[SHANCAI'S POV]
Iyak ako nang iyak dahil sa pagkawala ng bahay namin. Halos lahat ay nasunog na. Pati mga gamit namin ay wala na.
Paano na 'to? Wala na kaming titirahan. At saka bakit nagkaganito?
Halos sunod-sunod yatang kamalasang dumarating sa buhay namin. Naaksidente si Mama at na-coma, tapos kailangan ko pa ng pera sa pagpapagamot kay Mama, nakulong ako at dahil do'n ay nagka-utang ako kay Jameshin, trinaydor ako ng kaibigan kong si Natasha. Ngayon naman ay nasunog na ang bahay namin.
Paano ko 'to malalampasan lahat?
May lumapit naman sa aking isang pulis at ikinuwento niya sa akin ang nangyaring sunog.
"Sumabog yung gasolina ng katabing bahay ng tinitirahan niyo kaya nadamay ang bahay niyo sa sunog." paliwanag sa 'kin ng pulis.
"Nasaan na ang may-ari ng bahay na 'yon?" narinig kong tanong ni Jameshin.
"Nasa hospital sila ngayon dahil nadamay din sila sa sunog." sagot ng pulis.
"They need to pay for what they did to her home." sabi ni Jameshin sa pulis. Seryoso ang pagkakasabi niya no'n.
Teka, galit ba siya?
"Maghunos dili po kayo Sir. Wala namang may gusto sa nangyari." sabi ng pulis kay Jameshin.
"Sinasabi mo bang hayaan ko lang sila sa ginawa nila? Hindi pwede 'yon! Malaki ang nawala sa kanya kaya dapat magbayad sila!" galit na tugon niya sa pulis.
Nagsalita ako para awatin si Jameshin. "Jameshin, hindi mo naman kailangang magalit. Tama yung sinabi ng pulis, walang may gustong nangyari sa sunog. Hindi naman nila sinasadya yung nangyari."
Masyadong highblood si Jameshin sa nangyari. Kailangan ko siyang pakalmahin.
"But..."
"No buts Jameshin. Ang mahalaga naman dito ay ligtas kami ng anak natin." sabi ko sa kanya.
Huminga naman siya nang malalim. "Okay fine."
Buti naman.
"Shancai!"
May tumawag naman sa akin. Hinanap ko kung saan galing ang boses na iyon at nakita ko si Mr. Ang--este Shaun pala. At nasa likod niya si Sandra, yung babaeng may gusto sa kanya.
"Nabalitaan ko sa TV ang nangyari sa bahay niyo kaya agad akong pumunta rito. Ayos lang ba kayo ng anak mo?" nag-aalalang tanong sa 'kin ni Shaun habang nakahawak siya sa magkabilang balikat ko.
"Ayos lang kami Shaun. Salamat sa pag-aalala." sagot ko sa kanya.
"Kung kailangan niyo ng matutuluyan, welcome na welcome kayo sa place ko." sabi sa 'kin ni Shaun.
"A-ah hindi na kailangan Shaun." pagtanggi ko sa alok niya.
Nakakahiya na kasi. Tinutulungan na nga niya ako sa pagpapagamot kay Mama tapos mag-sta-stay pa ako sa place niya. Ayoko namang abusuhin ang pagiging mabait sa akin ni Shaun.
"It's okay Shancai. We..." - Shaun
"Hindi na kailangan dahil sa place ko siya mag-sta-stay." narinig kong sabi ni Jameshin.
Bumitaw naman si Shaun sa pagkakahawak sa balikat ko at tiningnan si Jameshin.
"At sino ka naman?" biglang tanong ni Shaun kay Jameshin.
"Ako ang dapat magtanong niyan sa 'yo. Sino ka ba para tulungan mo siya?" - Jameshin to Shaun
Na-fi-feel ko ang tensyon sa pagitan nilang dalawa.
Si Sandra naman ay nakatingin lang nang malagkit sa kanilang dalawa. Don't tell me na gusto rin niya si Jameshin.
"I'm his girlfriend kaya may karapatan akong tulungan siya." - Shaun to Jameshin
"Girlfriend?" - Jameshin to Shaun
"Oo, kahit tanungin mo pa si Shancai." - Shaun to Jameshin
Napatingin naman sa akin si Jameshin.
"Totoo ba ang sinasabi ng unggoy na 'yan?" tanong sa 'kin ni Jameshin.
Nandito si Sandra ngayon kaya kailangan kong gawin ang deal namin ni Shaun.
"Oo Jameshin, boyfriend ko siya. May problema ba?" pagsisinungaling ko na ikinagulat niya.
"W-wala naman. Hindi ko lang akalaing may magkakagusto rin pala sa 'yo dahil hindi ka naman kagandahan." sabi ni Jameshin na ikinalaki ng mga mata ko.
"Anong sabi mo?" galit kong tanong sa kanya. Pakiramdam ko ay umuusok na ang ilong ko sa galit.
"Just kidding. But you need to break up with him." sabi niya sa 'kin.
"ANO?" sabay naming sabi ni Shaun.
Ano ba ang pinagsasabi ng lalaking 'to? Nakakairita na siya.
"Sino ka sa tingin mo para diktahan siya?" inis na tanong ni Shaun.
Inakbayan naman ako ni Jameshin.
"Ako lang naman ang Daddy ng anak namin. At malapit na kaming ikasal kaya wala ka nang pag-asa sa kanya." sabi ni Jameshin na ikinalaki ng mga mata ko.
"Anong pinagsasabi mong kasal?" sabay tulak ko sa pagkakaakbay sa akin ni Jameshin.
"Kirsten." seryosong tawag niya sa 'kin. Parang pinagbabantaan niya ako.
"Hoy walang kasal na magaganap! Daddy ka lang ng anak natin! At huwag mo nga akong tawaging Kirsten! Nakakairita ka talaga!" inis na sabi ko kay Jameshin.
Binaling ko ang tingin ko kay Shaun. "Huwag mo nang intindihin ang mga sinabi niya sa 'yo." sabi ko kay Shaun.
"It's okay Shancai. So papayag ka bang mag-stay sa place ko?" - Shaun
Sasagot na sana ako kaso umepal na naman si Jameshin. "No, sa place ko siya mag-sta-stay."
Ang epal talaga niya kahit kelan.
"Oo Shaun. Sa place niya ako mag-sta-stay. Gusto kasi ng anak ko na makasama ang Daddy niya." sabi ko kay Shaun.
Tama na yung pagtulong niya sa gastusin sa pagpapa-hospital ng Mama ko.
"Okay, but call me if may hindi magandang gawin sa 'yo 'yang lalaking 'yan." sabi sa 'kin ni Shaun.
Tumango lang ako.
"Let's go Kirsten. Hinihintay na tayo ng anak natin sa kotse." sabi sa 'kin ni Jameshin.
Ayan na naman siya sa kakatawag niya sa akin ng Kirsten.
"Sige, bye Shaun and Sandra." paalam ko sa kanilang dalawa.
"Bye Shancai. Mag-iingat ka." tugon naman ni Shaun.
Si Sandra naman ay nakasimangot lang. Ang sama nga ng tingin niya sa akin. Pasalamat nga siya at nagpaalam pa ako sa kanya kahit display lang naman siya sa pangyayari.
***
Pagkarating namin sa place ni Jameshin ay halos matulala ako sa laki at ganda ng bahay niya. Halatang mamahalin ang mga naka-display na gamit dito.
"Wow Daddy! Ang ganda naman po rito." manghang sabi ni Jamieshin.
"Of course baby, binili ko 'to para sa 'yo at pati na rin kay Mommy." tugon ni Jameshin sa anak namin.
Edi siya na ang mayaman.
"Talaga po? Dito na po ba kami titira?" masayang tanong ng anak ko.
"Eh tanungin mo si Mommy." ang naging sagot lang ni Jameshin sabay tingin sa akin.
Ha? Bakit naman ako?
Lumapit naman sa akin si Jamieshin. "Mama. Dito na lang tayo please!" pagmamakaawa ng anak ko with matching puppy eyes pa. 'Yon ang nagpapahirap sa aking tanggihan siya eh.
"Kung 'yon ang gusto mo anak, sige." tugon ko sa anak ko.
"Yehey! Thank you Mama!" masayang sabi ng anak ko sabay yakap sa akin.
Well, hindi naman kami habangbuhay mag-sta-stay dito ni Jamieshin. Kailangan ko munang makaipon ng pera para sa pagpapaayos ng bahay namin. Kapag naayos na ang bahay namin ay pwede na kaming umalis dito.
"Salamat Kirsten at pumayag ka." sabi sa 'kin ni Jameshin. Hinayaan ko na lang siyang tawagin akong Kirsten kahit ayaw ko. "Come here baby. Ipapakita ko sa 'yo ang room mo." ani Jameshin sa anak namin.
Ngayong nasa iisang bahay na kami ni Jameshin, kakayin ko bang makasama siya nang matagal?