Now playing: Anywhere but Here - Safety Suit
Blake POV
"Hmmm..." Hindi ko mapigilan ang mapa ungol nang magising ako dahil sa sakit ng aking ulo. Pati na rin ang panghihilo na nararamdaman.
Sandali na muli kong ipinikit ang aking mga mata dahil pakiramdam ko, umiikot pa rin ang paningin ko.
Napahinga ako ng malalim at dismayado na dahan-dahang napabangon mula sa aking pagkakahiga. Kunot noo na napatingin ako sa bedside table bago kinuha ang baso na mayroong lamang tubig at ininom ito.
Pakiramdam ko uhaw na uhaw ako at ilang araw na hindi nakainom ng tubig.
Sandaling pinakiramdaman ko pa ang aking sarili bago tumayo na at pumunta sa may terrace ng aking kuwarto para makalanghap ng hangin.
Naupo ako sa upuan na gawa sa kahoy bago tahimik na pinagmasdan lamang ang tahimik na kapaligiran, kung saan may mayayabong na punong kahoy ang matatanaw mula rito sa aking kinauupuan.
Napalunok ako ng mariin bago napayuko noong maramdaman ang mainit na likido na lumabas mula sa aking ilong. Mabilis ko iyong pinunasan gamit ang aking palad atsaka dahan-dahan na napatingla.
Oh, I hate my life.
Napapailing na muling ipinikit ko ang aking mga mata kasabay ng pag-ihip ng preskong hangin. Sa tingin ko ay nasa alas dose na ngayon ng tanghali. May naamoy kasi akong tinola ng manok mula sa kapitbahay eh. Nakakagutom.
Noon naramdaman kong kumalam ang aking sikmura. Ngunit mabilis na muling napamulat ang aking mga mata dahil sa para bang naririnig ko sa paligid ang boses ni Tala.
Yes, si Tala na naman.
Hindi ko mapigilan ang mapatawa ng mapakla sa pag-aakalang totoo ang naririnig ko ngayon. Sana nga, totoo na lang. But no, because she chose to leave me.
Hanggang sa may marinig akong mga yabag ng mga paa patungo sa aking kuwarto at mabilis na binuksan ang pintuan.
Awtomatikong napalingon ako rito at agad na bumungad sa akin ang magandang mukha ng babaeng hindi ko inaakalang makikita ko pang muli sa harapan ko ngayon. Hindi maitago ang gulat sa aking mga mata nang muling masilayan ang kanyang magandang mukha.
Sinubukan kong mapakurap ng maraming beses ngunit nananatili pa rin siyang nakatayo sa aking harapan. Hindi ko na naman tuloy mapigilan ang hindi maguluhan, lalo na ngayon.
My heart is pounding so hard this time na tila ba gusto na naman nitong lumabas mula sa aking dibdib.
Pero imposibleng babalik pa siya sa lugar na ito, gayong pinili na niyang umalis nang walang paalam. I mean, malaya naman talaga siyang gumawa ng desisyon para sa sarili niya. Right?
Napatawa akong muli. Pati ba naman sa pagkakataon na ganito paglalaruan ako? Alam kong nananaginip lang ako. Pero sana nga nananaginip na lang ako para naman makasama ko siyang muli ng ganito.
Gosh! I miss her so much! But this isn't real. I know.
Kaya naman mabilis ko siyang tinalikuran at muling ibinalik ang atensyon sa mga nagbeberdihang punong kahoy sa aking harapan.
"Do you think you're just dreaming?" Rinig kong tanong nito sa akin. Pagkatapos ay muli kong narinig ang kanyang mga hakbang na papalapit sa akin, hanggang sa tuluyang huminto ito sa aking harapan dahilan para matakpan ng kanyang magandang mukha ang mga punong kahoy na aking tinitignan.
Hindi ko mapigilan ang mapasinghap nang salubungin kong muli ang kanyang mga mata bago kami kapwa napalunok ng mariin.
"Well, you're not dreaming Blake. I-I really came back for you." Halos pabulong nang sabi nito sa akin habang nakatingin lamang ng diretso sa aking mga mata.
Magsasalita na sana ako nang mas inilapit nito ang kanyang katawan sa akin at mabilis akong niyakap. Iyong yakap na palagi kong hinahanap-hanap, iyong yakap na palaging kumakalma sa magulo kong isipan at nagiging dahilan ng kapayapaan ng aking puso.
Yakap na tanging kay Ms. Author ko lamang mahahanap. Yakap na s'ya lamang ang makakapagpatahan sa umiiyak kong puso.
Tala POV
*Flashback*
Kalalapag lamang namin ni Lexie sa NAIA nang biglang tumunog ang aking cellphone. Sandaling nag-excuse muna ako sa kanya nang makita na ang PI ko ang tumatawag. Lumayo na rin muna ako sandali sa aking kaibigan para naman magkaroon ng privacy.
"God! Finally! I have been waiting for your call for months!" Agad na bulyaw ko sa kanya noong tuluyang sagutin ko ang tawag.
"I'm sorry ma'am. I kept calling you but I couldn't reach you." Paghingi nito ng paumanhin.
"It's okay. " Medyo kumalma naman ako agad dahil ako nga pala itong galing sa lugar na walang signal. "May good news na ba?" Naiinip na tanong ko sa kanya.
"Yes, ma'am. And as you might expect it's good news." Sagot nito.
Agad naman na napasuntok ako sa ere dahil sa biglang excitement na naramdaman. Marahil isa ito sa mga dahilan kung bakit hanggang ngayon, hindi pa rin magkaroon ng kalinawan ang tungkol sa amin ni Blake.
Perhaps part of me is waiting for this good news at para malaman na rin kung sino ba talaga ang nagsesend sa akin ng messages months ago. Because I have a feeling that until now, my heart remains with her even though I haven't met her yet.
Ngunit isang balita ang ikinagulantang ng mundo ko, lalo na noong sabihin ng PI ko ang pangalan ng taong nasa likod lahat ng mga messages na iyon.
Nanghihina ang mga tuhod na naupo ako sa pinakamalapit na bench. Pakiramdam ko kasi bigla akong matutumba dahil sa mga nalaman ko.
"W-What did you just say? W-What is her name?"
"Her name is Mary Blake Salor. She is the daughter of a famous Business Tycoon couple here in the Philippines." Pag-ulit nito sa kanyang sinabi kanina.
"Only child." Dagdag pa niya. "And she is now in Palawan for a vacation. And also, as far as I know, nasa lugar s'ya kung saan ka nang galing. Am I right? Have you met?"
Napatango ako ng maraming beses kahit na hindi naman talaga nito nakikita.
"Y-Yes!" Sagot ko. Kasabay noon ang sunod-sunod na pagpatak ng aking mga luha.
May iba pa siyang sinabi pa tungkol kay Blake. Pero tila ba hindi na nag-si-sink in pa sa aking isipan ang lahat ng kanyang mga sinasabi. Basta ko na lamang pinatay ang tawag atsaka napahagulgol na lang ng biglaan.
Para akong pinagsakluban ng langit at lupa.
Paulit-ulit kong tinatanong ang aking sarili.
Why didn't I notice?
Why didn't I recognize her?
How did I not know?
Una, hindi ko alam na siya pala 'yung babaeng naka-sex ko na hindi ko matandaan, pero itinago niya sa akin, dahil hinayaan niyang ako mismo ang makaalala sa kanya. Hinayaan niyang ako mismo ang maka-recognize sa kanya.
Kahit na alam nitong hindi ko siya naaalala, hindi nagbago ang pagtrato niya sa akin. Inalagaan at iningatan niya ako. Kahit na hindi ko siya maalala, nagagawa niya akong tignan sa aking mga mata at yakapin ang buong ako knowing na isa lamang siyang stranger sa akin.
Tapos ngayon, heto, malalaman ko na ang babaeng matagal ko nang hinahangad na makilala, hindi ko alam all this time ay si Blake din pala. Pero paano? Bakit kailangan siya na lang palagi?
Bakit kahit na saan ako magpunta, Blake is always the person I keep coming back to?
Ano bang nagawa ko? Nasaktan ko siya. Ginulo ko lang siya nang hindi ako aware na ilang beses na niya akong napasaya noon pa man. At patuloy niya iyong ginagawa kahit na deep inside, nadudurog ko na siya.
Kaya naman kahit na kararating lamang namin ni Lexie rito, wala akong choice kundi mag-book ulit ng ticket pabalik ng Palawan.
Wala na akong pakialam pa kung anong naghihintay sa akin.
Kahit na sobrang naiinis na sa akin si Lexie, hindi ko siya pinakinggan. Wala naman din itong choice kundi sumama sa akin pabalik eh.
Para akong nasisiraan ng bait na iyak ng iyak lamang sa buong biyahe.
Hindi ko kasi matanggap na pagtapos ng lahat, ito lamang ang igaganti ko sa kanya.
At wala siyang ibang ginawa kundi ang mahalin ako. Mahalin ako kahit na hindi ko pa man siya nakikilala.
This time, ako na naman. Hindi ko na kailangan pang pag-isipan. Hindi ko na kailangang magdalawang isip pa, magsusugal ako at itataya ko ang lahat, para kay Blake.
*End of flashback*
"I don't hate you because I don't want you to be a part of my life. I hate you, because no matter what I do, and even if I stay away from you, ikaw at ikaw lang palagi ang dulo na pinatutunguhan ko." Naiiyak na sabi ko sa kanya habang gulat na gulat pa rin itong makita ako sa kanyang harapan ngayon.
"Tila ba walang ibang daan kundi patungo lang sa'yo!" Dagdag na reklamo ko pa.
Hindi ko na mapigilan lalo ang muling maging emosyonal.
"Y-You're real, right?" Pagkatapos ay marahan na hinaplos nito ang pisngi ko. Napapikit ako dahil sa init ng palad nitong lumapat sa balak ko. Napatango ako.
"I'm real." Halos pabulong nang sabi ko sa kanya bago dahan-dahan na mas inilapit pa ang aking mukha.
"I'm real and I am not going anywhere again without you." Dagdag ko pa.
Isa isang nagsimula sa pagpatak ang kanyang mga luha bago dahan-dahan na hinalikan ako sa labi, na agad ko naman itong ginantihan. Hindi iyon nagtagal nang muli nitong paghiwalayin ang aming mga labi.
"I love you...I really do, Tala."
"I know." Pagkatapos ay hinalikan siya sa kanyang noo.
"What the fuck?! And what the hell is she doing here?!" Kapwa kami napalingon ni Blake sa pinagmulan ng boses na iyon at sinalubong ang galit na galit na mukha ni Faye.