Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Moving On (Tagalog)

🇵🇭KathangGleana
--
chs / week
--
NOT RATINGS
9.3k
Views
Synopsis
Gaano ba kahirap gawin ang move on? Dalawang salita, anim na letra... Madaling bigkasin, mahirap gawin. Madaling tandaan, mahirap kalimutan. May paraan nga ba para makalimot? May time span ba para makalimot? You can't forget the person itself but you can forget your feelings towards that person.
VIEW MORE

Chapter 1 - Chapter 1 : Bitter Queen

REO'S POV:

"Aray!"

"Sorry," I sarcastically said sabay smile then roll eyes then turn my back to them and I walked away with poise.

"Ang weird niya," huli kong narinig na sabi ng babae habang naglalakad ako palayo.

Ganito lagi ang eksena. How would I describe this? Basta ayaw ko nakakakita ng mga couple. Lalo na 'yung masayang couple! I hate it!

"Another couple sa harap ko. Same settings parang kanina. Thus, I'll use the same strategy." Devil smile.

Holding hands 'yung couple sa harap ko kaya dumaan ako sa pagitan nila. My goal? Paghiwalayin ang mga kamay nila. HA-HA-HA-HA-HA.

"Ano bang problema mo?" parang nabasag ear drums ko sa sobrang lakas ng boses ng babae.

Parang natatakot ako lumingon. Mukhang anytime ready makilaban 'yung babae.

Thus, go! I ran!

One...

Two...

Three...

Four...

Five...

Limang hakbang. Limang hakbang bago ako huminto at lumingon.

"I'm sorry!" medyo pasigaw 'yung pagkasabi ko para rinig na rinig nila.

Pero...

Biglang nawala 'yung ngiti sa labi ko nang mamukhaan ko kung sino 'yung couple na 'yun.

Na stuck ako sa kinatatayuan ko. An unexpected incident happened at an unexpected time.

"Reo?"

After hearing him saying my name, biglang namuo 'yung luha ko sa mga mata.

It's been two years pero hanggang ngayon, masakit pa rin. The pain still exist.

I composed myself. Don't act like a fool in front of them. Reo! Come to your senses!

I forcedly smiled at them. I walked toward them confidently.

"Ikaw pala. It's been a while," naka-smile kong saad kay Mat--- ang ex-boyfriend ko. Kunyari okay lang ako. Kunyari masaya ako na makita uli siya.

Nilipat ko 'yung tingin ko sa babae.

"Sorry talaga," I said in my apologetic voice. Kunyari sincere ako. Kunyari nagsisisi talaga ako sa ginawa ko.

Inhale...

"Haharang-harang kasi kayo sa daanan. Ang bagal niyo pa mag-lakad. Kala niyo sainyo 'yung daan. Tapos ano? Magkahawak pa ang kamay ninyo? Parang wala talaga kayong balak magpadaan!" Exhale. Let my angriness burst.

"Teka. Hindi ko gusto yang tono ng--"

"Eto ba?" I cut her off sabay tinignan ko siya mula ulo hanggang paa.

"So sa kanya mo pala ako pinagpalit?" I intentionally said this to insult the girl.

"Reo, tama na," Mat said. With the tune of his voice, he is convincing me to stop the mess I started.

"Sa may malaking boobs ka na pala ngayon attracted," natatawa kong bulalas habang nakatingin sa hinaharap ng babae.

"Kainis! Baliw ka ba?" napipikon na saad ng babae sabay takip sa hinaharap niya gamit ang dalawa niyang braso. Nahiya pa siya. Tsk!

"Nakakatawa lang. Sayang hindi ko na figure out nang mas maaga," I sarcastically said.

Salit ko muna sila tinignan bago ko sila tinalikuran.

"Babe, sino ba siya?"

Napahinto ako sa narinig ko.

Hinarap ko ulit sila.

"Babe?" I laughed out loud. Hindi ko napigilan.

"You promised na ako lang ang babe mo, remember?" I paused for a while. "Ah, alam ko na! Siya na ba 'yung substitute mo? Usually pagka-substitute, lower quality para mas affordable," in my sarcastic voice.

"Take your time to argue. Iiwan ko na kayo. Have a nice day," my last words to them bago ko sila tuluyang iniwan.

I walked as fast as I can. Hindi na ako nag-abalang lingunin pa sila. Sa aking paglalakad, nararamdaman ko ang unti-unting panginginig ng mga tuhod ko.

Huminto muna ako sa Ayala triangle at umupo sa isa sa mga bench.

Dito ko naramdaman lahat ng kaba ko na kanina ko pa pinipigilan.

Nilabas ko 'yung cellphone ko at muling pinagmasdan ang picture namin together ni Mat.

"Ang sabi mo sa akin no'n kailangan mo lang ng space. Pinagbigyan naman kita. Hindi ko naman akalain na may isisingit ka pala sa space na hiningi mo," may kung anong kirot kong saad habang nakatingin pa rin sa pictures namin together.

"Hindi ka naman nakipaghiwalay. Hindi tayo nagbreak. Ang buong akala ko babalik ka. Naghintay ako at naghihintay pa rin. You left me without any closure. Tapos ngayon, may nahanap ka na pa lang iba," mangiyak ko pang dugtong. Tumingala ako sa langit at pinikit ang aking mga mata. Pilit kong pinipigilan ang luhang kanina pa gusto kumawala.

"Pangako, ikaw lang ang babe ko."

"Hinding-hindi tayo maghihiwalay. Mahal kita at patuloy na mamahalin."

"Masaya ako ngayon na kasama ka. Ikaw talaga nagpapagaan ng pakiramdam ko."

"No one else comes close to you, Reo. You're such a special girl to me."

"'Wag na 'wag kang nagpupuyat. Laging mag vitamins at kumain ng madami para hindi ka magkasakit."

"Nasasaktan ako sa t'wing nasasaktan ka. Kaya please, be happy."

Hanggang ngayon tandang-tanda ko pa ang matatamis na linya mo sa akin noon. Masaya tayo. Wala namang problema. Hindi tayo nag-away nang araw na 'yon.

"Babe, gusto ko munang hanapin sarili ko. Kailangan ko ng space," naka-yukong saad ni Mat.

"Babe, tignan mo ako sa mata... Anong ibig mong sabihin?" nanginginig ang boses ko habang tinatanong sa kanya ito. "Nakikipaghiwalay ka na ba?" dugtong ko pa at kasabay nito ang pagbagsak ng luha ko.

"Hindi babe. Gusto ko lang munang makapag-isip. Naguguluhan na kasi ako sa mga nagdaang araw." Marahan niyang pinunasan ang luha ko gamit ang kanyang hinlalaki.

"May problema ba?" mapag-alinlangan kong tanong.

"Ako ang may problema. Intindihin mo muna ako babe. Mahal na mahal kita. 'Wag kang mag-isip ng kung ano-ano," paliwanag niya.

"'Wag mag-isip? Sa kabila ng sinabi mo, 'wag mag-isip ng kung ano-ano? Para na nga akong mababaliw," dire-diretso kong saad at napahagulgol ako.

Niyakap niya ako ng mahigpit. Kahit maraming tao ang nakakakita sa amin dahil nasa Ayala triangle kami, hindi ko ito pinansin.

Nararamdaman ko ang paghaplos niya sa likuran ko para patahanin ako sa pag-iyak.

Maya-maya pa'y unti-unti niyang hinarap ang mukha ko sa kanya. Nakahawak ang dalawa niyang palad sa magkabila kong pisngi.

Napapikit ako sa biglang paghalik niya sa aking labi. I love this feeling. I kissed him back.

After that, he kissed my forehead. Tinapat niya ang bibig niya sa tainga ko, "cool-off muna tayo," his last word to me tapos walang sabi-sabing iniwan akong mag-isa.

----end of chapter 1---