Now playing: Huling Sandali - December Avenue
Tala POV
"I love you, Tala. And I want you to be mine."
"Tala, I love you. At hindi ako magsasawang sabihin 'yan sa'yo."
"Stop asking why I love you. Because the only thing that can answer you is my heart. At kailangan mong panindigan 'to!"
"Whether you like it or not, sa akin lang ang bagsak mo. Like the moon destined for the sun."
"I won't stop until I make you mine."
"Ikaw lang ang gusto ko. Ikaw lang 'yung gusto kong mahalin. Ikaw lang ang gusto kong kabaliwan wala ng iba."
"At kahit na ipagtulakan mo ako ng paulit-ulit, kahit na anong sabihin mo, wala kang magagawa dahil hindi ikaw ang magdedesisyon nun kundi ito."
Hanggang ngayon, palagi ko pa ring naaalala ang mga sinabi ni Blake. I couldn't get her out of my mind.
At dahil din dito, mas lalo akong nahuhulog sa kanyan. Mas lalong napapalapit ang loob ko sa kanya. But there's a part of me na tila ba may pakiramdam akong hindi tama.
Nahuhulog ang loob ko sa kanya and yes, I admit na gustong-gusto ko siya, pero bakit hindi ko magawang sabihin at ibalik sa kanya ang nararamdaman nito para sa akin?
Hindi ba kasagutan naman talaga ang hinahanap ko at gustong kong marinig mula sa kanya?
pero bakit tila ba naguluhan pa yata ako lalo kahit na obvious naman na ang sagot.
Paheras lang kami ng nararamdaman pero bakit parang may mali?!
Bakit?!
Kaya naman dahil doon ay nagpasya akong sabihan si Lexie na kailangan na naming umalis at bumalik ng Manila as soon as possible.
Nagulat man namin ang kanyang Uncle at Auntie eh wala naman na silang nagawa pa noong makita na naka impake na ang mga gamit namin.
Agad na hinatid kami ng kanyang Uncle Berto papuntang bayan. Doon na kami magpapalipas ng gabi at bukas ng umaga ang flight namin. Mabuti na lang at nakapag-book din kami kaagad ng ticket.
Tatakasan mo ang mga nangyayari at pati na rin si Blake? Tanong ng aking inner self.
Yes! I have to.
Hindi ko rin naman magawang sabihin sa kanya ang gusto niyang marinig sa akin. So what's the point na mananatili pa ako rito. Right?
I mean, magulo masyado ang isipan ko. Mas lalo lang nagulo sa kahahanap ko ng kasagutan na akala ko ay magiging okay ako pero hindi.
Oo, maging ako ay naiinis na rin sa sarili ko.
So wala akong choice ngayon kundi ang lumayo. Wala akong choice kundi ang i-ghost si Blake kasi mas lalo lang magkakagulo ang lahat kung pipiliin kong harapin pa siyang muli.
Nakakakonsensya lamang kasi. Katulad na lang noong nangyari kanina habang naglalakad ako papunta sa paborito naming place rito sa baryo.
Kinailangan kong ipagtulakan siya dahil iyon lamang ang nakikita kong tamang paraan.
Gosh! Kung bakit naman kasi hindi ko magawang sabihin?!
Hindi naman siguro mahirap na magsabing gusto ko rin siya at parehas lamang kami ng nararamdaman. Hindi ba?
Ang nakakatawa pa, pagkatapos kong ibigay sa kanya ang pagkababae ko atsaka ako nagkakaganito?
What the hell is wrong with me?
Mas lalong hindi ko mapigilang mainis sa sarili ko noong makita ko kung paano ko siya nasaktan dahil sa mga nasabi ko.
Believe me ayokong sabihin ang mga iyon kanina dahil kung hindi, bibigay na naman ako. Lalo na sa tuwing nagtatama ang mga mata namin.
God! Her eyes. Nakakapanghina kung paano niya ako tignan kanina. And I hate myself for that. Hindi ko dapat siya sinasaktan, but I have to.
Kasi mas lalo lamang siyang madadamay sa magulong isipan ko.
Paulit-ulit akong tinatanong ni Lexie kung ano ba talaga ang dahilan. Naiinis ito sa akin dahil hindi man lamang siya nakapagpaalam ng maayos kay Eli.
Hanggang sa hindi ko na nakayanan pa at walang nagawa na kinuwento ko na sa kanya ang lahat.
From the very start na unang beses na nagkita kami ni Blake.
Yes, from that night.
Hanggang sa mapunta kami sa Baryo Maligaya at hanggang sa huling beses na pagkikita namin ni Blake kanina.
Isang sapak ang natamo ko mula sa aking kaibigan. Nasa Hotel na kami ngayon. Nakapaglinis na rin kami ng aming mga katawan at handa na sa pagtulog.
"Eh kung hindi ka ba naman saksakan ng tanga!" Bwisit na singhal nito sa akin. Halatang disappointed.
"Hindi mo na nga siya naalala nung una, tapos ngayon tatakasan at i-go-ghosting mo pa?!" Dismayado pa rin na dagdag nito. "Okay ka lang ba?"
Habang ako naman ay nananatiling tahimik lamang na nakaupo sa aking kama. Magkahiwalay kasi kami ng magiging higaan.
"Sana kahit papaano pinaliwanag mo sa kanya, nagpaalam ka man lang sana sa kanya. Deserve niya naman siguro ng explanation, di ba? Eh kung ikaw kaya yung nasa kalagayan nung tao? Hay naku, Kristala tantanan mo ako sa kaartehan mo!" Inis pa rin na pagpapatuloy niya.
"Gosh! Kung ako sa kalagayan mo susunggaban ko agad ang pagkakataon. Si Blake yun, Tala! Please, wake up!" Napapailing ito at padabog na nahiga na sa kanyang higaan.
"Well, sana lang makatulog ka ng mahimbing dahil sa ginawa mo. Ay hindi pala, sana man lamang kahit konting konsensya para sa tao, magkaroon ka. Good night!" Agad na tinalikuran na ako nito at nagtalukbong ng kanyang kumot.
Alam kong inis sa akin si Lexie at hindi talaga siya matutuwa sa nagawa ko.
Pero hayyyy. Ewan. Ang gulo.
Ang gulo-gulo ko to the point na nakakasakit na ako ng ibang tao.
Sandali pa akong nakatulala sa kawalan hanggang sa magpasya akong mahiga na rin. Ngunit noong sandaling ipinikit ko ang aking mga mata, ay siya namang para bang kusang nag-flashbacks ang lahat ng alaala na meron ako kasama si Blake.
From the way she looked, from the way she smiles, her laughters, her eyes at kung paano ako nito lunurin sa pamamagitan ng kanyang mga mata, her presence na talagang hindi ko maitatangging kinaadikan ko na at inaamin kong hahanap-hanapin ko pa. Iyong mga dirty talks and naughty things niya with me, ang napakaganda niyang mukha na gustong-gusto ko palaging makita at titigan at pati na rin ang malambing niyang boses.
Gosh!
Bakit ako nagkakaganito kung una sa lahat ako naman itong paasa?
Yes. Ano pa bang tawag sa akin kundi paasa.
Hindi ba?
Kusa ko na lamang naramdaman ang isa isang pagpatak ng mga luha sa aking mga mata. Hindi pa kami nakakaalis ng Palawan pero namimiss ko na siya agad.
Sinabihan ko siyang walking red flag pero ako naman pala itong red flag talaga.
I hate myself for doing these things to her!
Pero mas mabuti na ring lumayo na muna ako. Maybe para mas makapag isip ng tama? At kung talagang gusto niya ako at mahal niya ako, she can wait.
Hanggang sa maging tuluyang maayos at malinaw na ang lahat sa akin, hindi yung ganito.
For now, kailangan ko na munang lumayo. At iyon ang paninindigan ko.