Chereads / Break The Walls of Troy / Chapter 7 - Chapter 6

Chapter 7 - Chapter 6

"I will wait for your answer until tomorrow, Emerald since I have a flight to Singapore the next day. Bukas ang opisina ko para sa'yo and I am hoping for a 'yes'."

Paulit-ulit iyon sa aking isipan. Lahat ng sinabi ni Atty. Lucas Santillan. Wala ako sa sariling lumabas ng kanyang opisina at bumalik sa trabaho. Hindi ko alam kung paano ko gagawin ang kapalit ng tulong na ino-offer niya sa akin. Pero kung tatanggihan ko naman ang napakalaking oportunidad na iyon ay parang isinuko ko na rin ang pag-asang makakasama kong muli si tatay.

Alas onse na ng isara namin ang restaurant. Naghahalo na ang pagod at antok ko pero ipinagpatuloy ko pa rin ang pagma-mop ng eleganteng sahig ng restaurant na ito. Nagising naman ang diwa ko ng biglang agawin sa akin ni Mon ang mop at siya ang nagpatuloy ng ginagawa ko.

"Sige na Emerald, ipinagpaalam na kita sa manager. May pasok ka pa bukas kaya umuwi ka na. Kami na dito," sabi ni Mon ng hindi tumitingin sa akin dahil abala na siya sa pagma-mop.

"Pero—"

Hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng saglit siyang huminto at hinarap ako. "Sige na, Emerald. Oh, sakto mukhang nandiyan na 'yung sundo mo," nawala ang ngiti niya ng sabihin iyon kaya napatingin na lang din ako sa direksiyon na tinitingnan niya.

Si Sir Troy na kakapasok lang at palinga-linga sa paligid na akala mo may hinahanap. Nagba-bow sa kanya ang mga kasamahan ko sa trabaho habang ang iba'y palihim na naghahagikhikan marahil sa kilig. Naka-black lang siya na v-neck t shirt at ripped jeans pero hindi talaga maikakaila na sobrang lakas ng kanyang dating. Kahit siguro basahan ang suot niya ay babagay pa rin iyon sa kanya.

Napaayos naman ako ng tayo at bumalik sa katinuan ng mapansin kong naglalakad na siya patungo sa direksiyon ko.

"Are you going home?" biglang tanong niya ng makalapit siya sa akin. Hindi ako agad sumagot dahil tumingin muna ako sa kaliwa at kanan ko para siguraduhin kung ako ba ang kinakausap niya. "I'm talking to you Emerald," aniya kaya bumalik ang atensiyon ko sa kanya.

"May gagawin pa po ak—"

"Opo, Sir Troy. Tapos na po shift niyang si Emerald," si Mon ang sumagot kaya nagtataka akong bumaling sa kanya. Lumapit naman siya sa akin para bumulong, "Mas okay sa akin kung ihahatid ka niya Emerald, at least sure akong safe ka," sabi pa niya sabay ngiti sa akin atsaka ipinagpatuloy ang pagma-mop.

"Then...let's go?" tanong ni Sir Troy.

"Sige na Emerald, umuwi ka na. Maaga pa pasok mo bukas 'di ba? Oh, ito gamit mo," nagulat ako ng hawak na ni Mon ang bag ko at iniabot sa akin atsaka ako itinulak tulak palapit kay Sir Troy.

"Ano ba, hindi pa ako nakakapagpalit ng—"

"Sa inyo ka na magpalit. Ano, paghihintayin mo si Sir Troy? Hindi ka ba nahihiya?" pamimilit pa ni Mon kaya wala na akong nagawa. Nahihiya na lang akong humarap kay Sir Troy at parang may kung anong kuryente ang dumaloy sa katawan ko ng bigla niya akong hawakan sa likod at igiya palabas ng restaurant.

Hindi ko alam ang iaakto ko lalo na't naglalakad kami ng magkatabi habang hawak niya pa rin ang aking likod. Pagkarating namin sa tapat ng sasakyan niya ay pinagbuksan niya ako ng pintuan at sa pagkakataong iyon ay lumakas ang kabog ng aking puso dahil napalapit ang mukha niya sa mukha ko. Pero hindi iyon ang pinansin ko kundi ang kanyang amoy. Amoy alak.

"Sir, nakainom po ba kayo?" bigla bigla na lang ay natanong ko.

"A bit. I'm not drunk don't worry, nagkayayaan lang kanina after gig," sagot niya kaya napatitig ako sa kanya ng may pagdududa. Medyo messy ang kanyang buhok at mapupungay ang kanyang mga mata.

"Sir, hindi po ata okay kung magda-drive kayo ng nakainom? A-ayoko pa po mamatay," nag-aalangang sabi ko.

"I'm still in my normal state, Emerald. And besides, I didn't drink a lot kasi alam kong susunduin pa kita. I even left my friends in the bar."

Hindi ako agad nakasagot sa sinabi niya. Bakit parang bigla niyang naging responsibilidad ang pagsundo sa akin? Parte pa rin ba ito ng guilt niya dahil sa mga nangyari sa hotel?

"Sir Troy, hindi niyo naman po kailangang gawin ito. Hindi niyo na po ako kailangang sunduin. Kung nagi-guilty pa rin po kayo dahil sa nangyari sa—"

"I just...want to see you," putol niya sa sasabihin ko.

"P-po?"

Napakamot siya sa batok niya habang ang isang kamay naman ay nasa bulsa ng kanyang jeans. Halatang iniiwas din niya ang mga mata niya sa akin. "Gusto lang kitang makita. That's it. Puwede na ba kitang ihatid?" tanong niya. "Trust me Emerald. I'll send you home safely," dagdag pa niya ng walang makuhang sagot sa akin. Nahalata niya sigurong nagdududa pa rin ako.

"Pero Sir Troy... Sorry na pero ayaw ko lang din po kayong mapahamak. Hindi pa rin po tamang mag-drive kayo ng nakainom," nahihiyang pahayag ko at agad akong nagtaka ng sumilay ang ngiti sa kanyang labi. Kinagat niya pa ang kanyang ibabang labi na para bang pinipigilan niya itong ngumiti.

"You should've told me earlier that you're concern about me, Emerald. Sakay kita, of course I'll drive safely but yeah, if you're scared... let's take a grab then," aniya kaya sumang ayon na lang ako. Mas maigi nga siguro 'yon.

Nag-book agad si Sir Troy ng grab at hindi rin naman nagtagal ang pagdating nito. Iniwan niya ang kanyang kotse sa parking ng restaurant at sinabing babalikan na lang ito bukas. Habang nasa biyahe ay medyo naiilang ako dahil lalong umiksi ang suot kong black na pencil skirt na uniform namin sa restaurant. Alam kong napapansin na iyon ni Sir Troy dahil panay ang hila ko dito pababa. Above the knee lang kasi ang sukat no'n at lalong umiksi ito dahil nakaupo ako. Nakadagdag pa ng ilang ko ang panay na sulyap ng grab driver sa akin sa rear view mirror kaya itinuon ko na lang ang atensiyon ko sa labas ng bintana. Nagulat naman ako ng biglang agawin sa akin ni Sir Troy ang bag ko at inayos ang pagkakatabon no'n sa legs ko. Pero mas nabigla ako sa sunod niyang ginawa. Matapos niyang ayusin ang bag sa pagkakatabon sa legs ko ay humiga siya at ipinatong ang ulo niya doon.

"Sir Troy..."

"Just let me sleep or I'll punch his face," mahinang usal niya. Alam kong 'yung driver ang tinutukoy niya kaya hindi na 'ko umalma pa sa takot na baka nga gawin niya ang kanyang sinasabi. Ipinikit niya ang kanyang mga mata at pinag-cross ang kanyang braso sa ibabaw ng kanyang dibdib. Wala na akong nagawa kung hindi ang pagmasdan na lamang siyang matulog at palihim na mapangiti dahil malaya akong pagmasdan ang kanyang guwapong mukha. Makakapal na kilay na bumagay sa kanyang makakapal na pilik mata. Maging ang kanyang mamula-mulang mga labi ay hindi nakaligtas sa aking mga mata.

"Sir Troy? Nandito na po tayo sa bahay," halos pabulong na sabi ko habang marahang inaalog ang kanyang balikat. Talagang nakatulog siya sa biyahe. Bigla namang kumalabog ang aking dibdib ng idilat niya ang kanyang mga mata at matamang tumitig sa akin.

"I like...your eyes, Emerald," aniya sabay silay ng kanyang pamatay na ngiti bago bumangon at dinukot ang wallet sa bulsa para magbayad sa driver. Hindi agad ako nakaimik o nakakilos sa mga sinabi niya.

"Sir ako na po ang magbabayad."

"I'm hungry," biglang sabi niya na hindi pinansin ang sinabi ko. Pagkaabot niya ng bayad sa driver ay sinamaan niya muna ng tingin ito bago naunang bumaba ng sasakyan atsaka ako sumunod.

"Hindi pa po ba kayo nagdi-dinner?" tanong ko ng makaalis na 'yung sasakyan. Naglalakad na kami papunta sa bahay. Buti na nga lang at hindi nakatambay ngayon sila Japet, baka lalong uminit pa ang ulo nitong si Sir Troy.

"Not yet. After gig diretso inuman e."

Paghinto namin sa tapat ng pintuan ay mabilis kong hinanap ang susi. Nakatalikod ako ngayon kay Sir Troy dahil sinususian ko ang pintuan pero sa totoo lang ay nag iisip ako kung anong sunod kong sasabihin o gagawin. Paaalisin ko na ba siya? Iimbitahan ko ba siya sa loob para magpahinga muna? Ipagluluto ko ba siya? Pero wala naman akong stock ng pagkain sa loob. Kung papapasukin ko siya sa loob, hindi ba awkward na kaming dalawa lang?

"Ah, Sir Troy..." halos pabulong na usal ko ng harapin ko siya. Hindi siya sumagot at nag-angat lamang ng kilay. "Gusto niyo po bang...magkape muna sa loob?"

"Can I?" nakangiting tanong niya kaya napatango na lang ako. Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako lalo na ng pumasok na ako sa loob at nakasunod siya.

"Upo po muna kayo. Pasensiya na po, hindi po gano'n kalaki ang bahay namin."

"I prefer this than a mansion but you always feel alone," sagot niya kaya napatitig ako sa kanya. Natauhan lamang ako ng bahagya siyang tumawa. "Mag-isa ka lang ba talaga dito?" pag-iiba niya ng topic.

"O-opo," pagsisinungaling ko. Mabuti na lamang at itinago ko ang mga litrato ni tatay na naka-display sa sala. Hindi ko ikinakahiya si tatay, sadyang hindi ko lang napipigilan ang aking mga luha na magbagsakan kapag nakikita ko ang kanyang mukha. Isa pa, hindi pa ako handang magkuwento kahit kanino sa sinapit ni tatay dahil alam kong huhusgahan lang nila ito kahit anong pagtatanggol pa ang gawin ko.

"Aren't you...afraid of living in a place like this?"

Ibinaba ko muna ang bag ko atsaka ako dumiretso ng kusina na katabi lang ng sala at nakikita. Naglabas ako ng dalawang tasa at inilagay iyon sa kahoy naming lamesa. Sunod ko namang kinuha ang thermos namin, ang kape at ang asukal. "Dito na ako lumaki sir kaya nasanay na lang din po siguro ako," sagot ko at nagkibit-balikat habang nagtitimpla ng kape.

"Pero 'yung mukha nung mga nasa labas na lagi nating naaabutan mukhang hindi mapagkakatiwalaan," aniya kaya natawa ako.

"Judger ka sir," natatawa pa ring sabi ko atsaka ko hinawakan sa magkabilang kamay ang dalawang tasa at inilapag sa harap niya ang isa. "Siyangapala Sir. Ikaw ba 'yung nag-iwan ng pagkain sa guard kanina sa university?" tanong ko ng makaupo ako sa harap niya.

"Ah, yeah. Why?" wala man lang pagtanggi na sagot niya sabay higop ng kapeng tinimpla ko.

"W-wala naman po. Thank you po pala doon," nag-iwas pa ako ng tingin bago humigop ng kape sa tasa. Ang dami kong gustong itanong. Para saan iyon? Bakit nag-effort pa siyang ihatid iyon ng personal, paano niya nalaman na doon ako nag-aaral at bakit niya ginagawa ang mga ito sa akin. Pero minabuti kong manahimik na lamang dahil baka nga out of guilt pa rin iyon dahil sa nangyari sa hotel.

Kung anu-ano na ang napagkuwentuhan namin habang pareho naming inuubos ang kapeng tinimpla ko kaya hindi na namin namalayan ang oras. Sa oras na magkausap kami, pakiramdam ko ay mas lalo ko siyang nakikilala. Alas dos na ng matapos kami sa pag-uusap namin kaya tumayo na siya at nagpasya na sanang aalis ng pigilan ko siya.

"A-ano kasi Sir Troy..." napapakamot pa ako sa batok ko dahil iniisip ko kung paano sasabihin sa kanyang mag-stay na lang siya dito ng hindi niya ako pag-iisipan ng masama. Delikado na kasi lumabas sa lugar namin ng ganitong oras lalo na't wala pa siyang dalang sasakyan. Wala na ring pumapasok na taxi o grab dito kaya panigurado ay maglalakad siya papunta sa highway para mag-abang ng masasakyan.

"Why?" tanong niya.

"Ano po kasi, uh...delikado na po kasi lumabas ng ganitong oras dito sa lugar namin."

"And?"

"Kung gusto niyo po...kung gusto niyo lang naman po."

"Na?"

"Mag-stay dito? Huwag po kayong mag-alala kahit kayo na lang po gumamit ng kuwarto ko at dito na lang po ako sala. Huwag niyo po sana akong pag-isipan ng masama, nag-aalala lang po talaga ako sa inyo. Baka po ipatapon ako ng tatay niyo sa kung saan kapag may nangyaring masama sa inyo," tuluy-tuloy na sabi ko at nagulat lang ako ng bigla siyang natawa.

"You're so cute Emerald," aniya. "Okay, I'll stay here. You sleep in your room, ako na dito sa sala niyo. Actually, hinihintay ko lang talaga na pigilan mo 'ko," dagdag pa niya.

"Sir baka isipin niyo ano ah...na...sinasamantala ko ito para makasama kayo. Hindi po gano'n sir ah," pagpapaliwanag ko kahit hindi niya naman tinatanong.

"Don't worry. I know you're not like that," nakangiting sagot niya atsaka bumalik sa pagkakaupo sa lumang sofa namin.

Nahihiya akong tumango sa kanya at nagpasalamat. Wala akong ibang nararamdaman ngayon maliban sa awkwardness. Ito ang unang beses na matutulog akong may kasamang lalake sa iisang bubong at ang malala pa, anak pa ng boss ko.

Bahala na. Kesa naman pabayaan ko siyang maglakad ng mag-isa sa daan ng ganitong oras. Baka ma-holdap pa ito. 'Yung suot pa lang niyang t-shirt na kahit plain at simple ay mahahalata mong hindi iyon mumurahin. Idagdag pa 'yung hitsura niyang nagsusumigaw na hindi siya basta basta.

Pumasok ako sa kuwarto ko para kumuha ng unan at kumot atsaka hinatid sa kanya sa labas. Kahit hiyang hiya ay paulit ulit akong humingi ng pasensiya sa kanya dahil parang hindi siya kumportable sa tutulugan niya. Baka nga papakin pa ito ng lamok dito. Pero heto siya at panay lang ang ngiti sa akin at panay ang sabi na matulog na ako dahil ayos lang siya sa sala. Gustuhin ko mang sisihin siya dahil hinatid niya pa ako dito sa bahay, inisip ko na lang na nagmagandang loob lang siya para masigurong ligtas akong makakauwi kaya niya ako hinatid.

"Emerald? Emerald! Gumising ka na diyan kasi may dala akong tinapay almusal natin bago pumasok!" rinig kong sigaw ni Aila mula sa labas kaya nagtakip ako ng unan sa aking mukha. Tuwing umaga na lang siya ganyan. Pupunta sa bahay na may dalang pagkain at bubulabugin ako sa aking pagtulog. "Emerald—ay putek palaman!" narinig ko pang usal niya sa labas matapos kong marinig ang pagbukas ng pinto.

Bumukas ang pinto?

Napabalikwas ako sa pagkakahiga atsaka nagmamadaling bumangon. Si Sir Troy!