Chapter 19 - Chapter 18

Now playing: Balewala - Jireh Lim

Blake POV

Pagkatapos ng pag-uusap namin na iyon kanina ni Tala, ay tila ba nawalan na ako ng gana sa maghapon. Agad na dumiretso na ako rito sa loob ng aking kuwarto at hindi na lumabas pang muli.

Hindi ko lang kasi talaga siya maintindihan. Bakit pagkatapos ng lahat, ganoon na lamang niya ako ipagtulakan na para bang wala kaming pinagsamahan.

Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan niya pa akong ipagtabuyan. Pwede naman kasi niya akong kausapin ng maayos, hindi yung ganito.

Hindi naman ako sa sensitive masyado pero syempre, hindi ko lamang din talaga maiwasan na hindi masaktan ngayon sa nangyayari.

I mean, ano bang mali na sinabi ko sa kanya ang totoong nararamdaman ko? Sa alam ko kasi hindi naman siya mapapahamak doon, hindi ba?

Gusto ko lang naman na ipaalam sa kanya ang nararamdaman ko. At lalong wala akong intensyon na saktan siya. Paninindigan ko naman siya eh.

Bakit hindi man lang niya ako bigyan ng pagkakataon na patunayan yun sa kanya? Na mapatunayan ang sarili ko sa kanya? Willing naman akong panindigan siya at tumayo kasama niya kung natatakot man s'ya eh.

Ang sama-sama ng loob ko kaya heto ako ngayon, tamang nakikinig na lang ng kanta at nilulunod ang sarili sa kakaisip habang nakatalukbong din ng kumot.

Wala rin akong ganang kumausap na kahit na sino. Para bang literal na wala akong lakas. Para bang mas gusto ko na lang ang magmukmok muna rito hanggang sa tuluyang mawala ang lungkot na nararamdaman.

Nang siya namang may biglang humablot ng kumot na nakabalot sa akin, dahilan para bumagsak ako sa sahig at tumilapon din ang kabilang earpod mula sa kabila kong tenga.

"What the fuck, Eli!" Inis na singhal ko kay Eli nang makita ko itong nakatayo sa aking harapan.

Padabog na tumayo ako bago ito tinignan ng masama.

"What?!" Mukha kasi itong tanga na nakatayo lamang sa aking harapan. Halata rin na nang galing ito sa pagtakbo na animo'y nakipaghabulan sa sampung kabayo.

Napalunok muna ito ng maraming beses bago nagsalita.

"S-Si Lexie kasi at si Tala." Napahinto ito sandali dahil hinahabol pa rin nito ang kanyang paghinga. Habang ako naman ay napahinga ng malalim noong sandaling marinig ko ang pangalan ni Tala.

"N-Napadaan kasi si Mang Berto at sinabi niyang p-paalis na raw sina Lexie at Tala ng P-Palawan--"

"A-Ano?!" Gulat na gulat na muling napatayo ako bago mabilis na kumuha ng jacket at isinuot ito.

"T-Teka, where do you think you're going?" Nagtataka na tanong nito sa akin.

Mabilis na lumabas na ako ng aking kuwarto kaya agad din naman ako nitong sinundan.

"Sa tingin mo saan ako pupunta?" Sarcastic na tanong ko rito habang bumababa ng hagdanan. "Of course pupuntahan sila. And Lexie is your girlfriend dude, papayag ka ba na aalis siya na hindi ka man lang nakakapagpaalam?" Pagpapatuloy ko.

"Oo, p-pero..."

Inis na napaharap akong muli sa kanya nang tuluyang makababa na ako ng hagdanan.

"Pero ano?" Magkasalubong ang kilay na tanong ko. Napakamot ito sa kanyang ulo.

"N-Nasa bayan na raw sila eh. Hinatid sila ni Mang Berto kanina." Noon lang ako napatingin sa wrist watch na suot ko, alas nuebe na pala ng gabi.

Napalunok ako ng mariin bago napatingin ng makahulugan kay Eli, na agad naman niyang nakuha ang ibig kong sabihin.

"N-No way!" Napapailing na sabi nito sa akin.

"Yes. And you will drive." May awtoridad na sabi ko sa kanya. Ngunit mas mariin na napailing ito.

"Fine. I will drive alone---"

"FINE!" Napilitan na tuluyang pagpayag nito bago kinuha ang susi ng sasakyan.

Nauna akong lumabas ng bahay kung saan agad naman na silubong kami ni Auntie Nora, na ngayon ay katatapos lamang din sa pagtinda ng kanyang barbeque.

Agad na nagpaalam kami rito. Pero syempre, kinailangan naming magsinungaling dahil siguradong hindi kami papayagan para umalis.

"D'yan lang kayo sa unahan eh kung makaporma kayo para bang manghaharana kayo ng dalaga?! HINDI. Walang aalis!" Matigas na pagtanggi nito.

Kaya naman lihim na napasinyas ako kay Eli na pumasok na sa kotse upang wala nang magawa pa si Auntie. Agad din naman nitong binuhay ang makina ng sasakyan.

"Auntie, babalik kami agad." Sabi ko sa Auntie ko at mabilis na umikot na sa passenger seat.

"Where do you think you're going?!" Biglang sulpot ni Faye at mabilis na sumakay din sa likod.

"Ano 'to? Aalis kayo na hindi ako kasama?" Napapailing na sabi nito.

May kung ano pang sinasabi si Auntie Nora ngunit hindi na namin pa iyon pinansin nang pinasibad na ni Eli ang sasakyan.

"So, saang Hotel daw sila ngayon? Na-mention ba ni Mang Berto?" Tanong ko kay Eli.

"I-I heard, Hue Hotel?" Rinig kong sabi ni Faye.

"Okay then doon tayo didiretso." Wika ko.

"You do you really think alam ko kung saang yun?" Reklamo ni Eli.

"Pwedeng magtanong." Sarcastic na sagot ko sa kanya. Napatango ito at mas binilisan pa ang pagpapatakbo.

Sa tingin ko naman hindi kami aabutin ng umaga dahil sa isang oras lang naman ang layo ng bayan mula rito sa Baryo Maligaya.

Ang kailangan ko lang talaga ngayon ay makausap si Tala. I just want to clear things out. Ayokong siya aalis na ganito, ayokong aalis siya na para bang maiiwan akong naka-hang sa ere at hindi alam kung hihintayin ko ba siya o titigil na lang ba ako.

But as if naman na susukuan ko siya ng ganun lang. No way! Of course not, I have been waiting for this chance, so there's no way na hahayaan kong mapunta lamang ito sa wala.

Ngunit nasa kalagitnaan pa lang kami ng daan nang biglang huminto si Eli.

"Why did you stop?" Magkasalubong na naman ang kilay na tanong ko sa kanya.

"Woah! Loosen up, my Princess." Napapangisi na sabi nito sa akin bago lumabas ng sasakyan. "May-che-check lang ako." Pagkatapos ay pumunta ito sa may likod ng sasakyan, ilang segundo lamang din ay bumalik ito nang nakabusangot.

"Fuck! Flat 'yung gulong sa likod." Mariin na napapikit ako bago napamura na rin ng mahina.

"Bakit naman hindi mo chineck 'yung gulong bago tayo umalis?!" Muling singhal ko sa kanya habang dismayadong napapailing.

"Sorry." Paghingi nito ng paumanhin. "We just need to wait here for help, until may dumating na ibang sasakyan." Dagdag pa niya.

"Damn it!" Muling pagmura ko sinusubukang ikalma ang aking sarili.

Hindi ko rin naman gustong natatarayan si Eli ngayon pero wala akong magawa, I just need to talk her...to Tala.

"At bakit parang kasalanan pa ni Eli?" Rinig kong tanong ni Faye, ngunit pinili ko na hindi na lamang ito pansinin.

"Why don't you just accept the fact na ayaw talaga sa'yo ni Tala at gino-ghosting ka na niya kaya hindi na rin siya nagpaalam pa. Tapos ngayon hahabulin mo siya, knowing na wala ka naman talagang mapapala." Dagdag nito kaya naman para bang biglang nabingi ako sa sinabi niya at mas lalo pang uminit ang ulo ko.

"What did you just say?" Naniningkit ang mga mata na napaharap ako sa kanya. Habang si Eli naman ay lumabas ng sasakyan para magsindi ng yosi.

"Well, you're not deaf, Blake. I know you hear me the first time." Matigas na sabi nito sa akin.

What the hell is her problem?

"No, I want you to say it again so I can---"

"AYAW sa'yo ni Tala. AYAW N'YA SA'YO, Blake." Pagbibigay diin nito sa kanyang sinabi. "Malinaw na ba?"

"What the fuck is your problem, Faye?!" Hindi ko na napigilan pa ang hindi magtaas ng boses.

"Hey, hey, guys! Ano ba! 'Wag naman kayong magtalo. Save your energy dahil mukhang matatagalan pa tayo rito." Pag saway sa amin ni Eli.

God! I hate this feeling. 'Yung feeling na gusto mong iiyak 'yung magkahalong inis na nararamdaman mo ngayon. 'Yung pinipilit mo naman sana na maging kalmado sa sitwasyon pero hindi mo magawa, sa pag-aalalang baka tumuyan na siyang mawala.

Gusto ko lang namang habulin at kausapin si Tala eh. What's wrong with that? Ayaw ko lang naman na magpag-iwanan na maraming katanungan sa aking isipan. Atleast kahit papaano ginawa ko ang best ko, 'di ba?

Dahil sa sagutan at tensyon na namamagitan sa amin ni Faye ay mas pinili ko na lamang ang manahimik muli. Napaharap na lamang ako sa labas ng bintana at binuksan ito para makalanghap ng sariwang hangin.

Hanggang sa nakatulog na lamang ako nang hindi ko namamalayan at nagising na lang din dahil sa liwanag na nagmumula sa paparating na sasakyan.

Thank God dahil isa sila sa dahilan kaya makakaalis na kaming muli at handa nang bumiyahe. Buong puso na nagpasalamat kami sa mga ito bago sila tuluyang umalis.

"So, tara na? Tuloy pa?" Tanong sa akin ni Eli.

Napatingin ako sa suot kong relo. Alas tres na pala ng madaling araw.

Bagsak ang balikat at naluluha ang mga mata na ibinaling ko na lamang muli ang tingin sa labas ng bintana.

"I-I think we should go back." Tipid na sabi ko rito kasabay ang tuluyang pagpatak ng mga luha sa mga mata ko. Pasimple ko itong pinunasan at hindi na muling kumibo pa.

Tama si Faye, alam ko naman na talaga ang sagot, wala naman talaga akong mapapala. Lalo lang akong masasaktan dahil sa aming dalawa ni Tala, parang ako lang itong ipinagpipilitan na magkaroon ng katuparaan ang sa aming dalawa. Na baka katulad ng tula, bigla kaming tugma.

Agad na naman na sinunod ako ni Eli.

Sa buong biyahe hanggang sa makauwi kami ay binalot lamang kami ng katahimikan. Wala kahit isa sa amin ang gustong magsalita.

Dumiretso rin ako sa aking kuwarto pagkatapos, ni-locked ang pinto at doon nagmukmok.

Hindi ko mapigilan ang maging emosyonal sa buong magdamag. Nasasaktan ako.

Oo, nasasaktan ako.

Hindi ko kasi gets eh.

Bakit pagkatapos na iparamdam sa akin ni Tala na special din ako sa kanya, bakit pagkatapos nitong iparamdam sa akin that we can be more than just friends and make out buddy, eh bigla na lang siyang mawawala. Hindi man lamang siya nagpaalam. Hindi man lamang siya nagsabi kahit na anumang paalam o dahilan.

Hindi ko lang siya maintindihan. Wala naman akong ginawa ah. Sinabi ko lang naman 'yung nararamdaman ko para sa kanya, masama ba yun?

Buong magdamag masama ang loob ko. Hanggang sa sumapit ang umaga, ramdam ko pa rin ang bigat ng nararamdaman ko. Hindi na rin muna ako lumabas ng kwarto. Hindi ako nakakaramdam ng kahit na gutom o nauuhaw man lamang. Ayoko rin ng kausap kahit na sino.

Ilang beses na akong kinatok ni Auntie, but I just kept pretending that I didn't hear anything and that I was asleep.

Until sa nagpasya na akong lumabas na dahil sa alas kwatro na ng hapon.

Papalabas pa lamang sana ako ng aking kuwarto nang makaramdam ako ng biglang pagkahilo. Napahawak ako sa door frame dahil ramdam ko na unti-unting dumidilim ang paningin ko.

Noon naman nakita kong tumatakbo paakyat ng hagdanan si Eli nang makita ako. Pagkatapos ay mabilis ako nitong nasalo ng kanyang mga braso dahil bigla na lamang na natumpa ako.

Nakikita kong sumisigaw ito at alam kong tumatawag siya ng tulong, pero tela ba bingi ako dahil hindi ko siya naririnig...hanggang sa tuluyan na kong mawalan ng malay.