[SHANCAI'S POV]
"Tatlong orders nga ng cheeseburger at isang order ng superlong." ani customer.
"Coming right up Ma'am." tugon ko rito.
Kahit na may bagong trabaho na ako ay hindi ko pa rin binitawan ang pagiging cook ko sa burger stand. Sayang din kasi. At isa pa, night shift lang naman ang bago kong trabaho.
Nga pala, napakabait talaga ni Mr. Angelo dahil hindi pa rin niya ako sinisante dahil sa pag-iwan ko sa negosyo niya although may dahilan naman ako. Expected na kung bakit napaka-successful ng negosyo niya. Maganda rin kasi ang pakikitungo niya sa ibang tao kaya na-be-blessed siya palagi.
"Ito na po ang order niyo." sabi ko sa babaeng customer sabay abot sa kanya ang inorder niya.
Hay! Ang dami kong customers today. Tambak ang pila ngayon.
Habang nagpiprito ako ng mga patties at hotdogs ay dumating naman si Mr. Angelo na ikinagulat ko. Bigla-bigla na lang kasi siya sumusulpot. Hindi ko pa naman napaghandaan 'to.
"Kumusta na ang pinakamagaling kong cook?" nakangiting tanong sa 'kin ni Mr. Angelo.
"Okay naman po ako Sir." sagot ko sa kanya. "Bakit po pala kayo nandito?" tanong ko.
"Gusto sana kitang maka-usap. Si Fhlore na lang ang bahala rito." tugon sa 'kin ni Mr. Angelo.
"Sige po." ani ko.
"Follow me." ani Mr. Angelo.
Sinundan ko naman si Mr. Angelo hanggang sa makarating kami sa kotse niya.
Ano kaya ang pag-uusapan namin? Bihira lang na maka-usap ko si Mr. Angelo. Mukhang seryoso siya eh.
O_____O
OMG! Ito na ba 'yon? Tatanggalin na ba niya ako sa trabaho?
"A-ano po ba ang p-pag-uusapan natin?" kinakabahan kong tanong kay Mr. Angelo.
"Actually, I need a favor. I'm not sure if papayag ka." seryosong sagot niya sa 'kin.
Nakahinga naman ako nang maluwag do'n. Akala ko tatanggalin na niya ako sa trabaho. Buti naman hindi.
Pero napakunot naman ang noo ko sa sinabi ni Mr. Angelo.
"A-anong favor po 'yan Sir?" tanong ko. Ewan ko pero parang kinabahan na naman ako bigla.
.
.
.
.
.
"Can you be my girlfriend for a month?" tanong sa 'kin ni Mr. Angelo.
Ah... 'Yon lang naman pala ang favor niya eh.
.
.
.
O_____O
Nanlaki naman ang mga mata ko nang ma-realize ko ang sinabi ni Mr. Angelo.
"A-ano po?" hindi makapaniwalang sabi ko.
"W-what I mean is I want you to be my pretend boyfriend for a month. May isang babae kasing naghahabol sa akin which makes me so irritated. Two years na siyang sobrang obsessed sa akin and I hate it. Kailangan kita para tigilan na niya ako." pagpapaliwanag sa 'kin ni Mr. Angelo.
Hindi pa rin ma-process ng utak ko ang sinabi niya.
"I know na nabigla ka sa sinabi ko but please pumayag ka." pagmamakaawa niya sa 'kin.
"P-pero bakit ako Sir? Marami namang iba diyan." tanong ko sa kanya.
"It's because ikaw lang ang pinagkakatiwalaan ko. Ikaw lang ang walang may special feelings sa akin. Kung ibang babae ang piliin ko ay baka ma-get attached sila sa akin." sagot niya sa 'kin.
Well, bata pa at pogi si Mr. Angelo kaya maraming nagkakagusto sa kanya. I admit na crush ko si Mr. Angelo pero hanggang do'n lang 'yon.
"Pag-iisipan ko po Sir." tugon ko kay Mr. Angelo.
"Okay, I'll give you time to think. Sa ngayon ay ihahatid na lang kita sa house niyo so that you can prepare for your new job." ani Mr. Angelo.
Hinatid naman ako ni Mr. Angelo sa bahay. Nasa hospital nga pala si Jamieshin kasama si Aling Stella. Ayaw niyang sumama sa akin dahil gusto niyang bantayan ang lola niya. Pinagbigyan ko naman siya. Alam kong nasasaktan pa rin siya sa nangyari sa lola niya.
"Salamat po sa paghatid sa akin Sir." sabi ko kay Mr. Angelo.
"You're welcome Shancai. I'll be waiting for your answer." tugon naman niya at pinaandar na niya ang kotse niya.
Pumasok na ako sa loob ng bahay para maghanda sa second job ko.
[JAMESHIN'S POV]
"The fuck bro. Are you serious?" hindi makapaniwalang tanong sa 'kin ng kakambal kong si Jameson.
"Yes bro." sagot ko sa kanya.
"Pero paano kung hindi siya pumayag?" aniya.
Uminom muna ako ng alak bago sumagot. "Hindi ako titigil hangga't hindi siya umo-o sa akin. Mas lalo ko pa siyang pahihirapan."
"Pero bro, kawawa naman yung nabuntis mo kapag pinahirapan mo siya." ani Jameson.
"Wala akong pakialam kung mahirapan man siya. Ang mahalaga sa akin ay ang anak ko." ani ko.
"Naiintindihan naman kita bro. Pero sana ay wag kang magpadalos-dalos sa desisyon mo." ani kakambal ko.
Kailan pa 'to naging interested sa personal life ko?
"Alam ko ang ginagawa ko bro. At isa pa, kung umo-o na siya ay hindi ko na siya papahirapan pa. I'll give them what they need at hindi ko siya ilalayo sa anak ko since may karapatan naman siya bilang ina." tugon ko sa kanya.
Hindi na siya nagsalita pa at uminom na siya ng alak.
*kriiiiinnnnnnnnggggg!*
My phone rang.
Natasha is calling. Siguro ay nagawa na niya ang pinapautos ko sa kanya.
I answered the call.
"Natasha." ani ko.
("Nagawa ko na ang inuutos mo.") bungad niya sa 'kin.
I grinned.
"Good. I'll see you later to claim your prize." tugon ko kay Natasha.
Nang matapos ang tawag ay nagsalita naman si Jameson.
"Ano na naman ba ang binabalak mo bro?" tanong niya sa 'kin.
"You will find out soon." I told him and drink my beer.
Konti na lang ay magkikita na ulit tayo sa wakas Shancai Kirsten Salvador.
[SHANCAI'S POV]
"Ayos na ba 'tong suot ko?" tanong ko sa sarili ko. Hindi naman ako mahilig magpaganda pero kailangan kong gawin 'to para sa bagong trabaho ko.
Bahala na nga.
Buti na lang at meron akong maiiksing damit na bigay sa akin ni Natasha. Required kasi sa trabaho.
Bago ako umalis ay tinawagan ko muna si Aling Stella para kamustahin ang anak ko.
("Ayos lang ang anak mo Shancai. Natutulog na siya ngayon.") sabi sa 'kin ni Aling Stella.
"Salamat Aling Stella dahil pumayag po kayong alagaan ang anak. At pasensiya na rin po sa abala." ani ko kay Aling Stella.
("Ano ka ba Shancai. Ayos lang 'yon. Parang na rin kitang tinuring na anak.") tugon ni Aling Stella.
"Kapag may kailangan po kayo ay sabihan niyo lang po ako." ani ko.
("Sige.") tugon nito.
Pagkatapos kong kamustahin si Aling Stella tungkol sa anak ko ay dumiretso na ako sa **** bar para sa first night ko sa trabaho.
Pagkarating ko sa **** bar ay nagulat ako nang may nakita akong maraming tao sa labas. Mukhang ang daming customer ngayong gabi. May naririnig pa nga akong wang-wang.
Nakipagsiksikan pa ako sa maraming tao para lang makapasok sa loob.
Pero pagpasok ko ay may humarang sa aking isang pulis.
"Ikaw! Sumama ka sa amin sa presinto!" sabi sa 'kin ng pulis at bigla niya akong pinosasan.
"T-teka, ano pong nangyayari? Bakit niyo po ako pinosasan?" natatarantang tanong ko sa pulis.
Hindi ko alam kung ano ang nangyayari.
"Sa presinto ka na lang magpaliwanag." sagot sa 'kin ng pulis at hinila ako palabas ng bar.
"S-sandali lang po. Wala po akong ginawang kasalanan." sabi ko sa pulis pero hindi ako nito pinansin hanggang sa makasakay kami sa police car.
"Manahimik ka na lang diyan Miss at sa presinto ka magpaliwanag." tugon sa 'kin ng pulis.
Wala na akong magawa pa kundi tumahimik na lang.
Ano kaya ang gagawin nila sa akin?
- POLICE STATION -
"Please! Maawa po kayo officer! Wala po akong kinalaman sa bar na 'yan!" naiiyak kong sigaw sa pulis dahil kinulong nila ako sa selda.
Nadamay ako sa kasalanang hindi ko naman ginawa. Aba malay ko bang illegal ang bar na 'yon. Tapos loko-loko pa 'tong may-ari ng bar dahil dinawit niya ako sa kasalanan niya.
Paano ako makakawala rito? Wala pa naman akong pangpiyansa.
Kailangan kong humingi ng tulong kay Natasha.
Nakihiram ako ng telepono sa pulis at tinawagan ko si Natasha.
Pero hindi siya sumasagot. Mukhang nakapatay ang phone niya.
Paano na 'to?
Matagal pa ba akong makakalabas dito?
- NEXT DAY -
Nagising ako nang may tumawag sa aking isang pulis.
"O miss, makakalaya ka na." sabi ko sa pulis na ikinatayo ko bigla.
"Talaga po?" hindi makapaniwalang tanong ko.
"Oo, may nagpiyansa na sa 'yo kaya makakauwi ka na. Sa katunayan ay naghihintay siya ngayon sa labas." sagot sa 'kin ng pulis.
"Sige po." tugon ko at saka lumabas na ako sa selda.
Siguro si Natasha ang nagpiyansa sa akin. Paano kaya niya nalaman na nakakulong ako? Maasahan talaga siya sa tuwing may problema ako.
Pagkalabas ko, imbes na si Natasha ang madatnan ko ay isang lalaking nakatalikod ang nakita ko. Nasaan na ba si Natasha? Teka, akala siguro ng pulis ay hinihintay ako ng kaibigan ko.
"Nandito na po siya." sabi ng pulis sa lalaking nakatalikod.
Teka, siya ba ang nagpiyansa sa akin at hindi si Natasha?
Unti-unti namang humarap sa akin ang lalaki.
O_____O
And I was shocked nang makita ko ang mukha nito.
"I-ikaw?" hindi makapaniwalang sabi ko.