"Thaea, mangunguha muna kami ng isda doon. Ok lang ba?" Pagtukoy ni Zen sa karagatan at sa bangkang sasakyan nila.
"Oo naman." Mabilis na sagot ni Althaea. "Saka hihintayin ko 'yang mga nahuli mong isda."
Napatangu-tango ang binata sa naging sagot ng dalaga at napangiti.
"Syempre naman, Thaea hehe. Dadamihan namin ng huli." Singit naman ni Xavier sa kanilang usapan.
"Pangako niyo 'yan ah!" Paninigurado ni Althaea dahil nae-excite siya kumain ng isda muli.
"Oo naman, Thaea. Kami pa. Di ba, Zen?" saad ni Rayver.
Tumango ito saka rin nagsalita, "Ayaw kong mabigo si Althaea kaya kailangan na natin pumapalaot para mas makahuli ng maraming isda."
Sinang-ayunan na rin ito ng dalawa na si Xavier at Rayver na kapwa kaibigan ni Troezen.
"Sige, mauna na kami." Pamamaalam muna nila kina Althaea at Ginger.
Mga ilang segundong lumipas nang mapansin ng kaibigan ng dalaga kanyang itsura.
"May problema ba, Bez?" Nagtatakang tanong ni Ginger sa kanya.
"Ah? Wala naman." Pagde-deny na lang ng dalaga pero ang totoo sobra pa rin siyang affected sa nangyari kagabi.
May panghihinayang siya naramdaman dahil pilit niyang nilalayo si Greige sa kanya. Wala siyang choice kundi gawin na lang iyon dahil ayaw niyang masira ang relasyon nila magkapatid. Siya na lang magsasakripisyo kahit mahirap at masakit sa damdamin.
Kilala niya si Athena. Iba ito magalit- tagos sa buto. Hindi ito marunong tumanggap ng anumang paliwanag at apology. Lalo na kapag tungkol sa kanyang pag-aari, hindi siya kailanman marunong umunawa. Ito ang katatakutan niya balang araw kapag pilit na sinisiksik ni Greige ang kanyang sarili sa dalaga.
"Napapansin ko kasi ang itsura mo eh."
"Huwag kang mag-alala magiging ok din ang lahat."
Niyaya ni Althaea ang kaibigan na magkwentuhan sila tungkol sa ibang bagay na hindi involved ang pamilya at ang kanyang lovelife.
Sa gitna ng kanilang pag-uusap, napansin ng dalaga ang pagpunta ni Greige sa dagat kasama ang pinsan itong si Harold. Nakakatutok ang mata niya roon kahit nag-uusap sila ng kanyang kaibigan.
Nagpatuloy lamang sila sa kanilang ginagawa hanggang sa lumipas ang bente minutos. Naoansin niyang may tila nalulunod at humihingi ng saklolo.
"Greige!" Bulong niya saka tumakbo siya papunta ng laot para sagipin ang nalulunod.
"Sandali, Althaea.." gulat na saad ni Ginger kasabay ng kanyang pagsunod sa kanyang kaibigan.
Kasalukuyang sinasagip ng dalaga si Greige hanggang sa makaahon sila mula sa karagatan.
Nilapag niya ang binata sa buhangin at natataranta sa kanyang gagawin.
"Bez!" Gulat at kinakabahang sambit ni Ginger nang makita ang dalawa galing sa dagat.
"Greige, wake up. Please!" Bulong nito habang nagpe-perform siya ng first-aid sa binata. "Greige, please wake up. Don't give up."
Sa sobrang pag-alala ni Althaea bigla na lang niya pinag-mouth to mouth si Greige para mabigyan ito ng hangin.
Isang kuryente ang dumaloy sa buong katawan ng dalaga nang ilapat niya ang bibig sa lalaki kanyang pinakamamahal. Nagising ito at nagulat na lang si Althaea nang sugurin siya ni Athena at tinulak siya palayo sa boyfriend nito.
"How dare you to kiss my boyfriend!" Bulyaw nito sa kanya. "You're flirt."
"Hoy, Athena hindi mo alam kung ano nangyari dito." Naiinis na saad ni Ginger kay Athena. "Niligtas lang naman siya..." Turo nito sa kinaroroonan ni Greige na hirap pa ring umahon. "Nang malunod 'yang fiance mo. Dapat nga magsalamat ka sa kanya."
Sarkastikong napahalakhak si Athena. "Really? Nakita ng dalawang mata ko kung paano landiin ng kakambal ko si Greige."
"Wala ka talagang utang na loob." Sigaw muli ni Ginger at pilit na siyang pinipigilan ni Althaea. "No, Bez gusto ko lang ipamukha sa kapatid mo kung gaano siya makasarili."
Akmang susugurin ni Athena ang dalawa nang awatin na ito ni Harold kasabay ang pagdating nila Troezen, Rayver at Xavier.
Napalinga-linga ang mga kalalakihan sa kanila dahil di alam ang naging dahilan ng pag-aaway ng tatlong kababaihan.
"Anong nangyayari, Althaea?" Nag-alalang saad ng dating kasintahan nito.
"Ikaw!" Pagtukoy ni Athena kay Troezen. "Pakisabuhan 'yang girlfriend ko na lumayo siya kay Greige para makapaglandian."
"Athena, please stop arguing." Mahinang sambit ni Greige na nanatili lang siya nakaupo sa buhangin.
"Ang kapal talaga ng mukha mo sabihan ang kaibigan ko nang malandi. You're such..." Hindi natuloy ang sasabihin ni Ginger nang muli siyang inawat ni Althaea. "Ok, fine."
Wala siyang ginawa kundi sundin ang sinabi ng kanyang best friend. "Mabuti na lang mabait si Thaea kundi kung ano na lang masasabi ko sa'yo." angal ni Ginger kay Athena kasabay ng pagtitig nito sa kanya mula ulo hanggang paa.
Maya-maya biglang dumating ang Mr. and Mrs. Muestra at Mr. and Mrs. Escorial. Nagtataka nilang tintitigan ang mga taong nagbabangayan.
"What's happening here?" Tanong ng ina ni Athena at Althaea.
"Thaea and Thena!" saad naman ng kanyang ama.
"Harold, bakit nag-aaway sila?" Nagtatakang tanong naman ni Mr. Escorial.
"Hindi ko po alam ang nangyari, Tito. Nakita ko na silang tatlo nag-aaway." Lumingon siya saglit sa kanyang pinsan na si Greige.
"Althaea, please answer my question!" muling saad ng ama ng dalaga sa kanya.
Hindi makatingin si Althaea sa kanyang magulang pati sa magulang ni Greige. Hindi niya alam kung paano magpapaliwanag. Ramdam ng kaibigan niyang si Ginger ang kanyang kaba nararamdaman.
"Sinugod po kasi ni Althaea ng kakambal niya." Si Ginger na mismo ang sumagot ng tanong.
"Why?" Tanong muli ng ama nito.
"Because...." Napalunok muna siya ng laway bago ipagpatuloy ang sasabihin. "Because, Althaea saved Greige from drowning." Medyo nauutal na sambit ni Ginger.
Napatingin si Mrs. Escorial kay Greige at kay Althaea.
"Totoo ba ang sinasabi niya, Greige?" Tanong naman muli ni Mr. Escorial sa kanyang anak.
Tanging pagtango lang ang naging unang sagot ng binata sa kanyang anak. "Napulikat rin kasi ang kanan paa ko, Pa."
"Pero hinalikan ni Althaea si Greige at kitang-kita ng dalawa kong mata Tita at Tito, Mom and Dad." Singit ulit ni Athena sa usapan dahilan para mas hindi mapalagay ang nararamdaman ni Althaea.
"Bahagi lang 'yon ng pagsagip sa buhay ng boyfriend mo, Athena. Magpasalamat ka nasagip siya kaagad ng best friend ko kundi..."
Hindi na itinuloy pa ni Ginger ang kanyang sasabihin dahil kahit siya nakakaramdam ng kaba at ilang sa harap ng magulang ni Althaea.
"So, we must say thank you to Althaea for saving our son." muling pahayag ng ina ni Greige.
Pilit na ngiti lang ang naging sagot ni Althaea rito dahil hindi pa rin siya mapalagay sa ganitong eksena na nangyayari.
"I also think we should talk about this issue." saad naman ng ama ni Althaea at Athena.
"Aalis na po ako, Mom and Dad. Gusto ko na po magpahinga." Malumanay na pag-excuse na lang ng dalaga sa kanyang parents at maging sa magulang ni Greige.
"Sasamahan ko na rin po si Bez."
Kasalukuyang abala si Harold kapapanood ng mga videos Ytok. Nanlaki ang kanyang mga mata at natigilan.
"Di mo akalain nga naman oh. Sikat pa lang Ytoker si Althaea. Tignan mo, brad." Ilalahad na sana niya ang phone para ipakita ang mga music videos pero napansin niya itong nakatulala sa kawalan at malalim ang iniisip.
"Akala ko man lang nakikinig...Uy brad!" Muli niyang saad para mapukaw ang pansin ng pinsan. "Ok ka lang ba?"
"Ano ulit sabi mo?" Tanong na lang ni Harold at napakamot na lang ito na ulo.
"Sabi ko sikat din pala itong si Althaea sa Ytoker. Napakaganda talaga ng boses niya saka nakita ko rin dito kasama niya iyong boyfriend niya."
Kinuha ni Greige kay Harold ang cellphone at tinignan saglit ang mga videos saka binalik sa may-ari.
"Nakakahanga talaga siya kaya ganito na lang para di mawala siya sa aking isip."
"Tzk, tinamaan ka na nga talaga sa kanya kaso may jowa na 'yong tao."
"Pero pwede ko naman siyang kunin sa boyfriend niya." Napalingon sa kanya si Harold.
"Grabe brad dinaig mo pa talaga ako sa pagiging playboy."
"Alam mo naman ako di ba?" Natatawang saad ni Greige.
Napahinga na lang nang malalim si Harold. Wala siyang choice kundi suportahan pa rin ang kanyang pinsan. Siya nakakaalam halos lahat ng sekreto ni Greige dahil sa kanya lang pinagkakatiwala lahat.
"Paano naman si Athena?" Bigla na lang niya naitanong rito. "Wala ka na ba feelings for her kahit katiting man lang?"
"Wala na, Harold. Si Cassidy lang ang mahal ko."
Nagtaka ito sa pagbanggit ng pinsan sa pangalan na 'Cassidy. Hindi siya pamilyar sa ganitong name. Sa kanyang palagay, may iba pang babae na pinagtutukan si Greige.
"Sino siya?"
"Si Althaea Cassidy Muestra. Sino pa bang tinutukoy mo?" paliwanag ni Greige sa kanyang pinsan dahil akala nito may ibang babae pa nag-uugnay sa kanya.
Hindi siya ganoong klaseng lalaki na mapaglaro sa feelings ng mga babae. Kung naging seryoso man siya kay Athena noon, mas naging seryoso pa siya pagdating kay Althaea. Napaka-special ang nararamdaman niya para sa dalaga kaya ganito na lang siya kaapektado kapag tungkol roon ang pinag-uusapan.
"Ok, fine brad. Akala ko kasi may ibang babae ka pa inaatupag diyan..." nakangising saad nito dahilan para hampasin siya ng unan nang napakalakas ni Greige. "Aray ko naman."
"Palibhasa kasi trabaho mo." giit ni Greige kay Harold.
"Dati 'yon ah. Hindi na ngayon lalo pang mayroong babae na nagpapatibok nito." pagtukoy ni Harold sa kaliwa niyang dibdib.
"Alam ko na kung sinong babae 'yan. If I were you, iba na lang piliin mo." Kinunutan siya ng noo ng kanyang pinsan sa sinabi.
"At bakit? Eh kung gusto ko iyong tao, tzk."
"Baka lokohin mo lang siya."
"Hindi ah. I just want to tell you, brad that I already changed. Matino na ako ngayon. Kaya ko nang magseryoso sa isang babae."
Sa halip na sumagot si Greige, naisip na tulugan na lang niya ang kanyang pinsan dahil ayaw ng mapakinggan pa ang statement nito. Kilala niya si Harold na kahit sinasabi nito magtitino siya, hindi pa rin kapani-paniwala.
"Ok na ba, Bez?" bulong ni Ginger sa kanyang kaibigan na kanina pa silang tahimik at di nag-uusap matapos ang nangyaring bangayan. "I am sorry kung inaway ko ang kapatid mo. I just wanted to defend you as your best friend and prove to her that she is irrational."
"Don't say sorry, Gin. I know you did what is right. You have a point. Ako lang itong masyadong mabait pagdating sa kakambal ko." Malumanay na tugon ni Althaea saka niya nilingon ang kaibigan mula sa nakatagilid niyang paghiga. "Thank you that you're always there for me."
"Ay sus. Syempre, saan pa ang friendship natin kung hindi ko gagawin 'yon." dagdag pa ni Ginger. "Hindi na kasi ako makapagtimpi sa kapatid mong 'yon eh. Masyadong mababaw kung mag-isip at makasarili."
"Ganoon na talaga si Athena simula bata pa lang kami. Sinanay kasi siya sa layaw at luho ng parent ko. Ako naman natuto lang makuntento sa kung anong mayroon at naibigay."
"See? Napakabait talaga ng best friend ko." Buong tiwala na pinuri ni Ginger si Althaea.
Isa siya sa witness nang pagiging mabait ng isang Althaea Cassidy Muestra na kailanman na hindi na makakahanap ng isang tulad pa niya sa buong mundo. Nag-iisa lang talaga siya.
Niyakap siya nang mahigpit ng kanyang best friend.
"Swerte ko rin naman sa'yo, Gin kasi mahina ako pagdating sa pagtatanggol ko ng sarili tapos ikaw iyong defender ko."
"Ikaw naman kasi masyadong mabait." patuloy pa rin ang pagpuro ni Ginger kay Althaea. "Kaya di na ako magtataka kung bakit nagustuhan ka rin ng dalawang lalaki."
Natigilan si Althaea sa huling sambit ng kaibigan. Sobra siyang nalulungkot sa nangyayari sa kanya na umiikot sa buhay niya ang dalawang lalaki. Ang isang lalaki na kanyang ex-boyfriend ngayon na umaasa pa rin na manumbalik ang feelings niya para rito at ang isang lalaki naman na hindi pa rin sumusuko kakahabol sa kanya na kahit sobrang kakumplikado ng sitwasyon.
"Sorry." Bigla na lang humingi ng tawad si Ginger kasabay ng pagtakip nito sa kanyang bibig.
"Alam ko naman 'yon, Gin kaso dapat iisa lang pipiliin sa kanila. Iyong tao na di ako isasakripisyo sa isang malalang sitwasyon."
"Teka, si Zen ba 'yan?" Tumango si Althaea.
Kay Troezen magiging maayos pa rin ang lahat at wala siyang ibang tao pa na masasaktan. Hindi niya pa masasaktan si Athena. Kahit masakit na hindi piliin si Greige pero iyon ang pinakatama niyang gawin alang-alang lamang sa kanilang magkapatid.
Lalo, ngayon na may idea na si Athena sa kanilang dalawa ni Greige. Hindi malayo sa katotohanan na di siya susugurin ulit ng kakambal kapag di siya tumigil. Kaya't hanggat maaari kailangan na niyang unahan bago mahuli pa ang lahat. Ayaw niyang magalit sa kanya si Athena at umabot talaga sa pinakaluntong di na siya ituring nito bilang kapatid.
Kilala ni Althaea ang pag-iisip ni Athena. Hindi ito umuurong at pilit niyang igigiit ang kanyang sarili kahit sa di magandang paraan. Kaya, ayaw na niya maulit pa ang nangyari na magtangkang mag-suicide si Athena na nagpalungkot sa kanyang mga magulang.
Pagkalipas ng tatlong oras, naghanda na ang lahat para sa pag-uwi nila sa syudad. Habang hinihintay pa ni Althaea ang iba, niyaya nito si Troezen na kumuha siyang larawan kasama ang ex-boyfriend. Wala naman masama.
Si Ginger naman abala sa pagtitig sa karagatan at pagkuha muli ng mga litrato rin sa lugar habang kumakanta sina Rayver at Xavier gamit ang guitar na dala nila.
Maya-maya dumating na ang iba pa. Naging agaw-pansin kay Greige ang pagiging sweet nina Troezen at Althaea malapit sa dalampasigan na kumukuha ng litrato.
Biglang umangkla sa kanyang braso si Athena, "Back to normal naman ulit." dinig niya saad pa nito. "Nasaan na kaya sila Mom and Dad pati si Tito and Tita?"
"Narito na 'yon maya-maya." Si Harold ang sumagot habang tahimik lamang sa isang sulok si Greige.
"Are you ok, mi cielo?" Tanong kaagad sa kanya ni Athena.
Tumango lang ito bilang sagot pero di sapat iyon para sa dalaga kaya nilagay niya ang braso sa noo pati sa leeg para malaman kung wala itong karamdaman.
"Wala ka naman sinat." dugtong nito matapos siyang i-check.
Mga ilang sandali dumating na rin ang mga seniors kasama pa ang ilang bodyguards nila.
"Let's go.." pahayag ni Mr. Escorial sa lahat kaya sabay-sabay na nilang nilisan ang resort palabas.
Nanatili pa rin nakakuyom ang kamao ni Greige nang palihim dahil sa nakikita niyang eksena. Di niya talaga maiwasan magselos kay Troezen.
Napansin iyon ni Harold kaya nilapitan siya at inakbayan. "Easy lang brad." Bulong na lang nito sa kanya.