Nasa library kami ngayon kasama ang aking mga ka-groupmates para sa thesis na ginagawa namin. Nagpaalam ako sa supervisor ko sa hotel na hindi ako makakapasok ngayong araw dahil finals na namin. Kaunting kaunti na lang at gagraduate na ako. Sigurado akong sobrang proud sa akin ni tatay kapag nakatapos ako. Hindi man siya makakarating sa graduation ko, alam ko namang makakasama ko rin siya sa tamang panahon. Darating ang tamang oras na aayon din sa amin ang batas.
Kasalukuyan akong nagbabasa ng module namin at nagha-highlight ng mag-vibrate ang aking cellphone na nasa table. Inilapag ko saglit ang module at dinampot ang cellphone para tingnan kung sino ang nagtext.
From: Sir Troy
I didn't see you at the hotel. Are you still in your university?
Napangiti ako at agad kong tinipa ang reply button.
To: Sir Troy
Opo. Finals na po kasi namin Sir. Sorry po kung hindi ako nakapagpaalam sa inyo.
"Can't you just talk to me casually, Emerald?" reply niya.
Ngumiti na lamang ako at hindi na nagreply pa sa kanya. Pinalitan ko na ang pangalan niya sa aking cellphone. From Sir Troy to Troy dahil iyon ang gusto niya.
"I already told my dad to compensate you even if you're not working. Kahit hanggang sa maka-graduate ka lang. You don't have to report to work everyday. Focus on your studies, Emerald." Napatakip ako ng bibig sa message niyang iyon.
"Hindi naman siguro pwede 'yun. Masyadong unfair 'yon sa iba." Ito sana ang ire-reply ko ng may ma-receive akong isang mensahe galing sa isang 'di kilalang numero.
From: Unknown
This is Lucas. You don't have to report to work from now on. Don't worry, I already told the HR Head to continue your compensation and benefits. Thank you hija, this is the first time my son called me after years. Ipagpatuloy mo lang kung anong napag-usapan natin.
Napahinga na lang ako ng malalim matapos ang mga nabasa ko.
"Para kay tatay. Tama, para kay tatay," nasabi ko na lang sa sarili ko habang napapatango.
"Ayos ka lang, Emerald? Puyat ka ba? Gusto mo tulog ka muna?" biglang sabi ni Aila kaya napalingon ako sa kanya. Hindi ko na siya sinagot at umiling na lamang 'tsaka ko ibinalik ang atensiyon sa module na binabasa ng muli na naman akong makatanggap ng isa pang mensahe.
From: Troy
I'll fetch you later. Is it okay?
Lakas loob kong tinipa ang reply button at doon tinype ang "Oo naman Troy. See you later."
Pakiramdam ko'y nagtataka siya sa mga oras na ito sa reply ko pero nandito na ako. Nandito na ako sa sitwasyong ito at alam kong hindi ko na matatakasan ito kaya mabuti nga sigurong ituloy ko na ito. Kung ang magiging kapalit naman ay ang kalayaang inaasam ko para kay tatay.
"Feeling ko talaga makaka-graduate ako ngayon," ani Aila habang yakap yakap ang libro at nasa kawalan ang tingin. Tapos na naming gawin ang second chapter ng aming thesis at naglalakad na kami sa quadrangle ng university palabas para umuwi na.
"Ay, huwag pakasigurado 'te! Masakit lumagapak," sabat ni Mikayla na Mikael sa umaga. Tatlo kaming magkaka-grupo sa final thesis namin bago ang graduation kaya sabay sabay kami madalas umuwi.
"Gaga, ka-grupo kasi natin si Emerald! Alam mo namang pinag-aagawan 'to sa klase para maging ka-grupo pero tayo ang pinili niya. Imagine, pasado na tayo kasi nasa atin ang running for Latin honors."
"Huwag mo nga pangunahan, Aila. Baka mausog pa," biro ko atsaka kami nagtawanan. Hindi pa man din kasi ina-announce kung sino ang mga running for Latin honors ay nagpahaging na ang aming adviser tuwing nasa klase. Consistent DL din kasi ako simula ng umapak ako sa university at full time academic scholar pa.
"Mga 'te, may afam! Kinawayan ako!" kinikilig na bulalas ni Mikayla kaya sinundan namin ni Aila ang direksiyon ng tinitingnan niya.
At doon, nakita ko si Troy sa tapat ng gate namin na nakasandal sa kanyang kotse at kumakaway sa amin.
"Assuming ka Mikael Antonio. Si Emerald ang kinakawayan niyan," natatawang usal ni Aila kaya sinamaan siya ni Mikayla dahil binanggit nito ang buong pangalan niya.
"Huwaw! Hiyang hiya ako sa'yo Aila Corazon ang unang aswang!"
Natatawa na lang ako sa kanilang dalawa at patuloy silang nag-aasaran hanggang sa makalabas na kami ng main gate at makarating sa tapat ni Troy.
"Hi, Troy," bati ni Aila na sinuklian ng ngiti ni Troy.
"Lakas maka-macho ng name. Ikaw Emerald 'di ka naman nagsasabi, may jowa ka palang yummy. Shuta, parang blessing ni Lord sa aking mga mata," bulong ni Mikayla sa amin kaya siniko ko siya. "Hi, Troy. Ako nga pala si Mikayla, kaibigan ni Emerald," malanding pakilala niya pa sa sarili at nakipagkamay.
"It's nice to meet you Mikayla," natatawang sagot ni Troy sa kanya. "Gusto niyo ba sumabay na lang amin?" tanong nito kaya halos magningning ang mga mata ni Mikayla.
"Oh sure—"
"Hindi na Troy. Enjoy the moment with my best friend na lang. Ingatan mo 'yan ah? Iuuwi mo 'yan ng buo at walang bawas," ani Aila na tinakpan pa ang bibig ni Mikayla.
Tumawa lang si Troy bago sumagot, "Of course, Aila. I'll take care of her. So, pa'no ba 'yan? Hiramin ko muna sa inyo si Emerald ah."
"Sige lang, kahit sa'yo na 'yan," sagot pa ni Aila kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Huwag mo na silang pansinin. Tara na, pinagtitinginan na tayo dito," singit ko sa kanila. Hindi na rin ako komportable dahil halos nasa amin ang atensiyon ng mga kapwa ko estudyante na naglalabasan din.
"Ikaw ba naman sunduin ng anghel 'te kahit sino luluwa ang mata sa inggit! Angkinin mo na 'yan Emerald, ipangalandakan mo sa lahat ng umaaway sa'yo!" gigil na sabi ni Mikayla kaya hinatak na siya ni Aila palayo. Natawa na lang ako sa inasal nila.
"Sige na, ingat kayo. Enjoy!" paalam ni Aila bago tuluyang lumayo sa amin habang hatak hatak si Mikayla.
"Pagpasensiyahan mo na 'yung mga kaibigan ko ah. Talagang gano'n lang mga 'yun," nahihiyang sabi ko ng harapin kong muli si Troy.
"I find them cute actually and I want to be friends with your friends," aniya kaya napangiti na lang ako sa kanya. "And I also like the fact that you're starting to talk to me casually now," dagdag pa niya ng nakangiti.
"S-sobra po ba? Masyado po ba akong feeling close?" tanong ko dahil bigla akong nahiya.
"No. I like it. Hindi ka feeling close. We're already close, right?"
"Eh?"
Hindi na siya sumagot at binigyan niya lang ulit ako ng isang ngiti bago ako pinagbuksan ng pinto ng kanyang sasakyan. Bahagya na lang akong napailing atsaka sumakay.
"Saan pala tayo, pupunta?" tanong ko habang abala siya sa pagmamaneho. Napansin ko kasing iba ang dinadaanan namin at hindi iyon ang daan pauwi sa bahay. Akala ko ay sinundo niya lang ako para ihatid pauwi.
"May gig ako ngayon. I just want you to be there, okay lang ba?" sagot niya at saglit na sumulyap sa akin.
"Oo naman."
Dumating kami sa isang bar. Hindi pa man din kami nakakababa ng kanyang sasakyan ay napatingin na ako sa suot ko. Naka-t shirt at jeans lang ako. Bigla akong tinablan ng hiya lalo na ng makita ko ang ilang kababaihang pumapasok sa main entrance ng bar na halatang mga elitista sa pananamit pa lang.
"Hindi ata ako bagay sa lugar na 'to. Ang...gaganda nila," halos pabulong na sabi ko kay Troy. Agad namang dumoble ang tibok ng puso ko ng bigla na lamang niyang hawakan ang kamay ko atsaka ngumiti.
"You're way way prettier than them, Emerald," usal niya habang nakatitig ng diretso sa aking mga mata. Hindi ko alam ang isasagot ko sa naging pahayag niya kaya sinuklian ko na lamang siya ng isang matamis na ngiti. "Let's go?" tanong niya na tinanguan ko.
Maingay at amoy vape ang lugar pagkapasok namin. Hinayaan kong hawakan niya ang aking kamay habang nagpapatianod lang ako sa kanya patungo sa kung saan. Pareho kaming huminto sa tapat ng isang grupo ng kalalakihan na may kasamang mga babae. Lahat sila ay nakaupo sa tatlong engrandeng couch na kulay itim habang puno naman ng iba't ibang klase ng alak ang kanilang table. Lalo akong nahiya sa suot ko ng makita ko ang mga babaeng kasama nila. Ang gaganda at ang gaganda rin ng kanilang mga suot. Ang ilan ay halos makita na ang dibdib sa sobrang baba ng neckline ng kanilang damit.
Saglit na binitiwan ni Troy ang kamay ko para makipag-fist bump sa mga kaibigan bago ako iginiya paupo sa bakanteng couch. Tumabi naman siya sa akin matapos batiin ang mga kaibigan.
"Girlfriend mo, Troy?" tanong ng isang lalake. Hindi sumagot si Troy at nginitian lang ito.
"Damot. Pa-showbiz ka talaga kahit kailan!" sabi pa nito at binato si Troy ng kung anong nadampot sa table habang tumatawa.
"Don't make her feel awkward Ryle," natatawang sabi ni Troy doon sa nagtanong. "By the way, she's Emerald guys. Emerald, remember their faces, okay? Sila 'yung mga taong hindi mo dapat pagkatiwalaan," biro pa niya sa akin ng tumatawa kaya pabiro rin siyang hinampas sa balikat ng mga kasama.
"Emerald, kapag sinaktan ka niyang si Troy, puwede kang tumakbo sa akin. I'll comfort you," sabi naman nung katabi nung Ryle at inabot ang kamay sa akin para makipag-shake hand. Aabutin ko na sana iyon ng biglang hampasin ni Troy kamay nito palayo sa akin.
"Get all the girls that you want Ivan but please, not her," hindi ko alam kung biro lang iyon ni Troy dahil hinihintay ko siyang tumawa pero hindi niya ginawa. Kinuha lang niya ang isang bote ng alak at nagbuhos sa shot glass bago ito nilagok.
"Dude, chill. I was just kidding. Napaka-seloso mo pa rin talaga," umiiling na sabi nung Ivan habang tumatawa.
"Anyway, wala si Drix ngayon Troy," singit nung Ryle.
"Then?"
"Ikaw muna vocalist. We'll perform after 10 minutes,"
"Kumakanta ka?" biglang tanong ko kay Troy at tumango lang ito sa akin bago lumagok muli sa shot glass niya.
"A bit."
"Pa-humble pa ang gago," rinig kong bulong nung Ivan.
Naiwan akong mag-isa sa madilim na sulok ng lugar na ito dahil lahat sila ay nagpuntahan na malapit sa stage dahil magpe-perform na ang grupo ni Troy. Sinunod ko na lang ang sinabi ni Troy na mag-stay na lang dito dahil baka daw maipit ako doon. Gano'n daw kasi ka-wild ang mga tao kapag nagpe-perform sila. Buti na nga lang at kitang kita pa rin sila sa stage kahit nandito lang ako sa puwesto ko.
In-order-an lang ako ni Troy ng Iced Tea at sinabing huwag akong iinom at panoorin ko lang daw siya. Kahit hindi niya sabihin sa akin ang bagay na iyon ay hinding hindi ako iinom dahil baka malasing ako. Hindi ko pa kasi kilala ang sarili ko kapag nalasing.
Nasa stage na ang buong atensiyon ko ng marinig ko ang pag-strum ng gitara ni Troy. Hindi lang pala siya marunong kumanta, marunong din siyang humawak ng mga instrumento.
Napahawak ako sa aking dibdib ng magsimulang kumanta si Troy. Nakaupo siya habang nag-gigitara at may mikropono sa harapan. Si Ivan naman ay nasa gilid niya at tinitipa ang keyboard habang si Ryle naman ang nasa drums. Napalunok pa ako ng biglang magtama ang aming paningin. Binigyan niya ako ng ngiti kaya palihim ko rin siyang nginitian. Halos hindi magkandamayaw sa tilian ang mga babae sa loob ng bar na iyon habang kumakanta si Troy at ang mga kasama nito. Infairness din naman kasi sa mga kaibigan niya na may ibubuga rin naman kung hitsura ang pag-uusapan.
Sumasabay ako sa kanta ni Troy habang paunti-unting inuubos 'yung Iced tea ng bigla na lamang may tumabi sa akin.
"Mind if I join you here?" tanong sa akin ng lalakeng bigla na lamang umupo sa tabi ko at sobrang lapit niya sa akin kaya wagas din ako kung maka-atras. Sobrang lapit ng mukha niya sa akin to the point na naaamoy ko na ang kanyang hininga na amoy alak at vape. Kahit madilim ay kitang kita na mestizo ang lalakeng ito. Mapupungay na ang kanyang mga mata kaya alam kong lasing na ito.
"M-may kasama ako," naiilang na sabi ko at pilit kong inilalayo ang sarili ko sa kanya.
"I don't care. Kanina pa kita pinagmamasdan at habang tumatagal mas lalo kang gumaganda sa paningin ko, Miss," aniya at inilagay ang magkabila niyang kamay sa magkabilang side ko.
"Lumayo ka sa akin please—" hindi ko na natuloy ang mga sasabihin ko ng bigla na lamang niya akong halikan sa aking mga labi. Mabilis ko siyang itinulak palayo sa akin at sinampal. "Bastos!" maluha-luhang sabi ko sa kanya.
"Ang arte mo naman. Come on, you came in this place tapos mag-iinarte ka ng ganyan? Para halik lang e. Ano bang gusto mo? Gusto mo ba ng sex—"
Nanlaki ang mga mata ko ng bigla na lamang bumulagta ito dahil sa suntok ni Troy. Kitang kita ko ang galit sa mga mata ni Troy ng balingan ko siya. Akmang susuntukin niyang muli ang lalake ng pigilan siya ng kanyang mga kaibigan.
"Enough, Troy," pagpipigil ni Ivan.
Hindi ko na napigilan ang aking mga luha ng igala ko ang tingin ko sa paligid. Halos lahat ng atensiyon ay nasa amin na. Natigil din ang performance nila Troy ng dahil sa akin.
"Get his name and give it to me later," mariing utos niya kina Ivan na tinanguan lang ng mga ito. Saglit niyang tinapunan ng masasamang titig ang lalake na kasalukuyang pinupunasan ang namuong dugo sa gilid ng labi bago niya ako hinawakan sa kamay at hinatak palabas sa lugar na iyon.
Tulala at wala akong imik habang nasa biyahe kami at gano'n din si Troy. Ni hindi ko siya kayang tingnan matapos ng mga nangyari. Gusto kong umiyak kaso nahihiya ako, mamaya na lang siguro pag-uwi ko sa bahay.
Nagulat naman ako ng bigla na lamang hampasin ni Troy ang manibela at iginilid ang kanyang sasakyan sa gilid ng kalsada. Gulat pa rin ako ng ilipat ko ang atensiyon ko sa kanya. Diretso lang ang tingin niya kaya kinakabahan ako dahil hindi ko alam kung anong tumatakbo sa kanyang isipan.
"I'm sorry," halos pabulong na sambit niya kaya napakunot ang aking noo. "I'm sorry, Emerald. It was my fault. Ako ang nagdala sa'yo sa lugar na iyon. I...I shouldn't brought you in that place. I'm—why are you crying?" nag-aalalang tanong niya ng balingan niya ako. Hindi ko na kasi napigilan ang aking mga luha na magbagsakan.
"Kasi...'yung...'yung first kiss ko wala na," nahihiyang sabi ko at nagtaka naman ako ng bigla na lamang itong tumawa. "Bakit ka tumatawa? May nakakatawa ba sa sinabi ko? Palibhasa sanay na sanay kayo sa mga ganon'g bagay! Nangako ako kay tatay na ibibigay ko lang ang first kiss ko sa lalaking mahal ko. E hindi ko nga kilala 'yung lalaking 'yon!" mahabang litanya ko habang wala pa ring patid ang aking pagluha. Wala na akong pakialam sa mga iisipin ni Troy basta naiiyak ako dahil wala na ang iniigat-ingatan kong unang halik.
"Look at me, Emerald," ani Troy kaya tumingin ako sa kanya. Halos hindi agad ako nakagalaw ng bigla na lamang niyang hawakan ang magkabilang pisngi ko.
"T-Troy," mahina at nauutal utal na sambit ko sa kanyang pangalan. Ibinaba niya ang titig niya sa aking mga labi at para akong nawalan ng lakas sa mga sumunod na nangyari.
Hinagkan niya ang aking mga labi. Matamis ngunit puno ng pag-iingat ang mga halik niyang iyon.
"Forget about that guy, hmm?" aniya matapos ang halik na 'yon at pinagdikit ang aming mga noo. "I am your first kiss. I was the one who kissed you, okay?"
Para naman akong tanga na sumang-ayon at tumango sa sinabi niya. "O-oo," nanghihinang sagot ko.
"Say my name, Emerald."
"Ikaw ang unang halik ko... Troy," usal ko.