito. Ni hindi manlang narinig ang ginawa niyang pagpapaandar sa kaniyang motorsiklo. Sumunod na rin sa kaniya ang apat na kaibigan at iniwan na ang dalawang babae na tila ayaw magpatalo sa isa't-isa,na pareho pang nakapameywang.

" If i we're you girl,ano kaya kung ikadena mo nalang si Kyle para hindi ko siya malapitan,huh?" nang-iinis paring wika ni Darlene.

" Ah,kadena ba 'kamo? Ikaw ang ikakadena ko sa oras na lumapit ka ulit kay Kyle!" inis na giit ni Maritoni.

" Opps!No,no,girl! No violence allowed,okay? Wala tayo sa squaters area and remember this,asawa mo lang siya hindi mo siya pag-aari,right Kyle?"baling naman nito kay Kyle na nawala na pala.

Saka lang napansin ng dalawa na umalis na si Kyle at ang mga kaibigan niya. Bakas naman sa mukha ni Maritoni ang lalong pagkainis sa ginawang pag-iwan ni Kyle dito. At tanging nakakainis na ngiti lang ang makikita naman sa mukha ni Darlene.