Chapter 23 - Chapter 22

Now playing: Until I Found You - Stephen Sanchez

Blake

Makalipas ang ilang araw magmula noong kaarawan ni Mang Berto, ay hindi na ako muling lumabas pa ng bahay. Magmula rin noong araw na iyon, ay isang beses pa lamang napasyal si Tala rito sa bahay dahil abala itong muli sa kanyang pagsusulat.

Habang si Lexie naman ay araw-araw na pumupunta kay Eli. Halos kulang na nga lang eh magpalit na silang dalawa ng mukha.

Kaaakyat ko lamang muli ng aking kuwarto mula sa ibaba. Katatapos lamang din kasi naming kumain ng agahan.

Hindi ko mapigilan ang hindi mapahinga ng malalim nang makita ang nakahanda ko ng mga gamot na iinumin mula sa ibabaw ng bedside table.

Sa totoo lang, sawang-sawa na ako sa lasa ng mga gamot. Minsan nga, hindi ko na talaga sila iniinom at tinatapon na lang sa basurahan.

Pero sa tuwing ginagawa ko iyon, mas lalo naman akong nahihirapan. At mas lalo lang lumalala ang aking kalagayan.

Mabilis na kumuha ako ng tissue napkin pagkatapos ay pinunasan ang aking ilong. Dumudugo na naman kasi ito at sa tuwing nangyayari iyon ay tila ba nanghihina ang buong katawan ko.

Noon naman tuluyan ko nang ininom ang nakahanda ko ng mga gamot. Hanggang sa maramdaman ko na mayroong yumakap mula sa aking likuran.

It's Faye.

Hinayaan ko lamang itong nakayakap sa akin at pagkaraan ng ilang sandali ay kumalas na rin siya. Inabot nito ang tissue napkin, iniharap niya ako ng maayos sa kanya at pagkatapos ay siya na mismo ang nagpunas sa huling patak ng dugo na lumalabas sa ilong ko.

"Have you told her yet?" Tanong nito sa akin.

Hindi ako sumagot at sa halip ay naupo na lamang sa ibabaw ng aking kama.

"Alam mong hindi mo maitatago sa kanya ang tungkol sa---"

"Stop." Putol ko kay Faye. "Hindi niya kailangang malaman, Faye." Pagkatapos ay napaiwas ako ng tingin mula sa kanyang mukha.

Napahinga ito ng malalim.

Alam kong concern lamang sa akin si Faye at inaalagaan niya ako, pero buhay ko pa rin naman ito, at ako ang mag-de-decide kung ano ang dapat at hindi para sa sarili ko.

"That's why I keep warning you, una pa lang hindi ka na sana nahulog sa kanya. Pinahihirapan mo lang ang sarili mo, Blake. She has right to know." Tuloy-tuloy na sabi nito sa akin kaya naging dahilan iyon upang muli akong magbaling ng aking paningin sa kanya.

"Alam mo, hindi kita ma-gets minsan," Sabi ko sa kanya. "ayaw mo kay Tala, tapos ngayon biglang magiging concern ka sa kanya?" Napapailing in disbelief na dagdag ko pa.

"Tala cannot know about this. PERIOD." Bigay diin ko sa aking huling sinabi.

Magsasalita pa sana itong muli ngunit dumating na si Eli.

"Time to visit Doc, guys!" Sabi nito bago niya kami sinipat ng tingin isa isa. "Walang mag-aaway sa biyahe ha!" Paalala nito noong mapansin na may tensyon na namang namamagitan sa amin ni Faye.

Agad na tumayo na ako pagkatapos. Nakaligo at nakabihis na rin naman kasi ako kanina pa, bago pa man kami kumain ng agahan.

Agad na sinalubong ako ni Auntie Nora ng yakap noong makababa ako ng hagdanan. At umiiyak na naman siya.

Isa ito sa mga dahilan kaya ayaw kong may nakakaalam ng tungkol sa condition ko eh. I don't want anyone to feel sorry for me. I don't like the way they look at me. I get annoyed when they look at me like I'm a hopeless person.

Sa totoo lang, from the very start na nalaman kong may leukemia ako at kailangan kong mag-undergo ng chemotherapy, NEVER akong umiyak.

I mean, that's life, right? In fact, everything happens for a reason.

So for me, may dahilan kaya ako nagkaroon ng ganito. At wala akong sinisisi na kahit na sino. Isa pa, I accepted it as a challenge to myself. Why do I have to be sad, when we're all going to die anyways, right?

But there's one person na ayaw kong malaman niya ang tungkol sa sitwasyon ko. Dahil hindi ko kakayanin na pati siya ay kakaawaan ako.

Si Tala.

Kaya iniingatan kong malaman niya o mabanggit ng mga kaibigan ang tungkol dito. Pakiramdam ko, ikabibilis kong mawala sa mundo kapag nagkataon.

So ngayon, mula rito sa Baryo Maligaya ay bibiyahe kami papuntang bayan. Doon kasi naghihintay ang private plane na sundo namin patungong St. Luke's Medical Center.

Yes, sa St. Lukes ang magiging kauna-unahang treatment ko for chemotherapy dahil ayokong bumiyahe papuntang New York to undergo this kind of treatment.

There's no way na iiwanan ko rito si Tala.

There's no way.

---

"Hey, baby." Lumuluhang niyakap ako ni mommy noong matapos ako sa aking unang treatment. Habang si daddy naman ay agad na kinausap ang aking Doctor.

"We don't wanna lose you. And thank you for trying." Umiiyak pa rin na sabi nito. Agad naman na niyakap ko siya pabalik kahit na ramdam na ramdam ko pa rin ang masakit na pagturok ng karayom sa akin.

Napapangiwi na lamang ako sa sakit.

"Mom, stop crying. Am still here. Don't you see?" Pagkatapos ay kumalas mula sa pagyakap at binigyan siya ng pinakamalawak ko na ngiti upang hindi na ito mag-alala pa.

"And thank you, dahil sa wakas ay pumayag ka na ring subukan itong treatment na ito." Atsaka ako muling niyakap na naman bago ako marahan na hinalikan sa aking noo.

"Hey, love." Pagbati sa akin ng daddy noong matapos nitong kausapin si Doc. Lumapit din ito sa akin bago ako binigyan ng halik sa aking noo.

Hindi naman na sila nagtagal pa dahil marami pa raw silang mga kailangang gawin sa opisina. Kahit na gusto ko pa man silang magtagal rito ay mas gusto ko na lang na umalis na sila. Lalo na kapag ganitong nagiging emosyonal si mommy.

Ako kasi ang nadudurog na makita silang nahihirapan dahil sa kalagayan ko. Ako ang nasasaktan na makitang nasasaktan ko 'yung mga taong mahalaga sa buhay ko dahil sa kalagayan ko.

I mean, I can't blame them, right? Sino ba naman kasi ang may gustong magkasakit ng ganito.

Sa kabila ng kondisyon ko, humahanga pa rin ang iilang mga kamag-anak at kaibigan namin dahil sa katapangan ng loob ko. Isa pa, sa stage 3 na cancer ko, ang lakas ko pa raw kumpara sa ibang pasyente.

Healthy at mahaba pa ang buhok ko na dapat ay unti-unti ng nauubos. But sometimes, I feel like my scalp is really hurting. Ayaw ko muna kasi sanang magpa-hair cut ngayon as long as kaya pa naman. Because some women shave their hair ahead of time to get used to the new look as soon as possible.

Pero ako? Lalabanan ko. Lalo na ngayong may Tala na ako.

"Why it has to her, Blake?" Rinig kong tanong ni Faye noong matapos akong magpalit ng damit. Dahil babalik na naman kami ng Palawan. Doon talaga ang napiling lugar ng mga magulang ko na pagpahingahan ko dahil tahimik at hindi stress ang paligid.

Hindi ko ito pinansin. At sa halip ay tinignan lamang siya ng mataman sa kanyang mukha.

"Bakit hindi na lang ako? Y-You know I've loved you since we were in grade school. At alam mong hindi lang friends ang pagtingin ko sa'yo." Tuloy-tuloy na sabi nito bago sandaling napahinto habang dahan-dahan na lumalapit sa akin.

"I-I can take care of you, Blake. Wala naman siya nung mga panahong nahihirapan ka dahil sa sakit mo eh. Wala naman siya ngayon." Inabot nito ang pisngi ko at marahan na hinaplos iyon habang nangungusap ang mga matang tinitignan ako. "Ako ang nandito. At mananatili akong nandito palagi para sa'yo." Dagdag pa niya.

Napalunok ako at pagkatapos ay inabot ang kamay nitong nakahawak sa pisngi ko.

"Faye," Marahan na kinuha ko ang kamay nito at dahan-dahan na inalis sa mukha ko habang napapailing. "I'm sorry. Alam mong best friend lang talaga ang tingin ko sa'yo. Sa inyo ni Eli. And you know it's always been Tala." Malumanay ang boses na sabi ko sa kanya.

I want her to understand that Tala is the only girl I can love more than anyone else. I want her to understand that I can give her nothing more than friendship.

"She's my Tala, Faye." Napapalunok na dagdag ko. "You know she is one of the reasons why I had hoped to live. She was my light, my compass when I was in the middle of my darkness." Pagpapatuloy ko pa.

"So ano ako? Kaming palaging nandito para sa'yo? Kandila?" Sarcastic na sagot nito sa akin.

"Kaya please, wag na wag mo akong tatanungin kung bakit siya ang napili kong mahalin." Pilit na binalewala ko na lamang ang sinabi nito at mag-wa-walk out na sana nang muli itong magsalita dahilan para matigilan ako.

"Fuck it, Blake. Hindi mo ba talaga naiintindihan? Halos isang taon mo na lang siyang makakasama tapos willing ka pa ring sayangin ang natitirang buhay mo para sa kanya?!" Biglang pagtaas ng boses nito.

Medyo uminit din bigla 'yung tenga ko dahil sa narinig ngunit nanatili akong kalmado. Isa pa, nanghihina pa ang katawan ko dahil sa unang session na ginawa sa akin.

"FAYE!" Sigaw ni Eli noong makapasok itong muli ng room at agad na narinig nito ang sinabi ng aming kaibigan. "What is happening to you?!" Hindi na rin nito napigilan pa ang pagtaas ng kanyang boses.

Dahan-dahan na muling pumihit ako paharap kay Faye bago ito tinignan ng diretso sa kanyang mga mata.

"I'll be happy to spend my remaining months, weeks, and days with Tala. I'll be happy... to make happy and the best memories with her," Napatawa ako habang naluluha. Hindi ko mapigilan ang mapaluha at biglang maging emosyonal. "rather than die without even being able to make her feel the love she deserves. At sa kanya ko lang ipapadama yun until I die."

Pagkatapos ay mabilis ko na itong tinalikuran. Ngunit muli rin namang napahinto dahil sa may gusto pa akong sabihin ngunit nanatili na lamang akong nakatalikod mula sa kanya.

"And don't you dare...don't you dare to tell her about this...about my condition, Faye. Because I swear, I will never forgive you." Atsaka walang sabi na tuluyang lumabas na ako ng kwartong iyon.