Now playing: Everything - Michael Buble
Tala
Hindi ko mapigilan ang mapangiti ng matamis sa aking sarili habang kumikinang ang mga matang tinitignan ang mga paboritong pagkain ni Blake na nakahain ngayon sa hapagkainan.
I can't believe na magagawa kong magluto ng ganitong mga putahe para sa isang tao. At take note ha, ito ang kauna-unahang may ipinagluto ako na ganito.
Masaya pala sa pakiramdam na ipagluto ang isang tao, hindi dahil sa gusto mo lamang itong gawin, kundi dahil alam mong ginagawa mo iyon out of love, dahil gusto mong pagsilbihan siya dahil mahal mo siya.
"Do you think she'll like these?" Tanong ko kay Lexie na ngayon ay mayroon ding malawak na ngiti sa kanyang mga labi habang amazed na nakatingin sa hapagkainan.
Napatango ito.
"Oo naman!" Sagot niya. "Grabe! Ngayon ko lang yata nakita na nag-effort ka ng ganito." Masaya na sabi pa niya. "Hindi halatang in love, huh?" Dagdag pa niya kaya napatawa na lamang ako.
Hindi nagtagal ay dumating na rin si Auntie Nora na mayroong dalang iilang kakanin na naiwan sa paninda niya.
"Ay hala! Napakagaling mo naman hija. Ikaw talaga ang nagluto ng lahat ng yan?" Tanong nito sa akin. Hindi ko mapigilan ang hindi kiligin dahil sa reaksyon nito.
"Auntie, tumulong din naman kayo ah. At isa pa, thank you po dahil pinagamit ninyo sa amin ni Lexie lahat ng mga kagamitan niyo rito." Buong puso na pasasalamat ko sa kanya dahil hinayaan lamang niya kami na gamitin ang kanyang bahay, lalo na ang kanyang kusina para sa surpresa ko sa pagbabalik ni Blake. Alam ko kasing pagod ito mula sa biyahe. Gusto ko lamang sana siyang surpresahin sa pagbabalik niya.
Ang daya nga dahil hindi niya kami sinama ni Lexie eh.
Pero iniisip ko na lang din na baka importante ang nilakad nilang magkakaibigan ngayong araw kaya mas mabuti na ring hindi na kami nakasama.
"Hija, ako nga ang dapat na magpasalamat eh." Wika ni Auntie Nora. "Kaya salamat, salamat dahil ginagawa mo ang lahat ng ito para kay Blake." Pagkatapos ay isang makahulugang ngiti ang ibinigay nito sa akin dahilan upang mamula ang buong mukha ko.
Hindi kaya alam ni Auntie Nora ang tungkol sa amin ni Blake? Naguguluhang tanong ko sa aking sarili.
Lumapit sa akin si Auntie Nora, akala ko kung ano lamang ang gagawin nito ngunit nagulat ako nang basta na lamang niya akong yakapin.
"Thank you, hija. Alam kong mapapasaya mo ang pamangkin ko dahil sa ginawa mo." Muling pasasalamat nito. "Tiyak na matutuwa talaga yun." Dagdag pa niya bago kumalas mula sa pagyakap sa akin.
"Auntie---"
"Alam kong matagal ka nang gusto ng pamangkin ko." Panimula nito. "Alam ko rin na bata pa lamang siya, hindi na talaga siya nagkakagusto sa lalaki. Kahit na dyosa iyon sa ganda, babaeng babae kung pumorma at manalita, alam ko na ang puso n'ya ay para lamang din sa baabeng katulad mo." Napatawa ito ng mahina habang nakatingin lamang ng diretso sa aking mga mata, marahan na inabot nito ang mukha ko at hinaplos iyon.
Hindi ako makapagsalita at hinayaan na lamang na magpatuloy siya. Habang si Lexie naman ay nakikinig lamang din ng tahimik sa amin, nang may pagtataka rin sa kanyang mga mata.
"At alam kong ganoon ka rin sa kanya. Umpisa pa lamang na nagtagpo ang mga mata ninyo noong gabi na iyon sa tapat ng tindahan ko, alam ko na agad na magiging ganito kayo kalapit sa isa't isa." Pagpapatuloy niya bago napangiti ng may kahulugang muli. "Aminin mo nga sa akin, girlfriend ka na ba n'ya?"
Agad naman akong napaubo ng disoras sa katanungan ni Auntie Nora. Habang si Lexie naman ay nahuli ko pang napanganga dahil sa gulat sa diretsahang tanong ng Auntie ni Blake sa akin.
Mariin na napalunok ako bago napaiwas ng tingin mula sa kanyang mga mata. Hindi ko rin mapigilan ang hindi mapatikhim. Pakiramdam ko kasi para akong binubuhusan ng napakalamig na tubig ngayon.
"Ah eh, Auntie Nora---" Awtomatiko akong natigilan nang bigla itong napahagalpak ng tawa. Hindi maiwasan ng mga mata ko ang titigan siya nang may pagtataka.
"Hija, alam ko na." Pagkatapos ay bigla na namang semeryoso ang kanyang mukha. "Hayaan mo, boto naman ako sa iyo. Aba! Ang swerte na ng pamangkin ko ha!" Sabay kindat pang dagdag niya at agad na tumalikod na noong marinig nitong may dumating nang sasakyan.
Noong makaalis na ito sa aking harapan ay saka lamang ako nakahinga ng maluwag. Pakiramdam ko pa, ilang minuto akong nanigas sa aking kinatatayuan. Ang buong akala ko rin eh sisigawan ako nito o ipagtatabuyan katulad ng mga tauhan na nasa kwento na ginagawa ko kapag ayaw nila sa nobya ng kanilang mga anak o pamangkin.
Bumalik lamang ako sa realidad nung marinig ko ang pinipigilang pagtawa ni Lexie.
"Okay ka lang?" Natatawa na tanong nito sa akin na animo'y isang joke lamang ang kanyang nasaksihan.
Tinignan ko lamang ito ng masama bago napairap.
"Para ka na kasing hihimatayin eh." Dagdag pa niya at hindi na nga nito napigilan pa ang pinipigilan nitong pagtawa.
Agad naman na binato ko ito ng nadampot kong saging sa ibabaw ng lamesa. Ngunit hindi ko man lamang siya natamaan dahil agad naman itong napatakbo na palabas ng kusina para salubungin ang kanyang nobyo.
Habang ako naman ay hindi ko alam kung papaano aayusin ang aking sarili. Hindi pa nga ako tapos sa kaba na dulot sa pag-confront sa akin ni Auntie Nora, eh dumating na rin ang girlfriend ko. Hindi ko tuloy alam kung paano pa mas magiging kalmado ngayon.
Lalo na noong sandaling narinig ko na ang boses nito habang hinahanap ako kay Lexie. Wala pang ilang segundo ay biglang sumulpot na lamang ang kanyang magandang mukha sa aking harapan habang mayroong malawak na ngiti sa kanyang mga labi.
"There you are." Mabilis na lumapit ito sa akin, habang ako naman ay pilit na itinago ang aking pagkabalisa at mabilis itong sinalubong ng isang mahigpit at mainit na yakap.
"I miss you..." Bulong nito sa akin. Agad na nagbigay iyon ng kilig sa akin. Napangiti ako at kumalas mula sa pagyakap. Tinitigan ko ito ng maigi sa kanyang mukha.
"I miss you too." Ganting sabi ko naman sa kanya.
Ngunit agad na napakunot ang aking noo noong mapansin na parang namumutla siya. Tatalikod na sana ito sa akin nang mabilis ko siyang pigilan.
"Hey, you look so pale. Are you alright?" Nag-aalala na tanong ko sa kanya. Napatango ito ngunit wala sa akin ang kanyang mga mata kundi sa ibabaw ng lamesa na mayroong mga nakahain na mga pagkain na paborito niya.
"Wait... at para saan naman ang lahat ng ito?" Mas lalong naging malawak ang mga ngiti niya. Napangiti na lamang din ako ng disoras.
"Our dinner." Tipid na sagot ko sa kanya.
Napalingon itong muli sa akin habang kumikinang ang mga mata.
"Tala, these are my favorite!" Parang bata na tuwang-tuwa na sabi niya.
"I know. Niluto ko yan lahat para sa'yo." Sagot ko sa kanya. Sasagot pa sana ito nang magsalita si Auntie Nora mula sa aming likuran.
"Tutunganga ka na lang ba d'yan o titikman mo 'yung luto ng girlfriend mo para sa'yo?" Bigla naman akong nangamatis dahil sa sinabi ni Auntie Nora. Hindi ko alam na nasa akin pa rin pala ang mga Blake nun kaya naman napatawa ito ng mahina.
"Ikaw yung gusto kong tikman sana eh." Bulong nito. "But for now, let's eat first." Pagkatapos ay hinalikan ako nito ng marahan sa aking pisngi at agad na iginaya na sa pinakamalapit na upuan.
Sumunod naman na dumating sina Lexie at Eli habang si Faye naman ang pinakahuling dumating na halatang wala sa mood dahil sa buong hapunan, siya lamang ang bukod tanging tahimik at hindi nagsasalita.
Pilit na dinededma ko na lamang din s'ya dahil baka wala lamang talaga ito sa mood.
Well, kahit naman papaano eh masaya naming pinagsaluhan ang mga niluto kong putahe. And I'm so happy dahil nagustuhan lahat ni Blake ang mga niluto ko. Except na lang yata sa ibang putahe na mayaman sa fiber or sugar, mamantika, na parang dati naman eh gustong-gusto niya and spicy foods.
Gustuhin ko pa mang magtanong kung bakit, ngunit pinili ko na lamang ang manahimik dahil baka hindi lamang trip masyado ni Blake sa ngayon na kainin ang mga ito.
---
"So, pasado na ba akong maging misis mo?" Agad na tanong ko kay Blake noong paakyat na kami sa kanyang kuwarto.
Magkahawak ang aming mga kamay ngunit mas nauuna ito sa paglakad kaysa sa akin, sandaling natigilan s'ya sandali. Pagkatapos ay napangiti ng malawak at pagkatamis-tamis.
"Yes! Pasadong-pasado noon pa man." Bago niya ako niyakap ng malambing. "Future wife kita ha?" Dagdag pa niya.
Para namang tinutunaw ang puso ko nang sabihin n'ya iyon. Ang sarap lang marinig galing sa taong minamahal ko.
Kumalas ako sa pagyakap bago napatikhim at tinignan siya ng makahulugan. Nagtataka naman ang mga mata na muling napangiti ito.
"Naalala ko lang 'yung sinabi mong magiging apelyido ko na rin ang apelyido mo. I think bagay na bagay sa name ko." Pagmamayabang ko habang napapangiti.
"O-oo naman." Utal na sagot nito bago napaiwas ng tingin. "Dapat lang, 'no? Dahil magiging misis talaga kita. Period." Dagdag pa niya.
Napanguso ako na tila ba nag-iisip.
"So, kung gano'n...can I stay here with you tonight?" Atsaka nagpa-cute pa with puppy eyes. Umaasang papayag siya kasi gustong-gusto ko talaga siyang makasama ngayon at makatabi sa pagtulog.
"Really?" Para bang biglang lumiwanag ang kanyang mukha. Mabilis na napatango ako ng maraming beses na parang bata.
"Alright, my Queen." Pagpayag nito. Agad naman na napahalik ako sa kanyang pisngi at papasok na sana sa kanyang kuwarto nang mabilis na pigilan niya ako.
"Hep! Hep! Gimme 5 minutes to clean my room, please!" Sabay pout nito. Napatawa ako ng mahina.
"I can help." Pangungulit ko. "Please?"
Ngunit mariin na napailing lamang ito.
"Nope! Just wait here. Okay?" Atsaka mabilis niya akong hinalikan sa aking labi. Pagtapos ay iniwanan na nga ako nito sa labas ng kanyang kwarto.
Hmmmm. Hindi ko tuloy mapigilan ang hindi mapanguso. Ngunit katulad nga ng sinabi nito, pagkatapos ng limang minuto ay pinagbuksan na niya ako ng pintuan.
Parang bata na tuwang-tuwa na naman ako at patakbong pumasok na ng tuluyan sa kanyang kwarto.
Siguro kung may isa akong kaaadikan ngayon kay Blake, yun ay isa na ang kanyang kuwarto. Dahil dito kasi eh para bang may sarili kaming mundo. At tanging kami lamang na dalawa ang may kontrol ng aming oras.
Hihiga na sana ako sa ibabaw ng kanyang kama nang bigla na lamang itong may pinatugtog na kanta mula sa kanyang laptop. At alam kong isa iyon sa mga kantang paborito ko, Everything by Micheal Buble.
Mabilis na napalingon ako sa kanya. Hindi ko alam, pero para bang kasisimula pa lamang ng kanta, para na akong maiiyak sa saya at kilig.
'Yung mga tingin at ngiti kasi ni Blake, lalo na yung mga mata niya, nadadama ko ang sensiridad mula sa mga ito. Dahan-dahan na lumapit ito sa akin habang pa-sway sway ng kanyang katawan.
Kinuha nito ang dalawang kamay ko at marahan na ipinatong sa magkabilaan nitong balikat, habang ang dalawang kamay naman nito ay bumaba sa aking balakang.
Hindi nagtagal ay nahuli ko na lamang ang aming mga sarili na sinasabayan ng aming mga paa ang bawat beat ng kanta. Habang sinasabayan naman ni Blake ang lyrics ng kanta.
Kinakantahan niya ako at hindi nito inaalis ang kanyang mga mata sa akin. Pakiramdam ko tuloy ngayon, ako ang pinakamagandang babae sa buong mundo, dahil isinasayaw na nga niya ako, kinakantahan pa niya.
Noong nasa kalagitnaan na ng kanta ay bigla nitong inilayo ang kanyang katawan sa akin, binitiwan niya ako at pagkatapos ay bigla itong sumayaw sa harap ko na para bang sayaw ni Daniel Padilla.
Hindi ko tuloy napigilan ang mapatawa ng malakas at manggigil dahil sa cuteness niya. Muli nitong kinuha ang kamay ko, itinaas sa ere at pagkatapos ay inikot ako habang ako ay tumatawa pa rin.
Noong sandaling nagtama muli ang mga mata namin ay bigla na lamang sumeryoso ang mukha nito, hinihingal man ay hindi ko rin mapigilan ang mapalunok, bumaba ang mga mata ni Blake sa aking mga labi hanggang sa dahan-dahan niyang putulin ang namamagitan na space sa aming mga labi.
Hindi ko mapigilan ang mapasinghap at mapaungol ng mahina noong gumalaw ang labi nito na agad ko rin namang ginantihan. Tumagal iyon ng halos isang minuto, bago nito ipinagdikit ang aming mga noo, habang nananatiling nakapikit ang aming mga mata.
"Blake?"
"Hmmm?"
"Promise me this is forever." Wika ko kasabay ang pagmulat ng mga mata upang tignan siya. Noon din ay iminulat na rin nito ang kanyang mga mata. "You and me, forever." Pag-ulit ko pa sa aking sinabi.
Napalunok ito ng mariin, pagkatapos ay napatango ng dahan-dahan habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko.
"Forever." Sagot nito at walang sabi na muling ipinagdikit ang aming mga labi.
Gosh! I really love this woman. And I would do everything to keep her. Hinding-hindi ko hahayaan na mawala pa si Blake sa akin, sa buhay ko.