" MOMMY,please! Ayokong umalis, ayaw kong iwan ka rito!" umiiyak na sigaw ni Angel.
" Sige na anak,sumama ka na sa Daddy mo,magiging maayos ang buhay mo sa kaniya!" matigas naman niyang wika pinipigil ang pag-iyak.
" No, please! I promise to be a goodgirl. Hindi na po ako magiging makulit, Mommy! Uubusin ko na lagi ang food ko and lagi ko na po gagawin ang mga assignments ko,please Mommy,don't let me go?"
Tumalikod siya sa anak upang huwag ipakita ang pag-iyak niya. Ngunit niyakap siya nito habang patuloy na umiiyak. Halos madurog ang puso niya sa tagpong iyon. Naramdaman niyang pilit na kinukuha ni Kyle ang anak at inilalayo sa kaniya. Hindi niya na nagawang lingunin ang mag-ama kasabay ng impit na pag-iyak.
" No, Mommy!"
" Angel,anak!"sigaw niya kasabay ng pagbalikwas niya sa higaan.
Butil butil ang pawis niya napanaginipan niya na naman ang eksenang iyon. Tila bangungot para sa kaniya ang pangyayaring iyon. Ang araw na umalis ang kaniyang mag-ama. Labag man sa kaniyang kalooban ang paghihiwalay nilang mag-ina ay wala na siyang magagawa. Gusto man niyang pagsisihan ang desisyong iyon ay huli na ang lahat.
Tuluyan na siyang bumangon at lumabas ng kwarto. Alam niya kasing mahihirapan na siyang makatulog ulit. Pumunta siya sa balkonahe at dinama ang sariwang hangin. Muli ay nakaramdam siya ng kahungkagan at tahimik siyang umiyak.
Maya-maya ay naramdaman niya nalang na may humawak sa balikat niya. Nang lingunin niya ay ang nanay niya pala. Nagising din pala ito ng marinig ang malakas niyang sigaw. Kaagad siyang yumakap at humagulgol.
" Tahan na,anak," sambit nito habang hinahagod ang kaniyang likod.
" Ang hirap po!" tanging nasambit niya.
" Makakaya mo iyan,nandito lang kami ng Tatay mo,ha?"pang-aalo pa nito.
Lalo pang humigpit ang yakap sa Ina na tila dito siya humuhugot ng lakas.
" Bukas ang panibagong yugto ng buhay mo. Magsimula ka ulit. Mangako ka,ito na ang huling pagkakataong iiyak ka,ha? Walang mangyayari kung ganyan ka lagi,magpakatatag ka!"
Alam niyang ipinangako niya sa kaniyang sarili na hindi na siya muling iiyak. Ngunit ng mapanaginipan ang anak ay naging marupok na naman siya.
" Tutulungan ka namin na magsimulang muli. Kami ang magiging liwanag mo ngayon sa madilim mong mundo. Gamitin mo yang kalungkutan mo para magsumikap,anak," sambit ng nanay niya na umiiyak na rin.
Hikbi lang ang tanging naisagot niya sa nanay niya. Hinatid siya nito sa kaniyang kuwarto at hindi ito umalis hanggat hindi siya nakakatulog.
****
USA
TITIG na titig si Kyle sa basong hawak niya na may lamang alak. Nakapuwesto siya sa minibar ng kanilang bahay sa Amerika. Namumungay na ang kaniyang mga mata,medyo marami na kasi siyang nainom.
Alak sa umaga,sa tanghali at gabi. Iyon na ang naging daily routine niya. Ngunit hindi siya nagpapakalasing dahil sasakit na naman ang tenga niya sa sermon ng Mommy niya.
" What the? Drinking again?"
Napalingon siya sa pinanggalingan ng boses na iyon. Ang Mommy niya. Nanlalaki na naman ang mata nito. Agad niyang binitawan ang hawak na baso.
" Mom,i'm not drunk. Nagpapaantok lang ako," katuwiran niya sa Ina.
" My God,Kyle! Ano bang nangyayari sa'yo? Imbis na alak ang balingan mo bakit hindi 'yung anak mo ang pagtuunan mo ng pansin? She needs you!" galit paring wika ng Mommy niya.
" Has she slept,yet?" tanong niya sabay lagok ng alak.
" Oo,nakatulog na sa kaiiyak!"
Napabuntung-hininga siya ng marinig iyon. Muli ay nagsalin siya ng alak sa baso at nilagok iyon.
" Kyle! I said that's enough! Don't you hear me?"galit na singhal nito at lumapit sa kaniya.
" Hindi pa ko lasing,ubusin ko lang ito,konti na lang,oh?"
Tinaas ang bote na nangangalahati pa ang laman para ipakita sa ina. Ngunit wala siyang nagawa ng pilit itong agawin ng Mommy niya.
" Sabi ko tama na!" galit na sabi nito. " Bukas na bukas din,ha? Kausapin mo si Angel,malungkot siya dahil sa nangyari sa inyo,isipin mo naman ang anak mo!
" Andiyan ka naman,Mom. You can do it," aniya pa.
" Kailangan ka niya,bakit ka ba nagkakaganyan? Hindi mo ba iniisip ang saloobin ng anak mo?"
Hindi umimik si Kyle. Masakit din sa kaniya ang nangyayari sa anak. Mula kasi nang umalis sila ng Pilipinas,hindi na ito makausap ng maayos at palaging umiiyak. Sobrang naapektuhan ito sa hiwalayan nila ng dating asawa. Kaya,dinadaan niya nalang sa alak ang lungkot na nararamdaman. Nasira ang kanilang pamilya at ang anak niya ang labis na nagdurusa. Nanghihina siyang napaupo. Gusto niyang umiyak,sumigaw at magwala.
" Iho,hindi ito ang oras para kumilos ka ng ganyan. Your daughter needs you now. You have to be brave! Not me or your Dad,it's you!"
" Yes,Mom i have to be,for my daughter," tanging nasambit niya.
" Don't worry,iho. Masasanay rin siya. Give her a time,matatanggap niya rin ang lahat," anito habang tinatapik ang balikat niya.
Iniwan na siya nito at bumalik sa sariling kuwarto. Pinuntahan niya ang anak sa kuwarto nito. Malungkot niya itong pinagmasdan. Gusto niyang sisihin ang sarili dahil sa paghihirap ng kalooban nito. Sanay ito na kasama lagi ang kaniyang mommy. At masyado pa itong bata para mahiwalay sa kaniyang ina. Sa edad na walo ay mahihirapan pa itong tanggapin ang sinapit ng pamilya. Bakit nga ba sila humantong sa ganitong sitwasyon? Alam niya sa sarili na mahal pa niya si Maritoni ngunit kung patuloy pa silang magsasama ay baka pati respeto sa isa't-isa ay mawala. Ayaw din niyang patuloy na masaksihan ng kaniyang anak ang walang tigil na pagtatalo nilang mag-asawa.
Selosa si Maritoni at possessive. Palagi siyang pinagbabawalan ng mga bagay na gusto niyang gawin. Lahat ng mga babaeng malapit sa kaniya ay pinagseselosan. Oo at playboy siya ngunit nagbago iyon nang magsama at magkaanak sila. Sadyang malapit siya sa mga babae ngunit hanggang doon lang iyon. Pinakaseselosan nito sa lahat ay si Darlene na aminado naman siyang nilalandi siya ngunit hanggang kaibigan lang ang tingin niya rito na ayaw paniwalaan ni Maritoni. Kahit ang mga barkada nito ay ayaw ni Maritoni kaya palagi silang humahantong sa pag-aaway. Lalo na nung sumali siya sa motoracing na sobra nilang pinagtalunan.
Palibhasa ay nag iisang siyang anak kaya easy-go-lucky siya. Kahit ang sariling magulang ay hindi siya kayang pagbawalan. At wala rin naman sa pagkatao niya ang maging sunud-sunuran sa utos ng iba. At nang hamunin nga siya ng hiwalayan ng dating asawa ay pumayag na siya. Hindi dahil sa hindi niya na ito mahal kundi nasaktan ang ego niya. Isa pa,napapagod na rin siya sa sitwasyon nila. Marahil ay hindi pa sila ganoon ka matured para pag-usapan ng masinsinan ang sitwasyon nila.
Ibinagsak niya ang pagod niyang katawan sa kama. Nahihilo parin siya. Plano niyang kausapin ang anak bukas. Tama ang Mommy niya,kailangan niyang magpakita ng katatagan sa harap ng anak niya.
KINABUKSAN nga ay nagpakita siya ng kasiglahan dito. Naabutan niya ito na nasa hapag kainan na nag aalmusal kasama ang lola nito. Nakayuko lang ito habang matamlay na kumain.
" Hi,baby! How's your sleep?" masiglang bati niya sa anak.
Ngunit tulad ng dati dedma parin ito. Nanatili lang itong nakayuko at walang imik. Nagkatinginan sila ng Mommy niya ngunit bumuntung hininga lang ito. Umupo siya sa lamesa at tumabi sa anak.
" Wow! Bacon,eggs,waffle and pancakes,my favorite! Mukhang mapaparami kain ko,ah!"
Sadyang pinasigla niya ang boses upang mapansin ng anak.
" It's her request,actually," sagot ng Mommy niya.
" Whoa! Talaga Mommy?"
Nakaramdam siya ng kasiyahan dahil doon. Atlis mukhang nakakapag adjust na ang anak niya at nagrerequest na ng gustong kainin nito.
" Okay,baby what more do you want,tell me?" muli ay baling niya sa anak. " After this,gusto mo ba mamasyal tayo? Tamang-tama maganda ang panahon.," nakangiti pa niyang alok sa anak.
" Oo nga,iha. Let's enjoy this day. Maraming magagandang lugar dito na puwede nating puntahan!"alok din ng Mommy niya
" Mom's right Where do you want,baby? Disney,amusement?" pangungulit pa niya.
" Ayoko po. I just want to go back in my room after this," matamlay na sagot ni Angel.
Nagkatinginan naman ang mag-ina. Ngunit nagkibit balikat lang ito. Napawi naman ang masayang ngiti sa mukha niya.
" Okay. So,just tell us if you want,ha? Lola,lolo and i will always grant your wishes."
Napatingin naman ang anak sa kaniya. Nangungusap ang mga mata nito.
" Really,Dad? Anything?" tanong nito sa kaniya.
" Ofcourse,i will promise that,"sagot niya.
" I want my Mom,Dad!" agad na sabi ng anak sa kaniya.
Hindi agad siya nakasagot. Malungkot nalang siyang napatitig dito. Sa titig niya pa lang ay tila alam na ng anak niya ang magiging sagot niya. Muli ay yumuko ito.
" We already talk about this, 'di ba?" aniya pa sa anak.
Hindi na ito umimik at tinuloy nalang ang pagkain. Muli ay nakaramdam siya ng lungkot dahil bigo na naman siya na mapasaya ang anak. Pamaya-maya ay nagpaalam na ito na babalik sa sariling kuwarto. Hindi na siya tumutol,sinundan nalang nila ito ng tingin.
" It's okay,anak. Just give her a time. It's almost a month since maghiwalay kayo ni Maritoni,you can't blame your child.Masasanay rin siya," pang-aalo ng Mommy niya.
" Yeah. It's almost a month but still,Mommy niya parin ang hinahanap niya.," malungkot niyang tugon sa ina.
Nang araw ding iyon ay nagpasya na siyang kausapin ito ng masinsinan. Kumatok muna siya sa pintuan bago pumasok. Nakadapa ang anak sa kama at may takip na unan ang ulo nito. Marahan naman niyang kinuha ang unan.
" Angel,anak,get up let's talk," aniya.
Ngunit hindi ito kumikilos na parang walang narinig.
" Angel,i said get up," mahinahon niyang utos sa anak.
Marahan naman itong kumilos at dahan-dahang bumangon. Mugto ang mga matang tumingin ito sa kaniya. Halos madurog naman ang puso niya sa pagdurusa ng anak. Hindi niya alam ang mga sasabihin para mapawi lang ang lungkot nito sa nangyayaring sitwasyon nila. Bata pa siya at wala pa gaanomg karanasan. Pinalaki kasi siya ng magulang na sunod sa luho at hindi nakatikim ng mabibigat na problema. Hindi pa niya kayang i-handle ang mga ganitong kabigat na sitwasyon. Para tuloy gusto niyang pagsisihan ang ginawang pagpayag sa pakikipag hiwalay ng dating asawa. Naging padalos-dalos siya sa naging desisyon niya na ang naging bunga ay pagdurusa naman ng kaniyang anak.
" I'm really,really sorry," tanging nasambit niya.
Nakita niya ang paglandas ng luha sa mata ng anak. Agad niya itong pinahid.
" Until when? When will you to be okay? Am i not enough for you?" malambing niyang tanong dito.
Hindi ito kumibo tahimik lang itong lumuluha.
" I don't know what is the right words to say to make you understand the situation. Alam kong hindi mo pa ganap na mauunawaan kahit ipaliwanag ko sayo,anak. You're too young to suffer, " dagdag pa niya.
" Still don't get it. Why you and Mom doing this? Why you broke our family,Dad?" umiiyak na tanong ng anak.
" Kasi,imposible pang magsama kami ulit ng Mommy mo," sagot naman niya.
" Kasi palagi kayo nag-aaway? Bakit hindi nalang kayo magbati para magkasama-sama na ulit tayo?" inosenteng tanong nito.
" It's not a simple as that,baby," sagot niya habang pinupunasan ang luha ng anak.
" Why? Hindi mo na ba mahal si Mommy, Daddy?"
Hindi kaagad siya nakasagot. Bumuntong-hininga siya at napatitig nalang sa anak.
" If you still love each other why you're making it complicated?"
Inayos niya muna ang buhok na humaharang sa mukha ng anak. Pansin niya pa ang luhang nagbabanta na namang tumulo.
" I know it's hard for you but mom and i are not meant to. We decided to separate our ways kasi hindi na kami magkakasundo," paliwanag niya rito." At saka ayoko ring patuloy mong makita sa amin na lagi kaming nag-aaway," dagdag niya pa.
" How about me,Dad? I want my mom,I want us,i want my family back!" giit parin ng anak.
" I'm sorry,baby," malungkot niyang tugon dito.
Wala na siyang nagawa kundi panoorin nalang ang pagluha ng anak. Maski siya ay naduduwag sa nakikitang pagtangis ng kaisa-isa niyang anak. Ngunit patuloy siyang umaasa na balang araw ay matatanggap din nito ang sitwasyon. Time can heal.
Tila bangungot naman para sa kaniya ang pagbalik ng alaalang gusto na niyang kalimutan. Mga pangyayaring nagdala sa kanila sa ganitong sitwasyon.