[SHANCAI'S POV]
*kriiiiiiinnnnnnnnnngggggg!*
Napatakip ako sa tenga dahil sa ingay ng isang alarm clock. Teka, wala naman akong alarm clock ha.
Baka nananaginip lang ako.
*kriiiiiiinnnnnnnnnngggggg!*
Ang ingay namaaaannnnn! Pati ba naman sa panaginip ko ay guguluhin ang pagtulog ko?
Kinuha ko ang alarm clock at binato ko 'yon sa pader. Hindi ko alam kung alarm clock ba ang nakuha ko dahil nakapikit ako.
Pero nawala na ang ingay. Buti naman at makakatulog na ulit ako nang mahimbing.
Zzzzzzzzzzzzzz...
"Kirsten, gising na."
Napatakip ako sa tenga nang may tumawag sa 'kin.
"Gising na Kirsten."
Pati rin sa panaginip ko ay may tumawag sa aking Kirsten?
"Kirsten."
Dahil sa inis ay napabangon ako at nagising.
Pero paggising ko ay nanlaki ang mata ko nang makita ko ang lalaking ayaw kong makita.
Si Jameshin.
"I thought you woudn't wake up. Binato mo pa talaga yung alarm clock sa pader. Alam mo bang mas mahal pa 'yan sa buhay mo dahil imported 'yan from Korea?" seryosong sabi niya.
Nakalimutan kong nasa bahay niya ako.
"Sorry, hindi na mauulit." paumanhin ko sa kanya.
"May dagdag ka na namang utang sa akin dahil sinira mo ang alam clock ko. Halos 13 million won ang presyo niyan." - Jameshin
Nanlaki naman ang mata ko dahil sa narinig ko.
"ANO? 13 MILLION WON?" Napasigaw ako bigla nang wala sa oras.
"Fuck! Lower your voice. You sounds like a megaphone." - Jameshin
"Eh ang laki ka... Teka, magkano ba ang 13 million won sa peso?"
Oo nga no. Sinigawan ko pa talaga siya pero hindi ko naman alam kung ilan 'yang 13 million won na 'yan. Ang alam ko lang ay korean money ang won. Syempre fan ako ng k-dramas lalo na ang Boys Over Flowers kaya marami akong alam about Korea.
"Huwag kang mag-alala dahil maliit lang naman ang 13 million won para sa akin. At saka hindi pera ay hihingiin ko sa 'yo." - Jameshin
Tiningnan naman niya ako mula ulo hanggang paa.
Teka, ba't ganyan siya makatingin sa akin?
"H-hoy, huwag mo nga ako tingnan nang ganyan." sabay yakap sa aking sarili.
Yung tingin niya kasi ay parang binabastos niya ako sa isip niya.
"Huwag ka ngang assuming. Hindi kita pagsasamantalahan. Hindi ka naman kaseksihan para pagsamantalahan ko." nakangising aniya.
Aba tarand...
"At isa pa, nakita na kitang hubad kaya bakit ka pa mahihiya?" dagdag pa niya.
Napatigil naman ako sa sinabi ni Jameshin. Feeling ko ay namumula na ang mukha ko ngayon dahil sa sinabi niya.
"S-shut up." nauutal kong suway sa kanya.
Lumapit naman sa akin si Jameshin. Dahil do'n ay napaatras ako.
"T-teka a-anong g-ginagawa mo?" nauutal kong tanong kay Jameshin.
Pero hindi siya sumagot at umakyat siya sa kamang hinihigaan ko habang papalapit sa akin.
Umatras pa ako hanggang sa maramdaman ko ang headboard na nasa likod ko.
My god! Anong gagawin niya sa akin?
Inilagay niya ang dalawang kamay niya sa may headboard. Bale nakakulong ako ngayon sa mga braso niya.
Napalunok ako nang maramdaman ko na ang hininga niya. Pakiramdam ko ay napipipi na ako.
"Kirsten, I want you." - Jameshin
O_____O
Ang husky ng boses niya. Parang inaakit niya ako.
Napapikit na lang ako at inabangan ang susunod niyang gagawin.
>_____<
.
.
.
.
.
"Gotcha." narinig kong sabi niya.
Minulat ko naman ang mata mo at nakita ko siyang tumatawa.
"Hahahahaha! Akala mo siguro ay hahalikan kita. Hahahahaha! Nakakatawa yung itsura mo kanina. Para kang isang pato kung ngumuso. Hahahahahaha!" sabi ni Jameshin habang hagalpak na tumatawa.
Kahit napahiya ako ay hindi ko ito pinahalata.
"A-anong pinagsasabi mo diyan?" mataray kong tanong sa kanya.
"Hahaha! Gusto mong halikan kita 'di ba?" - Jameshin
"O-of course not." inis kong tugon sa kanya.
"Just admit it." natatawa pa niyang sabi.
*ting*
May pumasok na kapilyuhan sa aking isip.
"Paano kung sabihin ko sa 'yong oo?"
Natigilan naman siya sa sinabi ko at napatingin sa akin.
"W-what did you say?" hindi makapaniwalang tanong ni Jameshin.
Gaya ng ginawa niya sa akin kanina ay inilapit ko ang mukha ko sa mukha niya.
"A-anong ginagawa mo?" - Jameshin
Kitang-kita ko ang pamumula ng mukha niya.
Nagtungo ang bibig ko sa tenga niya at may binulong ako sa kanya. "I want to kiss you right now Jameshin." mapang-akit ko itong sinabi sa kanya sabay balik ang tingin ko sa mga mata niya.
Nakita kong napalunok siya. Palihim naman akong napangiti dahil do'n.
Akala niya siya lang ang marunong nito.
Unti-unti kong inilapit ang mukha ko sa mukha niya.
Nakita kong napapikit siya at ngumuso. Gagawin ko rin ang ginawa niya sa akin kanina.
"Gotcha. Hahahahaha!" sabi ko sa kanya at humagalpak ako ng tawa.
O_____O siya
"Hahahahaha! Akala mo siguro ay hahalikan kita. Hahahahaha! Nakakatawa yung itsura mo kanina. Para kang isang pato kung ngumuso. Hahahahahaha!" sinabi ko rin sa kanya ang sinabi niya sa akin kanina.
"Ah gano'n pala ang gusto mo ha." - Jameshin
O_____O
Nanlaki ang mata ko nang tinulak niya ako pahiga sa kama. Hindi naman masakit ang pagkakatulak niya.
Pagkatapos ay umibabaw siya sa akin.
"Ito pala ang gusto mo. Wala nang halong biro 'to." pabulong niyang sabi sa 'kin.
Unti-unti niyang inilapit ang mukha niya sa mukha ko.
Napalunok ako.
*lapit*
*lapit*
Pinilit kong hindi pumikit pero hindi ko mapigilang mapapikit at hinintay ang pagdampi ng labi niya sa labi ko.
.
.
.
.
.
"AAAAAAAHHHHHH!"
O_____O
Pareho kaming napabalikwas ni Jameshin nang may narinig kaming sigaw.
Ang anak namin yung sumigaw. "Waaaaaaaaaaaaaaa! Huhuhu!"
O_____O kami ni Jameshin
T_____T ang anak namin
Napatingin naman kaming dalawa ni Jameshin sa isa't isa nang makita naming umiyak si Jamieshin.
"Huhuhuhu!" - Jamieshin
Agad kong nilapitan ang anak namin.
"Baby what's wrong? Bakit bigla kang umiyak?" tanong ko kay Jamieshin.
Baka iniisip niyang sinasaktan ako ng Daddy niya kaya siya umiyak.
"Eh kasi po... kasi po..." - Jamieshin
"Kasi..."
"Kasi po gumagawa po kayo ni Daddy ng baby." - Jamieshin
O_____O
Anong sabi ng anak ko?
"Ayoko pong magkaroon ng kapatid. Gusto ko ako lang po ang baby niyo." ani Jamieshin.
Jusmiyo Marimar! Akalain mong naisip pa talaga 'yon ng anak ko. Masyadong green ang nasa isip niya.
"Anak, hindi kami gumagawa ng baby ng Daddy mo." pagpapaliwanag ko sa kanya.
Never mangyayari 'yon dahil hindi naman kami at wala kaming feelings sa isa't isa.
"Pero nakita ko pong nakapatong si Daddy sa ibabaw niyo." sabi ng anak ko.
"Naglalaro lang kami ng Daddy mo kaya huwag ka nang umiyak." pagsisinungaling ko sa kanya.
Ganda ng palusot mo Shancai. Hahaha! Very convincing.
"Gano'n po ba? Akala ko ay papalitan niyo na po ako." - Jamieshin
"Forever baby ka namin kaya huwag ka nang umiyak baby ha?"
She nodded.
I wipe my daughter's tears using my thumb then I hugged her.
[JAMESHIN'S POV]
Pinagmasdan ko ang mag-ina kong magkayakap.
Hindi ko mapigilang mapangiti sa nakikita ko. Seeing my daughter really makes me smile.
"Tara anak, samahan mo akong magluto ng breakfast." sabi ni Kirsten sa anak namin.
"Isama po rin natin si Daddy." tugon naman ng anak ko at tumingin siya sa 'kin. "Daddy, samahan mo po kami ni Mama na magluto."
"Okay baby, susunod ako sa inyo." tugon ko kay Jamieshin.
Sabay kaming lumabas ng kwarto ni Kirsten. Dumiretso silang dalawa sa kusina habang ako naman ay dumiretso sa kwarto ko para magbihis.
Nang nasa tapat na ako ng kwarto ko ay papasok na sana ako sa loob nang dumako ang tingin ko sa kulay pink na pintuan. Isang kwarto kung saan ang mga laman ay mga alaala namin ni Elena. Mga alaalang ayaw ko nang makita pa pero hindi ko magawang mabura sa aking isipan.
Masakit pa rin sa aking nawala siya na wala man lang dahilan. Six years has been passed but I still love her. And it is still painful in my heart.
Isang malaking tanong sa akin kung ano ba ang nagawa kong mali para iwan niya ako?
Hindi pa ba sapat ang pagmamahal ko sa kanya kaya iniwan niya ako?
Hindi ko alam ang sagot.
Inalis ko na lang ang tingin ko sa pink na pintuan at pumasok na ako sa loob ng kwarto ko.
[SHANCAI'S POV]
Pagkatapos kong gawin ang morning routine ko ay pumunta ako sa hospital para bisitahin si Mama. Hindi ko na sinama pa ang anak ko dahil gusto ko siyang bigyan ng quality time kasama ang Papa niya.
Nang makarating ako sa hospital ay gano'n pa rin ang sitwasyon ng Mama ko. Hindi pa rin siya nagigising.
"Ma, simula noong ma-coma ka ay ang daming nangyari. Nakilala na ni Jamieshin ang totoo niyang ama. Akala ko nga ay may balak kunin ni Jamieshin ang anak ko sa akin, pero hindi ko akalaing mabait pala siya. I judged him, pero mali ang paghusga ko sa kanya. He is a nice person afterall."
Sunod ko namang ikinuwento kay Mama ay ang nangyari sa bahay.
"Mama, pasensiya na kung nasunog yung bahay natin. Kasalanan ko ang nangyari dahil naging pabaya ako. Pero huwag po kayong mag-alala dahil ligtas naman po kami ni Jamieshin. Kasalukuyang nakatira kami ngayon sa bahay ng ama niya habang inaayos pa yung bahay. Ang dami ko na ngang utang kay Jameshin eh."
Hinawakan ko ang kamay ni Mama.
"Pero ang mahalaga sa amin ngayon ni Jamieshin ay ang magising ka na Ma. Sana ay naririnig mo ako ngayon. Magpalakas ka po Ma. Miss na miss ka na namin ni Jamieshin."
Kahit nalulungkot na ako ay pinilit kong hindi umiyak. Ayaw ni Mama na nakikita akong umiiyak kaya pinipigilan ko.
*kriiiinnnnngggggg!*
Biglang tumunog ang phone ko.
Sino naman kaya ang tumawag? Baka si Shaun.
Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa at tinignan ang screen.
***
Natasha
calling...
***
Si Natasha pala.
Bakit kaya siya napatawag? Sasagutin ko ba?
Bahala na nga si Superman.
Sinagot ko yung tawag.
"H-hello." nauutal kong sabi.
("Hi Shancai. Long time no talk.") narinig kong sabi ni Natasha sa kabilang linya.
"B-ba't ka napatawag?" tanong ko.
("Gusto lang sana kitang kamustahin if you're okay.") tugon niya.
"Eh a-ayos lang naman ako. K-kung 'yon lang ang sasabihin mo. Ibaba ko na an..."
("W-wait.") pagpipigil sa 'kin ni Natasha.
Ano kaya ang nakain nito at tinawagan niya ako?
"May sasabihin ka pa ba? Busy kasi ako."
("I-I just want to say that be careful.") - Natasha
Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya.
"Ha? Be careful?" naguguluhang tanong ko.
"Yung mga pinapakita niyang kabutihan sa 'yo ay kabaliktaran ng ugali niya. He's not a nice person. He's evil at gagawin niya ang lahat para makuha niya ang gusto niya. Don't fall for that guy.") - Natasha
"Ha?" 'yon lang ang naging tugon ko.
*toot toot toot*
Biglang namatay ang tawag.
Ano ba ang ibig sabihin ng sinabi ni Natasha?
'Di ko gets pasensiya na.
Buong araw kong binantayan si Mama. Hindi na rin ako pumasok sa work ko. Nagpaalam naman ako kay Shaun na hindi ako makakapasok ngayon at pumayag naman siya.
[SHAUN'S POV]
"Come on babe. Ilibre mo ako ng lunch. Kahit burger lang ay sapat na sa akin. Basta ikaw ang nagbigay." kanina pang pangungulit ni Sandra sa 'kin.
"Stop it Sandra. I already told you that I can't because I'm busy." inis kong sabi sa kanya.
Naririndi na talaga ako sa boses niya.
"I'm your future wife so please ilibre mo na ako." - Sandra
"Masyado kang assuming sa sinabi mo at ang kulit mong babae ka! How many times that I say to you that I can't because I'm busy!"
"Busy ba kamo o pupuntahan mo na naman ang chaka mong girlfriend?" - Sandra
Nainis ako sa sinabi niya.
"Watch your words Sandra. Girlfriend ko ang binabangga mo." my warning for her.
"The hell I care. At isa pa Shaun, hindi rin naman kayo magtatagal. You know that next month is already our wedding day." nakangising sabi niya.
Hindi naman ako makapagsalita sa sinabi niya.
Yeah she's right. Next month is our wedding day.
And I hate it.
It's just a stupid arranged marriage from our parents. Hindi naman ako makatanggi because I have no choice.
Well, maganda naman si Sandra but I hate her attitude. Masyado siyang maarte at bungangera.
And I'm also in love with someone else.
Nakilala ko siya dahil paborito ko ang aklat na sinulat niya. Hindi ko pa siya nakilala that time.
Hanggang sa nakilala ko siya sa isang book signing event. Pina-autograph ko sa kanya ang binili kong aklat na sinulat niya.
Noong una ko siyang makilala.
Na-love at first sight agad ako sa kanya. Her beauty is like an angel na hindi mo kayang iwasan. Natural beauty na hindi na kailangan pa ng makeup.
Actually, we became friends. Mas nakilala pa namin ang isa't isa hanggang sa nalaman kong may nagugustuhan pala siyang isang lalaki. Hindi pa sila that time pero yung puso ko ay parang tinusok sa sobrang sakit dahil sa nalaman ko.
She's in love with someone else.
Nadagdagan pa ang sakit na 'yon nang maging sila na. I don't have any idea kung sino yung lalaking nagustuhan niya. But all I can say to that guy is he's lucky to have her.
Simula nang magkaroon siya ng boyfriend ay minsan na lang kami magkita at mag-usap. Until sa nalawan na kami ng communication. She's inactive in social media except for her blog kung saan siya nagsusulat ng mga shorts stories, novels, etc. She's a popular author like Dyosa (@AriadneWP).
(A/N: Walang kokontra. XD)
Until now, I still love her. Seven years ko na siyang minamahal.
"Hey Shaun. Are you with me? Kanina ka pa tulala." - Sandra
Bumalik naman ako sa huwisyo nang tinapik ako ni Sandra.
"Ah... Ano nga ulit ang sinabi mo?" tanong ko sa kanya.
Lumipad na ang isip ko sa kakaisip sa kanya.
"As what I've said, next month na ang kasal natin. Before our wedding ay dapat hiwalayan mo na ang Shancai na 'yon." - Sandra
"Okay." walang ganang sagot ko. Ayoko munang makipag-away sa kanya.
"Good. By the way, may family dinner mamaya ang pamilya natin. Dapat nando'n tayo dahil pag-uusapan daw nila ang tungkol sa wedding nating dalawa." - Sandra
"Okay."
"Alright. Just fetch me around 6:30PM. See you later." aniya at hinalikan niya ako.
Sa pisngi.
Pagkatapos ay umalis na siya.
May pumasok na ideya sa isip ko.
Ipapakilala ko si Shancai sa harap ng pamilya namin ni Sandra bilang girlfriend ko. Kapag ipinakilala ko siya sa parents ko ay may chance na itigil nila ang kasal namin ni Sandra.