[SHANCAI'S POV]
Sinampal ko ang sarili ko.
Hindi ako nananaginip.
Kaharap ko siya ngayon.
After five years ay nagkita ulit kaming dalawa.
"Long time no see. Siguro naman ay naaalala mo pa ako." sabi niya sa 'kin.
Teka, paano niya ako nahanap? At paano niya nalamang nakakulong ako rito? Siya ba talaga ang nagpiyansa sa akin dito? Hindi naman sa nag-aasume ako ha. I'm just curious.
"A-anong ginagawa mo rito?" Kinalma ko ang sarili ko. Ayokong magpahalata sa kanya na kinakabahan ako.
"Hindi ka man lang ba magpapasalamat sa akin? Ako ang nagpalaya sa 'yo rito." walang emosyong tugon niya sa 'kin.
Siya nga.
"Hindi mo naman kailangan gawin 'yon eh." sabi ko sa kanya. "Teka, paano mo ako nahanap?"
Nakapagtataka nga eh.
"Madali ka lang naman hanapin. At isa pa, matagal ko nang alam kung nasaan ka. Pero syempre kailangan ko lang humanap ng tiyempo para magpakita sa 'yo." sagot sa 'kin ni Jameshin.
Oo, tama kayo. Si Jameshin ang kausap ko. Ang ama ng anak ko.
Pero teka, matagal na niyang alam kung saan ako ngayon nakatira? It means alam din niya ang tungkol sa anak ko?
Sana naman hindi.
"S-salamat sa pagpiyansa sa skin. Wag kang mag-alala dahil babayaran kita kapag magkaroon na ako ng pera." sabi ko sa kanya.
Aalis na sana ako kaya lang ay pinigilan niya ako. "Wait."
Napalingon naman ako sa kanya. Hindi ko alam pero parang kinabahan ako bigla. "Ano?" medyo naiirita kong sabi. Irita na may halong kaba.
"Hindi pera ang ibabayad mo sa akin." aniya.
"Ha? Ano naman ang ibabayad ko sa 'yo?" tanong ko sa kanya.
Punyeta, huwag naman sanang sex ulit.
"Gusto kong makita ang anak ko." sagot niya.
Ah 'yon naman pala. Akala ko...
O_____O
Natigilan naman ako sa sinagot niya.
Alam niya ang tungkol kay Jamieshin?
"Siguro nagtataka ka kung paano ko 'yon nalaman. Itanong mo na lang sa bestfriend mo. Siya kasi ang nagsabi sa akin kung saan ka nakatira ngayon at ang tungkol kay Jamieshin, my daughter." ani Jameshin.
ANO?
Sinabi lahat ni Natasha kay Jameshin ang tungkol sa amin ni Jamieshin? How dare she!
"At saka yung mga tulong na binibigay niya sa 'yo ay galing din sa akin." dagdag pa ni Jameshin na mas lalo ko pang ikinainis.
Pakiramdam ko ay trinaydor niya ako. Bestfriend ko ba talaga siya?
Agad ko namang tiningnan nang masama si Jameshin.
"Hindi! Hindi mo makukuha sa akin ang anak ko!" sigaw ko sa kanya.
Hindi ko hahayaang mapalapit siya sa anak ko.
"Well, Miss Shancai Kirsten Salvador. Huwag mo akong susubukan. Kaya kong gamitin ang pera ko para makuha ko ang anak ko. Magkano ang gusto mo? Nalaman kong nasa hospital ngayon ang Mama mo. Maybe this might help." - Jameshin
*pak*
Hindi ko mapigilang sampalin siya.
"Hindi mo ako madadala sa pera mo Mr. Jameshin Faulkerson! Kaya kong ipaglaban ang karapatan ko bilang ina dahil ako ang nagpalaki sa anak ko! Hindi ko kailangan ang pera mo dahil sapat na siya para sa akin!" galit kong sabi sa kanya.
Pagkatapos ay umalis na ako.
Ang kapal din ng mukha niyang alokin ako ng pera para lang makuha niya ang anak ko. Tapos dinahilan pa talaga niya ang kondisyon ni Mama ngayon para makumbinsi ako sa alok niya. He's worse than a jerk.
At hindi rin ako makapaniwalang magagawa sa akin 'to ni Natasha. Naging kaibigan ko siya since high school tapos nagawa niya sa akin 'to? Feeling ko ay sinaksak nang paulit-ulit ang puso ko.
Pagkalabas ko sa police station ay agad akong pumunta sa hospital. Baka hinihintay na ako ng anak ko.
Pagkarating ko sa hospital ay bumili muna ako ng pagkain sa canteen. Nakalimutan ko kasing bumili sa labas dahil occupied ngayon ang utak ko.
Nang makarating ako sa kwarto kung saan nando'n si Mama ay agad naman akong sinalubong ni Jamieshin ng yakap.
"Pasensiya na anak kung ngayon lang nakarating si Mama." sabi ko sa anak ko.
Hindi ko na sinabi pa sa kanya ang nangyari sa akin. Ayoko siyang mag-alala pa. Kahit 4 years pa lang si Jamieshin ay matured na siyang mag-isip. Mahilig kasi 'tong magbasa ng educational books. Nagmana siya sa akin eh. Pati kagandahan ko ay namana niya.
At ito na nga ang ikinatatakot ko. Ngayong nag-meet ulit kami ni Jameshin. Hindi malayong magpapakilala rin siya sa anak namin lalo na't alam niya ang tungkol kay Jamieshin.
Natatakot akong kunin niya sa akin ang anak ko.
[JAMESHIN'S POV]
Hanggang ngayon ay dama ko pa rin ang sampal na binigay sa akin ng babaeng 'yon.
Napakatanga mo talaga Jameshin. Bakit ko sinabi 'yon sa kanya? Mas lalong hindi siya papayag na ipakilala sa akin ang anak ko. Anak namin pala.
Sa katunayan, kaya ko namang kunin sa kanya ang anak namin nang walang kahirap-hirap. Pero hindi ako masamang tao para gawin 'yon, although kaya ko siyang pahirapan para ma-convince ko siyang humingi ng tulong sa akin at mapalapit sa anak ko. Kaya ko siyang gipitin sa oras ng pangangailangan niya.
Kapag napapayag ko na siya ay ititigil ko na ang pagpapahirap ko rito at ibibigay ko ang pangangailangan nila lalo na ang pangangailangan ng anak namin. At gusto kong tumira sila sa bahay ko kasama ako.
*kriiiiiiinnnnnnggggg!*
Napatigil ako sa pag-iisip nang tumunog ang cellphone ko.
Si Natasha. Mukhang hindi ko na kailangan ang babaeng 'to.
Pinatay ko ang tawag ni Natasha at pati na rin ang phone ko. Ayokong ma-get attached siya sa akin kaya tinapon ko ang sim card ko na ginagamit ko lang para sa kanya. Siguro naman ay napasaya ko siya in more than four years.
At kailangan ko ring bumili ng bahay para sa mag-ina ko.
I can't wait to be with them especially with my daughter. Magkikita na rin tayo sa wakas.
[SHANCAI'S POV]
"Ba't nagawa mo 'to sa 'kin? Tinuring pa naman kitang kaibigan, pero ito lang ang igaganti mo sa akin?" galit kong sabi kay Natasha na umiiyak ngayon. Kahit ako ay umiiyak na rin sa sobrang sakit ng ginawa niya.
"I'm really sorry Shancai. Please forgive me for what I did. Nagawa ko lang naman 'yon kasi mahal na mahal ko si Jameshin. But it turns out that he doesn't love me. Sana mapatawad mo ako Shancai." naiiyak na pagmamakaawa ni Natasha.
Huminga naman ako nang malalim. "I'll forgive you for what you did..."
"Really? Thanks Shan..." - Natasha
"...pero sa ngayon ay ipuputol muna natin ang pagkikita natin." dagdag ko pa.
Napatingin naman siya sa akin na may halong pagtataka. "W-what are you trying to say?"
"Ayoko munang makipagkaibigan sa 'yo hangga't hindi pa nawawala ang sakit na ginawa mo sa akin." ani ko.
Napayuko naman si Natasha. "I--I understand."
"Sa ngayon, pwede ka nang umalis." sabi ko sa kanya.
Pagkatapos kong kausapin si Natasha ay bumalik na ako sa loob ng kwarto dito sa hospital.
"Mama, umiyak ka ba? Bakit ka po umiyak? May umaway po ba sa 'yo?" tanong sa 'kin ng anak kong si Jamieshin. Mukhang napansin niya ang pamamaga ng mga mata ko dahil sa pag-iyak ko.
"W-wala 'to anak. Napuwing lang ako." sagot ko sa kanya.
"Hindi po ako naniniwala sa sinabi mo Mama." Lumapit naman sa akin si Jamieshin at niyakap niya ako. "Para po hindi na po kayo malungkot."
Hindi ko naman mapigilang mapangiti. Yakap pa lang ng anak ko ay nawawala na ang sakit na nararamdaman ko ngayon.
Ngayon na alam talaga ni Jameshin ang katotohanan, ano kaya ang magiging reaksyon ng anak ko kapag makita niya ang ama niya?