Now playing: Reckless by Madison Beer
Blake POV
*Flashback*
"Why?" Iyon lamang ang tanging lumabas sa kanyang labi.
Kapag ba sinabi mo sa isang tao na mahal mo siya, kapag ba ipinagtapat mo ang totoo mong nararamdaman sa kanya, kailangan ba talaga palagi ng dahilan bakit mo siya mahal? Kung bakit mo siya minamahal?
Tama ba na isang katanungan ang sagot sa salitang 'Mahal kita'?
Hindi ako makasagot at sa halip ay napa iwas na lamang din ng tingin mula sa kanya.
"What, why?" Hindi ko mapigilang maitanong sa kanya. May kung anong kabog sa dibdib ko ang hindi ko maintindihan at maipaliwanag. Para bang bigla akong nakaramdam ng kalungkutan sa hindi malamang dahilan.
"I mean, why do you love me? W-Why me?" Sagot nito at muling pagtanong na rin sa akin. Napalunok ako ng mariin.
Do I really have to answer her?
Hindi ba pwedeng mahalin ko na lang siya ng walang dahilan? Hindi ba pwedeng mahal ko siya dahil sa kanya ako tinamaan? Mahal ko siya dahil siya si Tala?
Kailangan ko pa bang sabihin sa kanya ang mga yun?
Napahinga ako ng malalim at sasagot na sana nang bigla na lamang itong bumangon mula sa pagkakahiga sa aking tabi. Walang lingon likod at tahimik na pinulot nito isa-isa ang kanyang saplot bago ito isinuot.
I guess, she doesn't feel the same as I do. Malungkot na sabi ko sa aking sarili.
*End of flashback*
Pagkatapos ng araw na yun, hindi na ito muling nagparamdam sa akin. Hindi na rin siya nadadalaw sa bahay pa kasama si Lexie. Dahil kung hindi raw ito abala sa kanyang pagsusulat, eh natutulog siya.
Tatlong araw na ang nakalipas pero umaasa pa rin ako na makita siya. Makausap siya. Sa totoo lang na-mimiss ko na si Tala. Hindi ko naman ipipilit kung hindi pa naman siya talaga handa. Baka kasi masyado ko lamang siyang nabigla. Baka dahil hindi pa talaga iyon tamang oras para sabihin sa kanya.
Pero masisisi n'yo ba ako? Hindi ko lang talaga mapigilan ang nararamdaman ko.
Because for the second time around, we made love again. At wala akong pinagsisisihan doon. Wala akong kahit konting pinagsisisihan sa ginawa namin.
Sa ilang araw na namalagi ako sa bahay dahil sa hindi ko rin nakakasama at nakikita si Tala, kaya nagpasya akong pumunta na lamang muna sa paborito kong spot dito sa baryo. Iyong lugar kung saan kami muling pinagtagpo ng tadhana.
Kailangan ko rin kasing mag-isip. Palaging siya na lang kasi talaga ang tumatakbo ngayon sa isipan ko. Haaaaay. Hindi siya napapagod.
Habang nasa kalagitnaan ng paglalakad ko, hindi ko maiwasan ang hindi mapakurap ng maraming beses noong mapansin ang babaeng naglalakad din sa may unahan ko.
Awtomatikong gumuhit ang ngiti sa aking labi at mas binilisan pa ang mga hakbang para habulin s'ya. Napalingon ito sa gawi ko nung mapansin niyang may sumusunod sa kanya.
Ngunit agad din na binawi ang kanyang paningin at mas binilisan pa nito ang mga hakbang nang makita na ako ang sumusunod sa kanya.
"Tala, wait!" Tawag ko sa kanya.
Ngunit tila ba wala itong naririnig.
Kaya naman tumakbo na lamang ako hanggang as tuluyang maabutan ko siya at sinabayan ang mga hakbang niya.
"Blake." Parang galit ang tono ng boses nito. Ngunit pilit na binalewala ko iyon.
Kahit na ang totoo ay naninibago ako sa kung paano ako nito tignan ngayon. Hindi na katulad ng dati na paparating pa lamang ako, kumakaway na siya o kung hindi naman ay nakangiti na ito ng malawak.
Totoo nga na kapag sinabi mo ang nararamdaman mo sa isang tao, magbabago na ang lahat sa inyo. Pwedeng positive kasi parehas kayo ng nararamdaman, pero malas mo lang kung ikaw lang ang may nararamdaman sa inyong dalawa. Kaya minsan, mas okay nga pala talaga na itago mo na lang at sarilinin na lang.
"Why are you following me?" Tanong nito sa akin. Napangisi ako para itago ang kabang nararamdaman sa dibdib.
"Dahil gusto ko, bakit?" Pamimilosopo ko sa kanya.
Ngunit sa halip na sagutin ako ay napailing lamang ito at para bang iritable na muling nagpatuloy sa kanyang paglalakad.
Muling hinabol ko ito at mabilis na hinigit sa kanyang braso bago pilit na iniharap s'ya sa akin.
"Tala, wait lang please." Pakiusap ko sa kanya.
"What?!" Medyo tumataas na rin ang kanyang tono.
"Why are you acting this way?" Nasasaktan na ako sa ginagawa niya. Hindi rin maitago ng mga mata ko ngayon na unti-unti na akong nasasaktan sa ginagawa n'ya.
Pwede naman niya akong kausapin eh. Kung ayaw niya sa akin okay lang, but we cannot just be friends. Hindi naman ako papayag doon, 'no? Pero maghihintay ako kung kailan siya magiging handa.
Hindi ko naman siya minamadali. Kung kailangan niya ng panahon at kahit na gaano pa kahaba yan, hihintayin ko pa rin s'ya, wag lang niya akong ipagtabuyan na parang bang...na para bang walang nangyari sa aming dalawa.
O baka para sa kanya sex lang yun? Hindi ko maiwasan ang masaktan nang maisip iyon.
Tahimik na napayuko ako at kinuha ko ang dalawang kamay nito bago isa-isang hinalikan sa likod ng kanyang palad.
"Tala, I love you. At hindi ako magsasawang sabihin 'yan sa'yo." Sinasabi ko iyon habang nakatingin ng diretso sa kanyang mga mata.
Mataman lamang din na tinignan ako nito pabalik. Hindi ko mabasa ang kung ano mang iniisip niya sa mga sandaling ito hanggang sa...
"Why?" Muling tanong nito sa akin.
Dismayado na napairap ako sa kanya atsaka napahinga ng malalim.
"Again?" Napapailing na tanong ko habang hindi makapaniwala.
"Why do you love me?" Pagpapatuloy niya. Umaasa na this time, masasagot ko na ang katanungan niya.
Napalunok ako.
"Tala, I---" Natigilan ako sandali. "Stop asking why I love you. Because the only thing that can answer you is my heart. At kailangan mong panindigan 'to!" Sabay turo ko sa aking puso habang tinitignan siya ng diretso sa kanyang mga mata.
"Whether you like it or not, sa akin lang ang bagsak mo. Like the moon destined for the sun." At walang sabi na mabilis ko itong hinalikan sa kanyang labi.
Ngunit mabilis niya akong itinulak papalayo mula sa kanyang katawan.
"Will you stop, Blake?" Inis na inis ang mukha na tinignan ako nitong muli. "Pwede ba?" Dagdag pa niya.
Nasasaktan na ako. Hindi ko na ipagkakaila, pero nasasaktan na ako. Bakit niya ito ginagawa?
"I won't stop until I make you mine." Pagmamatigas ko bago napalunok ng mariin.
At patuloy na magmamatigas ako. Hindi ko siya susukuan, no?
"Ikaw lang ang gusto ko. Ikaw lang 'yung gusto kong mahalin. Ikaw lang ang gusto kong kabaliwan wala ng iba." Dagdag ko pa. "At kahit na ipagtulakan mo ako ng paulit-ulit, kahit na anong sabihin mo, wala kang magagawa dahil hindi ikaw ang magdedesisyon nun kundi ito." Muling itinuro ko ang kaliwa kong dibdib kung nasaan ang puso ko.
"Hindi ka talaga titigil no?" Wika nito habang napapatango.
"Yes." Pangungulit ko.
"Okay." Sabay talikod nito mula sa akin. Sinundan ko siya ng tingin habang naglalakad papalayo sa akin. Gustuhin ko man siyang habulin muli ngunit ako na mismo ang pumigil sa aking sarili.
Maybe needs time to think and I respect that, kaya ibibigay ko na muna iyon sa kanya.
"Gusto mo, gusto ka ba? Mahal mo, mahal ka ba?" Napalingon ako na pinanggalingan ng boses na iyon at sinalubong ang seryosong mukha ng aking kaibigan.
"Faye, what are you doing here?"
"What are YOU doing here?" Ganti na tanong nito sa akin bago napasulyap sa direskyon kung saan patungo si Tala kanina. "Pinagsisiksikan mo 'yung sarili sa taong hindi ka naman gusto."
"Oh, shut up. Gusto ako no'n. K-Kailangan lang n'ya ng time...I think?" Pagpapayabang ko. Napangisi naman ito.
Hindi ko na lamang siya pinansin at muling inihakbang ang aking mga paa.
"Saan ka pupunta?"
"Susundan si Tala?" Patanong at hindi sigurado na sagot ko sa kanya. Mas gusto ko na lang sundan si Tala kaysa kausapin si Faye, siguradong sesermonan lang na naman ako nito eh.
"Hinahanap ka na ng Auntie Nora mo." Sabi nito.
"And?"
Ngunit tinignan ako nito ng matalim at may kahulugan sa aking mukha. Napailing ako.
"Fine."
"Good." Tugon naman niya at sabay na kaming muling naglakad pauwi na ng bahay.
"Kung bakit naman kasi tumitingin ka pa sa iba eh nandito lang naman ako." Awtomatiko akong natigilan at mabilis na muling napaharap kay Faye.
"What did you just say?" Halatang nagulat ito sa naging reaksyon ko, pagkatapos ay napalunok ng mariin.
"N-Nothing." Namumula ang buong mukha na sabi nito bago binilisan ang mga hakbang at nauna na sa akin sa paglakad.
Kunot noo na sinundan ko siya ng tingin.
Namali lang ba ako ng dinig? Tanong ko sa sarili bago muling nagpatuloy sa paghakbang.
Weird.