"Noong gabi pong iyon," umpisang pahayag ng witness. Tatlong linggo matapos mapagbintangan si tatay at makulong, ngayong araw ang hatol sa kanya. Nanginginig at nangingilid ang aking luha habang nakaupo ako sa harap at matamang tinititigan ang witness habang nakaharap sa amin. Puno ng pagmamakaawa ang aking mga mata ng magtama ang aming mga tingin. Siya si Tito Aldy. Matalik siyang kaibigan ni tatay at kasama sa trabaho. Madalas siyang bumibisita sa bahay para dalawin si tatay dahil bukod sa matalik silang magkaibigan ay magkababayan sila at sabay na lumaki. Malaki ang tiwala ko kay Tito Aldy na sasabihin niya ang totoo dahil nangako siya sa akin at sa korteng ito na pawang katotohanan lamang ang ilalabas ng kanyang bibig. Ngunit nagtaka ako ng bigla itong mag-iwas ng tingin ng bigyan ko siya ng isang ngiti.
"Continue," ma-awtoridad na sabi ng abogado ng kabilang kampo.
"N-napagalitan po ng boss ko si Enrico. Rinig ko pong sinisigawan siya ni boss dahil sa kapalpakang ginawa niya kaya...galit na galit po ang amo namin at panay ang sigaw kahit 'di siya naririnig ni Enrico. Sa katunayan ay madalas siyang pagalitan ni boss dahil nga...sa kapansanan niya ay madalas silang nagkakaroon ng hindi pagkakaintindihan. Kasalukuyan po akong naglilinis no'n malapit sa kitchen kung saan sila naroroon. Sarado na po ang bar no'n kaya kami kami na lang ang tao, kami ni Enrico para maglinis at si boss," panay ang yuko ni tito Aldy habang sinasabi iyon. Kitang kita ko rin ang pagkunot ng noo ni tatay habang nakatitig kay tito Aldy na kahit hindi naririnig ang sinasabi ay alam niyang nagsisinungaling ito. "Nagtaka ako kung bakit sumisigaw si boss kaya sumilip ako at kitang kita po ng mga mata ko kung paano tingnan ni Enrico si boss ng masama habang nakatalikod ito," dagdag ni tito Aldy kaya kusang nagbagsakan ang luha ko. Kung kanina ay puno ng pagmamakaawa ang aking mata ng magtama ang aming paningin, ngayon naman ay puno na ito ng katanungan.
"Pagkatapos mong makita iyon, maaari mo bang isalaysay kung ano ang mga sumunod na nangyari?" tanong ng abogado.
Tiningnan ko ang abogado ni tatay ngunit nadismaya lamang ako sa inaasal nito. Nakasandal lamang ito sa swivel chair niya at naka-cross arms habang tamad na pinapakinggan ang kasinungalingang isinasalaysay ni tito Aldy.
"Nagulat na lamang ako noon ng biglang dumampot si Enrico ng kutsilyo. Pipigilan ko pa sana siya pero huli na dahil saktong pagharap ni boss ay naisaksak na niya ito sa tagiliran."
"Sinungaling!" biglang sigaw ko. "Tito Aldy, alam mong hindi 'yan kayang gawin ni tatay!" dagdag ko pa habang lumuluha at pinipigilan ako ni Aila at Mon na nakaupo sa magkabilang side ko. Walang tigil ang aking pagluha lalo na ng hindi man lang ako matingnan ni tito Aldy ng diretso sa mata.
Muli lamang akong napaupo ng magsalita ang judge at sinabing ipagpatuloy ang salaysay ni Tito Aldy.
"Pero ayon sa mga pulis, walang malay at may sugat sa ulo ang suspek ng datnan nila ito sa crime scene," pahayag muli ng abogado.
"Opo. A-ako po ang may gawa no'n. Sa sobrang taranta ko po kasi sa ginawa ni Enrico ay sinugod ko siya at hinampas ng vase. Hindi po ako hihingi ng tawad sa kanya dahil walang kapatawaran ang ginawa niya sa aming amo na tinulungan siya at pinatuloy sa kabila ng kanyang kapansanan."
"Your honor, ito ang mga nakuha naming ebidensiya na tumutugma sa salaysay ng witness," mariing saad ng abogado ng kabilang kampo at iniabot ang ilang papel sa Judge na malugod naman nitong tinanggap at sinuri. "Natagpuan ang mga basag na piraso ng vase sa paligid ng suspek at tumugma ang sample ng dugo na nakuha dito sa dugo ng suspek sa isinagawang DNA test kamakailan. Malakas din ang ebidensiyang natagpuan ang suspek na walang malay habang hawak ang kutsilyong ginamit sa pagpatay sa biktima," dagdag pa nito.
Hindi umalma ang abogado na nakuha ko sa lahat ng bintang na ibinabato kay tatay. Kitang kita ko ang masakit na pagngiti ni tatay sa akin at ang marahang pagtango niya. Hindi man niya naririnig ang paligid, alam kong naiintindihan naman niya ang mga nangyayari. At habang tumatagal ako sa loob ng kuwartong ito ay pabigat lamang ng pabigat ang aking nararamdaman.
"Based on the evidences submitted in the court, the defendant, Enrico Valenzuela has found guilty beyond reasonable doubt..." hindi ko na naintindihan ang mga sumunod pang sinabi ng court clerk sa naging hatol kay tatay at ang narinig ko na lamang ay huling pukpok ng Judge sa kanyang gavel bago ito tumayo at nilisan ang court room.
Tumakbo agad ako sa abogado na nasa tabi ni tatay na nakuha pang magkibit-balikat sa akin matapos ng mga nangyari. Agad ko siyang hinatak at kinuwelyuhan. Agad rin akong pinigilan ni tatay kahit na may posas ang kanyang mga kamay. "Hayop ka! Nangako kang gagawin mo ang lahat para mailabas si tatay! Walang hiya kayong lahat!" hindi ko na napigilan ang sarili ko. Nabitawan ko lamang siya ng higitin ako palayo ng mga pulis at mabilis akong ginabayan nina Aila at Mon.
Hindi sumagot ang abogado at maktol lamang nitong inayos ang nagusot na damit bago kami iniwan doon. Umiiyak akong hinarap si tatay na pilit akong nginitian habang hawak siya ng dalawang pulis sa magkabilang braso. "Hindi niyo na kailangang gawin 'yan! Hindi masamang tao ang tatay ko!" galit na sabi ko sa mga pulis habang pilit silang inilalayo kay tatay.
Natigil lamang ako sa aking pagwawala ng hawakan ni tatay ang magkabila kong pisngi at sumenyas na tumahan na ako. Wala akong nagawa kung hindi ang yakapin na lamang siya ng mahigpit at paulit ulit kong sinabi na mahal ko siya at paulit ulit na patawad dahil nabigo ko siya sa pagkakataong ito kahit hindi niya ako naririnig. Inilayo na ng mga pulis si tatay sa akin atsaka inilabas para ibalik sa kulungan kaya wala na akong nagawa kung hindi ang humagulgol. Niyakap ako ni Aila ngunit ni katiting ay walang nabawas sa sakit at bigat na nararamdaman ko.
"Maraming salamat, Aldy. Nang dahil sa'yo ay nabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng anak ko," rinig kong sabi ni Mrs. Elgarda kay tito Aldy, ang ina ng amo ni tatay na namatay. Mugto ang kanyang mga mata ngunit bakas ang kasiyahan sa kanyang mukha. Tumingin pa ito ng masama sa amin bago umalis ng ngiti lamang ang isagot sa kanya ni tito Aldy.
Pagkaalis ni Mrs. Elgarda ay dali-dali akong lumapit kay tito Aldy. Mas mahinahon na ako ngayon kumpara kanina pero sa totoo lang ay gusto kong saktan ang lahat ng taong nanakit sa tatay ko. "Hindi ko akalaing mabibili ang dignidad mo tito Aldy. Pinagkatiwalaan ka ng tatay sa loob ng mahabang panahon. Itinuring ka niyang parang tunay na kapatid, na kahit walang wala din siya ay hindi ka niya kinalimutan kahit saglit. Ikaw at ang pamilya mo. Alam kong alam mong hindi iyon magagawa ng tatay ko sa kahit na sino. Hinihiling ko tito Aldy, sana...sana patulugin ka ng konsensiya mo, ikaw at 'yung totoong may sala sa ginawa niyo sa tatay ko," mahinahon ngunit puno ng hinanakit ang mga salitang iyon na binitiwan ko. Hindi ko gustong sumabatan si tito Aldy sa lahat ng naging tulong ni tatay pero mas nanaig sa akin ang pagiging traydor niya bilang kaibigan. Totoo nga ang sabi nila, 'yung mga mas malapit sa'yo ang tutuklaw sa'yo balang araw.
Bago pa siya makasagot ay tumalikod na ako. Hindi ko na masikmura na makita pa siya ng mas matagal dahil baka kung ano pa ang magawa ko at hindi iyon magugustuhan ni tatay.
"Emerald, sige na, kumain ka na please? Kanina ka pa hindi kumakain e," malambing na usal ni Aila sa likod ko. Nakauwi na kami sa bahay pero dumiretso lang ako sa kuwarto ko at humiga sa papag na gawa pa ni tatay. Niyakap ko ang unan na binili niyang regalo para sa akin nung maging Dean's lister ako sa university. Sobrang bigat sa pakiramdam at parang gusto ko lang matulog maghapon, baka sakaling maibsan ang sakit kahit saglit.
"Sorry Aila, pero...gusto ko munang mapag-isa," umiiyak na sabi ko ng hindi man lang siya hinaharap.
Tanging buntong-hininga na lamang niya ang narinig ko at doon na ako umiyak ng umiyak ng marinig ko ang marahang pagsara ng pinto.
Alas sais ng hapon ay tamad akong bumangon para pumasok sa restaurant. Hindi ako pumasok sa shift ko kanina sa hotel dahil nga sa trial ni tatay pero pinayagan naman ako ng supervisor ko. Nagtataka nga ako dahil pinayagan niya 'ko agad kahit hindi ko pa nasasabi ang dahilan bakit hindi ako makakapasok.
Pagkarating ko sa restaurant ay pinilit kong umarte na okay lang ako. Kailangan kong ngumiti dahil iyon ang unang rule sa amin.
"Dapat hindi ka na muna pumasok, Emerald. Ipinagpaalam na kita sa manager natin at pumayag naman siya," ani Mon. Abala ako sa paglalagay ng order sa tray dito sa kitchen habang siya ay sunod lang ng sunod sa akin.
"Anong idinahilan mo kay ma'am?" kunot noong tanong ko sa kanya.
"Huwag kang mag-alala, hindi ko sinabi ang tungkol sa tatay mo. Sinabi ko lang na masama ang pakiramdam mo," pabulong na usal niya dahil baka marinig kami ng mga kasamahan namin. Kung sa university ay maraming nakakaalam ng sinapit ni tatay, sa hotel at sa restaurant na pinagta-trbahuhan ko naman ay tanging si Mon lang ang nakakaalam. Baguhan lang ako sa hotel at dalawang buwan pa lang ako dito sa restaurant kaya hindi nila alam kung ano ang nangyayari sa buhay ko. Maganda na rin iyon dahil ayoko ring pinapakealaman ng kung sino ang buhay ko. Tinitiis ko lang ang tsismis sa akin sa university tutal naman ay malapit na rin akong magtapos.
Hindi ko na siya pinansin pa dahil ihahatid ko pa 'yung order nung bagong dating na customers.
"Here's your order Ma'am, Sir. Enjoy your dinner together," pilit ang ngiting saad ko ng ibaba ko ang order sa table nung bagong dating na customer.
Babalik na sana ako sa kitchen para asikasuhin ang iba pang orders ng mapansin ko ang kakapasok lang na customer sa engrandeng entrance ng restaurant. Si Sir Troy...kasama 'yung malditang babae na natapunan ng frappe 'yung damit dahil nabangga ko. Kumunot ang noo ko ng makitang mag-bow ang lahat ng kapwa ko waiter at waitress sa pagdating niya kasama ang manager namin.
"VIP customer ata," bulong ko sa sarili ko.
Tumalikod na ako at akmang babalik na ng kitchen ng lumapit sa akin ang manager. "Emerald, ikaw na ang mag-asikaso," aniya at marahan akong itinulak palapit kila Sir Troy kaya wala akong nagawa. Tinanguan niya lang ako ng nagtataka ko siyang tingnan.
"G-good evening Sir, good evening ma'am," napipilitang bati ko sa kanila. Hindi ko alam kung bakit ako ang itinulak ng manager ko na mag-asikaso sa kanila.
"Wait, you look familiar," biglang sabi nung babaeng kasama ni Sir Troy na Maegan ang pangalan sa pagkakatanda ko. Agad akong nag-iwas ng tingin ng titigan niya ako.
"Good evening ma'am," wala na akong masabi kaya inulit ko na lang ang pagbati ko sa kanya.
"Maegan, enough. You're scaring her," sabat ni Sir Troy ng hindi tumitingin sa kasama dahil nasa menu ang kanyang atensiyon.
"What the heck, Troy? Wala pa nga akong ginagawa sa kanya. You're so OA," maarteng sagot nung Maegan na nag-cross arms at inirapan lang ako.
"I want—wait, did you cry?" biglang tanong ni Sir Troy ng balingan niya ako.
"A-ako po? Umiyak? Hindi po," pagde-deny ko at agad akong nag-iwas ng tingin.
"You're lying."
"Troy, why do you care if she cried or not? It's none of your business," sabat ni Maegan pero hindi siya pinansin nito. Ni hindi man lang din siya tinapunan nito ng tingin dahil nasa akin ang buong atensiyon nito na siyang ikinailang ko.
"I told you to call me immediately if something happens."
"Wait, Troy. Do you know her?" sabat na naman ni Maegan pero sa ikalawang pagkakataon ay hindi na naman siya pinansin nito.
"Sir, okay lang po ako. Medyo masama lang po ang pakiramdam ko kanina," paliwanag ko at hindi ko alam kung bakit kailangan kong gawin iyon.
"Then you shouldn't be here. Let's go, I'll take you home so you can rest," nagulat ako ng bigla itong tumayo at hinatak ako sa kamay.
"What the fuck Troy! Dinadala dala mo 'ko dito tapos iiwan mo rin ako?" rinig kong maktol ni Maegan na nakakuha ng atensiyon ng ilang customers.
"Sir, may trabaho pa po ako dito hindi po ako puwedeng—" natigil ako ng tumigil din si Sir Troy nung nasa bandang glass door na kami palabas. Nauntog pa nga ako sa likod niya sa bigla niyang paghinto. Sumilip ako para malaman kung bakit siya nahinto at nakita ko doon ang isang kagalang galang na lalake. Hindi pa siya gano'n katanda pero sa awra nito ay mahahalata mong respetado ito at kinatatakutan. Nagtaka pa ako ng biglang mag-bow ang security guard at ang dalawang receptionist ng makita ito. Maging ang mga kapwa ko waitress at waiter na napapapadaan ay nagba-bow at binabati ito.
"What do you think you're doing Troy? Saan mo dadalhin ang staff ko?" biglang tanong nung lalake kaya nanlaki ang mata ko.
Bigla akong tinablan ng kaba ng balingan ako nito at seryosong tinitigan. Siya pala ang boss namin at ang may ari ng restaurant na ito. Taranta kong binawi ang kamay ko na hawak ni Sir Troy atsaka nag-bow dito. "G-good evening po Sir," nauutal na bati ko. Sa loob ng dalawang buwan na pagta-trabaho ko ay ngayon ko lamang ito nakita.
"She's sick and she needs to rest," masungit na sagot ni Sir Troy kaya umahon ako at nagtatakang tiningnan siya. "We need to go and you're blocking our way Dad," dagdag pa nito atsaka ako muling hinatak sa kamay palabas.