Chapter 9 - Chapter 9

[SHANCAI'S POV]

Pagkapasok namin ng anak ko sa loob ay hinanap ko agad si Jameshin.

Saan kaya siya naka-upo?

Hindi ko siya mahanap. Baka nasa second floor siya, kaya umakyat kami ng anak ko papunta do'n.

Pagkarating namin sa second floor ay nakita ko agad si Jameshin. May tinitignan siya sa kanyang phone. Madali lang naman siya hanapin since siya pa lang ang tao rito sa second floor.

"Tara anak." sabi ko kay Jamieshin.

Nilapitan namin si Jameshin.

Habang lumalapit kami ng anak ko sa kanya ay unti-unti namang bumibilis ang tibok ng puso ko. Kinakabahan talaga ako.

Mas lalo pang bumilis ang tibok ng puso ko nang tumingin sa gawi namin si Jameshin at ngumiti siya. Hindi ko na alam kung kaba ba 'tong nararamdaman ko nang ngumiti siya o hindi?

"Mama, mama! 'Di ba siya po yung lalaking namigay sa akin ng mga toys kahapon?" masayang tanong sa 'kin ni Jamieshin sabay baling ng tingin sa ama niya. "Hello po Kuya. Salamat po pala sa mga toys na binigay mo sa akin kahit hindi ko naman po birthday." sabi ng anak ko kay Jameshin.

"Kuya." narinig kong bulong ni Jameshin. May halong pait ito. Syempre wala pang alam ang anak namin tungkol sa kanya.

"Ano po yung sabi niyo Kuya?" tanong ng anak ko sa kanya.

"Ang sabi ko buti naman at nagustuhan mo yung mga toys na binigay ko sa 'yo." pagsisinungaling niya.

"Oo naman po. Ang ganda-ganda nga po lalo na yung malaking doll house. Sige po Kuya, hahanapin na po namin ni Mama si Papa." sabi ng anak ko sa kanya. "Tara na po Mama. Excited na po akong makilala si Papa." masayang sabi sa 'kin ni Jamieshin.

Ito na.

"Ah anak." panimula ko.

"Ano po 'yon Mama?" tanong sa 'kin ng anak ko.

"Siya kasi ang Papa mo." sabi ko sa anak ko sabay turo kay Jameshin.

Nung una ay nagtataka si Jamieshin pero namilog bigla ang mga mata niya nang ma-realize na niya ang sinabi ko.

Napatingin ang anak ko kay Jameshin. "Totoo po ba ang sinabi ng Mama ko na ikaw ang Papa ko?"

"Yes baby, ako ang Daddy Jameshin mo." pagpapakilala ni Jameshin.

Nakita ko sa mukha ng anak ko ang pagkatuwa. "Daddy!"

Lumapit siya kay Jameshin sabay yakap sa kanyang ama. "Sobrang saya ko pong ikaw ang naging Papa ko." At narinig ko ang paghikbi niya.

Para akong maiiyak nang marinig ko ang paghikbi ng anak ko habang mahigpit na nakayakap kay Jameshin. "Miss na miss ko na po ikaw Daddy. Ikaw na lang po ang kulang sa family picture namin ni Mama eh. Thank po daddy kasi kasama na po kita."

Kusang tumulo ang luha ko dahil sa nasasaksihan ko ngayon. My daughter is crying while hugging his father. Nakita ko ring umiiyak na si Jameshin.

"Na-miss din kita anak. Sorry kung wala ako sa tabi mo noon. I didn't mean to do that. Mapapatawad mo ba si Daddy?" ani Jameshin kay Jamieshin.

"Oo naman po Daddy. Pero hindi mo na po ako iiwan ha? At saka rin po si Mommy." - Jamieshin

"I won't. Ever again." - Jameshin

"Yehey!" masayang sabi ng anak ko habang nakayakap pa rin sa ama niya. Ang cute nilang tingnan.

Pagkatapos ng madramang eksena ng mag-ama ay kumain na kaming tatlo. As usual, nag-uusap ang mag-ama. Kinikilala ang isa't isa. Feeling ko nga may sariling mundo sila. Na-o-OP tuloy ako.

"Daddy, love niyo po ba si Mama?" - Jamieshin

*cough cough*

Napa-ubo naman ako sa tanong ng anak ko. Nailuwa ko tuloy yung sinubo kong carbonara nang wala sa oras.

"Ah anak, masamang magsalita habang kumakain." sabi ko sa anak ko.

Palusot ko lang 'yon para hindi na kailangan pang sagutin ni Jameshin ang tanong niya. Nakakahiya.

"Sorry po Mama." tugon sa 'kin ng anak ko.

Pagkatapos naming kumain sa Charitos ay nagyaya naman si Jameshin na mag-mall kami na ikinatuwa naman ng anak ko.

- MALL -

"How about this one, anak?" tanong ni Jameshin sa anak namin habang hawak nito ang kulay pink na mini dress.

Pumipili kami ngayon ni Jameshin ng mga damit para sa anak namin dito sa clothing line section ng Mall. Gusto ko sanang tumanggi pero sabi niya ay para raw 'to sa anak namin at hindi sa akin. Tama naman siya eh kaya hinayaan ko na lang, at para na rin makabawi siya kay Jamieshin.

"Gusto ko po 'yon Daddy." sabi ng anak namin at may tinuro siyang dress.

"Alright." At saka tinawag ni Jameshin ang sales clerk. "Lahat ng kulay ng dress na 'to, and that one, that one and that one." sabay turo sa mga dresses.

"Wow! Ang dami naman po Daddy!" masayang sabi ng anak namin.

"You deserved it, anak. Marami pa tayong bibilhin para sa 'yo." sabi ni Jameshin sa anak namin.

Hinayaan ko na lang sila. Halos sampung paperbag na ang laman ng malaking cart namin at lahat ng iyon, mga damit, sapatos at kung ano-ano pang kailangan ni Jamieshin.

Nang makuha namin ang mga pinamili ay inilagay ni Jameshin ang panibagong anim na paperbags sa cart.

"What do you want to buy next, baby?" tanong ni Jameshin sa anak namin.

"I want more toys Daddy." sagot ni Jamieshin.

"Alright." tugon lang ni Jameshin at pumunta kami sa toy section ng mall.

Maraming toys ang binili ni Jameshin para sa anak namin. Siguro another ten paperbags na naman ang nadagdag sa cart. Natatakot akong baka i-spoiled masyado ni Jameshin ang anak namin, pero ano ang karapatan kong pakialaman siya sa gagawin niya. Hindi ko naman siya asawa para suwayin siya.

"Anything you want to buy, baby?" tanong ni Jameshin sa anak namin.

"Wala na po Daddy. Si Mama naman po ang bilhan niyo." sagot ni Jamieshin na ikinalaki ng mga mata ko.

"Ah w-wag mong intindihin ang sinabi ng anak ko." sabi ko kay Jameshin.

"Okay baby." tugon ni Jameshin na ikinagulat ko.

"Ah Jameshin, hindi mo..."

"Wag mo akong ipahiya sa anak natin." pagpuputol ni Jameshin sa sinabi ko.

Okay, assuming ako sa part na 'yon. Akala ko... hay nevermind.

"Okay fine." pagsang-ayon ko na lang para hindi raw siya mapahiya.

May kinuha si Jameshin na isang malaking teddy bear at ibinigay niya ito sa akin. "Para sa 'yo."

Kinuha ko naman ito sa kanya. Ang sarap ngang yakapin eh kaso hindi bukal sa puso niya ang pagbigay nito sa akin. Hay kung ano-ano ang nararamdaman ko. Eh ano naman ngayon? Pero bakit affected ako?

Pagkatapos naming mag-shopping sa mall ay pumunta na kami sa parking lot dala ang pinamili namin. Nagpatulong na rin kami sa sales clerk sa pagdala ng mga pinamili namin at ipinasok sa loob ng kotse ni Jameshin. Pumasok na rin kami sa loob at pinaandar na ni Jameshin ang kotse niya.

"Thank you po Daddy sa mga binigay niyo po sa amin." sabi ng anak ko kay Jameshin.

"Wala 'yon baby. Kulang pa nga yan sa matagal na panahong wala ako sa tabi mo." tugon ni Jameshin sa anak namin.

Kitang-kita ko sa mga mata ni Jameshin ang sinsiridad sa sinabi niya. He really cares for our daughter.

Habang nagmamaneho si Jameshin ay tumunog naman ang phone ko.

Tumatawag si Aling Stella. Nakapagtataka naman. Hindi ko naman siya inutusang bantayan si Mama sa hospital. Bakit naman siya tatawag?

Sinagot ko yung tawag.

"Hello Aling Stella? Napatawag ka?" tanong ko kay Aling Stella.

("Shancai. Yung bahay niyo. Nasusunog.") narinig kong sabi ni Aling Stella mula sa kabilang linya.

"ANO?!" hindi ko mapigilang mapasigaw sa narinig ko.