[SHANCAI'S POV]
Hanggang ngayon ay kinakabahan pa rin ako sa posibleng pagkikita nina Jameshin at ng anak naming dalawa.
Pero kailangan ko munang isantabi ang kabang kong 'to dahil mayroon pang isang nagpapakaba sa akin.
This is it.
This is the day na magpe-pretend ako as girlfriend ni Mr. Angelo sa harap ng babaeng may gusto sa kanya.
Hindi sana ako papayag no'n dahil busy ako sa paghahanap ulit ng trabaho kaya lang ay inofferan ako ni Mr. Angelo ng malaking pera kaya napapayag niya ako. Para na rin 'to sa pagpapagamot ng Mama ko sa hospital.
At ito na nga, nandito na kami ngayon ni Mr. Angelo sa isang fancy restaurant. Makakaharap na namin ngayon ang babaeng may gusto kay Sir. Kinakabahan nga ako eh.
"Galingan natin ang pag-arte Shancai. Huwag kang kakabahan kapag makaharap natin siya." sabi sa 'kin ni Mr. Angelo.
"Medyo kinakabahan na nga po ako Sir, pero kakayanin ko 'to." tugon ko sa kanya.
To be honest, gusto ko nang bawiin ngayon ang pagsang-ayon ko sa kanya pero laging pumapasok sa isip ko si Mama. Bahala na si Batman kung ano ang mangyari sa akin.
"Call me Shaun since wala ka naman sa work. You are my pretend girlfriend today." ani Mr. Angelo.
"S-sige po Shaun."
"At wag mo na rin akong i-po." - Mr. Angelo
"Sige."
Si Mr. Angelo ang gumastos sa pagpapaganda sa akin. Dress, makeup, high heels, handbag at hair salon. Nakakahiya nga eh kaya dapat ko talagang galingan ang pag-acting.
Kalma lang Shancai. Kaya mo 'to.
Ilang sandali pa ay dumating na ang babaeng naghahabol kay Mr. Angelo.
At natulala naman ako nang makita ko ang itsura nito.
Gosh! Sobrang ganda naman niya. Halatang foreigner ito. Mukhang wala akong panama sa ganda niya.
Napatingin naman sa akin ang babae.
"So, this is your girlfriend." sabi ng babae habang nakatingin ito sa akin. Halatang mataray.
"Sandra, I want you to meet Shancai. And yes, she's my girlfriend." proud namang pagpapakilala sa 'kin ni Mr. Angelo sa babaeng naghahabol sa kanya.
"H-hello." nahihiyang bati ko sa babae.
.
.
.
"Hahahahahaha!"
Nagtaka naman kami ni Mr. Angelo nang biglang tumawa yung Sandra. Hala siya! Baka nababaliw na 'to.
"What's funny Sandra?" nagtatakang tanong ni Mr. Angelo sa Sandra.
"Hahahahaha! Itong babaeng 'to? Girlfriend mo? Oh come on Shaun! Kailan pa bumaba ang standards mo sa pagpili ng babae?" Bigla naman akong nainis sa sinabi nung Sandra na 'yon.
Ano raw? Ako? Isang low standard na babae? Ang kapal naman ng mukha niyang sabihin 'yan sa akin.
"Sandra stop it! She's not a low standard woman." pagtatanggol sa 'kin ni Mr. Angelo.
"Oh really. I'm really disappointed to you Shaun. Akala ko pa naman ay kung sino na ang itatapat mo sa akin. I didn't know na ang type mo pala ay mukhang janitress. Should I apply as janitress too para magustuhan mo rin ako?" ani Sandra.
This time ay hindi na ako nakapagtimpi pa. Inaalipusta na niya ang pagkatao ko.
Agad naman akong tumayo at hinarap yung Sandra.
"Hoy babaeng mukhang clown na binudburan ng harina sa mukha! Kung mukha akong janitress, ikaw naman ay mukha kang mop!" pasigaw kong sabi sa babae. Akala niya siguro ay hindi ko siya uurungan.
"What did you called to me? A mop?" hysterical niyang tanong.
"Oo mukha kang mop dahil ang sarap mong ilampaso sa sahig!" pang-aasar ko.
"How dare you!" - Sandra
Nagulat naman ako nang bigla niya akong sinugod at sinabunutan. Syempre hindi ako nagpatalo sa kanya.
Habang nagsasabunutan kami ng babaeng 'to ay inaawat naman kami ni Mr. Angelo.
"Sandra stop it! You're hurting my girlfriend!" narinig kong sabi ni Mr. Angelo.
Naku naman! Napatrobol pa ako sa pretend girlfriend thingy na 'to. Pero wala nang atrasan 'to.
Pero buti na lang at may dalawang waiter na umawat sa baliw na babaeng 'yon. At hindi ko namalayang mayroon palang mga taong nakatingin sa amin. Nahiya tuloy ako sa ginawa namin.
"Bitawan niyo ako!" sigaw nung Sandra at nagpumiglas siya sa pagkakahawak ng dalawang waiter sa kanya.
Pagkatapos ay tiningnan naman niya ako nang masama.
"Hindi pa tayo tapos malanding janitress ka!" ani Sandra sa 'kin.
Pagkatapos ay umalis na siya.
Ako naman ay napa-upo at napahawak sa aking dibdib. Ngayon lang ako nagkaroon ng ganitong encounter sa buhay ko.
"Are you okay, Shancai?" nag-aalalang tanong sa 'kin ni Mr. Angelo.
"Ayos lang po ako." sagot ko na lang sa kanya kahit hindi ako okay.
"I'm really sorry for what Sandra did to you. And I'm really sorry dahil dinamay kita sa gulong 'to." sincere na sabi sa 'kin ni Mr. Angelo.
"Ayos lang po yun Sir. Ginagawa ko lang po yung trabaho ko." tugon ko sa kanya.
"No, I think we need to stop this pretend relationship. Ayokong madamay ka pa sa gulong 'to dahil sa 'kin." ani Mr. Angelo.
Agad namang nanlaki ang mga mata ko. "Hindi po pwede Sir."
"Why Shancai? May problema ba?" - Mr. Angelo
"K-kasi po Sir, kailangan ko po ng pera para sa hospital bills ng Mama ko." sabay yuko ko.
"Kung gano'n, I'll pay for the hospital bills without this pretend relationship." alok sa 'kin ni Mr. Angelo.
"Hindi Sir. Gusto kong ituloy natin 'to. Ayoko pong humingi sa inyo ng libreng pera. Gusto ko po yung pinagtatrabahuan ko." pagtanggi ko sa alok niya.
Hindi ako ang klaseng taong humihingi ng pera na walang kapalit.
"Pero Shancai, sigurado ka ba talagang itutuloy natin 'to?" - Mr. Angelo
"Opo Mr. Angelo. Itutuloy natin 'to." desididong tugon ko. Wala nang atrasan 'to. Para 'to kay Mama.
"Kung gano'n. Do we have a deal?" sabay lahad ng right hand niya sa 'kin.
"Deal." tinanggap ko naman ito at nag-shake hands kaming dalawa.
Pagkatapos ng pangyayaring 'yon ay hinatid na ako ni Mr. Angelo sa hospital.
"Salamat po Sir sa paghatid sa akin dito." sabi ko kay Mr. Angelo.
"Call me Shaun from now on at huwag mo na rin akong i-po dahil mas matanda ka pa sa akin ng one year." Natawa naman ako sa sinabi niya although may point naman siya.
"Okay S-shaun." tugon ko sa kanya.
"I'll see you later." he winked at me and he drove his car.
Blessing in disguise talaga si Mr.--este si Shaun. Saktong dumating siya sa buhay ko para tulungan ako. Siguro kailangan ko nang sanayin ang sarili kong tawagin siyang Shaun dahil baka mabuking pa kami kapag accidentally ko siyang tawaging Sir or Mr. Angelo. Sayang yung pera.
Pagkapasok ko sa kwarto ni Mama dito sa hospital ay muntik nang lumuwa ang mga mata ko dahil sa nakikita ko ngayon.
"ANONG GINAGAWA MO RITO?" hindi makapaniwalang tanong ko.