Chapter 21 - Chapter 20

Now playing: Fallin' For You by Colbie CaillatTroye

Tala POV

"Are you that happy?" Tanong ko kay Tala nang makita ko itong mayroong malawak na ngiti sa kanyang mga labi habang nakatitig sa aking mukha.

Napahinto kami sandali sa paglalakad. Nag-insist kasi ito na ihatid na ako pauwi kina Mang Berto kahit nasa likuran naman namin sina Lexie at Eli na sobrang na-miss agad ang isa't isa.

"Yes." Sagot nito bago napakagat sa kanyang labi. Hinawi rin nito ang ilang hibla ng buhok na humaharang sa mukha ko atsaka iniipit iyon sa likod ng tenga ko.

Hindi naman kasi talaga maitatago ng mga mata niya ang saya na nararamdaman niya ngayon. Dahil doon ay napangiti na rin ako ng malawak.

I am glad that I am the reason for her smiles now.

"Sa sobrang saya na nararamdaman ko, I feel like I'm just dreaming." Wika nito bago hinaplos ng marahan ang pisngi ko. "At masaya akong hindi lang ako basta nananaginip, masaya akong bumalik ka para sa akin." Dagdag pa niya.

Awtomatiko naman napakagat labi ako para pigilan ang sarili sa muling pag ngiti.

"Your eyes are smiling." Nakangiting sabi niya. "What is it?" Tanong pa niya. "Care to share, my lady?"

Napailing ako pagkatapos ay hinawakan ang magkabilaan niyang pisngi. Mas inilapit ko pa ang katawan ko sa kanya pati na rin ang aking mukha. Napalunok ito habang bumababa ang kanyang mga mata sa aking labi, habang ako naman ay unti-unting inilapat ang aking labi sa kanya.

Kapwa kami napasinghap nang maramdaman naming muli ang lambot ng labi ng bawat isa. Awtomatiko ko ring naramdaman ang dumadaloy na kuryente na bigay ni Blake sa akin, kuryenteng sa kanya ko lamang naramdaman ng ganito.

Hindi nagtagal ang halik na iyon dahil sa pang-aasar nina Eli at Lexie mula sa likuran namin.

"You know guys, pwede kayong pumwesto sa may likod ng punong kahoy, sa kasukalan o kung hindi naman kahit saan na wala pwedeng makakakita sa inyo, wag lang dito sa gitna ng daanan." Sarcastic na sabi ni Eli pagkatapos ay napatawa ng malutong si Lexie.

"Mga baliw!" Natatawa na saway naman ni Blake sa kanyang kaibigan bago nito kinuha ang kamay ko at hinawakan iyon.

Habang ako naman hindi pa rin mapigilan ang kilig na nararamdaman.

Hanggang yata sa pagtulog ay naka ngiti pa rin ako. At swear, hindi ko magawang isarado ang aking labi mula sa pag ngiti dahil hindi ko kaya. Masyado akong masaya para mapigilan nang ganun lang ang malawak kong pag ngiti.

Maging ang aking puso, hanggang ngayon ang lakas-lakas ng kabog nito na animo'y may kung anong pasabog sa loob ng aking dibdib.

Ganito pala ang feeling kapag tuluyang pinakawalan mo ang pinipigilang nararamdaman mo para sa isang tao. Iyong tipo na kahit na ilang beses mo pang ikulong ito sa iyong sarili dahil sa takot na baka masaktan ka, takot na sumugal, takot sa walang kasiguraduhan, pero magiging worth it pala talaga ang lahat kapag natutunan mong harapin ang lahat ng takot na iyon.

Minsan, kinakailangan lang talaga natin ng trigger point para magkaroon ng lakas ng loob para sumugal sa pag-ibig. Nakakatakot naman kasi talaga ang sumugal sa pag-ibig, di ba? Isa kasi talaga ito sa mga bagay na hindi hawak at pwedeng makontrol.

Pero walang mangyayari kung hindi susubukan. Mas maigi nang sumugal sa ngayon, matalo man o manalo, atleast sinubukan, atleast walang pagsisisi sa huli.

Atleast sinubukan ko, para kay Blake, hindi ba? Dahil ayokong mabuhay sa maraming what ifs na sana ay ginawa ko na lang lalo na at may pagkakataon naman na ibinibigay ang mundo para sa akin.

Kaya sa ngayon, higit pa sa nakawala sa hawla ang nararamdaman kong saya Hindi ko ma-explain. Dahil alam ko sa sarili ko na gagawin ko ang best ko to prove myself to her.

Andito pa rin 'yung takot sa dibdib ko, pero mas lumalamang na ang kagustuhan kong sumugal at sumubok. Kaysa naman sa wala akong ginawa at hahayaan na lang gayong may pagkakataon naman na ibinigay sa akin.

And all I can think about now is Blake, of how the connection we made was real.

She was the only one who made me feel this way.

And I just can't believe that I fell in love with a woman that even in my dreams, I never saw would happen to me.

And now, it just happened.

Isa pa, hindi rin ako makatulog dahil sa inasta ni Faye kanina. Paulit-ulit kasing bumabalik sa aking isipan ang pagkagulat nito na makita kaming magkasama ni Blake kanina bago siya nag-walk out.

And all I can see is that she's mad at me. At naiintindihan ko kung bakit.

Maybe because masyado lamang itong concern for Blake. At nasaktan ko ang kanilang kaibigan.

But the way she looked at Blake earlier was as if she was in pain. Katulad na lang kung paano niya rin tignan si Blake noong nahuli niya kaming magkasama noong araw na nag-camping kami.

And an idea came to my mind, maybe I'm not too numb to not see and feel it. Right?

Maybe Faye likes Blake.

And a familiar pain drew in my chest when I thought about that.

Pero hindi ko rin naman siya masisisi, I mean, sino ba naman kasi ang hindi mahuhulog kay Blake, right?

At higit sa lahat, kamahal-mahal naman talaga si Blake.

I'm just so lucky and blessed dahil ako ang napili ng kanyang puso na mahalin.

---

"Good morning, Ms. Author!" Hindi ko mapigilan ang mapangiti ng matamis habang nananatiling nakapikit pa rin ang mga mata, nang marinig ang boses ni Blake.

Pati ba naman sa ganito kaaga maririnig ko rin ang boses niya? Aba! Buong panaginip ko yata ay tungkol na sa kanya, pati ba naman ngayong pagising ko?

Narinig ko itong napatawa nang mahina, dahil doon ay pwersahang iminulat ko na ng tuluyan ang aking mga mata. Agad na bumungad sa akin ang nakapaganda nitong mukha, habang nakatitig sa akin ang nakakalunod niyang mga mata, habang mayroong nakakalokong ngiti sa kanyang mga labi.

Napalunok ako ng mariin bago tinakpan ang aking mukha gamit ang dalawa kong palad dahil sa hiya. Bakit kasi ang ganda-ganda niya tapos ako heto, amoy higaan pa.

Panaginip din ba ito? Nananaginip pa rin ba ako?

Hindi nagtagal ay naramdaman ko na lang ang paglapat ng kanyang malambot na labi sa likod ng palad ko, na hanggang ngayon ay nakatakip pa rin sa aking mukha.

"I miss you. Please wake up now because my mornings are incomplete without you." Rinig ko pang bulong nito, sakto lamang para marinig ko.

Agad naman na nagbigay iyon ng milyon-milyong paru-paro sa tyan ko. Haaaay! Ke-aga agad kinikilig na naman po ang lola ninyo!

Noon naman ako biglang napabangon mula sa pagkakahiga nang ma-realize na hindi ako nananaginip at totoong nasa tabi ko nga siya.

Nagtataka naman ang mga mata na tinignan ako nito.

"W-What are you---why are you here? How did you---"

"Sshh!" Mabilis na tinakpan nito ang aking labi gamit ang kanyang palad.

"Sa bintana ako dumaan." Sabay nguso nito sa bintana ng kuwarto kung saan siya dumaan pagkatapos ay napakindat pa.

Napatingin naman ako sa buong kuwarto.

"At nasaan si Lexie?" Pigil ang ngiti na napa kibit balikat lamang ito.

Noon naman napatampal ako sa aking noo. Right, masyadong ginagalingan ni Lexie. Sigurado akong kay Eli na naman siya nagpalipas ng gabi.

Muling ibinalik ko ang aking mga mata kay Blake na ngayon ay parang batang naghihintay sa sermon ng kanyang nanay habang nakatingin sa akin.

"Eh miss na kita eh." Sabay pout nito at pagdadahilan. "Maaga akong nagising para puntahan ka. Sumakto naman na may bintana pala itong kuwarto mo. Kaya what's the point na dadaan pa ako sa main door kung pwede naman akong dumiretso na lang dito, right?" Pagkatapos ay nag-puppy eyes pa.

Kaya naman hindi ko na napigilan pa ang mapatawa ng mahina dahil sa cuteness nito, ngunit sakto lamang na hindi ako maririnig sa labas ng kwarto.

Kagat labi na pinisil ko ang pisngi ni Blake dahil sa gigil, bago siya mabilis na hinalikan sa kanyang labi at niyakap ng mahigpit.

"Good morning too, beautiful." Pagbati ko sa kanya nang maalalang hindi ko pa nga pala siya binabati ng good morning. Nauna pa ang sermon eh, ano?

Kumalas ito mula sa pagyakap bago napanguso.

"Kiss please?" Sabay nguso niya.

Habang ako naman ay napapailing.

"Nah, pwede bang pag-toothbrush'in mo muna ako?" Matigas na pagtanggi ko at tatayo na sana mula sa higaan nang mabilis niya akong hilain sa aking braso dahilan upang muli akong mapahiga.

Mabilis naman itong pumaibabaw sa akin hawak ang magkabilaang kamay ko upang hindi na ako makapalag pa.

"Nah uh!" Napapailing na sabi niya. "Lemme have my breakfast first." Pilyang dagdag pa niya bago dahan-dahan na ipinaghiwalay ang magkabilaan kong legs bago nito ipinuwesto ng maayos ang kanyang sarili.

"Blake..." Saway ko sa kanya habang pinandidilatan siya ng aking mga mata. Ngunit tila ba wala siyang naririnig nang basta na lamang ako nitong hinalikan sa aking labi.

Iyong halik na mabagal, nanghihikayat at nakakapanghina.

"Hmmmmm...Blake, stop.." Bumaba ang mga halik nito sa leeg ko, pababa sa dalawang dibdib ko kaya naman walang nagawa na napapikit na lamang ako noong maramdaman na tuluyang nahanap ng kanyang labi ang nagtatayuan kong nipple.

"B-Blake..."

"Yes?" Napatingin ito sa akin. Agad naman na sinalubong ng aking paningin ang namumungay niyang mga mata pagkatapos ay bigla itong napatawa.

Kunot noo na tinignan ko siya.

"I was just teasing you." Kagat labi na sabi niya halatang nagpipigil sa nagbabadya niya na muling pagtawa.

Napanganga naman ako in belief.

"Napaka mo!" Inis na sabi ko at padabog na tumayo na ng tuluyan bago pumasok sa loob ng banyo.

Gusto lang yata pasakitin puson ko. Hmp!

Nakakainis siya!