Chereads / Moving On (Tagalog) / Chapter 3 - Chapter 3: Club

Chapter 3 - Chapter 3: Club

REO'S POV

"Sabihin mo! Saan ako nagkulang? Bakit mo ako iniwan? Tapos ngayon babalik ka? Para ano?" kunot noo kong saad habang nakaturo ako sa kanyang mukha.

"O, bakit hindi ka ngayon makapagsalita? Ha?" dugtong ko pa.

"Meow!" tapos naramdaman ko na lamang ang balahibo ng aking pusa sa aking hintuturo.

Nanlalambing nanaman.

Mabilis ko itong binuhat at niyakap.

"Bakit saan ka ba kasi nanggaling at ngayon ka lang umuwi? Kahapon pa kita hinahanap."

"Meow!"

"Wala ka bang ibang alam isagot kung hindi meow lang?"

"Magtaka kung biglang tumahol 'yan," saad ni Xia na ikinagulat ko. Bigla siyang bumangon mula pagkakahiga sa couch.

"Anong ginagawa mo rito? Bakit andito ka sa condo unit ko?" nagtataka kong tanong kay Xia. Ako lang kasi ang may hawak ng susi sa unit na 'to bukod sa may hawak ng master key.

"Maang-maangan lang?" ang tanging sagot niya at dumeretso siya sa refrigirator. Kinuha niya 'yung pitsel na may tubig at kinargahan ang baso.

"Bakit mo suot 'yang damit ko? Tapos..." napatingin ako sa suot ko.

"Hindi mo ba talaga maalala?" kunot noo niyang tanong sa akin sabay tinungga niya ang basong may tubig.

"May nagyari ba sa atin?" tanong ko sa mahinang boses dahilan para maibuga niya 'yung tubig na iniinom niya sa aking mukha.

Parehas nga pala kaming babae. Saan napunta ang utak ko?

"Xia! Kadiri ka!" Mabilis na tumalon ang aking alagang pusa at ako nama'y dumeretso sa lababo para maghilamos.

"Ikaw ang nakakadiri!" Sinundan ako ni Xia sa lababo. "Mas mabuti nga sigurong kalimutan mo na 'yung nangyari," dugtong pa niya.

"Ano ba kasi ang nangyari?" tanong ko. May pa-suspense pa kasing nalalaman.

"Punasan mo nga muna 'yang mukha mo! Tumutulo 'yung tubig sa sahig." Tinalikuran na ako ni Xia at naglakad pabalik sa couch.

"Ang lakas nga ng katawan mo, hindi ka nag hangover," bulong pa niya habang naglalakad.

"Anong sabi mo?" hindi ko kasi naintindihan.

"Wala!"

"Bilisan mong gumayak! Magja-jogging pa tayo!" Pahabol na sigaw pa ni Xia nang papasok ako sa cr.

Weekend ngayon kaya walang pasok. Balak ko sanang matulog lang maghapon. Kaso nandito 'yung kaibigan kong masyadong secure sa katawan.

"Saan tayo magja-jogging?" pasigaw 'yung tanong ko para marinig niya ako.

"Ayala triangle hanggang BGC Taguig!" she shouted back.

"Seryoso ka ba? Nagbibiro ka lang 'di ba? Ang layo kaya ng Makati sa Taguig," tugon ko. Medyo mahina ang boses ko sa last na sinabi ko.

Wala akong narinig na sagot mula kay Xia kaya binuksan ko na lang ang shower at sinimulan kong basahin ang aking katawan.

Pero, ano ba talaga ang nangyari? Kit? Tama! Si Kit nga!

"Walang hiya kong ex, may iba na pala. Samantalang ako, nagmo-move on pa lang," gigil kong saad sabay tungga sa bottled alcohol. Hindi ko alam kung anong alcohol ito. Basta sabi ko sa bartender, 'yung strongest alcohol. Hindi na rin ako gumamit ng shot glass.

Dumeretso ako sa Club after work. Weekend naman bukas kaya walang problema.

Nang medyo may tama na ako, pumunta ako sa dance floor. Ramdam kong gumegewang na rin ang lakad ko.

"Wooh!" Sigaw ko tapos nakataas ang kanang kamay ko. Turo-turo sa itaas sabay sinusundan ang beat ng tugtog.

Gano'n kasi karamihan sa step nila. Nakataas ang kamay na parang may tinuturo sa taas kaya nakigaya lang ako. Unang beses ko rito.

"A-Aray!" Bigla na lang may humila sa braso ko.

"Umuwi ka na, naka-inom ka na!" Saad sa akin ni Kit sa malakas na boses. Maingay kasi rito sa loob ng bar.

"Umuwi ka kung gusto mo!" Pinilit kong kumalas sa mahigpit na hawak sa akin ni Kit.

Naglakad na lang ako papunta sa puwesto ko kanina.

Umupo ako at nang akmang itutungga ko nanaman ang alcohol, pinigilan ako ni Kit.

"Tara na. Ihahatid na kita!" Sa malakas pa rin niyang boses.

Hindi na ako nakipagtalo pa pero hindi ko siya sinunod. Naka-upo pa rin ako at unti-unting tumulo ang luha ko. Sobrang bigat na talaga ng nararamdaman ko. Halos dalawang taon ko siyang hinihintay. May iba na pala siya.

"May mali ba sa akin, Kit?"

"Wala, Reo. 'Wag mo na pahirapan sarili mo. Tama na 'yan at ihahatid na kita," tugon ni Kit.

"Anong wala? Meron! Bakit niya ako iniwan kung wala?" nagsimula nanaman akong humagulgol.

"Hinintay ko siya. Kahit alam kong malabo na ang balik niya. Mahal ko siya e, mahal na mahal. Sa sinabi niyang cool-off, na ang ibig sabihin pala ay break up. Sinubukan ko naman mag move on! Pero hindi ko kinaya!" dire-diretso kong saad tapos pinilit kong inagaw kay Kit ang bote ng alak at tinungga ito.

"Almost four years ang relationship namin. Pero in just blink of an eye, nawala lahat. Gumuho parang bula lahat ng pangarap ko para sa aming dalawa." Kahit nararamdaman kong basa na ng luha ang mukha ko, tinuloy ko pa rin ang pag-iyak.

"Ngayon lang nagkaroon ng kasagutan sa tanong ko. Sa wakas, after two years, may sagot na," I dramatically said. Hindi ko mapigilan ang paghikbi. "Ang saya 'di ba? Ang saya, Kit. Kaya ako nandito ngayon to celebrate. Let's celebrate! Sobrang saya ko!" dugtong ko pa at lalong lumakas ang aking paghikbi.

Tumayo ako para pumunta ulit sa dance floor nang sapilitan akong nilabas ni Kit sa bar. Binuhat niya ako na parang sako.

"Ano ba, Kit! Ibaba mo nga ako!" Pagpupumiglas ko pero hindi niya ako pinakinggan.

"Tulong! Tulong! Tulong! Holdap! Kidnap! Rape!" Sigaw ko. Baka sakaling may tumulong sa akin. Pero parang walang namamansin.

Nang marating namin ang parking lot, binato niya ako sa loob ng kotse niya.

"Aray! Kanina ka pa!"

Hindi na niya ako pinansin pa at sumakay na lang siya sa driver's seat.

"May problema ba, Kit? Bakit parang malungkot ka?" tahimik lang kasi siyang nagmamaneho. Nabibingi ako sa katahimikan.

"Kantahan na lang kita." I cleared my voice.

"Hindi ako bitter, sa sinabi mong forever," simula ko.

"Hindi ako bitter, sa sinabi mong forever. Yeah! Hindi ako bitter, sa sinabi mong forever. Hindi ako bitter, sa sinabi mong forever. Hindi----"

"Shut up!" Sigaw niya sa akin. Nabigla ako sa reaksyon niya kaya natahimik ako.

"Hindi!" Sigaw ko mula sa cr nang maalala ko ang nangyari kagabi.

"Bakit? Anong nangyayari sa 'yo?" Mabilis na tumakbo si Xia sa cr. Kinakalampag niya ang pintuan habang pilit niyang iniikot ang door knob.

"Anong sumunod na nangyari pagkatapos kong kumanta?" nahihiya kong tanong.

"Talagang hanggang diyan lang ang naalala mo?" she paused for a while. "Sumuka ka lang naman sa loob ng kotse ni Sir Kit. Hindi ka pa nga nakuntento, habang buhat ka niya papunta rito sa condo mo, sumuka ka ulit at sa kanya pa mismo. Imbes na mag sorry ka, sinampal mo siya. Hindi lang sa kaliwang pisngi niya, pati rin sa kanan," paliwanag niya.

Napasapo ako sa noo ko sa nalaman ko. Lagot!

"Mag tender ka na ng resignation mo. Tutulungan kita maghanap ng panibagong trabaho," dugtong pa ni Xia.

Ang malas ko talaga.

------END OF CHAPTER THREE-----