Chereads / My Torets CEO Boss / Chapter 2 - Chapter One

Chapter 2 - Chapter One

UNANG ARAW sa trabaho ni Andrea Morales ngayon. Ito ang kauna-unahan niyang trabaho na napasukan. Kaga-graduate niya lang kasi sa kursong business management at kinakailangan niya na kaagad na makapag trabaho dahil kamamatay lang ng kanilang mga magulang. Parehong guro sa eskwelahan ang kanyang mga magulang sa isang pampublikong paaralan sa kanilang probinsya. Ngunit sa isang hindi inaasahan na pang yayari ay aksidenteng nabangga ng isang kotse ang sinasakyang traysikel ng Mga ito at nahulog sa bangin na malapit sa kalsada. Kaya't Ulilang lubos na sina adrea. Panganay siya sa dalawang magkapatid. Dahil sa kailangan niyang mag hanapbuhay Ang isa niyang kapatid na lalaki ay inihabilin niya muna sa kanilang tiyahin na kapatid ng kanilang tatay.

Pinakiusapan niya ang kanilang tiyahin na doon niya muna iiwan ang kanyang kapatid na si Dominic. Sinabihan niya ito na magpapadala nalang siya tuwing siya ay sa sahod para pang budget sa pagkain ng kaniyang kapatid.

Matapos kasi na mailibing nila ang bangkay ng kanilang mga magulang ay nag desisyon siya na ibenta nalang ang kanilang maliit na bahay at ang perang kanilang pinag bentahan ay ang siyang ibinayad niya sa eskwelahan ng kanyang kapatid upang matiyak na makakatapos ito hanggang kolehiyo.

Nasa 1st year high school palang ang kanyang kapatid na si Dominic at na isip niya na ibayad nalang lahat sa eskwelahan ng kanyang kapatid ang lahat ng perang pinag bentahan ng kanilang bahay. Mayroon na ring eskwelahan kasi para sa kolehiyo sa eskwelahan na pinapasukan ng kanyang kapatid.

Naisip niya na baka kung saan lang mapunta ang pera. Kaya makabubuting agad na ibayad niya na sa eskwelahan ng kanyang kapatid. Dahil doon maka sisigurado silang makakapag tapos talaga ang kanyang kapatid.

Yun kasi ang pangarap sa kanila ng kanilang mga magulang ang makapag tapos sila ng pag aaral ng sa gayon ay magkaroon sila ng maaayos na trabaho paglaki nila. Nagtira lang sila ng kaunti para pang gastos sa libing ng kanilang mga magulang.

Matapos ang dalawang linggong pag dadalamhati sa pag kawala ng kanilang mga magulang ay heto ngayon si andrea sa maynila at nag tatrabaho. Natanggap siya sa pagiging isang assistant auditor sa isang kumpanyang pharmaceutical company.

"good morning po ma'am Santos.." Bati niya sa kanyang manager na si mrs. Santos na noo'y kararating lang. may edad na ang babae na sa tantiya niya ay nasa 50's na ito. Huminto ito sa kanyang tabi at Ngumiti ito pagka kita sa kanya.

"good morning din iha.. Ikaw si andrea morales right?" Tanong nito sa kaniya.

Tumango si andrea dito na may ngiti sa labi bago ito tumugon.

"yes ma'am.. Ako nga po.." sagot niya.

"alam mo naman na siguro ang mga rules dito noh.. Galingan mo iha para ma regular ka.." saad nito kay andrea.

"opo ma'am.. Nasabi na po sa akin ni ms. Suarez kanina.. Salamat po.." magalang na tugon ni andrea sa matandang manager.

Si ms. Suarez kasi ang kasabayan niyang dumating kanina sa opisina. Dahil dalawa palang sila sa opisina ay ito na ang nag orient sa kanya ng tungkol sa rules and regulations ng kumpanyang kanilang pinagta trabahuan. Kaparehas niya ay isa din si ms. Suarez sa limang personnel na naka asign sa audit department.

Pagka tapos marinig ni mrs. Santos ang kaniyang sagot ay nag lakad na ito at pumasok na sa kanyang opisina na katabi lang ng kanyang table.

Mga dalawang oras pa ang lumipas ng may lumapit kay andrea na isang lalaki.

"hi, Ikaw ba si ms. Morales.. Andrea morales?"

tumingala si andrea dito at ngumiti.

"ahmm.. Opo ako nga po.." tugon niya sa lalaking nag tatanong.

"pasahan ngayon ng reports.. Ikaw daw ang mag dala nito kay sir nick.. Ihatid mo kaagad to kasi ayaw ni sir ng pinag hihintay.. Kailangan kasi maaga palang ay nasa kanya na lahat ng mga reports.." paliwanag ng lalaki kay andrea na sa tantiya niya ay halos kasing edad niya lang ito mga around 20's.

"sige po sir.. Noted po.." tugon ni andrea sa kausap.

"naku, wag mo na akong tawaging sir.. Pareho lang naman tayong bago dito.. Ah sige ha.. Iwan ko na to sayo.. Bahala ka na mag hatid niyan kay mr. Buenavista.." saad pa nito bago umalis.

Tango lang ang itinugon dito ni andrea. Nang umalis ang lalaki ay kaagad din siyang tumayo at naglakad papunta sa opisina ng kanilang boss. Dahil hindi niya alam ang daan papunta sa opisina nito ay nag tanong muna siya sa guard na naka tayo malapit sa may elevator. Sinabihan siya nitong umakyat sa 5th floor at kapag dumating siya sa 5th floor ay may makikita daw siyang kulay bughaw na pintuan at iyon daw ang opisina ng kanilang Boss.

Mabilis na umakyat si andrea sa itaas gamit ang elevator. Pagka akyat niya sa 5th floor ay iginala niya ang kanyang mga mata at kaagad naman niyang nakita ang kulay bughaw na pintuan. Ito lang naman ang nag iisang bughaw na pintuan dahil ang kulay ng ibang pintuan doon ay kulay puti na.

Agad siyang lumapit at kumatok sa kulay bughaw na pintuan. Naka dalawang katok siya ng bumukas ang pintuan nito.

Bumungad sa kanya ang may edad ng babaeng na sa tantiya niya ay nasa late 40's na ito. Seryoso ang mukha nito na tumingin sa kanya.

"good morning po.. Ako po si andrea morales ng audit department.. Ito po yung mga reports for this month.." saad niya sa babaeng nasa harapan niya.

Tumango ito sa kanya at binuksan nito ng malawak ang pintuan.

"sige dalhin mo nalang yan kay sir nick.. Pumasok ka diyan sa pintuang nasa kanan mo.." utos ng babae sa kanya at tsaka muli na itong bumalik at umupo sa upuang nasa kanyang table.

Tumango at ngumiti si andrea dito tsaka naglakad papasok. Nang tumapat na siya sa isa pang pintuan na kulay bughaw din ay muli siyang kumatok.

Naka tatlong katok siya bago may muling sumagot.

"come in." narinig niyang sinabi ng taong nasa loob.

Marahan niyang binuksan ang pintuan at tsaka siya pumasok.

Pagka pasok niya sa loob ay naka tayo ang isang lalaking matangkad habang naka talikod ito sa kanyang gawi. May kausap ito sa kanyang cellphone. Nang maramdaman nitong bumukas ang pintuan ay sandali lang itong lumingon sa kanya.

"ahmm.. Good morning po sir.. From audit dep—" bati ni andrea sa kanilang boss. Ngunit hindi na nito tinapos ang kanyang sasabihin ng bigla itong mag salita.

"Put it down to my table.. " saad nito na hindi na muli pang lumingon sa kanyang gawi.

Nakadikit parin kasi sa tenga nito ang hawak nitong cellphone na animo'y pinakikinggan ang nag sa salitang nasa kabilang linya. Agad niyang inilapag ang mga naka folder na reports at agad siyang humakbang palabas ng kuwarto. Doon lang muling lumingon sa kanya ang kanilang boss bago niya tuluyang naisara ang pintuan.

Kahit na hindi niya nakita ng buo ang mukha nito ay alam niyang gwapo ang kanilang amo. Matangkad ito at medyo may Kaputian mas maputi nga lang siya dito. Napa ngiti siya ng tuluyan niya ng naisara ang pintuan. Ngumiti din siya ng bahagya sa babaeng nag bukas sa kanya ng pintuan kanina.

Marahil ito ang sekretarya ng kanilang boss.

Pagka labas sa isa pang pintuan ay dali-dali ding nag lakad si andrea pabalik ng kaniyang puwesto.

Nang dumating na ang tanghalian ay hindi na siya lumabas ng gusali. Dahil may baon siyang pag kain na binili niya sa nadaaan niyang karenderya kanina bago siya pumasok ng trabaho. doon nalang siya kumain sa kanyang table. Kailangan niya kasing tipirin ang natira sa kanyang pera. Medyo may kamahalan kasi ang nakuha niyang apartment.

Maliit lang ito kung tutuusin ngunit dahil sa malapit lang ito sa kanyang pinag tatrabahuan ay pumayag na siya sa ganoong presyo. Total mag isa lang naman siya at hindi niya kailangan ng malaking apartment. Wala din naman siyang masyadong gamit dahil bukod sa kanyang mga damit at isang electric fan. tanging pang isahang foam, isang kumot at dalawang unan lang ang mayroon siya.

Bumili lang din siya nag tig iisang gamit sa pagkain. Maging baso at tasa ay tig iisa lang din. Hindi pa kasi siya nakabili ng lutuan. Mabuti nalang at sa nakuha niyang apartment ay mayroon ng nakalagay na lamesa at dalawang upuan. Kaya't nakakaupo siya kapag nanga-ngalay na ang kanyang paa sa pag upo sa sahig. Wala din kasing bed frame ang kanyang higaan. Tanging sa sahig niya lang inilapag ang nabili niyang foam sa palengke.

Natapos ang buong araw ni andrea sa trabaho ng may ngiti siya sa kanyang labi. Hindi kasi siya na hirapan sa kanyang naging trabaho. Kasalukuyan siyang nag lalakad papuntang sakayan ng jeep ng may nadaanan siyang nag titinda ng mga barbecue. Huminto siya saglit at bumili ng barbecue. Ito kasi ang uulamin niya sa kanyang hapunan.

Maghahanap nalang siya Malapit sa kanyang apartment ng karenderya na mapag bibilhan niya ng kanin. Nang makababa si andrea ng jeep ay palinga linga siya sa paligid upang maghanap ng mabibilhan ng kanin. Sarado na kasi ang karenderyang pinag bilhan niya kaninang umaga ng kanyang pagkain. Medyo malayo na ang kanyang nailagpas sa kanyang apartment ng maka kita siya ng bukas na karenderya. Agad siyang bumili ng kanin dito at mabilis ang kanyang mga hakbang pabalik ng kanyang apartment. Ramdam niya na kasi ang gutom dahil hindi siya nakapag meryenda kanina sa kanyang trabaho. Sa kadahilanang gusto niyang matapos kaagad ang mga ipinapagawa sa kanya ng kanilang manager na si mrs. Santos.