Chereads / Break The Walls of Troy / Chapter 3 - Chapter 2

Chapter 3 - Chapter 2

Same routine. After class, diretso ako sa unang raket ko. Buti na lang at sabado bukas, puwede akong mag-overtime sa restaurant. Bukas ay pamimigay naman ng leaflets ang aatupagin ko sa hapon dahil bibisitahin ko si tatay sa umaga. Masaya akong ibabalita sa kanya na may nakuha na akong abogado na makakatulong para sa paglaya niya. Paghahanap ng abogado ang inatupag ko nitong mga nakaraang araw. Kaya nga madalas akong napapagalitan ng supervisor ko dahil madalas akong late.

"I am going to fire you Ms. Valenzuela kung late ka na naman siguro ngayon," usal ng supervisor ko ng makita akong humahangos. Napapaypay pa 'ko sa sarili ko atsaka tumingin sa mumurahing relo na suot ko. Maaga ako ng trenta minutos ngayon.

"Hindi na po mauulit Ma'am. Promise, hindi na po ako male-late," sabi ko na puno ng sinseridad. Hindi na ako male-late kasi nakahanap na ako ng abogado para sa tatay ko kaya makakapag-focus na ako sa trabaho. Kakailanganin pa rin kasi ng pera kahit na public lawyer ang nakuha ko.

Hindi sumagot ang supervisor ko at tinanguan lang ako nito. Nag-bow ako sa kanya atsaka nakangiting nagpunta ng locker para magpalit ng damit. Mabait ang supervisor ko kumpara sa trainor ko na feeling supervisor. Tinitiis ko na lang ang ugali no'n at nagpapakitang gilas na lang ako. Part timer lang kasi ako dito at kayang-kaya nila akong palitan anytime kapag may kapalpakan akong ginawa.

"My necklace's missing! Who the fuck cleaned my room?!"

Nasa ilalim ako ng reception desk at pinupunasan ang alikabok nito ng marinig ko ang bulyaw na iyon ng isang lalake. Hindi na ako nakiusyoso dahil abala pa ako sa paglilinis.

"Ilang araw bang hindi nilinisan 'to at grabe naman ang alikabok?" bulong ko sa sarili na hindi pinansin ang komosyon at patuloy lang na pinupunasan ng basang basahan ang ilalim ng desk.

"Mr. Santillan, what's the prob—"

"My necklace is missing and I want you to know who the fuck stole it! I'll give you time to find that. Give my necklace back to me until seven, tonight," ani ng lalakeng nagrereklamo na puno ng awtoridad ang boses. Hindi ko na narinig pang nagsalita ang supervisor ko.

Nag-angat na ako ng tingin para sana alamin kung sino ang lalakeng iyon ngunit likod na lamang niya ang naabutan ko.

"Sino ang naglinis ng suite ni Mr. Santillan? Kapag hindi natin nahanap ang necklace niya pare-pareho tayong malilintikan!" anas ng aming supervisor. Ngayon ko lang nakitang nagalit ito kaya nakaramdam ako bigla ng kaba. Siguro ay hindi basta basta ang Mr. Santillan na iyon dahil lahat ng tao na nandito ngayon ay halatang mga takot.

"Sino ba 'yung nagreklamo?" bulong na tanong ko sa isang receptionist.

"Si Sir Troy Sylvann Santillan," sagot nito na ikinakunot ng noo ko. "Anak ng may-ari ng hotel na 'to," dagdag niya pa. Kaya naman pala takot ang lahat.

"Sino dito ang nakatokang maglinis ng 10th floor kanina?" tanong bigla ng supervisor namin kaya napabalik ang atensiyon ko dito.

"A-ako po ma'am," nanginginig akong nagtaas ng kamay.

"10FG ang suite ni Mr. Santillan, ikaw ba ang naka-assign na housekeeper doon?"

"Hin—"

"Yes Ma'am, si Emerald ang in-assign kong housekeeper doon," hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng sumabat ang trainor ko. Kunot-noo akong napabaling sa kanya.

"H-hindi po ako ang kumuha ng necklace niya ma'am," pag-depensa ko ng tingnan ako ng aking supervisor ng makahulugan. Sa mga tingin pa lang niya alam kong ako na ang pinagbibintangan niya.

"Then look for it. Have you heard what he said? By 7pm kailangan nasa kanya na ang necklace na hinahanap niya," masungit na sabi ng supervisor ko atsaka kami tinalikuran.

Hindi agad ako nakagalaw sa kinatatayuan ko at napatingin sa trainor ko. Tiningnan niya lang ako at nagkibit-balikat bago ako iwan doon. Bakit siya nagsinungaling? Hindi lang ako ang naka-assign na maglinis ng 10th floor kanina pero bakit parang ako ang sinisisi nila? Saan ko hahanapin ang necklace? Alas tres na ng hapon at may trabaho pa ako sa restaurant ng 7pm.

Sinunod ko ang sinabi ng supervisor ko kahit labag ito sa loob ko. Pinasok ko ang suite ng Mr. Santillan na iyon at nalula ako sa laki nito. Kaya pala 10FG dahil dalawang suite ang occupied niya at pinag-isa ito. Inumpisahan kong maghanap sa ilalim ng kama, sa couch, sa center table, sa likod ng TV at kung saan pa pero bigo ako.

Malapit ng mag-alas siyete at tinext ko na lamang ang isa sa mga kasamahan ko sa restaurant na baka hindi ako makapasok. Binalak ko pa naman sanang mag-overtime sa restaurant pero wala naman akong choice. Pero saan ko ba hahanapin ang necklace na 'yon?

Paiyak na 'ko ng i-check ko ang aking relo. Ano bang mangyayari kapag hindi ko nahanap iyon?

"Hindi naman kasi ako ang naglinis dito kanina e," paghikbi ko habang patuloy pa rin ang paghahanap. Inangat ko ang floor mat sa pagbabakasakaling makita iyon ngunit wala pa rin. Tuluyan na akong nawalan ng pag-asa ng pumatak ang alas siyete. Napaupo na lang ako sa lapag at pinupunasan ang mga luha. Siguro ay maghahanap na lang ako ng bagong trabaho.

"So you haven't found my necklace?"

Napatayo agad ako at napaayos ng sarili ng marinig ang boses na iyon sa may main door. Akala ko ay ako ang kinakausap nito, ang supervisor ko pala na nakasunod dito kasama ang trainor ko.

"Siya. Siya Mr. Santillan, sigurado akong siya ang nagnakaw ng necklace mo," biglang turo sa akin ng trainor ko kaya lahat sila ay napatingin sa akin maging ang tinatawag nilang Mr. Santillan.

Natigilan ako ng harapin ako ni Mr. Santillan. 'Yung lalake sa bus, hindi ako puwedeng magkamali. Sigurado akong siya 'yon.

"H-hindi po ako magnanakaw. Hindi po ako pinalaki ng tatay ko na magnanakaw," naluluha na namang sabi ko. Hindi ko ipinahalata ang pagkabigla ko na makita muli ang lalakeng ito, ngayon pa sa sitwasyong ito.

"I'm sorry Emerald, that necklace is very precious to Mr. Santillan. Sorry but I have to fire you," sabat ng supervisor ko kaya napayuko na lang ako at doon ko hinayaang umagos ang mga luha kong kanina pa nagbabadyang tumulo habang nilalaro ko ang mga daliri ko. Bakit gano'n na lang kadali para sa iilang mayaman at makapangyarihan na pagbintangan ang mga kagaya naming dukha?

"No," ani Mr. Santillan dahilan para malipat ang atensiyon namin sa kanya, "You are fired," mahinahon ngunit bakas ang inis na turo niya sa trainor ko na ikinabigla naming lahat.

"Pero sir—"

"I don't want to see your face and your boyfriend's face here. Get out now or else I'll sue you for stealing and both of you will end up in jail."

"Bakit ako po ang tatanggalan niyo ng trabaho? Hindi po ako ang nagnakaw ng necklace niyo. Malinaw na ang babaeng 'yan ang nagnakaw," pagpipilit ng trainor habang idinuduro ako.

"Woah, the audacity. I didn't say it was you. It was your boyfriend, right? The one who was assigned earlier to clean my room. Akala mo hindi ko malalaman? Each one of you has the keycard with your names, anong tingin mo sa hotel na 'to, pipitsugin para hindi malaman mga kabulastugan niyo? And you keep what he has done. You think I'll let you stay here?"

Natahimik ang trainor ko sa litanya ni Mr. Santillan. He hit the nerve, kumbaga. Kahit kami ng supervisor ko ay nabigla sa mga sinabi nito.

Alam kong malinis na ang pangalan ko pero hindi matigil ang malakas na tibok ng puso ko. Lalo akong kinabahan dahil sa ramdam ko ang galit niya. Marahil ay sobrang halaga ng kuwintas na iyon dahil ganito na lamang siya kung magalit ng malamang may nagtangkang magnakaw no'n. Mayaman naman kasi siya at kaya niyang bumili nito anytime.

Walang nagawa at maluha-luhang lumabas ng kuwarto ang trainor ko. Napag-alaman namin na boyfriend pala ng trainor ko ang kapwa ko full time housekeeper na naka-assign na maglinis ng kuwarto ni Mr. Santillan. Kinompronta ito ni Mr. Santillan ng makita ito sa CCTV na nakalagay sa may tapat ng main door nito.

Ang tanga nilang magkasintahan, sa isip isip ko. Talagang dito pa nila naisipang gumawa ng kalokohan e 5 star hotel ito.

"I'm sorry for what happened Mr. Santillan, I'll make sure this won't happen again," mahinahon at nakayukong ani ng aking supervisor. Nakaupo na sa engrandeng sofa niya si Mr. Santillan at hindi umaahon mula sa pagkakayuko ang aking supervisor hangga't hindi ito nagsasalita.

"Okay you may go," walang ganang sagot ni Mr. Santillan kaya umayos na ng tayo ang aking supervisor at tumalikod na. Susunod na rin sana ako ng muling magsalita ito, "Except you," dagdag niya kaya dalawa kami ng aking supervisor na lumingon.

Nagtataka akong itinuro ang aking sarili, "A-ako po?" kinakabahang tanong ko.

Hindi ito nagsalita at tumango lang bilang sagot. Kinakabahan kong nilingon ang aking supervisor ngunit nakalabas na ito ng suite ni Mr. Santillan at naisara na ang main door kaya naman dalawa na lang kaming naiwan doon.

Para akong batang nakatayo sa harap ni Mr. Santillan habang pinaglalaruan ko ang aking mga daliri. Hindi siya umiimik kaya naman palihim ko siyang pinagmamasdan. Nakapatong ang kanyang isang kamay sa sandalan ng sofa habang ang isang kamay ay may hawak na sigarilyo. Naka-long sleeve shirt siya na black na nakatupi ang sleeves hanggang siko at suot ang mamahaling relo. Isang beses siyang humithit ng hawak na sigarilyo at nagbuga ng usok kaya nabaling ang atensyon ko sa mga labi niya. Bakit gano'n? Bakit kahit naninigarilyo siya ay mamula mula pa rin ang kanyang maninipis na mga labi? At heto na naman ako na hindi mapigilang mapatitig sa kulay brown niyang mga mata na sinamahan pa ng makakapal na eyelashes. Hindi ko akalain na mas guwapo siya sa malapitan.

Natauhan ako at napaayos ng tayo ng marinig ko ang mahina niyang pagtawa. Saglit siyang umalis sa pagkaka sandal sa upuan para ilagay ang upos ng sigarilyo sa ash tray na nasa center table.

Sisingilin niya na ba ako ngayon dahil nadumihan ko 'yung damit ng girlfriend niya nung nakaraan? Pero mukha namang malabo akong matandaan nito. Sino ba naman ako 'di ba?

"Why do you keep staring at me every time we're meeting each other? Huh, Emerald?" tanong niya na nakapagpatigil sa akin dahilan upang muli akong mapatitig sa guwapo niyang mukha.