Chapter 25 - Chapter 24

Now playing: Dito ka lang - Moira Dela Torre

Tala

Kinabukasan, nagising na lang ako dahil sa liwanag na kumakalat sa buong kwarto. Mabilis na napabalikwas ako dahil sa gulat, lalo na noong makita na wala na si Blake sa aking tabi.

"Shit!" Hindi ko napigilang mapamura sa aking sarili nang makita na alas onse na pala ng umaga.

Ang aga ko yata masyado para sa tanghalian. Sarcastic na sabi ko sa aking sarili.

Agad na bumangon na ako, nag-toothbursh, inayos ang sarili at pagkatapos ay lumabas na rin ng kuwarto.

Ang pinagtataka ko lamang eh tila ba bakit parang tahimik yata ang buong bahay? Saan naman kaya nagtungo ang mga tao rito?

"Lexie?" Pagtawag ko sa aking best friend. Ngunit bigo ako nang walang makuhang sagot mula sa kanya.

"Blake!" Patawag ko rin sa pangalan ng babaeng inaasahan ko na una kong masisilayan pagising, ngunit katulad ng pagtawag ko kay Lexie ay bigo rin akong marinig ang pagsagot nito.

Hanggang sa makarinig ako ng nagtatawanan mula sa likod ng bahay ni Auntie Nora. Doon lamang ako parang nabuhayan ng loob at halos patakbong nagtungo kaagad rito.

Hindi ko mapigilan ang hindi mapakagat sa aking labi bago dahan-dahan na napasandal sa door frame, napa-cross arm din ako habang pinagmamasdan ang mga ito ng palihim.

Abalang-abala kasi ang mga ito sa kanilang ginagawa. Si Auntie Nora na parang senesermonan si Eli habang nagbubuhat ng mga silya, si Faye na abala sa paghahain sa hapagkainan, si Lexie na abala sa pag-iihaw ng barbeque at ang pinakamagandang babae sa mga mata ko, si Blake na ngayon ay napatingin sa gawi ko.

Tuluyang gumuhit ang ngiti sa aking labi nang magsalubong ang aming mga mata, kasabay ang pagguhit ng matamis at nakakatunaw na ngiti sa kanyang labi pati na rin ang mapuputi nitong mga ngipin.

Gosh! And'yan na naman po ang mga mata niyang nakakalunod at makalaglag panty.

Napatawa ako ng mahina bago tuluyang nagpasya na lumapit na sa kanila. Habang si Blake naman ay agad din akong sinalubong.

"Good morning maganda kong misis!" Matamis na pagbati nito sa akin bago ako hinalikan sa aking pisngi. Hindi ko tuloy mapigilan ang hindi kiligin.

"Good morning!" Ganting pagbati ko rin sa kanya. Hindi ko maitago ang pamumula ng aking buong mukha, lalo na noong bigla akong hinigit ni Blake sa aking beywang at walang sabi na hinalikan sa tungki ng aking ilong.

Dahil doon ay agad na napahiyaw si Eli kasabay si Auntie Nora. Nahihiya naman na napayakap na lamang ako kay Blake habang tumatawa ng mahina.

"Ang tagal mong magising eh. Na-miss na kita." Bulong nito sa akin.

"Blake, ang tamis." Saway ko sa kanya. "Magkaka-diabetes ako sa katamisan mo eh!" Dagdag ko pa.

She chuckled. "I love you." Bigla na naman akong natigilan sa sinabi niyang iyon, habang nakatingin lamang ng diretso sa mga mata ko.

Arujusko! Papatayin ba ako ng isang ito dahil sa katamisan niya?

Gusto ko nang magtititili sa sobrang kilig na nararamdaman! Please somebody help me. At baka bigla ko na lang siyang hilain papaalis dito at ikulong na lamang siya sa kuwarto.

May katagalan na hindi ako nakapag-react at nakatitig lamang sa mga mata niya.

"Guys! Kakain na! Mamaya na yang harutan n'yo d'yan!" Biglang saway at pagtawag sa amin ni Lexie.

Noon lamang ako nakahinga ng maluwag. Thanks, Lex. You're my savior! Lihim na pasasalamat ko sa aking sarili.

Para na naman kasi akong malulunod sa mga titig ni Blake, lalo na ngayon na ang sweet sweet pa n'ya.

Ilang sandali lamang ay magkahawak-kaway na lumapit na kami sa lamesa. Sakto dahil nagugutom na rin talaga ako.

Agad na ipinaghila ako nito ng upuan. Dahil doon ay muli na naman akong napatingin sa magandang mukha ng girlfriend ko. Pansin ko rin na kanina pa hindi nawawala ang matamis na ngiti sa kanyang labi.

Ang good mood niya today ha? Hmmmm.

"What?" Natatawa na tanong nito sa akin noong makaupo na rin siya sa kanyang upuan.

Napailing ako ngunit nandoon pa rin ang ngiti sa aking labi.

"Nothing." Tipid na sagot ko. "Ang saya mo lang today. Mas bagay pala sa'yo ang nakangiti palagi." I teased. Dahil doon ay awtomatikong nangamatis ang kanyang itsura kaya naman mas naging malawak ang pag ngiti ko.

I knew it! Hindi nga pala siya sanay sa palaging na-co-compliment.

"Mas lalo kang gumaganda---" Ngunit hindi ko na naituloy pa ang gusto ko pa sanang sabihin nang basta na lamang niya akong halikan sa aking labi. Smack lang naman ngunit naging sapat na iyon para mapatahimik n'ya ako. Dahilan din para matigilan at manahimik ang mga kasamahan namin sa hapagkainan, habang nanlalaki ang mga matang nakatingin sa amin.

"Ahem!" Napatikhim si Auntie Nora. "B-Blake, hija hindi 'yan ginagawa madalas sa harap ng ibang tao ha?" Paalala ni Auntie Nora sa kanya bago siya tinignan ng makahulugan.

Agad naman na napakamot si Blake sa kanyang batok habang napapangiti ng may pagka-alanganin.

"Ang daldal po kasi ng misis ko eh." Pagdadahilan nito na muling ikinakamatis ng mukha ko.

Oh God! Bakit kailangan pa niyang sabihin ang word na yun sa harap ng ibang tao?

Misis.

Accckkk!!! Jusmiyooo!! Gusto ko nang himatayin sa sobrang kilig na nararamdaman.

At sino ba namang hindi mamumula sa saya sa tuwing tatawagin kang misis ng babaeng minamahal mo?

Sa totoo lang hindi ko na maintindihan pa kung ano ang gusto kong maramdaman sa mga sandaling ito. Para akong fireworks na sumasabog sa saya, para rin akong nasa cloudnine sa mga sandaling ito. Ang gaan at ang saya sa pakiramdam.

Ganito talaga siguro ang pakiramdam kapag napunta ka, kapag na-in love ka sa isang tao na alam mong hinding-hindi ka sasaktan. Sa isang tao na hindi mo na kailangan pang hilingin 'yung mga bagay na gusto mong gawin nito para sa'yo, kasi kusa na niya iyong gagawin.

Ang sarap pala talagang mahulog sa taong alam mong mas mahal ka, sa taong kapag binigyan mo ng pagmamahal eh mas hihigitan pa niya. Palaging hihigitan n'ya. Ang sarap lang sa feeling na mahanap 'yung taong nakikita kung ano ang deserve mo, ang worth at totoong value mo.

At lahat ng iyon, lahat ng iyon ay kay Blake ko lamang naramdaman. At ayaw ko nang maramdaman pa sa iba, kundi sa kanya lamang.

Siya lamang ang taong hinayaan ko at patuloy na hahayaan kong magmahal sa akin ng ganito. Wala ng iba.

"My love, say ahhhh!" Kusang natigilan ako sa aking malalim na pag-iisip nang marinig ko ang boses ni Blake. Agad naman na napalingon ako rito para tanggapin ang pagkain na isusubo niya sa akin.

Ang saya ng aming pananghalian, punong-puno ng tawanan, asaran at syempre kasama na roon ang pagmamahalan na meron kami para sa isa't isa.

Si Auntie Nora ang may ideya na sa may likod ng kanyang bahay kami mananghalian ngayong araw. Agad naman iyong pinayagan ni Blake, siya pa nga raw ang unang nagtungo sa likod ng bahay upang ihanda ang mga kailangang gamitin at lutuin.

Haaaaay. Napapa-thank you Lord na lang talaga ako sa girlfriend ko.

Hinihiling din na sana ay hindi na siya kunin o ilayo pa sa akin.

Mahal na mahal ko na ang taong ito, Lord. Hindi ko pa man magawang sabihin sa kanya ang salitang gusto niyang marinig mula sa akin, pero patuloy ko iyong ipapadama. Ayaw ko na siyang mawala pa. Lihim kong kinakausap si Lord habang tinititigan si Blake mula rito sa kinauupuan ko, habang abala naman ito sa pakikipagkulitan sa kanyang Auntie Nora.

Hanggang sa maramdaman ko na lamang na napapaluha na pala ako nang hindi ko namamalayan.

Tears of joy. Alam kong ito ang tinatawag nilang tears of joy. Napapangiti na sabi ko sa aking sarili at agad itong pinunasan bago pa man may makakita at baka ano pa ang isipin.

---

Takip silim na, kaya naman bumuhos na rin ang malakas na ulan. Mabuti na lang nga at ngayon lamang ito bumuhos, hindi kanina noong tanghalian.

Andito ako ngayon sa kusina, napag-utusan kasi ako ng magjowang Lexie at Eli na kumuha ng maiinom naming drinks. Habang si Blake naman ay hindi raw muna iinom sa ngayon.

At bakit naman kaya? Nagtataka na tanong ko sa aking sarili.

Well, mas mabuti na rin iyon. Sabi ko sa aking sarili, syempre kapag hindi siya iinom, hindi rin ako iinom, 'no? Para fair!

Ganun naman talaga dapat, hindi ba? Hehe!

Hindi na rin ako nagtagal pa dahil alam kong naghihintay sila sa akin. Sa likod pa rin ng bahay kami tatambay, mayroon kasing kubo roon na gawa na kahoy, kawayan at nipa hut kung saan napapalibutan ng mga halaman ni Auntie Nora.

Kaya ang sarap talagang uminom roon, lalo na kapag ganitong panahon, maulan.

Ngunit papalabas pa lamang ako ng bahay nang bigla akong natigilan sa aking nakita.

Awtomatikong nabura ang masayang awra na meron ako kanina, kusang nawala ang malawak na ngiti sa aking labi, bumilis bigla ang pagtibok ng aking puso at tila ba nahirapan ako sa aking paghinga. Napalunok ako ng maramings beses at kasabay noon ang pagpatak ng mga luha mula sa aking mga mata.

I feel betrayed this time.

Dahan-dahan na napaatras ang aking mga paa upang hindi na sana nila ako makita pa, nang siya rin naman na masagi ko ang isang flower vase ng indoor plant ni Auntie Nora.

Mabilis na itinulak ni Blake si Faye papalayo mula sa kanyang katawan, habang gulat na gulat ang mukha na napatingin sa aking kinatatayuan.

Para itong nakakita ng multo at hindi man lamang magawang makapagsalita.

Lakas loob naman na tinignan ko siya sa kanyang mga mata. Pagkatapos ay napailing ako ng mariin habang isa-isang nagpapatakan ang aking mga luha. Hindi ko alam kung guni-guni ko lamang din ba iyon, ngunit para bang agad na napaluha rin ito nang makita ako.

Pero mabilis ko na silang tinalikuran ni Faye at hindi na muling nilingon pa.

Ang sakit-sakit na makitang may kahalikan siyang iba, knowing na kasama naman nila akong dalawa!

"Tala!" Rinig kong pagtawag nito sa akin. Ngunit hindi ko ito pinansin at dire-diretso lamang ako sa paglabas ng kanilang bahay, kahit na umuulan pa, kahit na mabasa pa ako, makalayo lamang ako sa kanilang dalawa.

Akala ko ba mahal niya ako? Akala ko--- akala ko sabi niya, ako lang ang nag-iisa.

Pero bakit bigla kong makikita na magkahalikan sila ni Faye?!

Bakit?!